You are on page 1of 5

Mother of Mercy Academy, Inc.

School ID: 406033


 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Filipino sa Piling Larangan


Panahong Igugugol: Ikapito-walo na linggo
Modyul ng Pagkatuto sa Sarili

Palalarawan ng Paksa:
Sa araling ito’y nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t-ibang anyo ng sulatin.

Learning Competency (MELC):


1. Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pagkritik sa isang sulatin.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa tinalakay na sulatin.
3. Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan
Paksa:
Pagsulat ng Posisyong Papel
Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang tamang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel;
2. Nakapagbibigay ng sariling paninindigan at nasasabi ang kahalagahan nito;
3. Nakasusulat ng posisyong papel hinggil sa isang napapanahong isyu
Talakayan:
Pagsulat ng Posisyong Papel

Posisyong Papel- Ayon kay Jocson, et al, sa kanilang aklat na Pagbasa at PAGSULAT Tungo sa
Pananaliksik (2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaring
maiugnay sa sumusunod na mga paliwanag.
 Ito ay isang sining na paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng
nakararami.
 Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
 Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang
mga opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran :
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwang at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang
ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
Sa araling ito ay tatalakayin ang isang paraan ng pagpapakita ng isang masining na pagpapahayag ng
mga katwiran sa pamamagitan ng pagsulat ng posisyong papel. Ang posisyong papel, kagaya ng isang
debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao. Ang
layunin ng posisyong papel ay mahikaayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may
katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong ipinaglalaban gamit ang mga
ebidensiyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.Ayon kay Grace Fleming, sumulat
ng artikulong “How to Write an Argumentative Essay,” ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong
pananaw o posisyon. Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang
totoo at katanggap-tanggap ito sa paamamagitan ng paggamit ng mga ebidensiyang kinapapalooban ng mga
katotohanan, opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa,karanasan, estadistika, at iba pang uri ng
katibayang magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan. Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel ay
mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang
kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu. Maaring ang paksa ay maging simple o kumplikado ngunit ang
iyong gagawing argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at lohikal. Ang
detalye hinngil sa pahayag ng tesis ay tatalakayin sa susunod na mga talata.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga argumento at
pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan
ng pananaliksik. Kaya naman, napakahalagang mapag-isipan at mapaghandaang mabuti ang paggawa nito.
Narito ang mga hakbang na maaring sundin sa pagsulat ng posisyong papel.
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso. Ang posisyong papel ay kadalasang naglalaman ng mga
paniniwala at paninindigan ng may akda.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa. Ang pagsagawa ng panimulang
pananaliksik ay naglalayong malaman kung may sabat na ebidensiyang makakalap hinggil sa nasabing
paksa.
3. Bumuo ng thesis o statement o pahayag ng tesi. Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra
sa kanilang anak na Kasanayan sa Komunikasyon II (1997), ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng
pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahaya g ng tesis o posisyon- Ito ay napakahalagang
bahagi sa pagsulat ng posisyong papel. Kailangang mabatid ang mga posibleng hamon na maaring
harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o posisyon hinggil sa isyu.
5. Magpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya- Kapag ganap nang napatyunayan
na ang napiling posisyon ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubaliang posisyon ay maaari
nang magsagawa nang mas malalim na pananaliksik.
Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa
pangangatwiran:
A. Mga katunayan (facts)- Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan
nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama.
B. Mga opinyon- Ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa
katunayayn kundi sa ipinapalagay lamang na totoo.
C. Buoin ang mga balangkas ng posisyong papel. Bado tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong
papel ay gumawa muna ng balangkas para ditto.Narito ang pormat na maaaring gamitin.

I. Panimula
A. Ilahad ang paksa.
B. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-
usapan.
C. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito ay may dalawang layunin. Una, upang ipakilala ang
paksa at pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa nito. Tunghayan ang halimbawa nito:
A. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan sa lipunan ngayon ay ang Enhanced Basic Education Act
of 2013 o Republic Act No. 10533.
B. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ay labis na naaapektuhan ng programang ito.
C. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral sa totoong buhay lalo na sa p[aglinang sa kanilang mga
kasanayang kakailanganin sa papasuking larangan o treabaho kaya mahalagang maipatupad ang
programang ito.
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis.
A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counterargument
C. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad.
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
III. Paglalahad Ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran sa Isyu.
A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawnag punto
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa mapagkakatiwalaang sangguninan.

C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.


 Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkoln sa ikatlong punto.
 Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa tatlong mapagkakatiwalaang sanggunian.
Upang higit na maging matibay ang iyong pangangatwiran o posisyon, sikaping maglahad ng tatlo o higit pang
mga puntos tungkol sa isyu.

IV. Konklusyon
A. Ilahad muli ang iyong armgumento o tesis.
B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makakatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa pamamagitan ng
muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtalakay sa mga magiging
implikasyon nito.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Pangalan : ________________________ GURO: CIELO B. OSORIO


Baitang at Seksyon : ______________________ Lagda ng Magulang: ______________________

Filipino sa Piling Larangan


Actibiti sheet
WEEK 7-8

Aktibiti:

GAWAIN 1-Panuto1 Lagyan ng tsek(√) kung ang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel ay wasto at
lagyan ng ekis (×) kung mali.
____1. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
____2. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin sa pagsulat ng pagsisimula.
____3. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang magagamit sa pagsulat.
____4. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa pagbuo ng sulatin.
____5. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na nakalahad sa sulatin.
____6. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
____7. Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat din isaalang-alang sa pagbibigay ng kongklusyon.
____8. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay nakapagpapanatag ng
pangangatwitan.
____9. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ang isang tao ang mga katunayan o facts.
____10. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
GAWAIN 2- Panuto: : ibigay ang iyong paninindigan sa ilang mga isyung ito at maglahad ng mga punto kung
paano ito nakatulong o nakatutulong para sa iyong kabutihan. Sa huli ay bumuo ng sariling konklusyon
kung bakit mahalagang magkaroon ng paninindigan sa buhay.Ilagay ang sagut sa papel.

Paggamit ng tablet o iba Ang Aking Paninindigan. .


pang gadget sa pag-aaral
sa halip na aklat sa
paaralan
Ang Aking Paninindigan. .
Pagdaragdag ng
dalawang taon sa Basic
Education (K to 12
Program, Senior) HS)

Malayang paggamit ng
Internet at social media Ang Aking Paninindigan
sa pag-aaral at
pagpapahayag

Kailangan kong magkaroon ng paninindigan dahil . . .

Gawain 3 Panuto: Ipahayag mo nang buong-buo ang iyong paninindigan sa isa sa mga isyung nakatala sa Gawain 2. Sumulat ka ng
isang posisyong papel upang maipakita ang katotohanan at katibayan ng iyong pagmamamtuwid at mahikayat ang mga kabataang
tulad mo na maganda at tama ang iyong pinaniniwalaang panig. Maaaring pumili ng iba pang paksang malapit sa iyong pusong alam
mong may malaking ugnayan sa buhay ng mga kabataang gaya mo sa kasalukuyan nang may pahintulot ng iyong guro.

Sanggunian: Ailene Baisa-Julian (2016) Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan(akademik). Quezon City.Phoenix Publishing
House
Inihanda ni:

Cielo B. Osorio
09128336572
osoriocielo@momanian.com
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage
Cielo Osorio

You might also like