You are on page 1of 12

Posisyong Papel

Group 6
Jeremy Andrei Cleto Claire Chua
Zhamelle Mabuti Angel Guillermo
Akademikong Sulatin

 Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay


naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang
maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa
personal na buhay o di kaya pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing
tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng
bawat tao.
Kahulugan ng Posisyong Papel

 Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang
isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong
papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
 Ang sulat na ito ay maari ring mag dulot ng magkakaibang pananaw depende sa mga pananaw ng tao.
 Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang isyung napapanahon.
 Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa
pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga
posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.
Kahulugan ng Posisyong Papel

Ayon naman kay Grace Feming, sumulat ng artikulong “How to write an


argumentative essay,” ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o
usapin para sa inyong pananaw o posisyon.
Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinngil sa isyu, mahalagang
mapatunayang totoo at katanggap tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
ebidensiyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinion ng mga taong may
awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.
Kahulugan ng Posisyong Papel

Ayon kay Jacson et al(2015) sa kanilang aklat na “pagbasa at pagsusulit tungo sa


pananaliksik,” ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na
maaring maiugnay sa sumusunod na paliwanag:
 Ito ay sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakakarami.
 Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan.
 Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinyon at
mapahayag ang mga opinyong ito sa iba.
Mga Dapat Isaalang-alang para sa Mabisang
Pangangatwiran

 Alamin at unawain ang paksang pagmamatuwid.


 Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
 Sapat na katwiran at katibayang makapagpatunay.
 Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
 Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
 Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
Layunin ng Posisyong Papel

 Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap
tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong
pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang pinaniniwalaan o pinaninindigan.
 Nababalikan ang dating kaalaman hinggil sa sining ng pangangatwiran.
 Nakapagsasaliksik at nakapagsusuri ng isang posisyong papel.
 Nakakasulat ng isang posisyong papel hinggil sa isang napapanahong isyu.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Pumili ng Isyung tatalakayin.


2. Pumili ng posisyon sa isyu (Positive or Negative).
3. Magsaliksik sa mga impormasyon.
4. Pag-isip at pagpili kung anong uri ng pahayag ang iyon isinisulat.
5. Magsulat patungkol sa iyong mambabasa.
6. Pagsulat ng balangkas - Ang balangkas o outline sa salitang Ingles ay ang kalipunan ng mga salita at pangungusap
 na nagtataglay ng pagkakasunod-sunod ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin.
7. Pagsulat ng burador (Draft) - Ang Burador ay ang tentatibong kabuuan ng papel, Isa ito sa unag hakbang parasa
aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik nabubuoang mga datos sa pamamagitan ng
pagsasama-sama at pag-uugnay nito. bahagi din sapagsulat ng unang burador ang pagbuo ng
tentatibong talasanggunian.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

9. Pagrebisa ng burador
10. Aktwal na papel
Pormat ng Isang Posisyong Papel

 Introduksiyon - isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa


ngpananaliksik.
 Katawan - Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring pantulong
gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na natagpuan sa pag-aaral at
pananaliksik.
 Kongklusiyon – Kinakapapalooban ng isa o kombinasyon ng sumusunod: (a) buod ng pangunahing ideyang
nabuo sa katawan ng saliksik; (b) sipi o pahayag ng naglalagom sa papel na maaaring maging lunsaran ng
pagtatalakay sa halaga ng papel; (c) pagbalik sa ideyang binuksan sa introduksiyon; at (d) pagbubukas ng
ilang usapin kaugnay ng nilinang na paksa para sa susunod na pananaliksik.
Halimbawa
ng Posisyong
Papel
Summary

 Ang posisyong papel ay humihikayat sa madla na ang paniniwalaan


ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at
mapagtibay ang argumentong ipaglalaban gamit ang mga
ebidensiyang magpapatotoo sa posisyong paniniwalaan o papanigan.

You might also like