You are on page 1of 10

Mga Paksang Napapanahon:

• Legalizing Marijuana as Medical


Medicine
• Pagtanggal ng Asignaturang Filipino
sa Kolehiyo
• War on Drugs
• Ang Presidente ng Pilipinas: Duterte
• Same Sex Marriage
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Ayon kay Grace Fleming,
sumulat ng artikulong “How
to Write an Argumentative
Essay”,
ang posisyong papel ay
ang pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang
kontobersiyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng
isang kaso o usapin para sa
iyong pananaw o posisyon.
Ang posisyong papel,
kagaya ng isang debate, ay
naglalayong maipakita ang
katotohanan at katibayan ng
isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon
at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa
marami depende sa
persepsiyon ng mga tao.
Ayon kay Jocson, et, al, sa kanilang
aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik (2005), ang
pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na
maaaring maiugnay sa sumusunod na
mga paliwanag:

 Ito ay isang sining ng paglalahad


ng mga dahilan upang makabuo
ng isang patunay na tinanggap ng
nakararami.
 Ito ay isang uri ng paglalahad
na nagtatakwil sa kamalian
upang maipahayag ang
katotohanan.
 Ito ay isang paraang
ginagamit upang mabigyang-
katarungan ang mga opinion
at maipahayag ang mga
opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa isang
mabisang pangangatwiran:
• Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
• Dapat maging maliwanag at tiyak ang
pagmamatuwid.
• Sapat na katwiran at katibayang
makapagpapatunay.
• Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at
katwiran upang mapanghikayat.
• Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at
bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang
ilalahad.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong
Papel
1.Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
2.Magsagawa ng panimulang pananaliksik
hinggil sa napiling paksa.
3.Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4.Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag o tesis o posisyon.
5.Magpatuloy sa pangangalap ng mga
kakailanganing edidensya.
Ayon kay Constatino at Zafra (1997), nauuri sa
dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa
pangangatwiran:

a.Mga Katunayan (facts) – ito ay


tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na
totoo dahil ang mga katibayan nito ay
nakabatay sa nakita, narinig, naamoy,
nalasahan, at nadama.
b.Mga Opinyon – ito naman ay tumutukoy sa
pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig sa
ipinapalagay lamang na totoo.
Pormat ng Posisyong Papel
I. Panimula
II. Paglalahad ng Counterargument o mga
Argumentong Tumutututol o Kumokontra
sa iyong Tesis
III.Paglalahad ng Iyong Posisyon o
Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
IV.Kongklusyon

You might also like