You are on page 1of 3

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

9
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

PANGALAN: SUTIN, CATHERINE MARIE H. GRADO at SEKSYON: CALCITE


MELC:1. Nakakasusulat ng sulating batay sa maingat,wasto, at angkop na
paggamit ng wika.( CS_FA11/0p-r-93)

Sanggunian: Sa Piling Larang Akademik Modyul 9


Panimula;
Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Tuklasin:
Gawain: 1
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba,bigyan ito ng sariling opinion. Pumili kung sang-ayon
ka ba o di sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K12 Kurikulum sa Deped.

Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng K12 Kurikulum sa


DepEd dahil ito’y nakadaragdag
katuturan/kaalaman sa mag-aaral at ito ay
Sang-ayon nakatutulong sa paghahanda at gumagabay sa
mag-aaral sa kanyang tatahaking daan sa kolehiyo
o sa anumang trabaho.

Di Sang-ayon

Posisyong Papel

 Isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang


isyu. Kagaya ng debate, naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalang tama. Ang
pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinion
manunulat.
 Sa bawat argumentoi ginagamitan ito ng mga matitibay na ebidensya mula sa
pinagkakatiwalaang datos.Mahirap paniwalaan ang isyu kung wlang pinagbabatayang
ebidensya.

Nauuri sa dalawa ang mga ebidensya magagamit sa pangangatwiran ayon kina


Constantino at Zafra,(1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc,(2016)
1. Mga Katunayan (Facts)
 Nakabatay ito sa makatotohanang ideya mula sa mga
nakita,narinig,naamoy,nalasahan at nadama.
2. Mga Opinyon
 Nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw. Hindi ito
makatotohanan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling pagsusuri o judgement.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel:


1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas ng Pagsulat ng Posisyong Papel:


1. Panimula
 Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at ang
katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na
pumanig sa nasabing posisyon.
 Kapag sa simula ay maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi
ang mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
2. Katawan
 Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
argumento at mga ebidensya.
 Sa bawat argumento, mahalagang mapatunayan na mali o walang katotohang ang
binabato o mga argumentong tumutol sa tesis.
 Mas higit na kapanipaniwala kapag tatlo o higit pang matibay na mga ebidensya na
gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.
3. Konklusyon
 Sa konklusyon,iallahad muli ang argumento at ang tatalakayin ang magiging
implikasyon.
 Bawat isa ay may kanya-kanyang opinion sa bawat isyu.
 May mga sang-ayon at may mga di sang-ayon sa isyu.
 Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay inilalahad na ng
malinaw na komposisyon ng pagtutol.
 Dapat isa-isahin ang malinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng
karaniwang tao.
 Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa pagsulat ng posisyon.

Isagawa
Gawain 1
Panuto:Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyan panahon. Isulat sa talahanayan sa unang
hanay. Pagkatapos maghanap ng limang makapanayam para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba
sila o di pabor sa isyu at ano ang dahilan.

Isyu Pabor Di- Pabor Dahilan


1. / Sa ating kasalukuyang panahon ngayon, ang
trapiko ang huli sa mga pangyayaring ating
Trapiko sa Metro ninanais na danasin lalong- lalo na dahil sa
manila pandemya. Ito’y nakakapagbagal sa mga
importanteng Gawain at mga trabaho na
kailangan ng agarang aksyon.
2. Kahirapan / Sa termino ni Pangulong Duterte, inaasahan
g karamihan ang pag-unlad ng ekonomiya at
mga mamamayang Pilipino kahit papaano
ngunit tila walang pagbabagong nangyari
upang maibsan ang kahirapang dinaranas ng
mga mamamayan.

3. Militarisasyon sa / Bagaman maituturing na isa sa mga


Kampus Unibersidad na nagbibigay ng pinakamataas
na kalidad ng Edukasyon, ang Unibersidad ng
Pilipinas ay lumalabag sa Anti-Terrorism Law
ng bansa.
4. Mataas na Presyo / Sa panahon ngayon ng Pandemya, talamak
ng bilihin ang pagtatanggal ng mga emplayado dahil sa
pagbaba ng ekonomiya, hindi maitatanggi ng
nakararami na mahirap ang kanilang
kondisyon dahil sa kasalukuyang panahon.
5. Laban kontra / Talamak ang pagbebenta at paggamit ng
Droga ipinagbabawal na gamot sa ating bansa.
Nangako ang Pangulong Duterte na
tutuligsain ang sino mang lumabag sa batas
at isinulong ang Oplan Tokhang.

Repleksyon:
Para sa inyo o bilang isang mag-aaral mahalaga bangb pag-aralan ang Posisyong Papel
makakatulong bai to sa inyo pang-araw-araw na pamumuhay?

Para sa akin, bilang isang mag-aaral, mahalagang pag-aralan ang pagsulat at


importansya ng Posisyong papel dahil ito’y nakatutulong upang tayo’y
makapagdesisyon ng tama kung ano ang dapat nating panigan at
maipaglaban ng tama ang ating mga pinaniniwalaan.

Paalala/Reminders:

1.Ang inyong kasagutan at nagawang memorandum paki send sa aking gmail account.
aprilechiverri0483@gmail.com
2.Dapat ang maging file name ninyo ang inyong apelyedo halimbawa echiverri SLA 1.Kung tapos na
kayong makasagot iyan ang magiging file name hanggang sa SLA 10 tayo.

Salamat at God bless…

You might also like