You are on page 1of 11

Modyul 7: Pagsulat ng Posisyong Papel

Posisyong Papel
-ay isang sulating nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibiduwal o grupo tungkol sa isang
makabuluhan at napapanahong isyu (Constantino at Zafra 2017, 217).
-naglalaman din ang nasabing uri ng pagsulat ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang
paninindigan.
-Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong
mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng
posisyong papel.
-Mas magandang gamitin ang katuwiran kaysa sa argumento at paninindigan kaysa sa posisyon. Ang
katuwiran ay galing sa salitang “tuwid” na nangangahulugang tama, maayos, may direksiyon at layon.
Ang paninindigan naman ay salitang galing sa “tindig” na nangangahulugang pagtayo, pagtatanggol, at
paglaban, at maari ding pagiging tama.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Tiyakin ang Paksa
-May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una, puwedeng
reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon
lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
{Sa una, karaniwang ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang napapanahong usaping
panlipunan na pinagtatalunan.}

Halimbawa, ang legalisasyon ng marijuana. Noon, hindi sumagi sa isip ng marami na gawing legal ang
paggamit nito. Ngunit nang matuklasan ang medikal na benepisyo ng marijuana, nagkaroon ng dalawang
makatuwirang panig sa isyu. Sa isang panig, naroon ang mga magulang at simbahan na di-pabor sa
legalisasyon sa paggamit ng marijuana. Sa kabilang banda naman, naroon ang mga magulang din ng mga
may malubhang karamdaman at ilang doktor na pabor sa legalisasyon. Maaaring sumulat ng posisyong
papel para suportahan ang dalawang panig at sumangkot sa kasalukuyang debate tungkol sa usapin.
{Sa pangalawa, maari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng isang napansing problema sa
kapaligiran o sa lipunan.}
Halimbawa, ang pagbabalik ng death penalty. Maaaring hindi naman ito mainit na pinaguusapan, pero
kung may nakapansin na lumalala na naman ang krimen sa lipunan, maaaring pasiglahin ang pagtatalo
hinggil sa pagbuhay sa parusang kamatayan.

2. Gumawa ng Panimulang Saliksik


-Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu,
maaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinion sa mga taong may awtoridad sa paksa
para mapalalim ang pagkakaunawa sa usapin.

3. Bumuo ng Posisyon o Paninindigan Batay sa Inihanay na mga Katuwiran


-Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng
biswal na representansyon ng mga ito. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at kontra-
katuwiran para makita kung alin ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Tandaan na hindi ito pahabaan
ng listahan ng katuwiran. Kailangan ang bigat at halaga ng bawat isa upang makabuo ng sariling
paninindigan.

4. Gumawa ng mas Malalim na Saliksik


-Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa ng mas malawakan at
malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring pagtuonan na ang mga katuwiran para sa
panig ng napiling panindigan.
-Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring makipanayam sa mga awtoridad
sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng mga mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan,
pribadong organisasyon, pahayagan at magasin upang makapagtampok ng napapanahong mga datos o
impormasyon.

5. Bumuo ng Balangkas
-Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksyon ng pagsulat ng
posisyong papel.
Gabay sa sumusunod na huwaran:
Introduksiyon
– Ipakilala ang paksa. Dito ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maari na ring banggitin dito ang
pangkalahatang paninindigan sa usapin.
Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
– Ipaliwanag nang bahagya ang bawat katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkuhanan ng
katuwirang ito---mga dokumento, memorandum, interbyu at iba pa.

Mga Sariling Katuwiran


– Isa-isa namang ihanay rito ang sariling katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa
kabilang panig. Bukod dito, maari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat. Sa
gayon, maipakita ang kalamangan ng sariling paninindigan.

Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran


– Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay dito ng
karangdagang ebedinsiya para lalong maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
Huling paliwanag kung bakit ang napiling paninindigan ang dapat lagumin dito ang mga katuwiran
– Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat.\

Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o mungkahing pagkilos


– Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang paninindigan. Sikaping
gawing maikli, malinaw at madaling tandaan ang huling pahayag.

