You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Paglalagom (Sinopsis)

Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

1 Paglalagom (Sinopsis)

Inaasahan

Kumusta ka na? Handa ka na ba sa bagong aralin?

Madali lamang ang modyul na ito, kailangan lamang na mag-ukol kang


muli ng oras upang matagumpay na maisakatuparan ang mga gawaing
kaugnay ng aralin. Tunghayan mo sa ibaba ang bago mong matututuhan.

Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:


Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

Unang Pagsubok

Panuto: Bago simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang
tiyakin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Basahin at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa kuwaderno ang titik
ng tamang sagot.

1. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.


A. Abstrak C. Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom

2. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito
ng buod at i-post sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang
nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom ang puwede
niyang gawin?
A. Abstrak C. Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom

3. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa


tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula,
talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
A. Abstrak C. sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom

4. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom


ang dapat isagawa rito?
A. Abstrak C. Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
3
5. Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi. Nangangahulugan lamang ito na______?
A. dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming
naghahari mula sa akda.
B. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga
gampanin.
C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
D. pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa.

6. Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang


nilalaman ng akda gamit ang_____?
A. sariling salita
B. salita ng awtor
C. salita ng kahit sino
D. salita ng awtor at sariling salita

7. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis


o buod?
A. pagbuo ng balangkas
B. Pagbasa sa buong seleksiyon o akda
C. Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal
D. Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa


pagsulat ng paglalagom na sinopsis?
A. Basahin ang buong seleksiyon o akda.
B. Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.
C. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.
D. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

9. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng sinopsis o buod?


A. Para mapadali ang pagbasa ng isang pananaliksik.
B. Para makasunod sa pagbabago ng lipunan.
C. Para maayos na maipakilala ang sarili sa social network.
D. Para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling raan.

10. Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang _________ na


ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian C. awtor
B. aklat D. lagom

4
Balik-Tanaw

Sa nakaraang modyul ay nabatid mo ang iba’t ibang anyo, layunin,


gamit at katangian ng akademikong pagsulat. Ngayon, balikan natin ito
sandali sa pamamagitan ng isang laro ng mata. Halika! Simulan na natin.

Panuto: Hanapin sa loob ng HANAP-SALITA ang iba’t ibang anyo ng akade-


mikong pagsulat. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpuno sa mga
nawawalang titik sa loob ng kahon sa bawat bilang sa ibaba.
Maaaring makita ang mga anyo ng akademikong pagsulat na ito
nang pabaliktad, pahalang, pabertikal, at padayagonal. Isulat sa
kwaderno ang sagot.
HANAP-SALITA

A N B N I A H K I L A M L I L B

D Y O R N A L I S T I K O B E A

E D M O K E S I P Y O R A G E M

D E D E L T L G E P A P E L A G

E D I O L A K I N K E T O T O L

B H O L N U R P L E O T I L A D

N O P R O P E S Y O N A L M E H

P U O P R L O A P A S L A L O R

E Y P R E P E R E N S I Y A L L

D E P P S B O A E N W M P I L M

Sagot:

1. K

2.
R K

3.
P S

5
4. P Y

5 K L

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang maayos na pagsulat ng lagom ay isang kasanayang dapat mong


matutuhan. Ang paglalagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng
isang sulatin o akda. Bukod sa kasanayang maunawaan at makuha ang
pinakanilalaman ng isang teksto, marami pang kasanayan ang mahuhubog
sa isang mag-aaral habang naglalagom. Tutulungan ka ng modyul na ito
na makasulat ng maayos na paglalagom (sinopsis). Simulan mo sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaalaman tungkol dito.

Ang Paglalagom na Sinopsis

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa


mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Layunin nitong maisulat
ang pangunahing kaisipang taglay ng akda kaya’t mahalagang matukoy ang
sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? upang
mapadali ang pagsulat ng buod. Mahalagang matutuhan ang pagsulat nito
para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan.

Mga Dapat Tandan sa Pagsulat ng Sinopsis

1. Banggitin ang pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda upang


maipaunawa sa mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay
hindi galing sa iyo kundi buod lamang ng akdang binasa kaya
iwasang magbigay ng iyong sariling pananaw tungkol sa akda at
maging obhektibo sa pagsulat nito.
2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
3. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung
malungkot ang damdaming naghahari, dapat maramdamin din ito
sa buod na gagawin.
4. Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang mga gampanin at
suliraning kinakaharap.
5. Maaaring buuin ang buod ng isang talata, maging ng ilang
pangungusap lamang. Kung higit sa isang talata, gumamit ng

6
angkop na mga pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
ibinubuod.
6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas na ginamit
sa pagsulat.
7. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan
hinango ang orihinal na sipi ng akda.

