You are on page 1of 20

Aralin 14: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 

Ano ang Replektibong Sanaysay?  

Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang 


anyong tuluyan o prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo 
tungkol sa isang paksa. Dahil hindi ito pormal na sulatin, maaaring maging masining
ang  tagasulat sa kanyang mga pananaw at damdamin. 

Mga Halimbawa ng Replektibong Sanaysay  

• proposal • konseptong papel • editoryal • sanaysay • talumpati  

Mga Paksang Maaaring Gawan ng Replektibong Sanaysay 

• librong katatapos lamang basahin  

• katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik 

• pagsoli sa isang pansibikong gawain  

• praktikum tungkol sa isang kurso 

• paglalakbay sa isang tiyak na lugar  

• isyu tungkol sa paggamit sa ipinagbabawal na gamot  

• paglutas sa isang mabigat na suliranin 

• isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at iba pa  

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong

Sanaysay • Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis. 

• Isulat ito gamit ang unang panahunan ng panghalip (ko, ako, namin,

kami) 
• Bagama't ito ay nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay
ito  ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa
hinggil  sa paksa.  

• Gumamit ng mga pormal na salita.  

• Gawing malinaw at madaling maunawaan ang pagpapaliwanag ng mga

ideya. 

• Sundin ang tamang estruktura. 

• Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat. 

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 

1. Panimula. 

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o 


gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang 
mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa 
interes ng mambabasa.  

Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring gabay: 

• Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa? 

• Paano ito makaaapekto sa aking buhay?  

Maaaring gumamit ng iba't ibang paraan ng pagsulat panimula gaya


ng  mga sumusunod: 

• Quotation mula sa isang kilalang tao  

• Tanong  
• Anekdota o kwento
• Karanasan, at iba pa  

2. Katawan/Gitna.  

Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang


maigting  na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng  malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
Ipinaliliwanag din  dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin
sa karanasan,  kapaligiran, o sistema. Ang mga sumusunod na gabay ay makatutulong
din:  

• Mahalagang maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay sa


iyong  naobserbahan o naranasan  

• Makatutulong nang malaki kung gagamit din ng mapag-kakatiwalaang 


sanggunian.  

• Makikita rin sa bahaging ito ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga


natutuhan  gayun din kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga gintong
aral na iyong  napulot.  

• Magbigay rin ng mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang

iyon. 

3. Wakas.  

Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang 


kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan 
ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya  
masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at 
kaalaman para sa lahat. 

Sundin ang mga sumusunod na gawain para sa maayos na pagtatapos: 

• Sa pagsulat ng wakas, banggiting muli ang tesis o ang pangunahing paksa


ng  sanaysay. 
• Lagumin ito sa pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong natutuhan
sa  buhay sa hinaharap. 

Maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa 
kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan.
Aralin 15: Pagsulat ng Posisyong Papel  

Mahalagang katangian ng tao ang pagkakaroon ng paninindigan. Ang taong


may  paninindigan ay may matatag na disposisyon sa buhay, hindi madaling
panghinaan ng  loob, nirerespeto ng kapuwa. Sila iyong alam kung paano poposisyon
kapag nahaharap  sa mga isyu o kapag kailangan ng pasya. Malinaw na sa kanila kung
nasaan sila. Sa  kabilang banda, ang mga walang paninindigan ay itunuturing na
duwag, walang lakas at  hindi nakakaani ng respeto sa kapwa. Karaniwan sila iyong
walang sariling pagpapasiya,  agad na nagpapatianod sa kagustuhan ng iba, at
madaling maloko. Ang pagsulat ng  posisyong papel ay isang paraan upang ipahayag
ang paninindigan. Halimbawa, noong  kasagsagan ng debate tungkol sa panukalang
reproductive health, naglathala ang  Simbahang Katolika ng mga posisyong papel na
kumokuntra sa batas na ito, isyu sa West  Philippine Sea, climate change, pagtaas ng
sahod, at iba pang isyu.  

Ano ang Posisyong Papel?  

Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa 


partikular na paksa o usapin. Dito, kailangang pumusisyon sa isang panig. Halimbawa, 
naniniwala kang nakagagamot ang marijuana kaya sinusulong mo ang paggamit nito
sa  medesina. O kaya, pro-choice ka kaya pabor sa yo ang aborsyon. Anuman ang
posisyon  kailangan magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento at mga
makatuwirang  ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.  

Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may 


saysay at bias ang mga argumentong inihain sa kanila. Sa lohika, ang argument ay 
pahayag na ginagamit upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba upang 
ipaliwanag ang mga dahilan ng pagkiling sa isang posisyon.  

Mga Katangian ng Posisyong Papel  

Ang posisyong papel ay may sumusunod na mga katangian:  

§ Naglalarawan ng posisyon sa isang particular na isyu at ipinapaliwanag ang 


basehan sa likod nito.

§ Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) at nagbibigay ng 


matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.  

§ Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang

panig. 
§ Gumagamit ng sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad.  

§ Sinusuri ng manunulat ang kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging 


ang kabilang panig
§ Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at 
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.  

§ Gumagamit ng akademikong lengguwahe  

Pagsulat ng Posisyong Papel  

Bago magsulat ng posisyong papel, kailangang tukuyin muna ang isyu o


paksang  magiging tuon ng papel. Kapag malinaw na ang paksa, magpasiya kung anu
ang  magiging posisyon. Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng
paksa  ilahad ang iyong posisyon o tesis ng sanaysay. Isulat ito sa paraang
nakapupukaw ng  atensisyon. Simulan ang katawan ng posisyong papel sa
pamamagitan ng pagbubuod ng  mga argument ng kabilang panig at pagbibigay ng
mga impormasyon sumusuporta sa  mga pahayag na ito. Ang susunod na bahagi ang
laman ng posisyong papel. Dito iisa 
isahin ang mga argument, opinyon at suportang detalye.  

Maaaring maging gabay ag sumusunod na balangkas:  

A. Ilatag ang unang argument  

1. ilahad ang matalino at pinag-iisipang opinyon  

2. ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensiya  

B. Ilatag ang pangalawang argumento  

1. ilahad ang matalino at pinag-iisipang opinion 

2. ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensiya  

C. Ilatag ang pangatlong argumento 


1. ilahad ang matalino at pinag-iisipang opinion 

2. ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensiya Isaalang –alang ang mga 
magbabasa ng posisyong papel. Sila ba ay mga guro, kapuwa estudyante, o iba pa?  

Ang pagbuo ng matibay na argument ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang 


mambabasa. maaaring tanungin ang sarili: 
ano ang paniniwala at pinapahalagahan ng mga mambabasa?  

Ano ang kahalagahan ng paksa sa kanila?  

Anong ebidensiya ang mas paniniwalaan nila? 

Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin


ang  introduksyon at katawan ng papel. Hindi kailangang magbigay pa ng mga bagong 
impormasyon sa bahaging ito. Sa bahaging ito rin, magmumungkahi ka ng mga
solusyon  sa nakikitang problema. Kailangan din isaalang-alang ang etika sa bubuuing
posisyong  papel. Iwasan ang pag atake sa katauhan ng sinumang may salungat na
opinyon. Ang  ganitong pag-atake ay tanda ng kawalan ng respeto at pagkakaroon ng
mahinang  argumento. Maging lohikal at magtuon lamang sa isyu. Maghain ng mga
argumentong  sinusuportahan ng mga ebidensiya at iwasang baluktutin ang mga
impormasyon.

Aralin 16: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ano ang Lakbay-Sanaysay 

• Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa 

paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng lugar o tao. Ang 

sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa lugar na 

pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya at higit sa lahat, tungkol sa

kaniyang  sarili. 

• Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isinusulat ang lahat  

ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman, o naisip sa paglalakbay. Hindi ito 

rekord o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang 

sulating ito ng malinaw na pagkakaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang 

naglalakbay. 
• Isa sa mga popular na sulatin ang lakbay-sanaysay. mag browse lamang sa internet 

at sari-saring travel blogs na ang makikita na iba-iba ang estilo ng pagkakasulat--- may

seryoso, may magaang basahin, may nagpapatawa 

. • Ang ilan ay nagbibigay lamang ng impormasyon, samantalang ang iba ay insight

ang  iniiwan sa mga mambabasa. may mahuhusay ang pagkakasulat: impormatibo,

nakaaaliw,  at puno ng inspirasyon. Ngunit may ilan din namang hindi mahusay ang

pagkakasulat:  nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng talata,

gumagamit ng malalim  na salita, kulang ang repleksiyon, at iba pa. Tungkol Saan o

Kanino ang Lakbay 

Sanaysay? 

• Ang lakbay sanaysay ay tungkol sa lugar. Ang tuon dito ay lugar na pupuntahan. Ano

ano ang mga kilalang destinasyon dito? Nagpunta ka ba sa mga di-gaanong 

pinupuntahan ng mga turista? Nagandahan ka ba sa arkitektura at pampublikong 

estraktura? Buhay na buhay ba ang lungsod? Masarap ba ang pagkain? Kumain ka ba 

ng kakaibang putahe? Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, nalasahan, at 

naramdaman sa lugar na pinuntahan.  

• Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa ibang tao. Kumusta ang mga tao sa iyong 

pinuntahan/ ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Katulad ba sila

ng  mga Pilipinong palangiti, magalang, at magiliw sa mga panauhin? Ano ang katangi-

tangi  sa kanila? Anong karanasan mo kasama sila ang hindi mo makakalimutan? Sino-

sino ang  mga nakasama mo sa paglalakbay? Sila ba ay kamilya, kaibigan, kasintahan,

katrabaho?  Kumusta naman ang naging relasyon mo sa kanila habang kayo ay


naglalakbay? May  bago ka bang natuklasan sa kanila? Sinasabi na ang paglalakbay sa

labas ng comfort  zone ang susukat sa relasyon mo sa iba.  

• Ang lakbay sanaysay ay tungkol sa sarili. Higit sa lahat, ang lakbay sanaysay ay 

tungkol sa sarili. Paano ka kumilos sa lugar na iyong pinuntahan? Ano ang natuklasan 

mo sa iyong sarili? Paano ka nabago ng iyong paglalakbay? Ano-ano ang mga bagay

na  ginawa mo na karaniwan mong hindi ginagawa? Ano ang natutuhan mo sa

pagpunta sa  ibang lugar? Paano naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong

pananaw sa  buhay? Ano-ano ang mga pinahahalagahan mo ngayon? 

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 

Paano magsulat ng lakbay-sanaysay? Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan. 

Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito. maging pamilyar sa politika, 

ekonomiya, at mga tradisyon at relihiyon ng pupuntahang lugar. makapagbibigay ito ng 

mga kaalamang tiyak na magagamit kapag naglalakbay na. Habang naglalakbay,

danasin  ang lahat ng nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak, tikman ang mga tsaa,

pakinggan  ang tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init ng araw o lamig

ng nyebe.  Maglakad-lakad. Kausapin ang mga lokal na tao, kilalain ang sariling kultura.

Ibahagi 

rin sa kanila ang sariling kultura. Huwag magkulong at magpakabulok sa hotel. Walang 

maisusulat kung nakahiga lamang sa malambot na kama sa tinutuluyan. Ngayon

paano  mo isusulat mo ang iyong mga naging karansan sa paglalakbay? Maaaring

gumamit ng  mga element ng katha upang bigyang buhay ang sulatin. Makatutulong

ang paggamit  ng diyalogo, ritmo, imahen, mga eksena sa pagbibigay kulay sa

sanaysay. Ngunit  siguruhin pa ring wsto ang facts at huwag mag-imbento. Gamitin ang
unang panauhang  punto de bista, ngunit tiyaking magiging diary ang lakbay-sanaysay.

