You are on page 1of 6

PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL ebidensiyang makakalap hinggil sa nasabing

paksa.
Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
kabataang Pilipino ay ang kakayahang manindigan sa
isang desisyong ginawa o pinanghahawakang Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S.
katotohanan o prinsipyo. Maisasagawa ito kung may Zafra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa
kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay
sa pamamagitan ng paglalatag ng matitibay na naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya na
ebidensiya o katibayan. iyong gagawin. Isa itong matibay na pahayag na
Ang Pangangatwiran ay isang uri ng diskursong naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw
naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa
ipinahahayag at pinaniniwalaan at ipatanggap sa niyang patunayan sa pamamagitan ng
nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon. pangangalap ng mga datos o ebidensiya.
Kadalasan ito ay maikli lamang na binubuo ng
Mahalagang ang taong nangangatwiran ay may
isa o dalawang pangungusap. Sa pamamagitan
sapat na kaalaman tungkol sa paksang
pinangangatwiranan. Kailangang mabatay ang katwiran ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga
sa katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit mambabasa kung tungkol saan ang posisyong
nang hindi naman namimilit. papel.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
Ayon kay Jocson et al. (2005), sa kanilang aklat
pahayag ng tesis o posisyon.
na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang
pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo Ito ay napakahalagang bahagi sa pagsulat ng
argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na posisyong papel. Kailangang mabatid ang mga
mga paliwanag. posibleng hamong maaaring harapin sa
gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o
 Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan posisyong hinggil sa isyu. Ilatag din ang mga
upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa
ng nakararami. pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga
 Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa argumentong maaaaring iharap dito upang
kamalian upang maipahayag ang katotohanan . mapagtibay ang kahinaan at kakulangan nito.
 Ito ay isang paraang ginagamit upang 5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga
mabigyang-katarungan ang mga opinyon at kakailanganing ebidensiya
maipahayag ang mga opinyong ito sa iba. Kapag ganap nang napatunayan ang napiling
posisyon ay may matibay at malakas na laban sa
Ayon naman kay Grace Fleming, sumulat ng pinasusubaliang posisyon ay maaari nang
artikulong “How to Write an Argumentative Essay”, magsagawa nang mas malalim na pananaliksik.
ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang usapin para sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa
iyong pananaw o posisyon. pangangatwiran:
a. Mga Katunayan (facts)—ito ay tumutukoy sa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig,
Makatutulong nang malaki kung ang paksang naamoy, nalasahan, at nadama. Hindi
tatalakayin ay malapit sa iyong puso at lubos na kinakailangang ang mananaliksik mismo ang
nakaaantig ng iyong interes at maging ng nakaranas o nakakita ng pangyayari para
maraming makababasa nito. magamit itong katibayan, maaari ring ito ay
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik nasaksihan o naranasan ng ibang tao.
hinggil sa napiling paksa b. Mga Opinyon—ito naman ay tumutukoy sa
Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig
ay naglalayong malaman kung may sapat na hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay
lamang na totoo. Hindi ito katunayan kundi b. Ilahad ang mga kinakailangang
pagsusuri o judgment ng katunayan. Kung impormasyon para mapasubalian ang
gagamiting ebidensya ang opinyon sa iyong binanggit na counterargument
sulating papel, kailangang manggaling ito sa c. Patunayang mali o walang katotohanan ang
taong may awtoridad na magsalita hinggil sa mga counterargument na iyong inilahad
isang isyu o paksa. d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay
ang iyong ginawang panunuligsa
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel
Bumuo ng balangkas ng posisyong papel: III. Paglalahad ng iyong posisyon o
I. Panimula pangangatwiran tungkol sa isyu
a. Ilahad ang paksa. a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag posisyon o paliwanag.
tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng
itong pag-usapan. iyong posisyon o paliwanag.
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng
iyong stand o posisyon tungkol sa isyu. iyong posisyon o paliwanag.
Sa pagsulat ng panimula, mahalagang IV. Kongklusyon
maunawaan na ito ay may dalawang layunin. Una, upang a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis
ipakilala ang paksa at ang tesis at pangalawa, upang b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of
maantig ang interes ng mga babasa nito. action na makatutulong sa pagpapabuti ng
kaso o isyu.

