You are on page 1of 10

1

Aralin Uri ng Teksto: Tekstong Prosidyural

Mga Inaasahan

Sa araling ito, masusubukan mong sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong


prosidyural na kaugnay sa katangianat kalikasan nito. Ang mahusay na pag- unawa
sa naturang uri ng teksto ay makakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayang ito :


1. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng sariling tekstong prosidyural (F11 EP- IIId-
36)

Nais mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang unang Gawain?
Ang mga sagot sa bawat pagsasanay at gawain ay ilalagay sa nakalaang sagutang
papel.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang lubusang pagkakaunawa sa pagbuo ng isang gawain ay maipapaliwanag sa


pamamagitan ng:
A. Ang pagbibigay-puna sa bawat bahagi ng tekstong binasa.
B. Paglalahad ng serye o hakbang ng isang gawain sa teksto.
C. Pagkuha ng pangunahing detalye at suportang detalye mula sa teksto.
D. Pag-uunay ng dating kaalaman sa mga detalye mula sa teksto.

2. Ang pagsasagawa tekstong prosidyural ay higit na magiging malinaw kung ito ay:
A. Naisulat sa paraang mauunawaan ng lahat ang gawain
B. May paraang gagayahin na gawain
C. Mayroong napapanood na paraan na gagawain
D. Naisusulat sa paraang aktwal na ginagawa ang gawain

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
2

3. Tumutukoy sa proseso ng hakbang o serye ng paggawa ng isang bagay sa


pamamagitan ng wastong pag-unawa ay
A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Argumentatibo D. Tekstong Prosidyural

4. Ang website sa kasalukuyang binibisita upang malaman kung paano ang paraan ng
pagkukumpuni.
A. Google.com C. Instagram.com
B. Do It Yourself.com D. Facebook.com

5. Tukuyin ang mga salitang dapat gamitin sa pagsulat ng isang tekstong prosidyural.
A. Payak ngunit angkop na salita mula sa teksto.
B. Mga pangunahing detalye mula sa teksto.
C. Ang makabuluhang wakas mula sa teksto.
D. Matatalinhagang salita mula sa teksto.

Balik-tanaw

Isulat ang letrang T kung Tama ang pahayag sa ibaba at M naman kung
Mali. Isulat ang inyong sagot sa nakalaang sagutang papel.

1. Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapagpahatid ng


impormasyong na hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-
akda.
2. Karaniwang halimbawa ng tekstong impormatibo ay maikling kwento, tula, pabula,
alamat, at iba pa.
3. Ang pagpapaliwanag ay isang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag
kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
4. Ang mga pangyayari sa paligid kaugnay ng teknolohiya, global-warming,
cyberbullying ay mga halimbawa ng uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng
totoong pangyayari o kasaysayan.
5. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.

Pagpapakilala sa Aralin

Sa araling ito, matututuhan mo ang tungkol sa pagiging sistematiko sa pagsunod


sa mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Sige

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
3

alamin mo ang gamit ng tekstong prosidyural at matutong sumulat ng sarili mong


prosidyur.

Tekstong Prosidyural
May mga binabalak na plano at gawain na kinakailangang may mga gabay at
hakbang upang maisagawa ito nang maayos upang matamo ang inaasahan. Dito
papasok ang tekstong prosidyural.
Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong prosidyural.
Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain, Nagpapaliwanag
kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong
hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayon na maraming bagay ang sinasabing
“do-it-yourself” o mga bagay na sa halip na iba ang gumawa ay ikaw na mismo ang
gagawa. Dapat lamang na marunong umunawa ng prosidyur na gagabay sa atin
upang matagumpay na maisagawa ang hangaring matapos ang isang bagay.
Hindi sapat na marunong lang umunawa sa mga tekstong prosidyural dapat
magkaroon ka rin ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng
lahat. Sa pagsulat mo ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa
paksang tatalakayin. Malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin
upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Tandaan ang paggamit ng mga
payak ngunit angkop na salita na madaling maunawaan ng gagawa. Nakakatulong din
ang paglalagay ng larawan o ilutrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na
maisagawa nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat mo ito sa
paraang mauunawaan ng lahat.