Planuhin muna ang  maginging organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag itong

limitahan sa  paglalarawan at pagbibigay lamang ng impormasyon. kailangang

maipakita sa  mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang naging

paglalakbay.  Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdotang naglalatag

sa  pangkahalatang tono o mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng 

mambabasa. ito ay upang hindi sila bumitaw sa pagbabasa. Magsimula agad sa 

pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng mambabasa. Iwasan ang cliché o 

gasgas ng paglalarawan tulad ng: ‘’pagsasalubong ng langit at dagat’’, sumilip ang

araw  sa likod ng mga bundok’’ at iba pa. Sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan.

Iwasan  din ang paggamit ng salita o pariralang hindi naman ginagamit sa pang araw-

araw na  pakikipagtalastasan. Maging natural sa pagsulat. huwag magpasikat. Iwasan

ding  magpatawa kung hindi naman nakatatawa ang tono ng sanaysay.

Aralin 17: Pagsulat ng Photo Essay 

Lagi nang naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng sanlibong 

salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga komplikadong ideya sa 

pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman karaniwang kamangha-mangha

ang resulta kapag pinagsama sama at inayos ang mga larawan. Ang pag-aayos na ito

ng  mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay tinatawag na photo essay. Kasabay

ng  pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon, partikular ang pag-usbong ng mga

smart  phone at social media, ang popularidad ng photo essay. Kahit sino ay maaari

nang  gumawa nito. tumingin lang sa mga social media site, blogs, at web site ng iba't 

ibang organisasyon at tatambad na ang sari-saring sanaysay na may larawan. Ang ilan 
sa mga ito ay nang-aaliw at nagbibigay ng impormasyon, samantalang ang iba'y nag

iimbita ng debate o nagpapasidhi ng damdamin. anuman ang layunin, may 

ipinahahayag na mensahe ang photo essay. Ano ang Photo Essay? Ang photo essay

ay  larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod sunod ng mga 

pangyayari, magpaliwanag ng partikular na kosepto o magpahayag ng damdamin. 

Hindi limitado ang paksa ng photo essay. Maaaring ito ay serye ng imahen ng  mataong

bangketa, magulong konsiyerto, o mga kakaibang pangyayari. Ang photo  essay ay

katulad din ng ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga teknik sa  pagsasalaysay.

Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.  May mga photo

essay na binubuo lamang ng larawan. Ang iba naman ay binubuo ng  larawang may

maikling teksto. May mga photo essay ang isang sulatin kung ang  kalakhan nito ay

teksto at sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang  nagsasabing ang mga

larawan dapat ang lumutang sa anyong ito, hindi ang mag salita.  Kailakasan ng Photo

Essay Hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag  ng damdamin at

kaisipan sa pamamagitan ng mga salita, ang mensahe ng photo essay 

ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan. Sa anyong ito, ang mga larawan 

ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang nakasulat na teksto ay suporta 

lamang sa mga larawan. Gumamit lamang ng mga salita kung may detalyeng mahirap 

ipaliwanag. Paano inaayos ang mga larawan sa photo essay? Kung kronolohikal ang 

pagkukuwento ng sanaysay, kailangang kronolohikal din ang ayos ng mga larawan. 

Halimbawa nito ang dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng labendera o basurero. 

May iba naman ay inaayos ang mga larawan ayon sa damdaming maaaring pukawin 

nito. ang larawang nagtataglay ng pinakamataas na emosyon ay karaniwang


inalalagay  sa gitna o bandang hulihan. Ngunit kadalasan, ang pag-aayos ng mga

larawan ay  nakabatay sa kung paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa. Ang

mahalaga, sa  unang basa o tingin, kailangang malinaw na kung ano ang mensahe ng

photo essay. 

Pagbuo ng Photo Essay 

Sa pagbuo ng photo essay, siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang

alamin  din kung magiging interesado ba sa paksa ang mga mambabasa o titingin nito.

Tandaan  ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing

pagpaplano.  Mahalaga ring kilalanin kung sino ang mambabasa. Intension mo bang

ipabasa o ipakita  ito sa iyong kaklse, sa iyong guro, o mas malawak na publiko?

Siguraduhing madaling  ma-access ng mambabasa ang ginawang materyal.