Halimbawa:
a. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan
sa lipunan ngayon ay ang Enhanced Basic SINING NG PAGLALAHAD
Education Act of 2013 o Republic Act No.
10533. Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong
Edisyon, 2010), ang paglalahad ay isang detalyado at
b. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa
komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook,
kasalukuyan ay labis na naaapektuhan ng o ideya
programang ito. Puspusan ang
isinasagawang paghahanda at pagsasanay ng
pamahalaan upang maihanda ang mga Ayon naman kay Jose Arrogante (2000) sa
paaralan at mga guro sa maayos na kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, at
pagpapatupad nito. Kasanayan sa Komunikasyon, “Sa Ingles, ang
Paglalahad ay tinatawag na expository writing. Madalas
c. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral
makita ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating
sa totoong buhay lalo na sa paglinang sa binabasa sa araw-araw gaya ng mga aklat, mga editoryal
kanilang mga kasanayang kakailanganin sa sa diyaryo, ng mga artikulo sa mga magasin, at iba pa.
papasuking larangan o trabaho kaya
mahalagang maipatupad ang programang Dalawang Uri ng Sanaysay
ito. 1. Pormal – ito ay maayos at mariin na paraan ng
pagsulat bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at
II. Paglalahad ng Counterargument o mga
mga kaisipan. Kung minsa’y tinatawag din itong
Argumentong Tumututol o kumokontra impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa
sa iyong tesis upang makakuha ng impormasyon.
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong 2. Impormal – Tinatawag din itong pamilyar o
tesis personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong
nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Ito’y
naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa
isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang
pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang 1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa
kuro-kuro o pala-palagay. halip na isang turista.
Mahalagang malinaw sa isang manlalakbay ang
REPLEKTIBONG SANAYSAY (Sining ng kanyang layunin. Layunin na makakalap ng mga
Paglalahad) impormasyon at hindi mamasyal lamang.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Ang karamihan sa nilalaman ng lakbay sanaysay
Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at
na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon naranasan ng manunulat. Kadalasang
na pagsasanay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay
mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at kung kaya’t mainam na unang panauhang punto
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito ang gamitin sa pagsulat.
nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito. 3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung sanaysay.
saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan Dahil iba-iba ang kinahihiligan at
at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o kinawiwilihang paksang maaaring itampok sa
pangyayari. paglalakbay, mahalagang matukoy kung ano ang
magiging pokus ng susulating lakbay sanaysay
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng nang sa gayon ay matukoy kung ano-anong
Replektibong Sanaysay impormasyon lamang ang pagtutuunan ng
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis pansin sa pagsulat.
na iikutan ng nilalaman ng sanaysay. 4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng ng mga larawan para sa dokumentasyon
panghalip. habang naglalakbay.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal Mahalagang maitala ang mga wastong
na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng impormasyon o detalye sa isinagawang
patunay o patotoo batay sa iyong mga paglalakbay na makatutulong sa pagsulat ng
naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sanaysay.
sa paksa upang higit na maging mabisa at 5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan
epektibo ang pagkakasulat nito. sa ginawang paglalakbay.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga
pagsulat nito. nakita sa paglalakbay, mahalaga ring maisama
5. Gawing malinaw at madaling maunawaan sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na
ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya natutunan habang isinasagawa ang paglalakbay.
o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa
mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng
sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, sanaysay.
katawan, at kongklusyon. Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na
7. Gawing lohikal at organisado ang kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang
pagkakasulat ng mga talata. susulating sanaysay ay maging malinaw,
organisado, lohikal at malaman.
LAKBAY SANAYSAY
Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel PICTORIAL ESSAY
essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan
pangunahing layunin ay maitala ang mga naging higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o
karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang, panulat. Sa pagsulat ng pictorial essay dapat lamang
ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang tandaan ang mga sumusunod:
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng  Ang paglalagay ng larawan ay dapat na
tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito
siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o
sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. kaisipang nais ipahayag.
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay- larawan ay suporta lamang sa mga larawan
Sanaysay kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatulong sa pag-
unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o
titingin ang mga katitikang isusulat dito. Kabatiran
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga Ang layunin ng talumpating ito ay
larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa
larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat
nais bigyang-diin. na maging malinaw at makatotohanan
 Isipin ang mga titingin ng iyong photo essay ang paglalahad ng datos kaya
kung ito ba ay mga bata, kabataan, propesyonal, mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit
o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at ng mga dokumentong
interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mapagkakatiwalaan.
mga salitang gagamitin sa pagsulat ng ma 2. Talumpating Panlibang
caption. Layunin ng talumpating ito na magbigay
ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya
TALUMPATI naman sa pagsulat nito, kailangang
Ang Pagtatalumpati ay isang uri ng sining. lahukan ito ng mga birong nakatatawa
Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan ng na may kaugnayan sa paksang
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang tinatalakay.
kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa 3. Talumpating Pampasigla
