You are on page 1of 9

Filipino sa Piling Larang

Aralin 5: Pagsulat ng Posisyong Papel

Aralin 6: Pagsulat ng Replektibong


Sanaysay

Pangkat Tatlo:

Hamos, Shaira Lein T.


Inalisan, Kristine Mae M.
Hernandez, Jheo T.
Tumandao, Hannalyn H.
Sabellano, Cirila Mae
Dimailig, Mikaela Ashley B.
Bartolome, Dhenzy Rain R.
Valdez, Reyna Ann Pearl
Midoranda, Shianelca Eyai J.
Aralin 5: Pagsulat ng Posisyong Papel

Ano ang Posisyong Papel?

Ang posisyong papel ay isang uri ng akademikong pagsulat kung saan ang
manunulat ay nagpapahayag ng kanyang opinyon o pananaw hinggil sa isang tiyak na isyu o
paksa, at nagbibigay ng mga argumento at ebidensya upang suportahan ito.

( HAMOS) Panimula:
Isa sa mga kasanayang dapat mahubig sa mga kabataang Pilipino ay ang kakayahang
manindigan sa desisyon na kanilang ginagawa o pinanghahawakang prinsipyo. At
maisasagawa lamang ito kung mayroon silang kakayahan na mangatwiran sa mga desisyon
na kanilang ginagawa sa pamamahitan ng paglalatag ng mga ebidensya at katotohanan.

Ang pangangatwiran ay isang uri ng diskursong naglalayong mapatunayan ang


katotohanan ng ipinahahayag at pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o
bumabasa ang katotohanang iyon.

Sa isang posisyong papel, ang pangangatwiran ay mahalaga bilang isang paraan ng


pagpapatinah ng katotohanan sa mga pahayag o ideya na inilalahad at mahalaga rin ito upang
mapanatili ang kredibilidad ng manunulat. Kailangang maging maingat sa pag-aaral ng mga
ebidensya at pagpapatunay upang mapatunayan ang kanyang posisyon sa isang tiyak na isyu.
Mahalaga ring maging bukas sa mga kritisismo at maayos na sagutin ang mga ito upang
mapanatili ang integridad ng argumento.

(INALISAN)
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Ang pagsusulat ng posisyong papel ay hindi lamang tungkol sa pagpapahayag ng mga


argumento at pangangatwiran, kundi ito rin ay isang proseso na kinapapalooban ng ebidensya
mula sa pananaliksik. Dahil dito, mahalaga na maglaan tayo ng sapat na oras at paghahanda
sa pagsusulat ng isang posisyong papel. Mayroong mga hakbang na maaari nating sundan sa
paggawa ng posisyong papel.

Limang hakbang sa pagsulat ng isang Posisyong Papel

(VALDEZ)
1.Pumili ng paksang malapit sa iyong puso

Ang posisyong papel ay hindi kadalasang naglalaman ng mga Paniniwala at paninindigan


ng may-akda. Makakatulong nang malaki kung ang paksang tatalakayin ay malapit sa iyong
puso at lubos na nakaantig ng iyong interes at maging ng maraming makakabasa into
Mahalaga na pumili ng paksa na malapit sa iyong puso sa pagsulat ng posisyong papel dahil
ito ay nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa manunulat. Kapag ang isang paksa ay may
personal na kahalagahan sa iyo, mas malamang na maglaan ka ng masusing pananaliksik at
dedikasyon sa pagsusulat upang maipahayag ang iyong mga opinyon at ideya nang mas
mabisa. Bukod dito, mas madali kang makauugnay at makakalikha ng mas nakapanghihimok
na argumento dahil alam mo ang personal na karanasan o pananaw mo ukol dito.

(MIDORANDA)
2. Magsawaga ng paunang pananaliksik Hinggil sa napiling paksa.

