You are on page 1of 11

1

Aralin
6y Pagsulat ng Posisyong Papel
7
Mga Inaasahan

Sa araling ito, inaasahan na mauunawaan ang mga batayang


pananaliksik sa pagsulat ng Posisyong Papel.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayan


na:

Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa


pangangailangan. CS_FA11/12PU-Od-f-92

Bilang panimula sagutin mo muna ang unang gawain.

S Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang talata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

Kamakailan lamang ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang


batas na Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary
Educational Act na nagsasabing libre ang matrikula para sa mga State
Universities at Colleges. Isa itong magandang oportunidad para sa lahat ng
mamamayang Pilipino upang makapag-aral ng libre hindi lamang ang mga
estudyanteng mayayaman at matatalino. Nakasaad din sa isang batas pantao
ang karapatang matututo at mag-aral ng isang indibiduwal. Kung iisiping mabuti
ay tunay ngang mahihirapan ang ating pamahalaan na tugunan ang mga
pangangailan ng nasabing batas. Bilyun-bilyon ang kailangan upang
matustusan ang isang taon para sa ganitong sistema. Masasabi kong isang
malaking pagsubok ito para sa ating pamahalaan ngunit magiging madali ito
kung lahat ng Pilipino ay makikiisa at gagampanan ang kanilang mga
responsibilidad bilang isang estudyante pati na rin bilang isang Pilipino.

1. Ang paksang tinatalakay sa posisyong papel ay

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
2

A. Paglagda sa bagong kautusan ng pangulo


B. Libreng edukasyon para sa lahat ng Pilipino
C. Libreng edukasyon para sa mga mahihirap
D. Libreng matrikula sa State Universities at Colleges
2. Ang paglagda sa batas na naglalayong magbigay ng libreng edukasyon ng
mga mag-aaral sa tersarya ay nangangahulugan ng MALIBAN sa
A. Pagkakataon para sa lahat na magkaroon ng edukasyon hindi lamang
ng mayayaman at matatalino
B. Hamon ito sa gobyerno paano matutustusan ang bilyong pondo para
sa pagbibigay ng libreng edukasyon
C. Mababawasan ang pondo ng ibang Kagawaran ng Gobyerno
D. Makatutulong ang mga estudyante sa gobyerno sa pamamagitan ng
pagganap sa kanilang tungkulin bilang mag-aaral
3. Sa pagsulat ng posisyong papel, nararapat na magsagawa ng
A. pag-aaral sa kaso C. pagsusuri ng mga datos
B. pananaliksik D. pakikinig sa matatanda
4. Sa halimbawang binasa, mapaniniwala mo ang iyong mambabasa sa
iyong argumento kung ikaw ay magbibigay ng
A. iba’t ibang dahilan C. solidong ebidensya
B. maraming paliwanag D. pahayag mula sa sikat sa lipunan
5. Ang posisyong papel ay proseso ng pangangalap ng mga __________ na
humahantong sa kaalaman.
A. totoong impormasyon C. sabi-sabi at hinuha
B. opinyon at palagay D. argumento at panig

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Replektibong Sanaysay.Gumawa ng isang wish list na may tatlong aytem at


ipaliwanag kung bakit ito ang gusto mo, hindi kasama ang mga materyal na
bagay, tao at lugar kundi ang mga pangyayaring nais mong mangyari. Ilagay ang
wish list sa sagutang papel.

Wish List Dahilan / Katuwiran

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa pagsulat ng Posisyong Papel


na may Batayang Pananaliksik.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
3

Ang isang Posisyong Papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-


kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng
nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga
posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

Ito ay kagaya ng isang debate na naglalayong maipakita ang katotohanan


at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkaibang pananaw sa marami depende sa persepsyon ng
mga tao.

May layunin din itong makahikayat ng madla na ang pinaniniwalaan ay


katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay
ang argumentong ipinaglalaban gamit ang ebidensiyang magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o pinaninindiganan.

Ayon kay Grace Feming, sumulat ng artikulong “ How to write


argumentative essay”, ang pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang
pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mas
mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o siyu. Maaring ang paksa
ay maging simple o kumplikado ngunit ang iyong gagawing argumento o
pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw at lohikal.

Mga Batayang Katangian ng Posisyong Papel


 Depinadong isyu
 Klarong posisyon
 Mapangumbinsing argumento
 Matalinong katuwiran
 Solidong ebidensiya
 Kontra-argumento
 Angkop na Tono.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


 Pumili ng paksang malapit sa puso
 Magsagawa ng panukalang pananaliksik
 Bumuo ng thesis statement o pahayag tesis
 Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag tesis o posisyon
 Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya
 Buuin ang balangkas ng posisyong papel.
Ang pagsasagawa ng posisyong papel ay nangangailangan ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang tiyak at
napapanahong isyu. Naglalaman ito ng mga katuwiran at ebidensiya para
suportahan ang paninindigang inihayag ng sumulat sa isang partikular na
paksa. Upang maging matibay ang paninindigan ng bawat panig
nangangailangan ito ng isang pananaliksik.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
4

Ang Pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong


impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan
ng paggamit ng kung anong nalaman at napag-alaman na suportado ng mga
datos at karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teorya) o pamamaraan (sistema).