Pag-aralan mo ang mga halimbawa ng tekstong prosidyural.

Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


1. Resipe ng Puto Bigas
Mga Sangkap:
2 tasa ng bigas 2 tasa ng tubig (ihiwalay ang isang tasang tubig na pinagbabaran)
1 tasa ng asukal 1 tasa ng baking powder
Paraan ng Pagluluto
Unang Paraan
Hugasan ang bigas, itabi/ ilagay sa mangkok ang pinaghugasan ng bigas. Hugasan ng
15 beses hanggang sa maging malinaw ang tubig na pinanghuhugas
Ikalawang Paraan
Hayaan ang bigas ng 5 oras, gumamit ng stone grinder upang madurog ang bigas. At i
grind ng 30 minuto.
Ikatlong Paraan
Habang dinudurog ang bigas maglagay ng asukal.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
4

Ikaapat na Paraan
Ilipat ang mixture sa palayok o stainless steel at hayaan ng buong gabi para
lumambot ito o hayaang maburo (ferment)
Ikalimang Paraan
Upang malaman na nag ferment na ito, una makikita na may bula-bula ito at
pangalawa ay dumami ito. Haluin ito sa mangkok na may baking powder.
Ikaanim na Paraan
Ilagay sa puto molder. Tandaan kailangang bago mag steam ay napakuluan muna ang
tubig sa steamer. At kapag nailagay na ang puto isteam ito ng 10 minuto.
Ikapitong Paraan
Palamigin muna bago tanggalin sa puto molder upang di madurog. Ayan mayroon ka
ng Puto Bigas.
https://www.youtube.com/watch?v=7UyAsjpLI7M

2. Paraan ng Pag-aaplay ng Lisensiya sa Pagmamaneho


Kung nais mong magkaroon ng lisensiya sa pagmamaneho, ang una mong
itatanong sa iyong sarili ay kung anong uri ng lisensiya ang iyong kukunin. May
dalawang uri ng lisensiya, ang professional at non-professional. Professional driver’s
license ang kukunin kung kakailanganin mo ito sa iyong hanapbuhay. Ito ang mga
lisensiya ng mga family, jeepney, bus, taxi, trak, o tricycle driver. Non-professional
driver’s license naman kung gagamitin mo ito sa pribadong pagmamaneho.
Mga kailangang tandaan bago mag-aplay ng lisensiya sa pagmamaneho.

Sagutin mo ang mga tanong ng Oo o Hindi.


1. Ikaw ba ay 18 taong gulang na o higit pa?
2. Mayroon ka na bang student permit mula sa Land Transportation Office (LTO)?
Kung mayroon na, ang iyong student permit ba ay isang buwan na o higit pa?
3. Marunong ka na bang magmaneho?
4. Mayroon ka na bang medical certificate na nagpapatunay na ikaw ay may malusog
na pangangatawan at maaaring makapagmaneho? Ang iyong medical certificate ba
ay nagmula sa isang klinika na accredited ng LTO?
Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungan sa itaas ay oo, maaari ka nang pumunta
sa anumang opisina ng LTO.
Unang Hakbang: Pumunta sa customer service center at kumuha ng application
form. Bibigyan ka rin ng bilang para alam mo kung pang-ilan ka sa pila ng ipo-
prosesong aplikasyon. Ang larawan sa kanan ay ang application form para sa
lisensiya. Kompletuhin ang mga hinihinging detalye sa form.
Ikalawang Hakbang: Ipasa sa evaluation counter ang nakompletong application form.
Dito ay titignan ng evaluator kung kompleto at wasto ang mga datos na isinulat mo sa
application form.
Ikatlong Hakbang: Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng larawan at pirma.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
5