Ang paghahanap o pagsasaliksik ng mga kaalaman ukol upang mapalalim ang


pagkakaunawa sa paksa na napili sa pag-gawa ng posisyong papel.
Sa pamamagitan nito ay matatagpuan kung mayroong mga katibayan o ebidensyang na
sumusuporta sa paninindigan. Sa tulong ng pagbabasa ng mga aklat, pahayagan at
nailathalang mga pag-aaral. Pagsagawa ng interbyu o pagtatanong sa mga taong may
awtoridad sa paksa. Sa mga paraang ito ay maaring makalakap ng impormasyon.

Isang paraan rin ay ang pagkuha ng datos mula sa internet, ngunit dapat ay tiyaking ito ay
nagmumula sa mga mapagkakatiwalaang website, tulad ng mga educational site (.edu) ng
mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov).

(PEREZ)
3. Bumuo ng Thesis Statement o Pahayag ng Tesis

Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (1997) sa kanilang aklat na


Kasanayan sa Komunikasyon II, ang thesis statement (pahagay ng tesis) ay isang maikli at
matibay na pangungusap na naglalahad ng pangunahing ideya o posisyon ng mananaliksik
tungkol sa isang partikular na paksa at handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pagkalap
ng mga ebidensiya o datos. Kadalasan rin ito ay maikli lamang at binubuo ng isa o dalawang
pangungusap.
Sa bawat pangakademikong sulatin natin ay mahalaga na mayroon tayong tinatawag na
thesis statement o pangunahing ideya ng ating paksa dahil dito makikita kung mahalaga at
may patutunguhan ba ang iyong punto o ideya.Sa pamamagitan nito, naipapakita ng
mananaliksik ang layunin ng kanyang gawaing pananaliksik at kung ano ang mga
ebidensiyang gagamitin upang suportahan ang kanyang argumento.

(BARTOLOME)
4.Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
Ito ay napakahalagang bahagi na pagsulat ng posisyon na papel.Kailangang mabatid ang
posibleng hamon na maaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o
posisyon hingil sa isyu.

Ilatag din ang mga kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa pamamagitan ng pag iisa-isa
ng mga argumento upang mapagtibay ang kahinaan at kahulugan nito.
(TUMANDAO, SABELLANO)
5.Magpatuloy sa pangangalap ng mga ebidensya:

Ang magpatuloy sa pangangalap ng mga ebidensya ay ang pagtuloy ng pag-aaral o


pagsasaliksik upang madagdagan ang impormasyon o katibayan na may kaugnayan sa isang
partikular na isyu o temang iniuugma.

Uri ng impormasyon:
Ang uri ng impormasyon ay ang pagkakategorya o pag-uuri ng impormasyon batay sa mga
kinikilalang katangian nito. Ito ay nagtutukoy sa kalikasan o kategorya ng impormasyon na
kasalukuyang tinutukoy.

Uri ng sanguniang maaring gamitin:


Ang uri ng sanguniang maaring gamitin ay ang pagtukoy sa mga klase o kategorya ng mga
sangunian o pinagkukunan ng impormasyon na may kaugnayan sa isang paksang
pinagaaralan. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagsasagawa ng pagsasaliksik o pag-aaral.

Mga Katunayan- Ang katunayan ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil
ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan o nadama. Ang
katunayan ay maari ring nasaksihan o naranasan ng ibang tao.

Mga Opinyon- Tumutukoy naman ang opinyon sa pananaw ng mga tao. Ito ay hindi
katunayan kundi ay isang pagsusuri o panghuhusga sa katunayan (judgement.)

(HERNANDEZ)
6. Buohin ang balangkas ng posisyong papel.

Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel, ay gumawa muna ng balangkas o
sa Ingles, outline, para dito. Narito ang pormat na maaaring gamitin:

I. Panimula

a. Ilahad ang paksa.

b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong
pag-usapan.

c. Ipakita ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
(DIMAILIG)
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa
Iyong Tesis
A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
Maaaring matukoy ang mga posibleng counterargument tungkol sa isyu sa pamamagitan ng
pag iisip ng mga tanong na maaaring iharap sa taong may kaalaman ng paksa tungkol sa
iyong posisyon sa isyu sa pangkahalatan.