Narito ang halimbawa ng Posisyong Papel:

Posisyong Papel hinggil sa Pagpigil sa EOP (English Only Policy): Pagpapanatili ng


Pambansang Karapatan ng Wikang Filipino, Kabataang Filipino, mga Kawani, at
mga Guro sa Filipino sa Akademya, mga Institusyon, Opisina, at Tanggapan

ni John Vincent V. Conde, LPT, MAT-Fil

Hindi maikakailang ang wikang Ingles ay ganap na masasalamin sa ating


kultura sapagkat tayo ay sinakop ng Estados Unidos nang 48 na taon matapos ang
napakahabang paghahari ng Espanya sa buong kapuluan ng Pilipinas. Kung ating
babalikan ang kasaysayan, hindi ba’t matagal nang naghihikahos at halos tuluyang
mawalan ng hininga ang ating wika? Kaya naman, ang papel na ito ay tumitindig at
may mataas na hangaring ipaglaban ang pambansang karapatan ng wikang Filipino
sa matagal nang ipinatutupad na polisiya sa mga paaralan at mga institusyon -- ang
EOP o mas kilala bilang English Only Policy.

Isang pagtatakwil sa ating pambansang kaunlaran at kalayaan ang pagpatay sa


kalinangan ng mga mag-aaral, guro, o kawani ang EOP sapagkat ito ay lantarang
pagbusal sa bibig ng mga mamamayan upang tangkilikin, gamitin, at paunlarin ang
kani-kanilang katutubong wika na siyang nakasaad sa ating Saligang Batas. Sapagkat
malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang polisiya, ito ay malinaw na lihis sa
hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng
memorandum ang ganito:

"General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community
and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of
community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more
complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems
in the general education program increasingly become more pressing."

Sa makatuwid, ang paggamit, pagtangkilik, at pagpapaunlad ng wikang Filipino ang


siyang mas marapat bigyang halaga at priyoridad at marapat ding maging sentro ng
pangkalatang komunikasyon sapagkat tayo ay Filipino, mamamayan ng Pilipinas na
siyang unang dapat na nakikiisa sa paglinang at pagpapaunlad ng wikang
ipinagtanggol ng ating mga bayani. Paano maisasakatuparan ang pagkilala sa sariling
identitad, ang pakikipagkapwa-tao, at kaisahan ng buong sambayanan kung ang
ginagamit sa akademya, mga institusyon o maging mga opisina ay wikang Ingles? Isa
pa ay nagkakaroon din ng stigma at diskriminasyon sa mga mamamayang hindi
nakapagsasalita at nakauunawa nito.

Higit pa rito, ang EOP ay isang patunay na pagsuway sa Kautusang


Tagapagpaganap blg. 335 na NAG-AATAS SA LAHAT NG MGA KAGAWARAN/
KAWANIHAN/ OPISINA/ AHENSYA/ INSTRUMENTALITI NG PAMAHALAAN NA
MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG NA KAILANGAN PARA SA LAYUNING MAGAMIT

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
5

ANG FILIPINO SA OPISYAL NA MGA TRANSAKSYON, KOMUNIKASYON AT


KORESPONDENSYA na nagsasad na:

 SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”;
at ukol sa “mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas,
Ingles”; at

 SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa


opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya sa mga opisina
ng pamahalaan ay lalong mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang
Filipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong
bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan
para sa pambansang kaunlaran.
Mapapansin natin ang pagbibigay ng malaking puwang sa Ingles sa akademya,
mga institusyon, at mga tanggapan sa bansa. Paano na lamang ang mga taong nasa
laylayan at ang mga hindi literado sa wikang ito? Paano maisasakatuparan ang
hangaring maunawaan at mapahalagahan ng sambayanang Filipino ang mga
programa, proyekto, at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay
magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang
kaunlaran kung bubusalan ang bibig ng mga mamamayan at sapilitang ipasuso ang
wikang Ingles?
Ang wikang Filipino, sa lahat ng lugar at pagkakataon ay marapat na bigyang
halaga at priyoridad dahil ito ay sagisag ng ating pambansang kaunlaran. Huwag
baliin ang nakasaad sa ating konstitusyon tungo sa layuning mas mapaunlad at
mapanatili ang kapangyarihan ng wikang ating nagsilbing kaagapay sa mga hamon ng
buhay bilang isang mamamayang Filipino. Ang pagkatuto ng ibang wika ay graduwal
at hindi sa paraang mapanggipit. Maaari nating gamitin ang wikang Filipino sa lahat
ng uri ng komunikasyon, transaksyon, at korespondensya sa loob ng bansa at
hinding-hindi nakahihiyang maituturing ang isang mamamayang hindi matatas sa
ibang wika tulad ng Ingles sapagkat mas kahiya-hiya ang isang Filipinong walang
pagmamahal at kaalaman sa kaniyang wika.
Malinaw ba sa iyo ang ating tinalakay? Kung gayon ay sagutan mo na ang
kasunod na mga gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Naunawaan mo ba ang binasa mong halimbawa. Taglay ba


