You are on page 1of 11

POSISYONG

PAPEL
Ano ang posisyong papel
• Ito ay salaysay na naglalahad Ng kuro - kuro hinggil sa isang paksa at
karaniwang isinusulat Ng may akda o natukoy na entidad , gaya Ng
isang partido pulitikal
• Ang balangkas nito ay mula sa pinakapayak tulad Ng isang liham sa
patnugot hanngang sa pinaka komplikadong tulad Ng isang
akademikong posisyong papel
Mga kailangan sa pag buo ng posisyong
papel:
1. Gumamait ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng
bidensyang istatistikal, petsa at mga kaganapan.
2. Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang
sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi.
3. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon. Pumili
ng isang isyu kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng opinyon at
kung saan ito ay maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng masaklaw na
paraan ng pangangatwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu kung saan mo na
binuo ang isang opinyon. Gayunman, nangangailangan ang pagsulat na ito ng
isang kritikal na pagsusuri.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
Pumili ng Paksa ayon sa iyong Interes upang mapadali ang
pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyong. Kinakailangan ang
ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay Hindi ka
mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa.
Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinion,
estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong
Interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong
ideya
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung Ang katibayan ay magagamit upang
suportahan ang iyong paninindigan . Maaring gumamit ng mga datos mula sa internet ngunit tiyaking
magmumula ito sa mga mapagkakatiwalang web site , tulad ng mga educational, site (.edu) ng mga
institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov) upang mahanap ang mga
propesyonal na pag aaral at mga estadistika . Mahalaga ring magtungo sa silid aklatan at gumamit ng mga
nailathala nang mga pag aaral patungkol sa iyong paksa.

3. Hamunin ang iyong sariling paksa


Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong
paksa upang mapagtibay ang iyong kaaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel .
Alamin ang lahat ng posibleng mga Hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga
pananaw .Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyong at
gumamit ng mga kontra argumento (datos , opinyon, estadistika , at iba pa ) upang pahinain ang tindig ng
mga ito. Sa kadahilanang ito , dapat mong Maisa - Isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na
posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa Isang obhetibong paraan.Makatutulong din ang pagguhit ng
Isang linya sa gitna ng Isang pirasong papel , ilista ang iyong mga Punto na sang ayon sa iyong posisyon sa
Isang bahagi at mga kasalungat na Punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung among
posisyon ba talaga ang mas mahusay.
4. Magpatuloy upang Mangolekta ng Sumusuportang katibayan.
Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa iyong
opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, Ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta
sa aklan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos. Maari ding magsama ng opinyon Ng
Isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga
personal na karanasan mula sa Isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao,
at iba pa na maaring makaantig sa damdamin ng mambabasa.

5. Lumikha ng balangkas
Narito ang Isang halimbawa kung paano babalangkasin ang Isang posisyong papel Ipakilala ang iyong
paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon ( background information) .
Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon. Itala ang mga posibleng kasalungat na
pananaw ng iyong posisyon. Ipakita rin ang mga sumusuportang Punto ng mga kasalungat na pananaw ng
iyong posisyon. Pangatwirang pinakamahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa Kabila ng mga
inilahad na mga kontra - argumento. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa
Pagsulat ng Posisyon papel ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon.maging matatag sa paninindigan,subalit panatilihin ang paging magalang .iparating ang
iyong mga Punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya.
Mga bahagi ng posisyong papel:
• Panimula
Dapat malinaw na makilala , ang mga isyu at estado ng posisyon Ng may akda . Ito ay dapat
na nakasulat sa isang paraan na nakakakuha ng pansin sa mambabasa. Dito dapat malinaw ang
pagkakilanlan ng mga isyu at pagpapahayag ng posisyon
• katawan
Ito ay maaring naglaman ng ilang mga talata. Ang bawat talata ay dapat nagpapakita ng Isang
ideya o pangunahing konsepto na naglilinaw ng Isang bahagi ng pahayag sa posisyon at ito ay
sinusuportahan ng mga ebidensya o katotohanan. Ang mga katibayanbay maaaring maging
pangunahing pinagkunan ng sipi, statistical data, mga panayam sa mga eksperto, at hindi mapag
- aalinlanganang petsa o mga kaganapan. Ang mga katibayan ay dapat ding humantong sa
pasaklaw na pangangatuwiran patungo sa pangunahing konsepto o ideya na ipinakita sa talata.
Ang katawan ay maaaring magsimula sa ilang mga saligang impormansyon at dapat isama ang
Isang talakayan ng magkabilang panig ng isyu.
• Konklusyon
Dapat ibinubuod nito ang mga pangunahing konsepto at ideya at pinatitibay ito nang walang pag - uulit ,
ang pagpapakilala o katawan ng papel. Ito ay maaaring magsama ng mga iminungkahing aksyon at mga
posibleng solusyon .
Ilang paksang maaaring pagtuunan ng pansin:

1. Ang pandaigdigang pagbabago ng Klima ba ay ginawa ng Tao?


2. Epektibo ba ang parusang kamatayan?
3.Makatarungan ba ang proseso ng ating halalan?
4. Nailalayo ba ng curfew ang mga kabataan sa kapahamakan?
5. Hindi ba napipigilan ang pandaraya?
6. Masyado ba tayong umaasa sa teknolohiya?
7.kailangan bang mahinto na Ang paninigarilyo?
8. Mapanganib ba Ang paggamit nag cellphone?
9.ang pagpapatupad ba Ng batas sa paggamit Ng kamera at Isang panghihimasok sa privacy?
10.ang mga marahas na video games ba ay maaaring maging sanhi Ng mga problema sa pag-
uugali Ng Isang tao.

Halimbawa ng Posisyong papel:


• Ipangtanggol ang tagumpay ng Wikang Filipino, tutulan ang pagbabalik ng ingles bilang
pangunahing Elkang panturo sentro ng Wikang Filipino unibersidad ng Pilipinas - Diliman
• Parusang kamatayan
THANK YOU

You might also like