You are on page 1of 16

POSISYONG

PAPEL
Posisyong Papel
▪ Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu;
▪ Naglalaman ito ng mga katwiran o ebidensiya
para suportahan ang paninindigan;
▪ Mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at
mga katwiran ng kataliwas o katunggaling
panig.
▪ Isa o dalawang pahina lamang, upang
mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasa at
mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong
papel.
Mga dahilan kung bakit
Makabuluhan ang Posisyong Papel
▪ Panig ng may-akda
⮚Nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel upang
mapalalim niya ang kaniyang pagkaunawa sa isang
tiyak na isyu.
⮚Naipapakilala niya ang kaniyang kredibilidad sa
komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing
usapin.
▪ Sa Lipunan
⮚Ang posisyong papel ay tumutulong para
maging malay ang mga tao sa magkakaibang
pananaw tungkol sa isang usaping
panlipunan.
⮚Ang posisyong papel ay magagamit na
batayan ng mga tao sa kanilang mga
sariling pagtugon at pagsangkot sa
usapin.
Dalawang mahalagang salita
1. Katuwiran – galing sa salitang “tuwid” na
nagpapahiwatig ng pagiging tama, may
direksyon o layon.
2. Paninindigan – galing sa salitang “tindig” na
nagpapahiwatig naman ng pagtayo,
pagtatanggol, paglaban, at pagiging tama.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat
ng Posisyong Papel
1. Tiyakin ang Paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang
paksa ng posisyong papel.
a) Ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang
napapanahong usapin na pinagtatalunan.
b) Maaari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng
isang napansing problema sa kagyat na kapaligiran o lipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
⮚Magbasa-basa ng mapagkakatiwalaang sanggunian o mangalap ng
pananaw ng awtoridad sa paksa.
⮚Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino at
makatuwirang posisyon.
⮚Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring humadlang para
makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.
⮚Ibatay ang desisyon sa iyong posisyon sa mga nakalap na batayan
mula sa mga sanggunian
⮚Tiyaking eksperto ang mga taong pagkukuhanan ng pananaw.
⮚Suriin at siguraduhin ang katotohanan ng mga pahayag.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay
na mga katuwiran
⮚Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang
panig upang matimbang ang dalawang posisyon.
⮚Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa
dalawang hanay para magkaroon ng biswal na representasyon ng
mga ito.
⮚Tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan at kailangan pa
ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa.
⮚Batay sa paglilista at pagtitimbang, bumuo ng sariling
paninindigan.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
⮚Maaring pagtuunan ang mga katuwiran para sa panig ng
napiling paninindigan.
⮚Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong
Journal.
⮚Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinagtatalunan.
⮚Mahalagang ring gumamit ng mga ulat ng ahensya ng
pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan, at
magasin upang makapagtampok ng napapanahon na mga
datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas
⮚Introduksiyon – ipakilala ang paksa.
⮚Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
– isa-isang ihanay dito ang mga
katuwiran ng kabilang panig.

– isa-isa namang ihanay ang sariling mga katuwiran.
⮚Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
– dito maaaring palawigin ang paliwanag
sa sariling mga katuwiran.
⮚Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling
Paninindigan ang Dapat
– lugumin dito ang mga katuwiran.
⮚Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos
–sa isa o dalawang pangungusap na
madaling tandaan, muling ipahayag ang
paninindigan na nagpapahayag ng malakas
na panawagan sa aksyong nais ipagawa sa
taumbayan o mga sektor ng lipunan
6. Sulatin ang posisyong papel
⮚Kailangang buo ang tiwala at paninindigan.
⮚Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinabi sa
posisyong papel.
⮚Ipakita ang awtoridad sa usapin.
⮚Patunayan na ang sariling paninindigan ang
siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang iyong posisyong papel
⮚Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa
komunidad;
⮚Ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao;
⮚Ipalathala sa pahayagan;
⮚Magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng
telebisyon, radyo, at iba pang daluyan.
⮚Maaari ding gamitin ang social media upang
maabot ang mas maraming mambabasa.
Gawain:
⮚Sumulat ng pamagat ng iyong sariling posisyong
papel batay sa isyung nais panindigan.
(Pagtatanggal sa Filipino sa Kolehiyo, O iba
pang isyung pang-edukasyon o pangwika.)
⮚Isulat ang draft ng mga pangunahing punto.
⮚Paaprubahan sa guro.

You might also like