isang partikular na paksang pinag-uusapan. Layunin ng Talumpating ito na
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan magbigay ng inspirasyon sa mga
ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang nakikinig. Sa Pagsulat nito, tiyaking ang
pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito nilalaman nito ay makapupukaw at
ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng makapagpapasigla sa damdamin at
mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay isipan ng mga tao.
hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi 4. Talumpating Panghikayat
mabibigkas sa harap ng madla. Layunin ng talumpating ito na hikayatin
ang mga tagapakinig na tanggapin ang
paniniwala ng mananalumpati sa
Mga Uri ng Talumpati pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)— Ang mga patunay.
talumpating ito ay ibinibigay ng biglaan o 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang Layunin ng talumpating ito na tanggapin
paksa sa oras ng pagsasalita. ang bagong kasapi ng samahan o
2. Maluwag (Extemporaneous)— Kung ang organisasyon. Ginagawa rin ito bilang
biglaang talumpati ay isinasagawa nang biglaan pagtanggap sa isang bagong opisyal na
o walang paghahanda, sa talumpating ito, natalaga sa isang tungkulin.
nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng 6. Talumpati ng Papuri
ipapahayag na kaisipan batay sa paksang Layunin ng talumpating ito na magbigay
ibinigay bago ito ipahayag. ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao
3. Manuskrito— Ang talumpating ito ay o samahan. Kabilang sa mga ito ang
ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o talumpati ng pagtatalaga sa bagong
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan hirang na opisyal, talumpati ng pagkilala
itong mabuti at dapat na nakasulat. sa isang taong namatay na tinatawag na
4. Isinaulong Talumpati— Ito ay kagaya rin ng eulogy, talumpati sa paggagawad ng
manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag- medalya o sertipiko ng pagkilala sa
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa isang tao o samahang nakapag-ambag
harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na nang malaki sa isang samahan o sa
magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig lipunan, at iba pang kagaya ng mga ito.
sapagkat hindi binabasa ang ginawang
manuskrito kundi sinaulo ang binibigkas ng Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
tagapagsalita.
A. Uri ng Tagapakinig
Mga uri ng Talumpati ayon sa Layunin Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati,
Sa Pagsulat ng Talumpati mahalagang makilala mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
ang iba’t ibang uri ng talumpati ayon sa layunin nito: mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang
magiging tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan
(2002) sa kanilang aklat na Sining ng ng pagbabasa at pangangalap ng
Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang ilan sa impormasyon sa ensayklopedyam aklat,
dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang pahayagan, magasin at dyornal, maaari rin
mga tagapakinig ay ang sumusunod: itong maisagawa sa pamamagitan ng
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig – interbyu, mula rito ay maaaring makakuha
Mahalagang alamin ang edad o gulang ng ng mahahalagang datos na makatutulong sa
nakararami sa mga tagapakinig. Iakma ang pagbalangkas ng talumpati.
nilalaman ng paksa at maging ang wikang 2. Pagbuo ng tesis
gagamitin sa edad ng mga makikinig. Mahalagang matukoy ang tesis o
2. Ang bilang ng mga makikinig pangunahing kaisipan ng paksang
Importante ring malaman kung ilan ang mga tatalakayin sapagkat dito iikot ang
taong makikinig sa talumpati. Kung pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga
maraming makikinig, marami ring tagapakinig.
paniniwala at saloobin ang dapat na 3. Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o
isaalang-alang ng mananalumpati. punto
3. Kasarian Tukuyin ang mga mahahalagang punto na
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, magsisilbing batayan ng talumpati.
karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa Mahalagang mahimay o matukoy ang
kababaihan. Nagkakaroon din ng mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin
magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa upang maging komprehensibo ang susulatin
isang partikular na paksa. Mahalagang at bibigkasing talumpati.
malaman kung ang pagtitipong pupuntahan
ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan o ng C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
magkahalong kasarian. Mahalaga ring matukoy ang Balangkas o ayos
4. Edukasyon o antas sa lipunan ng isusulat na Talumpati:
Mahalaga ring malaman ang antas ng 1. Kronolohikal na hulwaran
edukasyon ng nakararaming dadalo sa Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o
pagtitipon at maging ang antas ng kanilang nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng pagkasunod-sunod ng pangyayari o
edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay
na umunawa sa paksa. Kung ang mga ng detalye mula sa unang pangyayari,
makikinig ay kabilang sa masang pangkat, sumunod na mga pangyayari, at panghuling
mahalagang gumamit ng mga salita o pangyayari. Ang paksa ay maaari ring
halimbawa na akma para sa kanila. Kung talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang
ang karamihan naman sa mga makikinig ay na dapat
mga edukado at kabilang sa mataas na antas 2. Topikal na hulwaran
ng lipunan, iba ring pamamaraan ng Ang paghahanay ng mga bahagi ng
pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila. talumpati nakabatay sa pangunahing paksa.
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga
nakikinig tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang
Dapat mabatid din kung gaano na kalawak hulwarang ito. Halimbawa, kung tatalakayin
ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig ang kultura ay maaaring hatiin ito sa
tungkol sa paksa. Kung may alam na ang espesipikong paksa tulad ng sosyolohiya,
mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping antropolohiya at maging ang uri ng
maglalaman ito ng mga bago at karagdagang heograpiyang kinalalagyan ng mga tao.
impormasyon upang hindi sila mabagot o Mainam na gamitin ito upang buo at
mawalan ng interes. malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig
ang tinatalakay ng paksa.
B. Tema o Paksang Tatalakayin 3. Hulwarang problema-solusyon
Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang
upang ang bubuuing talumpati ay may pagkakahabi ng talumpati gamit ang
kinalaman sa layunin ng pagtitipon. hulwarang ito, ang paglalahad ng suliranin at
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na ang pagtalakay sa solusyon na maaaring
babasahin isagawa. Kalimitang ginagamit ang
hulwarang ito sa mga uri ng talumpating Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito
nanghihikayat. ang pagtiyak sa nilaang oras.