Gawain 1 (Pagbuo ng Katauhan)

Panuto: Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


paglalagom na sinopsis, basahin at suriin ang teksto sa ibaba.
Habang nagbabasa, itala ang mahahalagang kaisipan at damdaming
naghahari sa teksto.
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
(Lucas 15:11-32 Ang Salita ng Diyos (SND))
Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. Ang
nakababatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama, “Ama, ibigay mo sa
akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin.” Ibinahagi nga
ng ama sa anak ang kaniyang kabuhayan.
Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang
nakababatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang
malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay
namuhay nang magulong pamumuhay. Ngunit nang magugol na niya
ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at
nagsimula siyang mangailangan. Humayo siya at sumama sa isang
mamamayan ng lupaing iyon. Siya ay sinugo sa mga bukirin upang
magpakain ng mga baboy. Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga
bunga ng punongkahoy na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang
sinumang nagbigay sa kaniya.
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya, “Ang aking
ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay
samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. Tatayo ako at
pupunta sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya na ako’y nagkasala
laban sa langit at sa kanyang paningin. Hindi na ako karapat-dapat na
tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.”
Sa kanyang pagtayo, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa
siya ay nakita na siya nito. Ito ay nahabag sa kaniya. Tumakbo ito,
niyakap at hinagkan siya.

7
Sinabi ng anak sa kaniya, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at
sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, “Dalhin ninyo
ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay
kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa
kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito.
Tayo ay kakain at magsasaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay
namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.” At sila nga
ay nagsimulang magsaya.
(Pinagkunan:https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A1132&version=SND)

Gawain 2

(Mapanuring Pag-iisip , Pakikipagtalastasan, Pagtutulungan)


Panuto: Suriin ang tekstong binasa. Alamin ang detalyeng hinihingi sa loob
ng kahonsa ibaba. Isulat sa kwaderno ang kasagutan. Pumili ng
kapareha at magbahaginan, maaaring sa pamamagitan ng
messenger chat o texting kung hindi makapag-uusap nang personal.
Bigyang puntos ang mga ginawa sa tulong ng rubrik sa pagmamarka
sa ibaba.

Pamagat

Sanggunian

Pangunahing
Kaisipan

Sino? (mga pangunahing tauhan)


Mahahalagang Kailan? (oras/panahong naganap ang
Detalye kwento)
Saan? (lugar na pinagganapan)
Bakit? (paliwanag sa mga pangyayari)
Paano? (sitwasyon ng mga kaganapan)

8
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod


makabuluhang impormasyon ang impormasyon sa sa hinihinging
impormasyon ang nabuong pagsusuri nabuong pagsusuri impormasyon ang
nabuong pagsusuri nabuong
pagsusuri

Gawain 3

(Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Balikan ang isinulat na balangkas ng pagsusuri sa Gawain 2. Batay
rito, sumulat ng sinopsis ng akdang “Ang Talinghaga ng Alibughang
Anak.” Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito.
Isulat sa kwaderno ang kasagutan batay sa Pamantayan sa
Pagmamarka sa ilalim.

___________________________________________

______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________.

Sanggunian:

9
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5
Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom na Ang uri ng lagom na Ang uri ng lagom na
na nabuo ay nabuo ay organisado, nabuo ay bahagyang nabuo ay di naging
talagang maingat na naisulat, organisado, naisulat organisado, hindi
organisado, wasto, at angkop ang nang may bahagyang maayos ang pagka-
maingat na wikang ginamit kaingatan, may kasulat, hindi wasto,
naisulat, wasto, at bagaman may ilang kawastuhan, at may at angkop ang wikang
angkop ang mga salitang di kaangkupan ang ginamit.
wikang ginamit. gaanong lapat sa wikang ginamit.
kwento.

Tandaan

Naisulat mo ba nang maayos ang binuong sinopsis? Kung oo,


binabati kita. Ngunit kung sa tingin mo ay kulang pa, may pagkakataon
ka pang iayos ito. Muling isaisip ang mga sumusunod:
1. Basahin at unawaing mabuti ang buong akda hanggang makuha
ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Hanapin at suriin ang pangunahing kaisipan ng akda.
3. Habang nagbabasa, magtala o kaya ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling
opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang
hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong mabisa ang isinulat
na buod.