Kailangang malinaw sa kung ano ang  nais patunguhan ng photo essay. Bakit ka

gagawa nito? Ano ang iyong layunin? Gamitin  ang mga larawan upang matamo ang

layunin ng proyekto. Kung layunin ay suportahan  ang isang adbokasiya o hikayatin ang

mga mambabasa na kumilos, kailangang masalamin  ito sa mga piniling larawan.

Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo  essay. Isaalang-alang ang

mga consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag iilaw, o kulay maliban na

lamang kung may nais na idiing ideya o damdamin. halimbawa, 

mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba
dahil  nais iparamdam ang pagbabago ng tono.

Aralin 18: Introduksyon sa Pagsulat para sa Trabaho  

Pagsulat para sa Pagtatrabaho  


Ang pagsulat para sa pagtatrabaho ay isang uri ng propesyonal na komunikasyon. 
Gagawin mo ito upang magpahayag ng mensahe sa mga tao sa loob ng 
organisasyon o kaya naman ay sa iba pang organisasyon, sa mga kliyente, at iba 
pang indibidwal o grupong may kinalaman sa inyong organisasyon. Karaniwang sa 
Ingles nakasulat ang mga sulating pantrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ito  ay kabilang sa pag-iral ng Executive Order No. 335, s.1988 na naglalayong 
palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at 
korespondensiya sa tanggapan ng pamahalaan. Sa kasalukuyan masigasig ang 
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ipatupad ang kautusan na ito sa 
pamamagitan ng seminar sa pagsulat ng korespondensiya opisyal at iba pang 
sulating pantrabaho. 
Ang mga sumusunod ang halimbawa ng dokumentong

pantrabaho:

1. Liham-aplikasyon  

2. Liham- resignasyon 

3. Liham- pasasalamat 

4. Resume  

5. Memorandum  

6. Report 

7. Proposal  

8. Katitikan ng pulong
9. Agenda  

10.Press release  

11.Panukalang proyekto  
12.Sulat-kamay na dokumento  

13.E-mail  

14.Chat sa social media 

Ang mga sumusunod ang layunin ng pagsulat para sa pagtatrabaho: 

• Ipaliwanag at ipagtanggol ang mga isinagawa o isasagawang

aksiyon.  

• Magbahagi ng impormasyon, katulad ng report ng naisagawang pananaliksik, o 


pormulasyon ng mga bagong posisyon sa kompanya. 
• Maimpluwensiyahan ang sinumang tatanggap ng mensahe na gumuwa ng 
aksiyon.  
• Layunin ang pag-utos sa tumatanggap ng mensahe.  

• Maghatid ng maganda o masamang balita 

Mga Prinsipyo ng Pagsulat ng Knsteksto ng Pagtatrabaho  

Ang pagsulat ng konteksto ng pagtatrabaho ay isang sopistikadong gawain. 

