You are on page 1of 18

Pamantayang Pangnilalaman: a.

Natitiyak ang
angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.

b. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng

pagsulat ng akademikong sulatin.

c. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan

ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap: a. Nakasusulat ng 3-5 na

sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik.

b. Nakagagawa ng palitang pagkikritik ng sulatin.

Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigay ng pansariling kahulugan ang posisiyong papel.
2. Nasusuri ang nilalaman ng binasang posisyong papel
3. Nakasusulat ng isang organisado, malikhain, at
kapanipaniwalng posisyong papel
Panimula

Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan

hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga
larangan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang
ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging
mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.

Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga

sitwasyon:
1. Itinuro k any iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng
balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit,
pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong

pagsulat. Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang
mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang
isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan
at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa
pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo
nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at
katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng
mga mag-aaral upang magdepensa.
Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa
argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa
pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic
position paper. Maaaring isagawa ang pagsulat ng posisyong papel ayon sa isyung ipinaglalaban
ng isang indibidwal o organisasyon upang maiparating ang kanilang mga opinyon at paniniwala
o rekomendasyon ukol sa isyu.
Ang mga posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong nangangailangan ng detalyadong
impormasyon upang lubos na maintindihan ang pananaw ng isa pang tao. lto ay karaniwang
ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon ng gobyerno, sa mundo ng
diplomasya, at mga hakbang na naglalayong baguhin ang mga pagpapahalaga ng komunidad at
organizational branding o imahen ng isang samahan o institusyon.
1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan
o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi
ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Mas malawak din
ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga
katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga
bagong ideya.

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik

Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit
upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet,
ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational
site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov),
upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo
sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.

3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa

Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa
iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na
posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang
suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga
kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba
pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.

Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na
posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit
hindi tumpak ang mga ito.
Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong
mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa
kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay.

4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan

Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa
iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong
pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos.

Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor,
abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o
miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa
damdamin ng mambabasa.

5. Lumikha ng Balangkas
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:

Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga
inilahad na mga kontra-argumento.
Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel,
ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging
matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang iyong mga
punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya.
Narito ang halimbawa ng posisyong papel:

18 ng Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Chairperson Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
UP Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Magalang at taos po sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan ang posisyong
papel na ito ng Kagawaran ng Filipino ng Adamson University, hinggil sa paggamit ng wikang
Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang
mandatory core course sa kolehiyo. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang
wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education
Curriculum (GEC), sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento sa
pakikipagtalastasan kundi mabisang elemento sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga
kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo.
Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng bawat Pilipino upang lubusang makilala ang sariling
pagkakakilanlan ng lahi na mapagbuklod tungo sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba at
mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.
Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa mabilis at
mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na mapaunlad sa kanilang sarili
ang nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham Panlipunan,
Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan, Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa
akademikong konteksto ay magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na lalong maging
kolonyalismo ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang
panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni dating Pangulo
Manuel L. Quezon.
Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa daan-daang taong
naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasarinlan nang paglaya. Hindi
dapat mawala ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Bagkus, dapat gamitin ito bilang susi sa
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpapanatili bilang kurso. Ang
pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa inihahandang
intelektuwalisasyon ng Filipino tungo sa pagpapauniad at pagpapataas- nito sa antas ng
edukasyon. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang isinasaad sa 1987 Konstitusyon
Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng opisyal na
komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon, hindi maipatutupad ang atas na ito kung walang
wikang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Dahil dito, naniniwala ang kagawaran na gamitin
ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon dahil hindi sapat ang pagkatuto sa Filipino
ng mga mag-aaral na nasa elementarya hanggang senior high school, kaya marapat lamang na
maipagpatuloy ang pagkatuto sa Filipino sa antas kolehiyo. Hinggil naman sa pagkakaroon ng
asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa
pagkakaroon ng 12 yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaryong disenyo,
dahil ito ang magiging batayan na magiging ganap ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral
kung madaragdagan ang mga asignatura na Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto sa kolehiyo.
Katulad ng iba pang mga institusyon, naniniwala kaming tungkulin ng bawat isa na matutuhan
ang wikang Filipino hindi lamang sa kolehiyong nasasakupan nito kundi sa buong rehiyong
nasasakupan ng Pilipinas. Tulad ng iba pang mga institusyon, ang aming pamantasan ay
katuwang sa paghubog ng mga mag-aaral na rnapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan na
magsisilbing puhunan upang maging mabuting tagapaglingkod sa bansa. Naniniwala kami sa
isang makatarungan at malayang edukasyon.

1. Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano inilalahad ang opinion sa posisiyong papel?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano inilalatag ang ebidensya hinggil sa isyu?Anu – ano ang mga ito?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang nagging kongklusyon sa posisyong papel?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pumili ng isang editorial cartoon mula sa lokal na pahayagan. Pagkatapos idikit sa bond
paper. Tukuyin ang mahalagang isyu na binibigyang-diin dito. Bumuo ng mga argumento at
ipaliwanag nang matibay at mapanghikayat ang iyong paninindigang opinion. Iayos ang mga
detalye upang makabuo ng posisyong papel.

Ang Pagsulat ng
Akademikong
Sulatin

Pamantayang Pangnilalaman: a. Natitiyak ang

angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.

b. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng

pagsulat ng akademikong sulatin.

c. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan

ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap: a. Nakasusulat ng 3-5 na

sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik.

b. Nakagagawa ng palitang pagkikritik ng sulatin.

Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa – isa at naipapaliwanag ang mga bahagi ng
replektibong sanaysay
2. Nasusuri ang nilalaman ng binasang replektibong sanaysay
na nakabatay sa karanasan ng tao
3. Nakasusulat ng replektibong sanaysa batay sa sariling
karanasan
4. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating
akademiko sa pamamagitan binasang halimbawa
Panimula

Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tulad
ng maikling kuwento at nobela. Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang
tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinion ng manunulat sa isang pangyayari o
isyu na nakapukaw ng kanyang interes o damdamin ( Baello, Garcia, Valmonte 1997) Hindi
naman ito nangangahulugang ang ibang uri ng pagsasalaysay ay Malaya mula sa opinion o
pagsusuri ng manunulat. Sadya lamang na sa estruktura, anyo, at ikili ng katawan ng isang tipikal
na sanaysay ay mapapansin kaagad ang itinatampok na mga punto ng opinyon at argumento,
lawak ng pananaw, at metikulusong pagsusuri ng manunulat.
Ang tahas na katangian ng sanaysay ay maaring makapagdulot ng kalituhan sa iba’t ibang
uri ng sanaysay at kayarian ng mga ito. Isa sa mga maaaring maging katanungan ng mga
nagsisimulang manunulat ay kung dapat din ba itong taglayin ng isang Replektibong Sanaysay.
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o
karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay
sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring
kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na
tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay naglalayong
bigyang-katwiran, ipaliwanag, o SUriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito
o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan
(Arrogante, Golla, Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na
katangian ng karaniwang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang
pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang
kahulugan at kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.

Naaalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay nang ikaw ay 10 taong gulang?
Itala ang tatlong mahahalagang karanasan na hindi mo malilimutan. Ipaliwanag kung bakit hindi
mo malilimutan ang mga ito at ano ang nagawa ng mga ito sa iyong sarili.

Mga Karanasang Hindi Malilimutan

Hindi malilimutan Hindi malilimutan Hindi malilimutan

dahil dahil dahil
Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang
nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na
inilatag ng manunulat para sa mambabasa. Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng
pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito
ay sa kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat,
at katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng replektibong sanaysay o ang
mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais
mo na lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin
ang mga ito sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging
obhetibo sa pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang mga manunulat naman ay narito upang
tumulong sa pagpapahusay at pagpapabuti ng sangkatauhan.

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring
ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-
panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na damdamin
sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng
salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay
ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa
mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang
pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng
kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

Basahin ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay.

Finish Line
Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser
na sina Aling Auring at Mang Primo.
Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong
ko ang bagyong signal kuwatro.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap
makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon,
babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA
telebabad).
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga
propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong
hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang
pila noon. Humahabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation.
Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan.
Pati guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa
pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa
Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa
ng mga mambobolang Filipino major.
“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga
matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro
pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong
mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-
hirit ko sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”

1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit kailangngang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replrktibong sanaysay?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano- ano ang mahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay?