6. Sulatin ang Posisyong Papel


-Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang
tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na
kapani-paniwala ang mga sinabi sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

7. Ibahagi ang Posisyong Papel


-Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami ng kopya
at ipamigay sa komunidad, ipaskil sa mga mataong lugar, ipalathala sa diyaryo, estasyon ng radyo at
telebisyon o kaya sa social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.

Posisyon / Proposisyon
1. Dapat nang baguhin ang pagsisimula ng klase mula Hunyo patungong Agosto.
2. Dapat na magsuot ng uniporme ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo
3. Dapat na ipagbawal ang paggamit ng plastic sa lahat ng tindahan sa buong bansa.
4. Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan.

5. Dapat na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa panggagamot.


Modyul 8: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Replektibong Pagsulat
-ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa
pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa (Garcia 2016,
48).
Ariola et. al (2016)
“ang replektibong pagsulat ay tumutulong sa atin na mag-isip nang higit pa hinggil sa ating sarili, kung
sino tayo at paano ba tayo nagbabago; kung paano natin nasusuri ang ating sariling mga karanasan sa
buhay; kung paano tayo binabago at pinauunlad ng mga karanasan at mga pananaliksik sa buhay dulot ng
mga pagbabagong nagaganap sa sarili” (118).
Baello, Garcia, Valmonte (1997) na binanggit ni Garcia (2016) sa kaniyang libro

“ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na


hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong
nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring nasaksihan”

Layunin ng Replektibong Sanaysay


Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
Naglalayon din itong maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya
at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian.

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Naglalahad ng interpretasyon.
2. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin.
3. Pagandahin ang panimulang bahagi.
4. Nagtatalakay ng iba’t ibang aspekto ng karanasan.
5. Ang kongklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.
6. Ang malinaw at direktang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng mambabasa ang kaniyang
idea.
7. Rebyuhin nang ilang ulit ang repleksyon.
8. Mga halimbawa ng literaturang replektibong sanaysay:
- Proposal - Editorial
-Konseptong Papel - Sanaysay - Talumpati

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay (Garcia , 2016)


1.Panimula
– Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring
ipahayag nang tuwiran o di-tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang
mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
– Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyanghalaga ang maigting na damdamin sa
pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay,
obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga
manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
3. Kongklusyon
– Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat magiwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito
na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga
pananaw niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng
katauhan at kaalaman para sa lahat.

Mahalagang magkaroon ng:


1. Pananaliksik
2. Pamamaraan upang makuha ang atensyon ng mambabasa gaya ng mga sumusunod:
a. anekdota
b. flashback
c. sipi
3. Makabuluhan, tiyak at konkretong bokabularyo

Mga Paraan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Magbulay-bulay at balikan ang mga pangyayari sa buhay na humubog sa iyong pagkatao.
2. Alamin ang mga karanasan na nakaapekto o nagkaroon ng kabuluhan sa buhay.
3. Ipaliwanag kung paano nakaapekto ang iyong sariling karanasan at pilosopiya upang mahubog ang
sarili sa positibong aspeto.
4. Talakayin sa kongklusyon ang kinahinatnan ng repleksyon.
Modyul 5: Pagsulat ng Bionote, Talambuhay, at Kathambuhay

*Biography - bio ng Griyego -“buhay”.


*graphia -salitang Griyego -“tala” (Harper 2016).
*Ang dalawang salita ay pinagsama dahilan ng pagkabuo ng salitang biography o “tala” ng “buhay” o
talambuhay.
*Ang talambuhay ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Mula sa talambuhay ay nabuo
naman ang bionote.
*bio =“buhay” -note =“tandaan”,
ito ay tala ng buhay na dapat tandaan.

BIONOTE
-maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang manunulat na maaaring makita sa likuran ng
pabalat ng libro, naisasama rin dito ang larawan ng manunulat.
-Nagsusulat tayo ng bionote upang magbigay impormasyon hindi lamang ang karakter kung hindi maging
ang kredebilidad ng isang tao sa larangang kinabibilangan.