nito ang mga katangiang ating tinalakay. Suriin mo ito. Lagyan ng tsek
ang kolum at ipaliwanag ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
6

Mga Katangian Oo Hindi Paliwanag


ng Posisyong
Papel

Gawain 1.2 Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa gawaing ito kailangan ninyong magbasa ng diyaryo, manood ng telebisyon o
makinig sa radio, (mamili lamang ng isa.) Maglista ng dalawang napapanahong
paksa. Tiyakin na ang ililistang usapin ay may dalawa o higit pang magkaiba o
magkataliwas na panig. Tukuyin ang dalawang magkataliwas na panig. Maghanay
ng mga posibleng katuwiran para sa bawat panig. Gawin sa sagutang papel.

Usapin:

Mga Katuwiran sa Panig 1 Mga Katuwiran sa Panig 2

Paninindigan at Pagpapaliwanag

Tasahin ang gawain gamit ang sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Buong Puntos Sariling Pagpupuntos

Nakapaghanay ng mga 10
katuwiran sa panig 1

Nakapaghanay ng mga 10
katuwiran sa panig 2

Nakabuo at naipaliwanag 10
nang mabuti ang
paninindigan

Kabuuan 30

Gawain 1.3 Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang
pagkukulang ng isang mananaliksik sa bawat sitwasyon at iwasto ang nararapat
niyang gawin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nang ipasa ni Pat ang kanyang pananaliksik maraming mali sa inilahad na datos,
hindi ipinaliwanag ang mga susing konsepto na nakapaloob sa suliraning
pananaliksik. Anong bahagi ng pananaliksik ang dapat niyang binigyang pansin?
Paano niya ito isasagawa?

2. Ibinalik ni Sir Dan ang gawang pananaliksik ni Ana dahil sa hindi ipinaliwanag sa
kanyang pananaliksik ang dahilan kung bakit ito lamang ang napili niyang pag -
aralan. Anong bahagi ng pananaliksik ang nakalimutan ni Ana? Paano niya ito dapat
talakayin sa pag-aaral.

3. Hindi inakala ni Bb. Santos na walang maghahabol sa ginawa niyang sulating


pananaliksik nang walang paalam ni dokumentasyon sa kinuhang artikulo. Anong
tungkulin o responsibildad ng pananaliksik ang nalimutan niya?. Saang bahagi ng
pananaliksik ito nakabilang?

Tandaan
Modyul sa Senior High School-Filipino
Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
7

Matapos pag-aralan ang pagsulat ng Posisyong Papel, narito ang mga


dapat mong tandan.

Posisyong Papel

 Isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at


karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya
ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

 Ito ay kagaya ng isang debate na naglalayong maipakita ang


katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng magkaibang pananaw sa marami
depende sa persepsyon ng mga tao.

 May layunin din itong makahikayat ng madla na ang pinaniniwalaan


ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at
mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit ang ebidensiyang
magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindiganan.

Ang pagsasagawa ng posisyong papel ay nangangailangan ng tiyak na


paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang tiyak at
napapanahong isyu. Naglalaman ito ng mga katuwiran at ebidensiya para
suportahan ang paninindigang inihayag ng sumulat sa isang partikular na
paksa. Upang maging matibay ang paninindigan ng bawat panig
nangangailangan ito ng isang pananaliksik.

Ang Pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong


impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan
ng paggamit ng kung anong nalaman at napag-alaman na suportado ng mga
datos at karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teorya) o pamamaraan (sistema).

