You are on page 1of 11

G B UO NG

PA AS N G
BALA N G K
IS YO N G
POS L
PA P E
CONTINUATION
(Posisyong Papel)
BUOIN ANG BALANGKAS NG
POSISYONG PAPEL

Bago tuluyang isulat ang kabuoang


sipi ng posisyong papel ay gumawa
muna ng balangkas para dito. Narito
ang pormat na maaaring gamitin.
I. PANIMULA

a. Ilahad ang paksa.


b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag
tungkol sa paksa at kung bakit ito mahalaga itong
pag-usapan.
c. Ipakilala ang tesisng posisyong papel o ang
iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
SA PAGSULAT NA PANIMULA,
MAHALAGANG MAUNAWAAN NA
ITO AY MAY DALAWANG LAYUNIN.
UNA, UPANG IPAKILALA ANG PAKSA
AT ANG TESIS AT PANGALAWA,
UPANG MAANTIG ANG INTERES NG
MGA BABASA NITO. TUNGHAYAN
ANG HALIMBAWA NITO:
a. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan sa lipunan ngayon ay
Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533
b. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ay labis na
naapektuhan ng programang ito. Puspusan ang isinasagawang
paghahanda at pagsasanay na pamahalaan upang maihanda ang mga
paaralan at mga guro sa maayos na pagpapatupad.
c. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral sa totoong buhay lalo na sa
paglinang sa kanlang mga kasanayang kakailanganin sa papasuking
larangan o trabaho o kaya mahalagangmaipatupad ang programang ito.
I. PAGLALAHAD NG COUNTEARGUMENT O
MGA ARGUMENTONG TUMUTUTOL O
KUMOKONTRA SA IYONG TESIS

a. ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis


b. ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para
mapasubalian ang binanggit na counterargument
c. patunayang mali o walang katotohanan ang mga
counterargument na iyong inilahad
d. magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong
ginagawang panunuligsa
III. PAGLALAHAD NG IYONG
POSISYON O PANGATWIRAN
TUNGKOL SA ISYU
a. Ipahayag o Ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o ipaliwanag.
·Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
·Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
b. Ipahayag o ilahan ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag
·Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto.
·Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
·Ilahad ang inyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.
·Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa tatlong mapagkakatiwalaang
sanggunian.
Upang higit na mapatibay ang iyong
pangangatwiran o posisyon, sikaping
maglahad ng tatlo o higit pang mga
puntos tungkol sa isyu.
IV. KONGKLUSYON

a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.


b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na
makakatulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas
ng posisiyong papel ay sa pamamagitan ng muling pagbanggit
sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtatalakay
sa mga magiging implokasyon nito.
ISA-ISAHIN ANG BALANGKAS SA PAGSULAT NG POSISYONG GAMIT ANG
CONCEPT MAP SA IBABA. LAGYAN NG MAIKLING PALIWANAG ANG
BAWAT BAHAGI

BALANGKAS NG
POSISYONG PAPEL

GAWAIN 1: POSISYONG PAPEL


Isulat kung TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag at
mali.
____________1. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
____________2. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin sa pagsulat
ng pagsisimula.
____________3. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang magagamit sa pagsulat.
____________4. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailanagan sa pagbuo ng sulatin.
____________5. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na nakalahad sa
sulatin.
____________6. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
____________7. Ang pagbigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay ng kongklusyon.
____________8. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay
nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
____________9. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao ang mga katunayan o facts.
____________10. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
____________11. Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisiyong papel ay sa pamamagitan
ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtatalakay sa mga magiging implokasyon
nito.
____________12. Ang mga “katunayan” ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao.
____________13. Ang mabisang pangangatwiran ay dapat maging maliwanag at tiyak.

You might also like