Upang maging epektibo ang pagsulat ng mga dokumentong pantrabaho,


maaaring  gawing gabay ang mga sumusunod:  
1. Alamin kung bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahang resulta
2. Pagpapahayag ng malinaw na mensahe ang pangunahing layunin ng lahat ng 
komunikasyon at sa pagsulat para sa pagtatrabaho, ito ang magiging batayan
kung  nagtagumpay o hindi ang layunin. 
3. Gumamit ng simple at karaniwang salita. Iwasan ang paggamit ng jargon at
mga  teknikal na termino kung hindi kailangan, Ngunit sikaping tunog propesyonal
ang  sulatin. 
4. Gumamit ng maikli at deklaratibong pahayag. Ang layunin ay manghingi at 
magbigay ng impormasyon o mang-impluwensiya. 
5. Iwasan ang paggamit ng balbal o bulgar na salita, tandang padamdam, text
lingo,  o mga impormal na panimulang papel. Ang Ebolusyon ng Pagsulat para sa 
Pagtatrabaho Nabanggit na sa introduksyon ang mga pagbabagong naganap sa 
pagsulat ng dokumentong papel. Noon, halos dalawang dekada ang nakararaan, 
nakalimbag sa papel ang mga sulating ito (liham, sulat-kamay na tala, brochure at 
iba pa), lalo na sa opisyal na korespondensiya. Ngunit sa pag-usbong ng Internet, 
nagkaroon ng malaking transpormasyon sa paraan ng komunikasyon, partikular
sa  mga organisasyon o kompanya. Nagkaroon ng pagbabago sa pananaw ng
pagsulat  ng salita. Ngayon, nananaliksik tayo gamit ang search engine, tumitingin
at bumibili  ng mga produkto at serbisyo sa mga Online na tindahan, ginagamit
ang social media  upang ipakilala ang produkto, nanghihikayat ng kliyente gamit
ang e-mail or text,  nagpupulong gamit ang teleconferencing at iba pa. Nabago na
rin ang gamit ng  salita. Ang pormal na lengguwahe ngayon na ginagamit sa e-
mail, blog, cell phone,  at maging sa pormal na Web site na organisasyon. Ngayon,
mas maikli at madaling  maunawaan ang mensahe dahil sa simpleng salita at hindi
kumplikadong  pangungusap. Dahil sa pagbabagong ito naging mahalagang
kasanayan ang 
pagsulat para sa pagtatrabaho. Masasabing mas maraming oras ang ginugugol ng 
mga nagtatrabaho sa pagsulat kompara noon. (Taylor,2013)

Aralin 19: Pagsulat ng Resume at Liham-Aplikasyon 


Gamit ng Resume at Liham-Aplikasyon 

Ang resume at liham-aplikasyon ay ang pinakamahalagang dokumento kung  mag


aaplay ng trabaho, papasok sa gradwadong programa sa unibersidad, mag aaplay
para sa fellowship o grant, sasali sa patimpalak, at iba pa. Sa pagtatrabaho, 
kailanagn ang mga ito kung nais makapanayam. Ang resume at liham-aplikasyon 
ang unang-ugnayan sa posibleng employer o kanilang kinatawan. Hahanapin nila
sa  resume ang mga impormasyon tungkol sa edukasyon, mga naunang trabaho, 
parangal, kaugnay na kakayahan, at iba pang klasipikasyon o kagalingan. 
Samantalang aalamin naman nila sa liham-aplikasyon ang ilang personal na 
impormasyon kasama ang dahilan kung bakit nag-aaplay ng posisyon sa kanila.
Ang  resume at liham-aplikasyon ang dalawa sa maginging batayan kung karapat-
dapat  bang mapabilang sa panayam ang isang aplikante. Dahil matindi ang
kompetisyon,  halimbawa sandaan kayong nanglalaban-laban para sa posisyon,
kailangan  umangat ang iyong aplikasyon. 
Pagsasaalang-alang sa Etika  

Katulad ng iba pang akademiko at propesyonal na sulatin, kailangan isaalang-


alang  ang etika sa pagsulat ng liham-aplikasyon at resume. Ilahad lamang ang
totoo.  Huwag mong sabihing valedictorian ka noong high school o nanalo ka sa
isang  patimpalak kung hindi naman ito nangyari. Tandaan dahil sa teknolohiya
madaling  magpatibay kung may katutuhanan ang mga impormasyong ibinibigay. 
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Resume at Liham-Aplikasyon 

Sa pagsulat ng resume at liham-aplilkasyon kailangang maunang alamin ang 


organisasyon o kompanyang nais pasukan. Maaaring bisitahin ang kanilang
opisyal 
na Website upang maging pamilyar sa mga produkto o serbisyo, mga
tagapamuno,  misyon at bisyon at kultura ng aaplayan. Pagkatapos ay ituon ang
mga  dokumentong ito sa kung paano makabubuo ng magandang ugnayan sa
kanila.  
Mga Tips sa Pagsulat ng Resume  

