You are on page 1of 2

Linggo 6: Aralin 6: Pagsulat ng Posisyong Papel

Pagsulat ng isang sulating batay sa maingat,wasto at angkop na paggamit ng wika (Posisyong


Papel)

Sa bahaging ito, mas bibigyan linaw natin ang kaalaman mo hinggil sa pagsulat ng posisyong
papel.

Ang Posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang


indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman ito ng
mga katuwiran o ebisensya para suportahan ang isang paninindigan. Bukod sa paninindigan, at
mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at ang katuwiran kataliwas
o katunggaling panig.

Karaniwan maikli lamang ang posisyong papel. Isa o dalawang pahina lamang upang mas
madaling itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.

Maraming dahilan kung bakit makabuluhang sumulat ng posisyong papel. Sa panig ng may-
akda, nakatutulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pagkaunawa niya
sa isang pagsulat ng posisyong papel. Pagkakataon ito ng isang may-akda na magtipon ng
datos o organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang
paksa o usapin. Naipapakita rin dito ang kanyang kredebilidad sa komunidad ng may mga
kinalaman sa nasabing usapin.

Sa pagsulat ng isang posisyong papel dalawang mahalagang bagay ang dapat isaisip. Ang
Katuwiran at Paninindigan. Ang salitang Katuwiran ay galing sa salitang “tuwid” nagsasabi na
ito ay tama, maayos, may direksiyon o layon, samantalang ang Paninindigan ay galing sa
salitang “tindig” na ibig sabihin pagtayo, pagtatanggol, paglaban na maaaring maging tama.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa


May dalawang posibleng paraan ang kung paano nabubuo ang paksa. Una, nakatuon
sa reaksiyon sa isang mainit na usapin. At pangalawa, ay ang bunsod ng isang umiiral
na problema na nais lapatan ng solusyon sa tulong ng isang pagtitimbang na
pagpapaliwanag para makita ang pagkakasalungat at panig.
2. Magkaroon ng panimulang Saliksik
Sa panimulang saliksik maari magbasa-basa o magtanong-tanong sa mga taong may
awtorisado sa paksang tatalakayin. Layon nitong mapalalim ang pag-unawa sa paksa.
Dapat maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino ay makatuwirang
posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring humadlang para makita
ang iba’t ibang pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon batay sa naihanay na katuwiran
Maaring maisulat ang mga katuwiran ng magkabilang panig upang matimbag ang
dalawang posisyon. Pagtapatin ang bawat panig at tingnan sino ang higit na mas
matimbag. Tandaan, hindi ito paramihan ng isusulat ng katwiran, kailangan dito ang
bigat at halaga ng bawat isa. Batay sa pagtatala at pagtitmbang, bumuo ng sariling
paninindigan.
4. Gumawa ng mamalim na Saliksik
Matapos matiyak ang paninindigan, gumawa ng saliksik. Maaaring sumangguni sa ibang
tao, magbasa ng mga akademikong journal at aklat, makipanayam sa mga awtorisadong
tao, gumamit ng mga ulat ng ahensya ng pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon,
pahayagan at magasin upang makapagtampok ng napapanahong mga datos o
impormasyon.
5. Bumuo ng isang balangkas
Ang balangkas ay makatutulong upang maihanay ang pagsulat ng posisyong papel.

 Introduksiyon
Dito Ipinakikilala ang paksa. Ipinapaliwanag ang konteksto ng usapin. Maari ring
banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.

 Mga katuwiran ng kabilang panig


Isa-isang ihanay ang mga katuwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang bahagya
ang bawat katwiran. Banggitin ang sanggunian o pinagkunan ng katwiran, ito ay ang
mga dokumento, memorandum, interbyu at iba pa.

 Mga sariling katuwiran


Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran
ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod nito, maaari ring magbigay ng iba pang katuwiran
kahit wala itong katapat. Sa gayon mapakikita ang katanungan ng sariling paninindigan.

 Mga suporta sa Sariling katuwiran


Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay rito
ng karagdagang ebidensya upang lalong maging kapani-paniwala ang mga sariling
katuwiran, Sa huling pahayag, ilagom ang iyong paninindigan kung bakit ito pinaninindigan.

 Sulatin ang Posisyong papel


Kung malinaw na ang balangkas, maaari nang isulat ang posisyong papel. Kailangan
maiparamdan at maipahiwatig sa mga mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi
sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na ang
sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

 Ibahagi ang posisyong papel


Walang silbi ang posisyong papel kung ito ay hindi maibabahagi sa publiko. Maaring
magparami ng kopya upang marami ang makabasa. Maari ring gamitin ang social media
upang maipaabot sa mas maraming mambabasa.

You might also like