B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na


counterargument.
Kapag natukoy na ang mga ito, bumalangkas ng mga tugon na nagtatalo laban sa kanila.

C. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilihad.


Ang layunin ay hikayatin at kumbinsihin ang mga mambabasang na ang katotohanang
pinaniniwalaan mo sa iyong tesis ay mas maaasahan at kapani-paniwala.

D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa


Napakahalaga na ipakita ang bawat argumento sa isang patas at obhetibong paraan. Ito
ay nagpapakita na lubusan mong napagmasdan ang lahat ng mga pananaw at pinipigilan ang
iyong pagsulat na magmukhang pumupuna lamang sa magkasalungat na panig.

At mas mainam kung iyong pagtutuonan lamang ang dalawa o tatlong mabibigat na
counterargument nang may malalalim na pagpapaliwanag kaysa maglatag ng maraming
counterargument na kulang naman sa mga paliwanag o tugon para rito at mga ebidensya.

(SABELLANO)
III. Paglalahad ng iyong posisyon
Sa paglalahad naman ng iyong posisyon o pangangatwiran kailangan mong ihayad ang
iyong unang punto. Kasama nito ay paglalahad ng matalinong pananaw sa 'yong punto at
patunay o ebidensyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Sunod naman ay ilahad
ang ikalaw, ikatlo at ika apat na punto upang mapagpatibay ang iyong pangangatwiran o
posisyon.

(HAMOS)
IV. Konklusyon
a. Ilagahad muli ang iyong argumento o tesis.
b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti
ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisang paraan ng pagwawakas ng isang Posisyong Papel ay sa pamamagitan
ng pagbibigay buod at pagbibigay kahulugan sa mahahalagang punto at argumentona inilahad
sa buong papel. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon para magbigay ng pangwakas na
pahayag o opinyon ng manunulat hinggil sa paksa.
(HAMOS)
Isang halimbawa ng Posisyong Papel ay ang "Posisyong Papel ng Kagawaran ng
Filipinohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad"
PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO
HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO,
MGA GURO NG WIKANG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO, AT
MAMAMAYANG PILIPINO"

Ang ito ay naglalaman ng opinyon ng kagawaran ukol sa kontrobersyal na isyu ng pag-


aalis ng asignaturang Filipino bilang pangunahing wika sa mga kolehiyo at unibersidad.
Ipinahayag ng kagawaran ang kanilang matibay na pagsalungat sa nasabing hakbang, at
nagbigay ng mga argumento at ebidensya upang suportahan ang kanilang posisyon.

Sa pamamagitan ng posisyong papel na ito, ipinakita ng Kagawaran ng Filipinohiya ng


PUP ang kanilang malalim na pang-unawa sa kahalagahan ng Filipino bilang isang
pundamental na bahagi ng edukasyon. Binigyang-diin nila ang kultura at identidad na
kaakibat ng wikang Filipino, at paumanhin, ay pinahayag ang kanilang pangamba na ang
pag-alis nito sa mga kolehiyo at unibersidad ay maaaring magdulot ng pagkawala ng
kamalayan sa sariling wika at kultura ng mga Pilipino.

Ang "Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad" ay isang halimbawa ng posisyong papel na
naglalayong magpahayag ng malalim na paniniwala ukol sa isang mahalagang isyu, at
nagbibigay ng lohikal na argumento at ebidensya upang suportahan ang kanilang panig.

Aralin 6: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


(Sining ng Paglalahad)

(HAMOS) Matapos naming talakayin ang kakayahang manindigan sa isang


desisyon o pinanghahawakang prinsipyo. Tumungo naman tayo sa aralin na ito
upang lubos na matutuhan ang kakayahang maglahad sa pamamagitan ng
pagsulat ng Replektibong Sanaysay.