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote


1) Maikli ang nilalaman sa pagsulat ng bionote, kung kaya sikaping paikliin at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon. Binubuo lamang ng 2 hanggang 3 talata.
2) Gumamit ng ikatlong panauhang pananaw kahit ito pa ay tungkol sa sarili.
3) Isaalang-alang ang iyong mambabasa. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ag hinahanap nila.
5) Mamili lamang ng mga katangian o kasanayan na angkop sa layunin ng gagawing bionote.
6) Binabanggit ang degree kung kinakailangan.
7) Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang
bumango ang pangalan at makaungos sa kompetisyon.

Hakbang sa Pagsulat ng Bionote


1. Tiyakin ang layunin.
-Linawin bilang manunulat ang dahilan at layunin ng pagsulat ng isang bionote. Ito ay magiging gabay
kung ano dapat ang mga detalyeng iyong ilalagay sa bubuoing bionote. Malalaman mo kung ano-ano ang
mga angkop at mahalagang impormasyon upang matukoy mo rin ang kanais-nais na paraan ng paglalahad
nito.
2.Pagdesisyunan ang haba ng susulating bionote.
-Nakadepende sa layunin ng bionote ang haba nito, kaya kung tiyak na ang iyong layunin, mapapadali na
ang pagpapasya mo sa bahaging ito. Ang bionote ay maaaring maikli o mahaba. Mahalaga ang
pagdedesisyon sa haba ng bionote dahil kadalasan, may mga panuto ang organisasyong humihingi nito.

3) Gumamit ng ikatlong panauhang perspektib.


Kung gumagawa ng bionote ng iba at kahit na sariling bionote pa ang ginagawa, inaasahang gamitin ang
ikatlong panauhang perpektib dahil nakatutulong ito sa pagkakaroon ng obhetibong tono ng bionote. Iba
naman sa social media, unang panauhan ang ginagamit dahil personal ang account na ito at inaasahang
sarili ang nagpapakilala at hindi ang ibang tao.
4) Simulan sa pangalan.
Tuwing binabasa ang bionote, kadalasang maririnig lamang sa dulo ang pangalan. Ngunit, kung nasa
anyo ng pagsulat, iminumungkahing ang pangalan ang unang makikita. Mahalaga ito dahil ang pangalan
ang pinakamahalagang matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga
nagawa at natamo.
5) Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Kung may ipakikilala sa isang komunidad ng mga doctor,
ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang komunindad; o kung hindi naman ay kabilang sa
komunindad na may kaugnayan sa kanila.
6) Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay.
Tanging mga nakamit at nagawa lamang na may kaugnayan sa mambabasa ang isasama sa bionote. Kung
sumulat ka ng aklat patungkol sa mga gamot ay huwag ng isama ang iba mong nakamit sa larangan ng
pagluluto o anomang walang kinalaman sa paksa.
7) Idagdag ang ilang hindi inaasahang detalye.
Mahalagang mayroong element of surprise ang pagpapakilala, kaya isama ang mga detalyeng hindi pa
nalalaman ng mga mambabasa o mga karanasang hindi malilimutan sa propesyong kinabibilangan.
8) Isama ang contact information.
Isama ang e-mail, social media account, at numero ng telepono o cellular phone. Mapalalawak nito ang
network sa propesyon at upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa larangan.
9) Basahin at muling isulat ang bionote. Matapos isulat ang bionote ay muli itong basahin upang
mahanap ang mga maling pagbaybay, balarilala, at detalye na dapat ayusin, tanggalin, o idagdag. Muling
isulat ang bionote matapos ang masusing pag-aayos.

Uri ng Talambuhay
Talambuhay na Pang-iba
- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinusulat ng ibang tao.
Talambuhay na Pansarili
-isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
Talambuhay Pangkayo
-isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan o
kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing nito

Uri ng Talamabuhay ayon sa Nilalaman


Talambuhay na Karaniwan
-Isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay.
Talambuhay na Di-Karaniwan
-Binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano
nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.