• Iwasan ang pagsulat ng generikong resume at lumikha ng isang partikular sa 


posisyong inaaplayan.  
• Maaaring sundan ang isang balangkas sa pagsulat ng resume. Ang dalawang 
pangunahing porma ay ang tradisyunal na kronolohikal na ayos (ang mga 
edukasyon at karanasan ang pangunahing seksiyon) at functional na organisayon 
(nagtatanghal sa iyong mga kasanayan)  
• Maraming makikitang format ng resume sa Internet. Gumamit ng heading,
bullet  form, at mga puting espasyo upang malinaw na mabasa ang nilalaman.  
• Sa pangkahalatan, hindi na isasama sa resume ang mga detalye tungkol sa 
natamong karangalan noong hayskul, maliban lamang kung talagang kailangan. 
Hindi rin kailangan ilagay ang personal na detalye ng buhay. 
Mga Tips sa Pagsulat ng Liham-Aplikasyon 
• Iwasan ang pagsulat ng generikong liham-aplikasyon. 

• Kahit na hindi binabanggit sa mga anunsiyo ang pagsusumite ng liham


aplikasyon, gumuwa pa rin nito.  
• Gumamit ng standard na anyo ng liham-aplikasyon: may petsa, pangalan 
(posisiyon) at tiyak na lugar ng padadalhan, bating panimula, katawan, pagsasara 
at lagda.
• Gumamit ng pormal na lengguwahe o tono.  

• Gawing maikli at malaman ang liham-aplikasyon. Sikaping magkasya ito sa


isang  pahina.  
• Sa simula pa lamang ay linawin na ang intension. Banggitin ang posisyong 
inaaplayan at saan nakita ang anunsyo. 
• Sa katawan ng liham ilahad ang mga dahilan kung bakit nag-aaplay at anu ang 
maitutulong mo sa organisasyon o kompanya.  
• Sa pagkatapos ng liham-aplikasyon, hilingin na makapanayam. Tanggap na 
nagayon kung sasabihing tatawagan sila upang i-set ang petsa at oras ng
panayam.

Aralin 20: Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal Korepondensiya Opisyal  

 Ang komunikasyon sa pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na liham ay 


tinatawag na korespondensiya. Ipinapaalam natin sa ating mga kaibigan, kamag
anak, at iba pang mahal sa buhay ang ating nararamdaman at naiisip sa 
pamamagitan ng personal na korespondensiya. Ang mga nasa opisina o nasa iba 
pang lugar ng pagtatrabaho ay nagsusulat din at tumatanggap sa kanilang araw 
araw na transaksiyon na tinatawag na korespondensiya opisyal o business 
correspondence. 
Kahalagahan ng Korespondensiya Opisyal  

 Mahalaga ang papel korespondensiya opisyal sa makabagong pagnenegosyo at 


pagtatrabaho: 
1. Madali at epektibog paraan ng paghahatid ng impormasyon lalo na ngayong
may  teknolohiya na sa komunikasyon.  
2. Nakatutulong ang korepondensiya opisyal sa pananatili ng ugnayan. Hindi na 
limitado ang transaksiyon o komunikasyon sa apat na sulok ng opisina.  
3. Ginagamit upang lumikha at magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante, 
empleyado, kliyente, at iba pang may interes sa organisasyon.  
4. Nagsisilbing permanenteng rekord at ebidensiya ang mga koresponsiya opisyal. 
Magagamit ito bilang patunay kung sakaling magkaroon ng pagatatalo sa dalawa
o  higit pang indibidwal o organisasyon.  
5. Nakatutulong ito sa paglago ng kompanya. Ang bawat negosyo ay 
nangangailangan ng mga impormasyon tungkol sa mga kakompentensiyang 
produkto o serbisyo, presyuhan sa mercado, kliyente, politikal na kaligiran at iba 
pa.

Mahalagang ideya: Ang Korespondensiya opisyal ay dokumentong hindi lamang 


nagdadala ng mensahe, bagkus, nagpapanatili ito ng ugnayan, lumilikha at 
nagpapatatag ng relasyon, at nagsisilbing rekord at ebidensiya. 
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal  

Kailangang isiping mabuti ang lalamanin ng mga ito at kung anong format
isusulat  ang mga dokumentong ito. Makatutulong sa pagsulat ang mga
sumusunod: 
1. Ano ang layunin ng isusulat na liham o memo?  