Bakit?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Araw-araw ay nakikita tayo ng mga sitwasyong minsan ay ikinagugulat natin. Nagtataka

man ay mapag – iisip ka na lang kung bakit kaya nangyari o nangyayari ang ganito.

Magbalik – tanaw sa ilang pangyayaring iyong pinagtakhan o ikinagulat sa pamamagitan

ng pagpuno sa sumusunod na talahanayan

Mga Pangyayaring Dahilan ng Pangyayari Naging Realisayon sa Sarili

Ikinagulat/ Pinagtakhan
(Itala ang mga ito
Ang Pagsulat ng
Akademikong
Sulatin

Pamantayang Pangnilalaman: a. Natitiyak ang

angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating
akademiko.

b. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng

pagsulat ng akademikong sulatin.

c. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan

ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap: a. Nakasusulat ng 3-5 na

sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik.

b. Nakagagawa ng palitang pagkikritik ng sulatin.

Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang mahalagang katangian ng lakbay – sanaysay
2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay -
sanaysay.
3. Nakasusulat ng lakbay sanaysay batay sa karanasan ng
paglalakbay
Panimula

Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.

Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang
pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa
paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol
sa mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.

May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong
natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar: __________________________________________________________

Ano-ano ang iyong natuklasan?

_________________________________________________________________________

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa, sa
pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo. Ano nga ba ang
maipagmamalaki. ng bansang Pilipinas sa larangan ng turismo? Kung karanasan sa kagandahan
ng magagandang tanawin ang paksa sa lakbay-sanaysay, tiyak na patok na patok ang binanggit
na pahayag.
Tunay na mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi lamang sa taglay na
likas na kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na paksa para sa sulatin
na lakbay-sanaysay.
Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-sanaysay?
Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay,” ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon
kundi ng matinding pagnanais na maglakbay. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar
bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.
Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-
pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad.
Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at kakaibang
mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at
iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang
malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-
nais, kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap, at
kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-
kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos sa lugar na narating,
natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong
nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang
magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging gabay.
1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon.
Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan
ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.
Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.
Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng isang manialakbay.

Tara na, Biyahe na Tayo!

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa
paglalakbay sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na
sumakay sa malaking barko. Maganda at maayos ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama
sa presyo—medyo mahal kompara sa ibang barko na mura nga subalit hindi gaanong maayos
ang loob.
Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang unang
uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan.
Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay
ang tinatawag na cabin na may sariling kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang
bahagi ng Noli Me Tangere, tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga
mamamayan sa lipunan, may mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.
Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos naming mailagay ang
mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil maganda
raw pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang mag-agaw
ang dilim at liwanag.
Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa
barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang
minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na
maihambing sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang pamamaalam o isang kamatayan
ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy sa aking alaala ang mapait na kuwento ng
aking kaibigang marinero.
Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw ang
paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop sa
kalikasan na parang nakikipagpatintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay
hindi basta-basta kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa
matatalim na kidlat ay masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling
magkamali sa pagpihit ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.
Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang-tuwa
sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas. Grabe! Pati ako ay
natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan ang pag-ibabaw nilang muli
upang mag-selfie kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila kasama
ang aking sarili. Nice selfie.
Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala ka
nang mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na
buhay at baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako. Ayoko ng
malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na kahapon
ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.
Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming higaan sa
gitnang bahagi ng barko.
Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang nakahiga at paminsan-
minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.
Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming sasakyan sa
Romblon sa loob ng sampung minuto.
Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming destinasyon.

1. Ano ang ng lakbay – sanaysay sa isang replektibong sanaysay?

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano – ano naman ang kayangian ng lakbay – sanaysayna maaring pagkakatulad sa

replektibong sanaysay?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano angt dapat gawin upang hindi malimutan ang mahahalagang datos sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang mga positibong naidudulot ng mga lakbay sanaysay para sa manunulat at
mambabasa?
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sumulat ng isang lakbay- sanaysay tungkol sa isang lugar na iyong napuntahan gamit ang
mga ibinigay na hakbang sa pagsulat. Ilakip ang larawan ng lugar na iyong napuntahan sa
paggawa ng sanaysay.

You might also like