You are on page 1of 7

“PAGSUSURI NG ISYU AT PAGBUO

NG TINDIG SA POSISYONG PAPEL”


POSISYONG PAPEL

 Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo


tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu..
 Naglalaman ito ng mga katuwiran o ebidensya para suportahan ang paninindigan.
 Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng ating panig, mahalaga ring malaman ang
posisyon at katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig.
 Maikli lamang ito,isa o dalawang pahina lamang,upang mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan mo.

Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa
patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.Ginagamit
rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga
opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

 Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang
dominyo.

SA AKADEMYA

Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na
paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa
isang akademikong pagsulat.

SA PULITIKA

Kapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto dahil mahalagang nakadetalye ang
pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; kung kaya’t, karaniwan itong ginagamit sa mga
kampanya, organisasyong pampahalaaan, sa mundo ng diplomasya,at sa mga pagsisikap baguhin
ang mga kuro-kuro.

Halimbawa; Sa pamamagitan ng pamamahala ng lingkurang bayan at pagtatatak o branding ng


mga organisasyon.

SA BATAS

Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-
mémoire. Ang isang aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na
punto ng isang iminumungkahing talakayan o hindi-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa
mga hindi diplomatikong komunikasyon.

MGA KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL.

1. Naglalarawan ang posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod
nito.

2. Nakabatay sa mga makatotohanang datos (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay


ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.

3. Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
4. Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad.

5. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa
kabilang panig.

6. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa
kabilang panig.

7. Gumagamit ng akademikong lengguwahe.

BAKIT MAKABULUHANG SUMULAT NG POSISYONG PAPEL?

MAY AKDA

Nakakatulong ito upang mapalalim ang pagkaunawa niya sa isang tiyak na isyu.Pagkakataon din
ng may-akda na magtipon ng mga datos,organisahin ang mga ito at bumuo ng isang malinaw na
paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin naipapakilala ang kaniyang kredebilidad sa
komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.

SA LIPUNAN

Tumutulong ito upang maging malaya ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa
usaping panlipunan.Ibinabahagi ito sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya o
paglalathala sa pahayagan.Ito rin ay nagtatapos sa isang panawagan ng pagkilos,kaya sa
pamamagitan nito nagagamit itong batayan ng mga tao sa kanilang sariling pagtugon at
pagsangkot sa usapin.Dahil sa pagsangkot na ito ang mga mamamayan na naimpluwensiyahan
ng posisyong papel at dito masasabing nakakapag-ambag ito sa paglutas ng mga suliranin sa
lipunan.

Dalawang salitang paulit-ulit na gagamitin sa araling ito;

 KATUWIRAN

maaaring galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng pagiging tama,maayos,may


direksiyon, o layon.

 PANININDIGAN
maaaring galing sa“tindig” na nagpapahiwatig naman pagtayo,pagtatangol,paglaban,at
maaari ding pagiging tama.

MGA MUNGKAHING HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1.Tiyakin ang Paksa

1.1 Pwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan.


Halimbawa;

Ang legalisasyon ng marijuana.

1.2 Pwedeng tugon lamang sa isang suliraning panlipunan.

Halimbawa;

Ang pagbabalik ng Death penalty.

2. Gumawa ng Panimulang Saliksik.

Matapos nating matiyak ang paksa,gumawa ng panimulang saliksik lalo na kung napapanahong
isyu,maaaring magbasa-basa ng dyaryo o magtatanong-tanong ng opinyon sa mga taong may
awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. Sikaping maging bukas muna
ang isipan para makabuo ng matalino at makatuwirang posisyon.Iwasan muna nating kumiling sa
isang panig na maaaring humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw ng usapin.

3. Bumuo ng Posisyon o Paninindigan batay sa Inihanay na mga Katuwiran

Upang matimbang ang dalawang posisyon maglista ng mga argumento o katuwiran ng


magkabilang panig.Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan
para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. Maaari ring pagtapat-tapatin ang bawat
katuwiran at kontra-katuwiran para makita kung alin ang walang katapat o hindi pa
nasasagot.Laging tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan ng katuwiran.
HALIMBAWA NG POSISYONG PAPEL:

Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Subjek sa Kolehiyo


Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte At Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014

Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipino ay matinding


tumututol sa pagbabago sa siyam nay unit na kahingian sa wikang Filipino sa General
Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng
ipinalabas na CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013. Naniniwala kaming
ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa
pagpapahalaga sa kasaysayan, karunugan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.

Narito ang aming batayan.

1. Tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa


kolehiyo. Ang npagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o
Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasong may tiyak na siyam nay unit ang
wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga
unibersidad, kolehiyo, departamento, mga gurot’t mag-aaral, gayundin sa iba pang mga
puwersa sa loob at labas ng akademya. Ang kunwa’y oaglalatag ng mga kursong GE na
maaaring itura kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa
dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang
inimaheng ‘”wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran”.

2. Hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong
dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang ang Filipino,
kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala ng ganiong
pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng karunungan at
isa ring paraan ng pagunawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon, nag-aambag sa
pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.

3. Ang bagong GE Curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang


pambansa, at ang mapagtakdangpapel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.

Ang Wikang Flipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang


wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa Sistema ng edukasyon noong dekada 1940,
hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong
dekada 1970, yumabong na ang Filipno bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa
pakikipah-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan- maunlad dahil sa
pagkakaroon nito ng iba’t-ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na
ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasyasayan,
sikolohiya, at politika.isa sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang
intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang
disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang kasanayan at oryentasyon sa mga
kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang pagtuturo ng mga
kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino
ng pagsustine sa pagpapagunlad ng gamiy ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa
iba’t ibang disiplina.
REPERENSYA

https://tl.wikipedia.org/wiki/Posisyong_papel

You might also like