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng


Talumpati
1. Introduksiyon— Ito ang pinakapanimula ng
talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig
para sa nilalaman ng talumpati kaya naman
dapat angkop ang pambungad sa katawan ng
talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na
panimula upang:
a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga
makikinig
b. Makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. Maihanda ang mga tagapakinig sa
gaganaping pagtalakay sa paksa
d. Maipaliwanag ang paksa
e. Mailahad ang balangkas ng paksang
tatalakayin
f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa
mensahe
2. Diskusyon o Katawan— Dito makikita ang
pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat
dito tinatalakay ang mahahalagang punto o
kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
Mga katangiang dapat taglayin ng katawan ng
talumpati
a. Kawastuhan— Tiyaking wasto at
maayos ang nilalaman ng talumpati.
Dapat na totoo at maipaliliwanag ang
paksa. Kailangang gumamit ng angkop
na wika at may kawastuhang
pambalarila ang talumpati.
b. Kalinawan— Kailangang maliwanag
ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig.
c. Kaakit-akit— Gawing kawili-wili ang
paglalahad ng mga katwiran o
paliwanag para sa paksa. Sikaping
makabuo ng nilalaman na kaugnay sa
paksa at gigising sa kaisipan at
damdamin ng mga makikinig. Higit sa
lahat, sikaping mapaniwala ang mga
nakikinig sa mga katotohanang
inilalahad ng talumpati.

3. Katapusan o Kongklusyon — Dito nakasaad


ang pinakakongklusyon ng talumpati. Maaaring
ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at
katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.

4. Haba ng Talumpati – Ang haba ng talumapti


ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang
inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.

You might also like