Isang gawain pa ang inilaan para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Bumuo ng pangkat na may tig-tatlong miyembro. Pagkasunduan sa


pangkat ang isang paksa ng posisyong papel. Pagkatapos, kolektibong buoin ang
mga impormasyong nasaliksik. Maaaring sama-samang buoin ang bawat bahagi.
Maari ring magtalaga ng ilang bahaging panukala sa bawat miyembro. Anuman
ang pamamaraan, tiyakin na alam at nauunawaan ng bawat miyembro ang
kabuoan ng pinal na posisyong papel.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng paksa sa Panukalang saliksik.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
8

 Mga dahilan sa labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aral at epekto nito


sa kanilang gawaing pang-akademiko.
 Persipsyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan
 Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral ng Senior High SChool
 Iskor ng mga mag-aaral at oras ng kanilang iginugol sa pagrereview ng aralin sa
sabjek na Mathematika
 Mungkahing sariling paksa

Sagutin ang mga tanong upang pahalagahan ang sariling gawa. Bawat
pamantayan ay may katumbas na puntos:

5- Oo, naisagawa ang pamantayan at may angkop na paliwanag

4 – Oo, naisagawa ang pamantayan ngunit hindi gaanong naipaliwanag

3 – Hindi naisagawa ang pamantayan at may angkop na paliwanag

2- Hindi naisagawa ang pamantayan at hindi gaanong naipaliwanag

Pamantayan Oo Hindi Patunay

 Malinaw ba ang isyung tinatalakay?


 Klaro bas a mambabasa ang posisyon
gn may-akda?
 Mahusay ba ang paglalahad ng mga
argumento
 Makatwriran ba ang mga
argumentong inilahad?
 Gumamit ba ng solidong ebidensiya?
 Naglahad ba ng kontra-argumento?
 Angkop ba ang tono ng pagpapahayag
ng katwiran?
Puntos
M

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin at unawain ang talata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

Ang giyera laban sa ilegal na droga ay hindi giyera laban sa buhay ng tao,
kundi giyera para sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi rin ito giyera laban sa
karapatang pantao, kundi giyera para protektahan ang karapatang pantao para
masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. Ayon
sa Philippine Drug Enforcement Agency ( 2015), “20% o 1 sa 5 barangay sa
Pilipinas ang apektado ng ilegal na droga. Sa Metro Manila, umaabot ito sa 92%

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
9

na mga barangay”.(2016). Ayon naman sa Philippine Center on Transational


Crime, ang Pilipinas ay “transshipment hub” ng mga dayuhan at lokal na drug
traffickers dahil sa lokasyon ng bansa sa pagitan ng mga kontinente.

1. Ang posisyong papel ay proseso ng pangangalap ng mga __________ na


humahantong sa kaalaman.
A. argumento at panig C. sabi-sabi at hinuha
B. opinion at palagay D. totoong impormasyon

2. Ayon sa nakalap na impormasyon ng sumulat, laganap sa Pilipinas ang


droga dahil
A. Malapit tayo sa kapwa Asyano
B. Lokasyon ng bansa sa pagitan ng mga kontinente
C. Maraming mahirap na ito ang ikinabubuhay
D. Mahina ang sistemang pulitikal ng bansa

3. Ang sumusunod ay mga argumentong inilahad ng sumulat MALIBAN sa


A. Ang drogay ay giyera para sa buhay ng mga Pilipino.
B. Ang laban sa droga ay giyera upang protektahan ang karapatan ng
tao.
C. Isa sa bawat limang barangay ay apektado ng illegal na droga.
D. Tayo ang daanan ng mga droga ng mga kalapit bansa sa Asya.

4. Mahihikayat mo ang iyong mambabasa na maniwala sa iyong mga


argumento kung ikaw ay maglalahad ng
A. iba’t ibang dahilan C. solidong ebidensya
B. maraming paliwanag D. pahayag mula sa sikat sa lipunan

5. Ang posisyong papel ay nangangailangan ng __________upang mailahad


nang mahusay ang mga argumento.
C. pag-aaral sa kaso C. pagsusuri ng mga datos
D. pananaliksik D. pakikinig sa matatanda

Pagninilay

Sa bahaging ito ng aralin, sikapin mong ipaliwanag ang kahalagahan ng


batayang saliksik sa kabuuan nito. Sagutin ang tanong na: Bakit mahalaga ang
batayang saliksik. Magbigay ng tatlong sagot. Isulat sa sagutang papel.

Mahalaga ang panukalang saliksik dahil ……..

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
10

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)-12


SAGUTANG PAPEL-ARALIN 7

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikapito


Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________


Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 6 Wishlist:________________________

2 7 1______________________________

3 8 Dahilan:_____________________________

4 9 2.._____________________________

5 10 Dahilan:_____________________________

3.______________________________

Dahilan:_____________________________

Mga Gawain

Gawain 1.1

1 Depinadong isyu

2 Klarong posisyon

3 Mapangumbinsi

4 Matalinong Katuwiran

5 Solidong ebidensya

6. Kontra-argumento

7. Angkop na Tono

Gawain 1.2

Usapin:

Mga Katuwiran sa Panig 1 Mga Katuwiran sa Panig 2

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
11

Paninindigan at Pagpapaliwanag

Gawain 1.3

1.__________________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit

Pagninilay

Modyul sa Senior High School-Filipino


Piling Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo

You might also like