• Papaunlakan mo ba ang imbitasyon bilang guest speaker?  

• Magpapasalamat ka ba sa kawaning nangasiwa sa isang matagumpay na 


workshop? 
• Makatutulong kung lilinawin ang iyong layunin sa isang pangungusap. 2. Sino
ang  magbabasa nito?  
• Sila ba ay superior, katrabaho, kliyente, o kinatawan ng ibang

kompanya? 
• Ano ang nalalaman mo tungkol sa kaniya?  

• Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nabasa ito? 

Kung kakilala mo ang padadalhan ng dokumento, may ideya ka sa lengguwaheng 


gagamitin o kung paano mo gagawing organisado ang ideya.

3. Ano-anong mga  ideya ang iyong isasama sa liham o memo? Mas mapapadali
ang iyong trabaho kung  ikaw ay tumutugon lamang sa natatanggap na liham
dahil sinasagot mo lamang ang  mga tanong sa iyo. Sa kabilang banda, kung sa iyo
magsisimula ang  korespondensiya, kailangang alamin ang mga posibleng tanong
ng tatanggap nito. 

4. Paano mo gagawing organisado ang mga ideya? Maari kang gumamit ng 
academic format, upfront format at soft-approach format.

Ang balangkas ng  academic format ay ginagamit kapag nais ilagay ang
pangunahing punto sa huling  bahagi ng liham.

• Background
• Introduksiyon (suliranin, saklaw)
• Katawan (mga  fact, argumento, detalye, ebidensiya)
• Kongklusyon o Rekomendasyon (resulta,  mungkahing asksiyon

Aralin 21: Pagsulat ng Agenda  


 Kahulugan ng Agenda 
 Ang Agenda ay listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) isang 
pormal na pagpupulong. Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang
mga  kalahok sa paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng
atensiyon.  Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang
pag-uusapan ng  pulong. Kung ibinigay ang agenda sa mga kalahok ilang araw
bago ang pagpupulong  magkakaroon ng sapat na panahon ang bawat isa na
paghandaan ang talakayan at  mga desisyong mangyayari sa pagpupulong. Sa
kabuuan, layunin ng agenda na  mabigyan ng pokus ang pagpupulong. Karaniwan
na nagpapatawag ng  pagpupulong ay ang (president, CEO, director,
tagapamahala, pinuno at iba pang  responsable sa pagsulat ng agenda. Madalas
silang nakikipagtulungan kasama ang  mga kalihim. Kahalagahan ng Agenda 
• Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok
ay  patungo sa tamang direksiyon.  
• Mabilis na matatapos ang pagpupulong kung alam ang lugar na pagdarausan 
maging ang oras ng pagsisimula at pagtatapos.  
• Nagiging epektibo at mabisa ang pagpupulong  
• May pagkakataong walang malinaw na agenda kaya nawawala ang pokus ng
mga  kalahok, at nagdudulot ng tila walang katapusan na pagpupulong (na mas
madalas  ay wala naman talagang nangyayari). 
Nilalaman ng Agenda 
1. Saan at kalian idaraos ang pagpupulong? Anong oras magsisimula at
matatapos?  Kailangan itong malaman ng mga kalahok upang makarating sila sa
itinakdang oras  at lugar upang makapagsimula ng naaayon sa nakasulat.  
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pagpupulong? Sa bahaging
ito  tinatanong ang ‘’ Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong?"  
3. Ano-anong paksa o usapin ang tatalakayin? Maaring maikli lamang o detalyado 
ang bahaging ito. Ang mga sumusunod ang paksang madalas na tinatalakay sa
isang  pagpupulong:
• Mga isyu o usapin sa nakaraang pagpupulong na kailangan
iwasto. 
• Regular report 
• Mga pangunahing punto na tatalakayin 
• Iba pang bagay na nais pag-usapan 
• Petsa ng susunod na pagpupulong. 
 
4. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong? Tanging ang mga taong talagang 
kailangang umupo sa pagpupulong ang dapat na nasa listahan.

You might also like