You are on page 1of 6

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Baitang 12
Ikalawang Semestre- Modyul 9

Paksa: Akademikong Sulatin- Posisyong Papel


Para saan ang modyul na ito?
Alam mo ba na isa sa kasanayan na dapat mahubog ng mga kabataan ay ang kakayahang magkaroon
ng paninindigan sa isang prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang desisyon
batay sa isang matibay na ebidensiya na naglalayung mapatunayan ang isang paksa upang makahikayat o
makakumbensi.

Layunin/Kasanayang inaasahang matamo sa pag-aaral ng aralin:


1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamitng wika sa pagsulat ng
larawang sanaysay. (CS_FA12WG-0p-r-93)

ANO ANG NALALAMAN MO?


Panimulang Pagtataya
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat
______ 1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.
______ 2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo sa pangangatuwiran.
______ 3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay pawang katotohanan.
______ 4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin na wala sa awtoridad.
______ 5. Maaaring gamitin ang isang opinyon bilang isang matibay na ebidensiya lalo na kung ito ay
galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga kilalang tao na may sapat na kaalaman
kaugnay sa paksa.

BALIKAN:
Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa lakbay-sanaysay. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang leksyon, ano ang lakbay sanaysay?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay?
3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?

Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na
katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate, nanghihikayat itong maipaglaban ang
pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong
pumanig sa opinyon ng manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na
ebidensya mula sa pinagkakatiwalaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang
pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag
mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang mapatunayan ang
mali o di-kapanipaniwalang mga binabatong isyu.Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may
tatlo o higit pang matitibay na ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon kina
Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc,(2016).
1. Mga katunayan (facts)- nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa mga nakita,
narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng mga taong nakasaksi o mga
nakaranas ng pangyayari ngunit siguruduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan.
Ang mga datos ay hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago
depende sa mga bagong tuklas na datos.

Pagtalakay/Pagbibigay Input sa Aralin:


Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw.Hindi ito
makatotohanan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting
itong ebidensya pero kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga
kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at siyentipiko.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulang pansin ang ibabahaging paksa sa pamamagitan
ng pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa
ng panigan ang nasabing isyu.

Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel mula sa aklat nina Baisan-Julian at
Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ngtesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis oposisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad nang maayos ang paksa at ang katwiran ukol sa
pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay
maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang mambabasa na paniwalaan angposisyon.

2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) –


Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga
argumentong tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng mga matitibay na mga
batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan ang iyong posisyong
pinaglalaban.Mas higit na kapanipaniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na gagamitin
para madepensahan ang pinapanigang posisyon.

3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging implikasyon nito.
Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu.May mga sang-ayon at may mga di-sang-ayon
sa isyu.Ang posisyon ng bawat indibidwal ay makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating
lipunan. Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Anong Paninindigan mo
tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon ka ba o di kasang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay inilalahad na nang malinaw na komposisyon
ng pagtututol. Dapat isa- isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng karaniwang tao.
Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel
ay manghikayat.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng


PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURONG FILIPINO, KABATAANG
PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP),


Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang
Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan.
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang
asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013.
Bagaman sinasabing komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang
binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong
kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa itong napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga
kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa'y aangkinin
lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata
namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga
natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito,
maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi
pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na
isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, "General education enables the Filipino to find and
locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of
community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at
kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag –aaral
hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa
bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at
makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa
daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira -pirasong kinopya sa dayuhang
kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)
na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga
mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag
na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon
sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito? Hindi ba't paurong na
hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng
CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa? Samantalang sa
maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii
at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at
University of Moscow sa Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay
patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng
mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan.
Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng
Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and
Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang
sa internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay
kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na
binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang
Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa
kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang
Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.
Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng
puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito
ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na
may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang
Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.
Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga mungkahing
asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring
tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na
puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng
malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa
araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang
pambansa at naging katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy
na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika
mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaranng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-
sa-pagtatanggal- ng/727134210658842/

Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa ibinigay na halimbawa sa taas:


1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?
2. Ano ang pangunahing layunin nito?
3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa argumento? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Naging kongkreto ba ang aksyon sa ginawang kongklusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Sang-ayon ka ba isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo
at Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.

Pagsasagawa:
Magsaliksik ng 2 mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat sa talahanayan sa unang hanay.
Pagkatapos maghanap ng limang (5) makakapanayam para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o
di-pabor sa isyu at ano ang dahilan.
Mga Sagot
Isyu Dahilan
Pabor Di-pabor

1.

2.
Pangwakas na Pagtataya:
I- Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.
___ 1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na
naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga salita lamang.
___ 2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi kinakailangang taglayin ng
mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng isang mananaliksik.
___ 3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay hindi lamang humahasa sa
pananaliksik, pagbuo ng matibay na argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng
mag-aaral.
___ 4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa itong makapaglahad ng
kwento sapagkat sa paraang kaakit- akit at lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong hatid
nito.
___ 5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o kwaderno upang itala dito ang
mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang obserbasyon sa isanglugar.
___ 6. Kailangang mapatunayang tama ang counter argument na nailahad.
___ 7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong sulatin.
___ 8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa kongklusyon.
___ 9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita, narinig, naamoy at nadama.
___ 10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng awtoridad (pulis, abogado, doctor,
atbp.).
II- Panuto: Sagutin ang mga hinihingi ng pahayag. Isulat lamang ang titik
______1. Ito ay isang desisyon batay sa isang matibay na ebidensiya na naglalayong mapatunayan ang
isang paksa upang makahikayat o makumbinsi.
A. Pagsulat B. Akademikong Sulatin C. Pangangatwiran D. Larawang-Sanaysay
______2. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katuwiran ukol sa
pinapanigang isyu.
A. Posisyong Papel B. Akademikong Sulatin C. Pangangatwiran D. Lakbay-Sanaysay
______3. Ang ebidensiya ay nauuri sa ____.
A. 3 B. 2 C. 5 D. 4
______4. Ito ay nakabatay sa makatotohan ang ideya mula sa mga nakita, narinig, naamoy at nadama.
A. Pangangatuwiran B. Mga Katunayan (facts) C. Mga opinyon D. Akademikong
Sulatin
______5. May ____bahagi sa pagsulat ng posisyong papel.
A. 2 B. 3 C.1 D. 5

Performance Task
Bumuo ng 5 pangkat. Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat lagyan ng
kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na argumento, mga ebidensya at pagtalakay sa
implikasyon bilang kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


PAMANTAYAN PUNTOS

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong


papel. 25

Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang sulatin na


posisyong papel. 25

Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika. 25

Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya ang posisyong papel


na nabuo. 25

KABUOAN 100
SUSI SA PAGWAWASTO:

Panimulang Pagtataya: Panghuling Pagtataya:


Bahagi-I
1. Mali 1. Tama 6. Tama
2. Tama 2. Mali 7. Tama
3. Tama 3. Tama 8. Mali
4. Mali 4. Mali 9. Tama
5. Tama 5. Tama 10. Mali

Bahagi-II
1. C
2. A
3. B
4. B
5. B

You might also like