You are on page 1of 4

Bea Jorisse U.

Chan March 29, 2021


12 STEM 1 Iskor:
Isagawa
Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Batay sa katangian at elemento ng teksto, sa itaas, sumulat
ka isang tekstong impormatibo batay sa larawan. Sundin ang wastong pamantayan ng pagsulat
nito. Salungguhitan ang pangunahing ideya o paksang pangungusap, Isulat ito sa bondpaper.
Ang Laban ng Bawat Isa: Laban sa COVID-19
Sa patuloy na paglipas ng panahon at pagbabago ng ating lipunan, makabagong mga
banta at pagsubok ang ating hinaharap. Sa kasalukuyan, tayo ay nakikipagtalo sa isang sakit na
patuloy na lumalaganap sa bawat lupalop ng mundo. Kung saan, buhay ang nakasalalay at
pinaglalaban ng bawat isa sa ating bansa at maging ng buong mundo. Ang laban sa COVID-19
virus.

Ang COVID-19 ay isang virus na kumalat at patuloy na nanganganib sa kabuhayan at


ekonomiya ng buong mundo. Ang pagsiklab ng bagong klase ng virus na ito ay idineklara nang
pandaigdigang pandemya ng World Health Organization (WHO) apat na buwan matapos maitala
ang unang kaso ng sakit. Ang unang kaso ng sakit ay naitala sa syudad ng Wuhan sa China
noong disyembre ng taong 2019. Noong lamang Enero ng 2020 na idineklara itong isang global
health emergency ng WHO. Ang pandemya ay humantong sa malawakang pagkawala ng buhay
ng tao sa buong mundo at nagpakita ng banta at hamon sa kalusugan ng publiko. Ayon sa datos
ng JHU CSSE, (John Hopkins Center for Systems Science and Engineering) mula March 29,
2021, nakatala na ng mahigit 127 milyong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mayroon ng
mahigit 2.7 milyong taong namatay dahil dito. Nangunguna pa rin ang mga bansang Amerika,
Brazil, India at France sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19, samantalang
nasa ika-tatlongpu’ng puwesto naman ang Pilipinas sa dami ng kasong naitala. Dahil dito,
isinulong ang striktong pagpapatupad ng mga health and safety protocols tulad ng palagiang
pagsusuot ng face masks sa mga pampubikong lugar bilang pagtugon sa pandemya. Inilunsod rin
ang malawakang community lockdowns sa mga syudad na nakapagtala ng maraming kaso ng
sakit upang malimitahan ang pagkalat ng virus. Lubha namang naapektuhan ang ekonomiya ng
bansa dahil sa malawang pagsara ng mga negosyo sa bansa dulot ng pagpapatupad ng
community lockdowns. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, nakatala ng P2.2 trillion economic
loss ang bansa dahil sa pagkawala ng trabaho ng milyon-milyong Pilipinong manggagawa dahil
sa krisis na idinulot ng pandemya. Naghain naman ng economic stimulus package ang gobyerno
upang maging tulong at unti-unting mabuksan muli ang ekonomiya ng bansa.

Maliban sa ekonomiya, sinubok rin ng pandemya ang kapasidad at kakayahan ng


healthcare system o sistemang pangkalusugan ng ating bansa. Dahil sa kakulangan sa mga
pasilidad at kakulangan ng mga personal protective equipment (PPEs) sa mga ospital, patuloy pa
rin ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa ulat ng Rappler.com, sa
pitongpu’t limang (75) mga ospital sa Metro Manila na may intensive care units, dalawapu’t
walo (28) ang klaspikadong kritikal na may higit sa walumpu’t limang (85%) porsyentong
kamang puno na. Ito ay ikinaaalarma dahil ang Metro Manila rin ang sentro ng outbreak ng
pandemya sa bansa.

Ipinamulat ng krisis na dulot ng pandemya ang mga kahinaan ng sistemang


pangkalusugan, public health response, at pamamahala ng gobyerno sa ating bansa. Tanging ang
sama-sama at kolektibong pagtutulungan bilang mga mamamayan ang magbibigay wakas sa
patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa at maging sa buong mundo.

Karagdagang Gawain
Panuto: PANIMULANG PANANALIKSIK: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan at katangian ng uri ng akademikong sulatin na Abstrak, Sinopsis, Bionote
sa tulong ng graphic organizer

Uri ng Akademikong Sulatin:


Abstrak

Nasaliksik

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit bilang buod ng


Kahulugan
mga akademikong sulatin. Kadalasan itong makikita sa panimula o
introduksiyon ng mga pag-aaral. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga
akademikong sulatin tulad ng tesis, papel na siyentipiko, lektyur, at iba pa.

Katangian Ito ay maikli lamang at organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman ng


sulatin. Tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng introduksyon, metodolohiya, resulta, at konklusyon.
Masongsong, R. (2016, October 16). Katangian, Layunin at Gamit ng Akademikong Sulatin. Retrieved from
Sanggunian https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-akademikong-sulatin/
Akademikong Pagsulat. (2017, July 27). Slideshare. Retrieved from
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
Uri ng Akademikong Sulatin:
Sinopsis

Nasaliksik

Ang sinopsis ay isang uri ng lagom na naglalaman ng binuod na ideya o


Kahulugan kaisipan ukol sa paksa ng pinagkunang orihinal na materyal. Kalimitan itong
ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng nobela, dula,
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

Ang pagsusulat nito ay gumamit ng ikatlong panauhan at batay ang sa tono ng


Katangian pagkakasulat ng orihinal na sipi. Ginagamitan rin ito ng mga pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa tekstong binubuod
Akademikong Pagsulat. (2017, July 27). Slideshare. Retrieved from
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
Sanggunian
Arman (n.d.). Sinopsis o Buod. Retrieved from https://prezi.com/ij64u92qzzry/sinopsis-o-buod/?
frame=44c92e72a3f6e6cd1b5ec37dba8a8dd862695181

Uri ng Akademikong Sulatin:

Bionote

Nasaliksik

Ang Bionote ay isang uri ng lagom na nagtatala ng pagkakakilanlan sa


Kahulugan pinakamahahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa.
Ginagamit ito sa paglalathala ng mga journal, magazine, antolohiya, at iba
pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat.

Katangian Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pag-aaral,


pagsasanay ng may akda. Isinusulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang
maging litaw na obhehito ang pagkakasulat nito.

Akademikong Pagsulat. (2017, July 27). Slideshare. Retrieved from


Sanggunian https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089

Pagsulat ng Bionote. (2020, February 21). Elcomblus. Retrieved from


https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-bionote/

You might also like