Ikaapat Hakbang: Kapag muling tinawag ang pangalan ay magbayad na ng


application fee.
Ikalimang Hakbang: Pumunta sa Examination Room upang sagutan ang pagsulat na
pagsusulit. Hintayin ang resulta ng pagsusulit. Kung ikaw ay pumasa, maghintay na
tawagin ka para sa ikaanim na hakbang.
Ikaanim na Hakbang: Pagsusulit na aktuwal. Kasama ng isang opisyal ng LTO, ikaw
ay aktuwal na magmamaneho upang matiyak kung karapat-dapat kang bigyan ng
lisensiya sa pagmamaneho. Kapag nakapasa ka ay pupunta kang muli sa kahera
upang bayaran ang iba pang dapat bayaran.
Huling Hakbang: Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng iyong bagong lisensya.
Ipakita ang resibo upang makuha ito.

Naunawaan mo ba ang mga tekstong iyong binasa? Kaya mo bang gawin ang
mga bagay na ipinagagawa sa tulong ng mga binasa mo?

Mga Gawain

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan Gamitin sa sariling pangungusap ang


mga salitang nabasa sa loob ng teksto. Ibinigay na ang kahulugan sa mga
sumusunod na mga salita.
1. Do-It-Yourself- ito ang mga bagay na sa halip na kumuha ng iba ay ikaw na
mismo ang gagawa.
2. Instuctional Booklet- ito ay mga gabay at ilang mga paalala na mababasa.
3. Self Service- mga serbisyo na tayo ang gumagawa ng mga bagay na dati- rati ay
inaasa sa iba.
4. Technophobic- mga taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya.
5. Social Networking Site- ito ay isang “online platform” na ginagamit upang
magkaroon ng koneksyon sa pamamagitan ng internet.

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang inilalahad ng isang tekstong prosidyural?
2. Saan ba natin karaniwang nakikita ang mga ganitong uri ng teksto?
3. Bakit mahalaga ang tekstong prosidyural?
4. Ano ang kaibahan ng tekstong prosidyural sa tekstong impormatibo?
5. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong prosidyural?

Gawain 1.3 Panimulang Pagsulat Balikan ang mga binasang halimbawa ng


tekstong prosidyural. Bigyang puna ang paraan ng pagkakasulat nito. Suriin

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
6

kung malinaw ba o madaling maunawaan ang pagkakasulat ng teksto. Isulat din


ang iyong suhestiyon upang lalo itong mapaganda.
Tekstong Prosidyural Ang Iyong Komento, Puna, at Suhestiyon

Resipi ng Puto Bigas

Paraan ng Pag-aaplay ng Lisensiya sa


Pagmamaneho

Tandaan

Magaling! matapos mong maunawaan ang kahulugan ng tekstong


prosidyural at ang paraan ng pagsulat nito sa tulong ng halimbawang ibinigay
narito ang mga dapat mong tandaan:

1. Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto at hakbang ng isang proseso


na nagsasaad ng mga direksyon.
2 .Nasusulat sa kasalukuyang panahunan at gumagamit ng tiyak na pandiwa para sa
instruksyon. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita
ang pagkakasunod –sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
3. Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong pagkakataon ang una ay ang
pagpapaliwanag kung paano gumagana o papaganahin ang isang kasangkapan
(MANWAL). Ito rin ay ang pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang
bagay.(RESIPE,MEKANIKS ng laro, ALITUNTUNIN sa kalsada at EKSPERIMENTO).
Kalimitan ito ay paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa
buhay ( paano maging masaya ,at paano magtatagumpay at iba pa)
4. Kailangang tignan ang wikang gagamitin upang makamit ang layunin. Dapat
isaalang –alang ang pagkakaiba ng mga mambabasa ayon sa kanilang edad,
propesyon, antas ng pamumuhay at personalidad.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
natutuhan

