You are on page 1of 10

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 5:
Kalidad Ng Aking Gawain,
Kaya Kong Ipagmalaki!

AIRs- LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlongng Markahan – Modyul 5: Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kung
Ipagmalaki!
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hind

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ailen O. Mariano- T- III

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos, Jr. P - II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa nakaraang aralin, natutunan ang mga paraan upang mapanatili


ang ating likas na yaman.
Sa araling ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang kakayahan at pag-
unawa sa:

- Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa


pamantayan at kalidad (Esp6PPP-IIIg.38).

Mga layunin sa pag-aaral:


1. Masusuri ang mga gawaing nagpapakita ng etiko sa paggawa
2. Matutukoy ang mga paraan upang magpakita ng etiko sa paggawa sa
pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at kalidad ng produkto o
serbisyo, at
3. Magagawa ang plano upang mahikayat ang kapuwa na magkaroon ng
etiko sa paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at
magandang kalidad ng produkto o serbisyo.
Simulan

Gawain 1 : TAMA O MALI?

Panuto: Isulat ang tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng etiko ng


paggawa at mali kung hindi.

_________1. Mas maganda pang gugulin ang oras sa paggawa para maganda
ang kalabasa nito.
_________2. Sa paggawa ng anumang gawain, dapat sundin ang mga
pamantayan nito para pumasa sa kalidad ng gawain.
_________3. Mag-isip ng kakaibang disenyo at huwag manggagaya para
maging iba sa lahat.
_________4. Ipinasa ni Jonas ang kanyang proyekto sa EPP kahit na may
kulang pa ito dahil baka pagalitan nito ang kanyang guro.
_________5. Gumamit ng murang kasangkapan si Mang Artemio sa paggawa
ng silya kahit alam niyang madali itong masira total ibebenta
lang naman niya ito.
_________6. Ang salitang “pwede na” ay isang pamantayan para tawaging de
kalidad ang isang gawain.
_________7. Pinili niyang bilhin ang mas mahal na kagamitan dahil alam
niyang matibay ito kesa bumili ng mura madali namang masira
_________8. Nagsaliksik at nagtanong tanong muna si Ariel tungkol sa
kanyang gagawing proyekto bago niya umpisahan ito.
_________9.Pwede mong ipagmalaki kahit kanino ang iyong gawa kung ito ay
pumasa sa pamantayan sa paggawa o quality standard.
_________10.Matatawag na kalidad ang isang kasangkapan o gamit kung ito
ay ginagamit ng 10 taon pataas.

Lakbayin

Ang etiko sa paggawa ay ang pagsunod sa tamang pamantayan sa


paghahatid ng produkto o serbisyo. Ang kalidad sa gawain ay ang antas o
quality ng pagkakagawa ng anumang produkto o serbisyo. Ipinapatupad
ang quality control upang matiyak na ang gawa at produkto ay naayon sa
mataas na kalidad.
Ang salitang “pwedeng pwede na” ang dapat maging pamantayan ng
sinumang manggagawa. Dapat na siya ay may hangaring makasunod sa
pamantayan at mataas o de kalidad na trabaho.Ang kaniyang gawa,
serbisyo o produkto ay maari niyang maipagmamalaki kahit kanino.
May mga pamantayan sa pag angat sa kalidad ng serbisyo, ito ay ang mga
sumusunod:
1. Panahon- Gaano kabilis ang iyong paggawa? Gaano sila katagal mag-
aantay sa produkto o serbisyo na iyong ibibigay?
2. Takdang Oras – maibibigay mob a sa takdang oras ang serbisyo o
produktongng ipinangako mo? Nakatutupad k aba sa araw/oras na
ipinangako mo?
3. Kumpleto – Naibibigay mo ba ng buo ang inaasahan sa iyo o baka
paunti-unti ang pagsususmite mo sa mga inaasahan sa iyo?
4. Paggalang- Naibibigay mo ba ang paggalang maging sa mga batang
katulad mo o baka namimili ka lang ng mga taong igagalang mo?
5. Hindi Pabago-bago- buong kahusayan mo bang ginagawa ang mga
nakatakda sa iyo sa lahat ng panahon?
6. Tiyak- Tama ba ang ginawa mo?
7. Kakayahang Tumugon- madali mo bang mabibigyan ng solusyon ang
tanong at di inaasahang problema? Nakhanda ka bang tumugon kung
kinakailangan ang iyong tulong?
8. Nakasusunod sa Tamang Instruksiyon – binabasa o iniintindi mo
bang mabuti ang mga panuto o onstruksiyon bago ka gumawa ng
anumang bagay?
9. Naabot ang Inaasahan - naabot mob a ang quality ng gawa na
inaasahan sa iyo? Mahalaga na nahihigitan mo pa ang mga
inaasahan sa iyo?
10. Mapagsalamat – palagiang magpasalamat sa mga gawain o serbisyo
na natapos mong gawin higit lalo kung may mga tao na tumulong sa
iyo para matapos mo ang mga bagay o gawaing ito.