Pag-alam sa Natutuhan

(Pagbuo ng Katauhan, Pakikipagtalastasan)


Natutuhan mong paglalagom ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng
isang sulatin o akda. Mabilis nagbabago ang panahon. Subalit may mga
bagay na hindi kayang madaliin. Sa puntong ito, nais kong ipahayag mo ang
iyong pananaw hinggil sa kung anong mga bagay sa iyong buhay ang
maaaring gawing simple o madali. Ano-ano naman ang mga bagay na hindi
dapat madaliin at nangangailangan ng matiyagang paghihintay. Magbigay ng
maikling paliwanag hinggil sa iyong pananaw. Maaari mong i-post sa social

10
media ang iyong kasagutan upang magsulong ng adhikain ng isang kabataang
katulad mo.

Ang mga bagay


Ang mga bagay
sa aking
sa aking buhay
buhay na
na maaaring
hindi
madaliin ay…
maaaring
madaliin ay…

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat kwaderno.
1. Nais gumawa ni Rency ng buod ng binasang kuwento, anong
paglalagom ang maaari niyang gawin?
A. sinopsis o buod
B. paglalagom
C. bionote
D. abstrak

2. Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Riza habang nasa


ilalim ng Community Quarantine ang bansa. Nais niyang sumulat ng
pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng lagom ang dapat
niyang gawin?
A. sinopsis o buod
B. paglalagom
C. bionote
D. abstrak

3. Ang lagom ay ang ______________na bersiyon ng sulatin.


A. payak
B. pinaikli
C. pinahaba
D. teknikal

4. Ang sinopsis ay uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga tekstong


______________?
A. naratibo
B. diskriptibo

11
C. impormatibo
D. argumentatibo

5. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang akda gamit ang


sariling _______?
A. akda
B. salita
C. pananaw
D. pagsusuri

6. Obhetibo ang pagsulat ng sinopsis, kaya nangangahulugan


itong__________ang pagsulat?
A. hindi ginagamitan ng sariling pananaw
B. malikhain at masining
C. may pananagutan
D. may obligasyon

7. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis


o buod?
A. Basahin ang buong akda.
B. Sumulat habang nagbabasa.
C. Magbalangkas habang nagbabasa.
D. Suriin ang pangunahing kaisipan.

8. Huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango


ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian
B. aklat
C. awtor
D. lagom

9. Gumamit ng mga ___________sa paghabi ng mga pangyayari lalo kung


ang sinopsis ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A. pangngalan
B. pang-ugnay
C. pandiwa
D. pang-uri

10. Bakit mahalagang basahin ang buong seleksiyon ng akda bago bumuo
ng sinopsis o buod?
A. upang makapagbalangkas
B. upang walang makalimutan sa isusulat
C. upang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito
D. para matiyak kung gaano kahaba ang susulating sinopsis

12
Papel sa Replektibong Pagkatuto

(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Kumpletuhin mo ang pangungusap sa loob ng kahon na
nagpapaliwanag kung bakit mahalagang matutuhan ng mag-aaral
na katulad mo ang kasanayan sa pagsulat ng sinopsis. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

Ang kasanayan sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis ay


mahalagang matutuhan para _________________ nang
__________________ sa _________________________________
at_____________paraan.

Sanggunian
Julian, Ailene B., at Lontoc, Nestor B.(2016). Pinagyamang Pluma, Filipino
sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.
Mabilin, Edwin R. etal (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa
Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing
House, Inc.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorena S. Club, MTII
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MTII
Tagaguhit: Jamil Q Carvajal. TIII
Tagalapat: Lorena S. Club, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LR at Tagapag-ugnay sa ADM

13
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikaapat na Linggo
Modyul 4

Unang Pagsubok Balik-Tanaw


Pangwakas na
1. D
1. Malikhain Pagsusulit
2. Dyornalistik
2. C
3. Reperensiyal 1. A
3. C
4. Propesyonal 2. A
4. C
5. Teknikal 3. B
5. A 4. A
6. A 5. B
7. B Gawain 1 at 2: 6. A
8. C
Maaaring magkaiba-iba 7. A
9. D
ng sagot. Sumangguni 8. A
10. A 9. B
sa Pamantayan sa
Pagmamarka 10. C

14

You might also like