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
7

Pag-alam sa Natutuhan

Gamit ang IRF (Individual Revised Final) ay ibibigay ang dating kaalaman
sa paksa, ang nabagong pagkakaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong
natutuhan sa araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Initial
(Dating kaalaman sa paksa)
Revised
(Nabagong pagkakaunawa sa aralin)
Final
(Kabuuan at wastong natutunan sa aralin)

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ang tekstong di matatawaran ang kahalagahan sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspekto ng ating buhay.
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Argumentatib
B. Tekstong Prosidyural D. Tekstong Impormatibo
2. Alin ang HINDI kasama kung may tatapusing isang gawain
A.Paghahanda ng kagamitan
B.Pagsunod sa mga hakbang o paraan
C.Bilangin ang mga naipong mga kagamitan
D.Maging matiyaga na tapusin ang isang proyekto o gawain
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI panandang pandiskurso na naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod
A.Pagkatapos B. Ang susunod C. Sa huli D. Ang alin
4. Ito ay isa sa nakatutulong upang maging malinaw ang pagsasagawa ng mga
hakbang
A.Komersyal B. Larawan C. Promosyon D. Aklat
5. Ito ang pinakamabuting values na matututunan sa tekstong prosidyural ay
A.Nakapupulot paano gawin ang pagkukumpuni

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
8

B.Napapanood ang mga paraan kung paano gawin


C Pinadadali ang kanilang buhay dahil sa isang klik ay makikita na ang mga
prosidyur.
D Napapahalagahan ang mga bagay- bagay sa pamamagitan ng pagtalima sa
mga panuto o alituntunin.

Pagninilay

Nalaman mong mayroon kang kakayahang makagawa ng mga bagay sa


tulong ng tekstong prosidyural. Ngayon ay mag-iisip ka bilang isang imbentor at
magpapakilala ng isang imbensyon. Kalakip ng iyong imbensyon ay isang
instructional booklet. Siguraduhing maging malinaw ang iyong paraan at wasto
ang pagkakasunod-sunod.
Pumili sa mga sumusunod:
 Isang bagay na magagamit ng mga tao upang mapagaan ang kanilang mga
gawaing bahay.
 Isang gadget o makina na magpapaunlad ng komunikasyon ng mga taong nasa
iba’t ibang parte ng mundo.

Gawing gabay ang rubics sa ibaba para sa iyong isusulat na tekstong prosidyural.
Puntos Pamantayan

4 Ang tekstong prosidyural ay naisulat nang malinaw at madaling maunawaan.


Madali itong sundan upang matagumpay na maisagawa ang hinihingi.

3 Ang tekstong prosidyural ay naisulat nang malinaw at naunawaan. Kaya itong


sundan upang upang maisagawa ang hinihingi.

2 Ang tekstong prosidyural ay hindi gaanong malinaw at hindi rin madaling


maunawaan kaya hindi ito kaagad masusundan o maisasagawa.

1 Ang tekstong prosidyural ay naisulat sa nakalilitong paraan kaya’t mahirap


itong maunawaan at masundan.

Hango sa: Dayag., A. M etal 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik, Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Binabati kita dahil sa malawak na ang iyong pag-unawa sa aralin. Ang iyong
kahusayan at pagtitiyaga ay tiyak na may kahihinatnan pagdating ng panahon.Kung
mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo nauunawaan mangyaring makipag-
ugnayan sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
9

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


SAGUTANG PAPEL
Quarter 3- Week 2
Pangalan: __________________________________________ Guro: _____________________

Baitang at Seksyon: ________________________________ Petsa: _____________________

Paunang Pagsubok Balik-Tanaw


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

MGA GAWAIN:
Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 1.2 Panimulang Pagsulat

Komento/Puna at Suhestiyon

1.

2.

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong

1.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________2._____________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________3._______
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo
10

_____________________________4.______________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________5.________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pag-alam sa Natutuhan:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit:

1. 6.
2. 7.
3 8.
4. 9.
5. 10.
Pagninilay: Paggawa ng isang Instructional booklet:

1.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School-Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like