Subukin

Gawain 2
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga sitwasyon. Pagkatapos
lagyan ng tsek (/) ang nagpapakita ng kalidad ng gawain at ekis (x) kung
hindi.
______ 1. Nasunod mo ba ng tama ang mga pamantayan sa paggawa kung
ito ay may nakitang mali?
______ 2. Gumamit ka ba ng mga maayos at matibay na kasangkapan sa
iyong proyekto?
______ 3. Puwede mo bang ipagmalaki ang iyong ginawang proyekto dahil
nasunod mo lahat ng pamantayan sa paggawa?
______ 4. Pinag-aaralan at iniintindi mo ba ang mga panuto bago mo gawin
ang isang proyekto?
______ 5. Gumagamit ka ba ng kakaibang disenyo para sa iyong proyekto
para ito ay maging kakaiba sa lahat?
______ 6. Nailalaanan mo ba ng sapat na panahon para pag isipan ang
ikagaganda ng iyong proyekto?
______ 7. Alam mong may mali sa iyong ginawang proyekto pero pinasa mo
na lang dahil baka hindi rin makikita ng iyong guro ito.Tama ba ang iyong
ginawa?
______ 8. Iniisip mo ba ang magiging kalalabasan ng iyong proyekto bago
ito simulan?
______ 9. Inatasan kang mag-ulat sa inyong klase ngunit minadali mo ito at
hindi malinaw ang iyong pagsalita, matatawag bang may kalidad ang iyong
ginawa?
______ 10. Sinabi ng iyong nanay na magwalis ka ng inyong bakuran subalit
nang tignan niya ang iyong ginawa ay hindi maayos ang iyong
pagkakawalis, maipagmamalaki mo ba ang iyong ginawa?

Galugarin

Gawain 3: Magtala ng mga produkto o serbisyo na nagawa mo na sa unang


hanay. Suriin kung may kalidad ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot
ng mga tanong.

Proyekto Nasunod ba ang mga Ano ang kalidad ng


pamantayan? mga ito?
Oo Hindi Mataas Mababa

1.

2.

3.
4.

5.

Palalimin

Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng isang talata tungkol sa iyong minimithing proyekto at
isulat ang mga hakbang, pamantayan at mga dapat gawin upang maganda
ang kalalabasan nito. Isulat ang pangalan ng proyekto sa itaan ng papel.

Pangalan ng Proyekto
Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong
( Written Output)
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
4-5 3 2 ng kasanayan
1
NILALAMAN(5 Napakahusay Mahusay ang May Nakakalito at hindi
pts.) ng pagkabuo pagkakabuo kahusayan sa tiyak ang mga
ng sagot. ng sagot. pagkakabuo ng paliwanag.
Malinaw ang sagot. Tiyak
pahayag at ang pahayag
paliwanag. at paliwanag.

Sukatin

Gawain 5
Panuto: Magbigay ng mga bagay na dapat taglayin ng isang mag-aaral na
tulad mo upang ang iyong gawain ay masasabi mong may kalidad at
maipagmamalaki mo. Magbigay ng paliwanag. Isulat ang sagot sa loob ng
malaking kahon.

1.
2.
3.
4.
5.
Rubrik sa Pagpapaliwanag

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailang


4-5 3 2 an ng
kasanayan
1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay May Nakakalito at
(5 pts.) ng pagkabuo ang kahusayan sa hindi tiyak ang
ng sagot. pagkakabuo pagkakabuo mga paliwanag.
ng sagot. ng
Malinaw sagot. Tiyak
ang ang pahayag
pahayag at at paliwanag.
paliwanag.

Sanggunian
Gloria A. Peralta, Ed. D. at Zenaida Ylarde (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6
(Batayang Aklat),pp.40-45 ; Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City Philippines
Susi ng Pagwawasto

Simulan – Gawain 1
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama
Subukin Gawain 2
1. x
2. /
3. /
4. /
5. /
6. /
7. x
8. /
9. x
10. x
Galugarin – Gawain 3
Guro ang magwawasto.
Palalimin – Gawain 4
Gamitin ang rubriks sa pagpuntos sa mga bata
Sukatin – Gawain 5
Gamitin ang rubriks sa pagpuntos sa mga bata

You might also like