Katangian ng Talambuhay
1. Ang pagsasalaysay ay matapat at makatarungan.
2. Ang pagsasalaysay ay kailangang makuha ang pagtitiwala ng mambabasa.
3. Kailangang may aral na makukuha ang mambabasa upang magamit niya sa kanyang pag-unlad.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talambuhay


1. Tiyakin kung anong uri ng talambuhay ang isusulat upang hindi mahirapan sa nilalaman ng sulatin.
2. Sikaping maisulat ang talambuhay ng maikli.
3. Simulan ang pagsusulat sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa iyong buhay,
interes, at mga tagumpay na nakamit.
4. Huwag gawing teknikal ang pagsusulat ng talambuhay, gawin itong simple.
5. Gaya ng ibang sulatin, ugaliing basahin ang naisulat na talambuhay upang mahanap ang mga maling
pagbaybay, balarilala, at detalye na dapat ayusin, tanggalin, o idagdag. Muling isulat ang talambuhay
matapos ang masusing pag-aayos.

Kathambuhay
-tinatawag din nating nobela ay isang uri ng piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Ang
kathambuhay ay maaaring isalig sa totoong pangyayari sa buhay ng tao at maaari namang hindi sapagkat
ang manunulat ay may kalayaan sa pagpili ng tauhan, kaganapan at takbo ng kanyang kuwento. Kaya
kung ikaw ay may angking galing sa pagsulat ng panitikan ay maaari ka ring makalikha ng isang
kathambuhay.
Modyul 6:Pagsulat ng TALUMPATI
Talumpati

➢ Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.


Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.
➢ Ito ay isang sining ng pagsasalita nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng
wika at katatagan ng kaniyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa
paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008).
➢ Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pagtatalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng isang
publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa.

Iba’t Ibang uri ng Talumpati ayon sa Paghahanda


1. Impromptu – Biglaan at walang ganap na paghahanda. Karaniwang makikita sa job interview,
question and answer at pagkakataong pagpapakilala. Hindi posible ang pagsulat pa ngunit
nangangailangan ng matinging pag-oorganisa ng idea.
2. Extempore – Nabibigyan ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Maaari pang maghanda ang
mananalumpati upang hindi ito paligoy-ligoy. Karaniwang inoorasan. Karaniwang halimbawa nito ay ang
mga patimpalak sa talumpati at Question and Answer Portion sa Beauty Pageant.
3. Isinaulong Talumpati – Isinulat muna bago isinaulo ng mananalumpati. Masusukat dito ang mahusay
na pagbabalangkas ng mga kaisipan. Karaniwang halimbawa nito ay mga Valedictory Speech.
4. Binabasang Talumpati sa Kumperensiya – Mas kaunti ang aalalahanin ng mananalumpati sapagkat
ito ay mahusay nang naisulat at babasahin na lamang sa mga tagapakinig. Ngunit isaalang-alang pa rin
ang bisa ng tinig at bigat ng pagbanggit.

Katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng Talumpati


1. Napapanahon
2. Kapaki-pakinabang sa publiko
3. Katugon ng layon ng talumpati

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati


Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaaring hatiin sa tatlong yugto ayon kina Constantino at Zafra
(2017, 229-233): ang paghahanda, pananaliksik, at pagsulat ng talumpati.

