You are on page 1of 4

Learning Activity Sheets (LAS-Q3) in ESP 6

Name of Learner: __________________ Week : 6_________


Grade Level/ Section: ______________ Date : ____________

TOPIC: Pagmamalaki sa mga Gawaing Nakasusunod sa Pamantayan at Kalidad


Part I: INTRODUCTION (Key Concepts)

Ang Kalidad sa gawain ay ang antas o quality ng pagkakagawa ng anumang produkto o


serbisyo. Ipinatutupad ang quality control upang matiyak na ang gawa at produkto ay
naaayon sa mataas na kalidad.Ang salitang “puwedeng-puwede na” ang dapat maging
pamantayan ng sinumang manggagawa. Dapat na siya ay may hangaring makasunod
sa pamantayan at mataas o de – kalidad na trabaho.Ang kaniyang gawa, serbisyo, o
produkto ay maaari niyang maipagmalaki kahit kanino.
Ang kalidad na gawain ay tumutukoy sa antas ng pagkakagawa ng isang produkto o
kung paano isinagawa ang isang serbisyo. Laging positibo ang ekspektasyong nais
nitong iparating. Ibig sabihin ay pagbibigay ng pulido, de-kalidad at kapakipakinabang
na gawain araw-araw para sa ikatatagumpay ng bagay na naaayon sa antas nito.
Mga Pamantayan sa Pag-aangat sa Kalidad ng Serbisyo
1. Panahon 6. Tiyak
2. Takdang Oras 7.kakayahang Tumugon
3. Kumpleto 8.Nakasusunod sa Tamang Instruksyon
4. Paggalang 9. Naaabot ang Inaasahan
5. Hindi Pabago-bago 10. Mapagpasalamat
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga etiko ng Kagalingan sa Paggawa:
1. Maging iba ka
2. Maging una ka
3. Maging Pinakamabuti ka,pinakamagaling, at pinakamahusay
4. Maging orihinal ka

MELC
Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at
kalidad
(EsP6PPP- IIIg–38)

Enabling Competencies (if any)


None

Part II - ACTIVITIES
Ref: Modified from mr. duller’s LAS in EPP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang S
kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at DS naman kung
hindi.
1. Pwede nang ipasa ang proyekto sa guro kahit mayroon pang
kulang dito.
2. Dapat pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
3. Okey lang na maubos ang oras sa paggawa ng proyekto basta
maging maganda at maayos ito.
4. Dapat sumunod sa pamantayan ng paggawa ng proyekto
basta maging maganda at maayos ito.
5. Mas mabuting magtanong sa mas mga nakakaalam, kaysa
bilisan ang paggawa, subalit wala naman itong kalidad.

Basahin ang ilan sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa


bansa. Dahil sa kanila masasabi mong ako ay isang tunay na Pilipino.
Natatanging Pagkilala
Patricia Evangelista
Si Patricia Evangelista ay sophomore sa UP ng matalo niya ang
59 na iba pang mag-aaral mula sa 37 iba’t ibang bansa na nanalo
sa 2004 kompetisyon sa Public Speaking. Ang kaniyang piyesang
“Blonde and Blue Eyes” at ang kaniyang mahusay na pagsagot sa
mga katanungan ng mga hurado ang nagpanalo sa kaniya. Ang
kompetisyon ay inorganisa ng English Speaking Union (ESU) sa
London.
Brillante Mendoza
Si Brillante “Dante” Mendoza ay isang tanyag na Pilipinong
direktor ng indie film sa Pilipinas. Ang kanyang mga pelikula ay
tumanggap ng mga karangalan sa ibang bansa kabilang dito ang
kanyang full-length na pelikulang Kinatay (The Execution of P) kung
saan si Mendoza ay nanalo ng Best Director award sa 62nd Cannes
International Film Festival. Siya ang kauna-unahang Pilipino na
nagkamit ng ganitong parangal.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga tanong.
. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang sinasabi tungkol sa pagiging isang Pilipino?
2. Bakit sila naging kilala sa ibang bansa at binigyan ng
parangal?
3. Anong uri ng serbisyo ang ginagawa o ibinibigay nila?
Ref: Modified from mr. duller’s LAS in EPP
4. Dapat ba natin silang ipagmalaki? Ipaliwanag
5. Nais nyo rin ba silang tularan? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.
Punan ang patlang upang mabuo ang kahulugan ng mga sumusunod. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1.Ang ________ ay nangangahulugan ng tapang na gawin ang tama anuman ang
ibunga nito at kahit mahirap pa ito.
a. pagkamatapat b. pagpapasiya c. panahon
2.Ang _________ ay nangangahulugang pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at sa
lahat ng bagay maging sa iyong sarili at sa ibang tao.
a. panahon b. katapatan c. kalidad
3.Ang ________ay tumutukoy sa pangkasalukuyang kalagayan ng isang bagay.
Maaring base ito sa pagkakahabi, tibay at sa tagal ng panahon na maaari mong
mapakinabangan.
a. pagpapasiya b. panahon c. kalidad
4. Ang __________ ay ang paggawa sa isang bagay nang matagumpay na walang
halong pag aalinlangan. Ito ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili na magagawang
malampasan ang kahit na ano.
a. pagkamatapat b. pagpapasiya c. panahon
5.Ang __________ ay ang oras na ginugugol o inilalaan sa isang gawain.
a. pagpapasiya b. panahon c. kalidad

Part III: REFLECTION

Nauunawaan ko na

Nabatid ko na

References:
Learners Pocket ( LeaP ) Week5
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon pahina 100 - 105

Ref: Modified from mr. duller’s LAS in EPP


Prepared:

ANNA MARIE R. AREVALO


Teacher III

Ref: Modified from mr. duller’s LAS in EPP

You might also like