(HERNANDEZ)
Ang Sining ng Paglalahad
Ang paglalahad ay isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa
pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
- Ayon sa UP Diksyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010), ang
paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang
bagay, pook, o ideya.

- Ayon naman kay Jose Arrogante (2000), sa Ingles, ang paglalahad ay


tinatawag na expository writing. Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay
sa karaniwan nating binabasa araw-araw gaya ng mga aklat, mga editoryal sa
diyaryo, ng mga artikulo sa mga magasin, at iba pa.

Sa araling ito, isang uri ng paglalahad ay ang pagsulat ng sanaysay. Tatalakayin


naman natin ang dalawang uri ng sanaysay:

1. Pormal - Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin


at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga
kaisipan.
2. Impormal - Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa
isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Karaniwan itong may
himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa
buhay.

(SABELLANO, TUMANDAO)
Replektibong sanaysay

Ang replektibong sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nagpapahayag


ng karanasan, damdamin, at opinyon ng may-akda tungkol sa isang tiyak na
aspeto ng buhay o karanasan. Ito ay karaniwang nagpapakita ng malalim na
introspeksyon at pag-aanalisa ng may-akda.

(DIMAILIG, MIDORANDA)
III. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

1. Magkaroon ng isang unang paunahan ng panghalip.

2. Isulat ito gamit ang unang paunahan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang
mga panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa
personal na nakaraan.
3. Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang
magtaglay ito ng patunay nmo patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo
ang pagkasulat nito.

4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaaang ito ay kabilang


sa akademikong sulatin.

5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at


madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.

6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:


introduksiyon, katawan, at kongklusyon.

7. Gawing lohikal at orginasado ang pagkakasulat ng mga talata.

(HAMOS, INALISAN)
IV. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang pagsusuri sa mga hakbang sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay ay


mahalaga upang magkaroon ng maayos na estruktura at laman ang iyong akda.
Una ito ay kailangang magkaroon ng introduksiyon, katawan, at wakas o
kongklusyon.

Sa pagsulat ng simula, mahalaga ang pagpili ng makabuluhang simula na


makakakuha ng pansin ng mga mambabasa tulad na lamang ng paggamit ng
pahayag ng isang kilalang tao o tinatawag na quotation, tanong, anekdota,
karanasan, at iba pa. Ito rin ang pagkakataon na ipakilala ang paksa at layunin
ng sanaysay at magsilbing preview ng buong sanaysay.

Sa pagsulat naman sa katawan ito ang bahagi kung saan inilalahad ang mga
pantulong o kaugnayan na kaisipan tungkol sa paksa na inilahad sa simula. Dito
rin ay inilalahad ang mga ideya, karanasan, at pagmumunimuni ukol sa paksa.
Maaaring gamitin ang mga datos at sanggunian upang suportahan ang mga
argumento o pagsusuri. Sa bahagi ring ito inilalahad ang mga natutunan at mga
gintong aral na napulot. Maglahad rin ng mga patotoo kung paano nakakaapekto
ang mga karanasan na ito sa iyo bilang manunulat.

Sa pagwawakas o kongklusyon, mahalaga ulitin ang tesis at maipakita kung


paano ito magiging bahagi ng hinaharap. Maari rin magbigay ng hamon o
tanong sa mga mambabasa upang magkaroon ng pagmumuni-muni ukol sa
paksa. Mahalaga ring tandaan na ang replektibong sanaysay ay personal na
paglalahad ng karanasan at opinyon ng manunulat ukol sa isang paksang may
epekto sa kanyang buhay o sa iba.

Ang mahusay na pagsusulat ng replektibong sanaysay ay nangangailangan ng


malinaw na estruktura, mahusay na pagpili ng mga salita, at pagpapahayag ng
personal na damdamin at opinyon ukol sa paksa.

You might also like