1. PAGHAHANDA
a. Layunin ng Okasyon
- Kung ikaw ang magsusulat ng talumpati ay dapat alamin mo ang layunin ng okasyon. Maaaring
ang layunin ng okasyon ay magbigay inspirasyon, magpaliwanag tungkol sa isyu, magkuwento, at iba pa.
-Dapat ding alamin kung may itinakdang paksa o tema upang maiayon ito sa pagsusulat mo ng
iyong talumpati.
b. Layunin ng Tagapagtalumpati
- Iyo ring isaalang-alang kung ano ang layunin ng iyong talumpati upang iayon ang nilalaman,
haba, at tono nito.
Layunin ng Talumpati
i. Nagbibigay impormasyon o kabatiran;
ii. Naghahatid ng kasiyahan o panlibang;
iii. Nanghihikayat;
iv. Talumpating namamaalam; at
v. Nagbibigay ng papuri, pagkilala o pagbibigay pugay sa isang tao o samahan
c. Manonood
– Tandaan na ang manonood ay hindi lamang tagapakinig sapagkat sila ang pangunahing salik sa
nilalaman at estilo ng talumpati.
-Karaniwan, kung maliit ang grupo ng manonood ay maaaring maging mas malaman at malalim ang
nilalaman ng iyong talumpati sa kadahilanang ikaw ay magkakaroon ng malapitang ugnayan sa iyong
tagapanood.
-Kung marami naman ay kailangang masiguro na hindi mababagot ang mga tagapakinig.
-Kailangan mo ring tandaan, na sa manonood ang kanilang kaligiran at katangian gaya ng kanilang pinag-
aralan, ekonomikong estado, edad, kasarian, o kulturang kinabibilangan.
d. Tagpuan ng Talumpati
– Tinutukoy nito ang lugar, kagamitan, oras, at daloy ng programang kapalolooban ng talumpati.

2. PANANALIKSIK

a. Pagbuo ng Plano
– Pakatatandaan na ang pagpaplano ang napakaepektibong paraan sa pagsusulat ng talumpati. Pag-aralang
mabuti ang paksa o tema upang makapag-isip ng iba’t ibang paraan at estratehiya na siyang gagamitin
upang madebelop nang mahusay ang isusulat na talumpati.

3. PAGSULAT NG TALUMPATI
Pangkahalatang gabay sa pagsulat
a. Sumulat gamit ang wikang pabigkas – Tandaan ang talumpati ay sinusulat hindi para basahin kundi
para bigkasin.
b. Sumulat sa simpleng estilo – Tuwing ikaw ay nagsusulat ng talumpati, iwasan ang mahahabang salita.
Iwasan ang komplikadong pangungusap. Bumuo ng pangungusap na may iisang paksa at komentaryo
lamang.
c. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas – Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:
- paggamit ng matalinghagang pahayag o tayutay;
- paggamit ng kuwento;
- pagbibiro;
- paggamit ng mga kongkretong halimbawa;
- paggamit ng paralelismo;
- paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata; at
- pagbibigay ng tatlong halimbawa para maipaliwanag ang isang idea.
Pagrerebisa ng Talumpati

1. Paulit-ulit na pagbasa. Ugaliing rebisahin ang isinusulat na talumpati bago ito bigkasin. Kailangang
matiyak mo na ang nabuong mga pangungusap ay madaling maintindihan, madaling bigkasin at madulas
bigkasin ang mga salitang napili. Kung ikaw ay nahihirapang bigkasin ang tunog na /s/ o /r/ ay dapat
iwasang gumamit ng letrang ito.
2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pagbigkas.
3. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras. Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri
ng talumpati:
- Panayam o lektura …………………………..45-50 minuto
- Presentasyon ng papel sa isang komprehensya…………………………………….20-25 minuto
- Susing panayam ……………………………..18-22 minuto
-Pagpapakilala sa panauhing pandangal.3-4 minuto
- Talumpati para sa isang seremonya………5-7 minuto

Kumpas
– Ang kumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa ideang nais ipahatid ng isang mananalumpati.
Uri ng Kumpas
1. Palad na itinataas habang nakalahad
– dakilang damdamin.
2. Nakataob na palad at biglang ibababa
– marahas na damdamin
3. Palad na bukas at marahang ibinababa
– mababang uri ng kaisipan o damdamin.
4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad
– pagkapoot o galit at pakikipaglaban.
5. Paturong kumpas
– panduduro, pagkagalit at panghahamak.
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ikinukuyom
– matimping damdamin.
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita
– pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita.
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad
– pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot.
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw
– pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook
10.Marahang pagbababa ng dalawang kamay
– pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

Coronavirus Disease o CoViD-19


epekto ng pandemya sa tao at komunidad
edukasyon sa gitna ng pandemya
negosyo sa panahon ng pandemya

You might also like