You are on page 1of 5

HANDOUT SA FILIPINO:

POSISYONG PAPEL

Tejeda, Raiza Faith


Tomulto, Kerl Mariz
Ibieza, Johanna
Boston, Jan Mariel
ANO ANG POSISYONG
PAPEL?
Ang posisyong papel ay isang sanaysay na kung saan
nilalahad ng may akda ang kaniyang opinion o
pananaw sa isang mahalagang isyu o usapin.
Maaaring ang isyung gagamitin ay patungkol sa
batas, politika, akademiya, relihiyon, at iba pang
larangan.
PAANO GUMAWA NG POSISYONG PAPEL?

Ayon kay Grace Fleming, may mga kailangan tayong kunsiderahin sa


paggawa ng isang makabuluhang posisyong papel.

1) Pumili ng isang paksa batay sa iyong interes.


2) Magsagawa ng paunang pananaliksik.
3) Hamunin ang iyong sariling paksa.
4) Mangolekta ng sumusuportang katibayan.
5) Lumikha ng balangkas.
1) Pumili ng paksa batay sa iyong interes
Ang paggawa ng isang posisyong papel ay nakabatay sa piniling interes. Maaaring ito ay konektado sa politika,
akademiya, batas, at iba pang larangan. Ang pagpili ng interes na gagamitin sa pagsulat ng posisyong papel ay dapat
may maibibigay na aral upang maenganyo ang mga mambabasa o estudyante na basahin ito.
2) Magsagawa ng paunang pananaliksik
Sa paggawa ng isang posisyong papel kailangan natin magsaliksik upang malaman kung ang ating gagamiting
ebidensya ay tama ba o sumusuporta sa ating pinaninindigan.
3) Hamunin ang iyong sariling paksa
Alamin ang lahat ng posibleng hamon na maaaring harapin ng iyong posisyong papel. Isulat sa posisyong papel ang
lahat ng kasalungat ng iyong panindigan at kontra-argumento upang humina ang tindig nito. Sa paraang ito
mapapatibay ang iyong panindigan.
4) Mangolekta ng sumusuportang katibayan
Maghanap ng suporta o ebidensya para sa iyong posisyong papel. Maaaring gumamit ng datos o opinyon ng mga
taong may mga karanasan.
5) Lumikha ng balangkas
Sa paglikha nito, kailangang kunsiderahin ang mga bagay na ito:
- Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon at gumawa ng pahayag
ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon
- Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
- Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
- Kailangang pangatwiranang mabuti ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento
- Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon
ANO ANG LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL?
Ang layunin ng posisyong papel ay makapagpahayag ng mga
kuro-kuro o paniniwala at rekomendasyon gamit ang mga
batayang ebidensyang totoo. Ang paggawa ng posisyong
papel ay para ipaglaban ang kung ano sa tingin moa ng tama
at dapat paniwalaan.

Ang posisyong papel ay dapat organisado at malinaw na


isinulat. May mga ebidensya at suporta sa paksa at
mayroong panlaban sa kasalungat nito.

You might also like