You are on page 1of 28

Filipino sa Piling

Larangan
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 3

Mapanuring Pagsulat
at Tekstong
Akademiko
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Makilala ang pagkakaiba ng pagiging kritikal at
analitikal;
2. Maisa-isa ang katangian ng mapanuring pagsulat;
3. Matukoy ang estruktura at proseso ng
mapanuring pagsulat; at
4. Maisa-isa ang katangian ng mapanuring
manunulat.
Kakailanganin sa mapanuring pagsulat
ang isang mapanuring pag-iisip.
Mapanuring Pagsulat at
Tekstong Akademiko
Napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang
pagiging:

a. analitikal
-napaghihiwahiwalay at napaggugrupo ang
mga ideya sa loob ng teksto upang maunawaan at
gawan ng ebalwasyon

b. kritikal
-naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang
reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan ng
pagsusuri ang nabubuong mga relasyon kaugnay rito
Ilang Katangian ng
Mapanuring Pagsulat
1. Layunin – Karaniwang pagpapaunlad o
paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.

2. Tono – Impersonal ito, hindi parang nakikipag-


usap lang. Hindi rin ito emosyonal.

3. Batayan ng datos – Pananaliksik at kaalamang


masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng
katuwiran dito.
Ilang Katangian ng
Mapanuring Pagsulat
* Obhetibo ang posisyon – Batay ito sa pananaliksik.
Iniiwasan dito ang anumang pagkiling. Makikita ang
pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga
detalye.

* Katotohanan vs. Opinyon –

Katotohanan- Kailangan ang pruweba o


ebidensiyang mapagkakatiwalaan o talagang
nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa lamang
Opinyon – batay sa sariling damdamin,
karanasan, at paniniwala.
Ilang Katangian ng
Mapanuring Pagsulat
4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba

-Ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong


patunayan ng sumulat.

-Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na ipokus


ang atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon o
anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon.

-Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto


upang paunlarin ang argumento.
Ilang Katangian ng
Mapanuring Pagsulat

5. Perspektiba – Nagbibigay ng bagong


perspektiba o solusyon sa umiiral na
problema.

6. Target na mambabasa – Kritikal, mapanuri,


may kaalaman din sa paksa, kaya naman mga
akademiko o propesyonal ang target nito.
Tinatawag silang mga kadiskursong
komunidad.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
1. Introduksiyon

- Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o


paksa

- nalilinaw ang nais patunayan sa


pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na
pangungusap

-napakikitid ang isang malawak na paksa.


Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
Mahalagang puntos sa pagsulat ng
introduksyon:

a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-


aaral

1) Fact o Depinisyon
“Ang global warming ay
penomenong pang-Asya.”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
2) Sanhi at Bunga
“Ang popularidad ng SUV ay
nagpalala sa polusyon sa bansa.”
3) Halaga
“Mahalagang kasangkapan sa
pagkatuto ang unang wika ng bata.”
4) Solusyon at Patakaran
“Sa halip na K to 12, ang
kahirapan muna ang dapat
pagkaabalahan ng gobyerno.”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
b. Paksang Pangungusap - Ang pagkakaroon ng
malakas na paksang pangungusap o tesis na
pangungusap ang magpapalakas din ng mga
argumento at batayan o datos.

Maliban sa tesis na pangungusap na


naglalahad ng suliranin o problema, mahalaga ring
ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng
paksa, at pamamaraan at datos na ginamit bilang
overview.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
c. Atensiyon sa Simula - Upang makuha ang
atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng
estratehiya kung paano sisimulan ang
introduksiyon.

1) Tanong
“Bakit kailangang ipagpatuloy
ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo
sa ilalim ng Programang K to 12?”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
2) Impormasyon, Pigura
“Pinatunayan ng estadistika ng
NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong
bansa ang nakaranas ng kabawasan
ng kahirapan noong 2012 kompara
sa 2009. Pinakamataas dito ang
CARAGA na bumaba ng 14.2
porsiyento ang naranasang kahirapan.
(Neda.gov.ph)”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
3) Depinisyon
“Ang terminong malinaw na
ikinakabit sa pagkalalaki ay ang
machismo (mula sa Espanyol, ginagamit
upang bawasan ang pangangailangang
ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang
umiiral sa mga bansang Latino-Amerikano, lalo
na sa Mexico. – Salin, Geert Hofstede,
Culturés Consequences, 2001, p. 309”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
4) Sipi
“Di gaya ng istorya sa bibliya ng
mga Ebreo kung saan ang lalaki ang unang
nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha
mula sa kaniyang tadyang, na naglalahad ng
kultural na pagkiling sa dominansya ng lalaki, sa
mito ng subanen, ang babae at lalaki ay
galing sa iisang pigurang putik, hinati sa
dalawa, at magkapareho sa simula pa. –
Salin, Florentino Hornedo, “Pagmamahal
and Pagmumura,” Essays. 1997”
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
2. Katawan

a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga


talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado,
maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:

1) Ang unang pangungusap na talata ay


kaugnay ng naunang talata.
2) Ang mga sumusuportang ideya ay
magkakasama sa loob ng talata.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan
ang tesis.

c. Kaayusan ng talata – Maaaring batay ito sa


kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya,
hakbang- hakbang, o serye.

d. Pagpapaunlad ng talata – Maliban sa malakas na


argumentong magpapatunay sa isinasaad ng talata
ang ebidensiya batay sa pananaliksik.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
1) Ebidensiya – May dalawang uri ang ebidensiya:
pangunahin at di-pangunahin.

* Pangunahin – interbyu, karanasan, sarbey,


anekdota, eksperimento.
* Di-pangunahin – mga teksto, libro, artikulo,
pahayagan, website.

– Mahalaga ring ang ebidensiya ay


mapagkakatiwalaan, may katotohanan, at wasto.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
2) Argumento – Ito ang magpapaliwanag kung bakit
sumusuporta ang datos sa gustong patunayan o
tesis.
3) Pagbubuo – Ilang elemento sa pagbubuo ng
talata ang dapat bigyang-diin gaya ng:
*Pagsisimula ng bagong talata
*Mga transisyon sa bawat talata
at sa loob ng talata
*Haba ng talata
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
e. Pagbuo ng Pangungusap

1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap


upang bigyang-tuon ang ideya at hindi maging
kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na
akda.

2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng


pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at iba
pa).
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
f. Paggamit ng angkop na salita –

Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at


mapanuring teksto ay sumusunod sa ilang
pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:
1. Lebel ng pormalidad
2. Pormal kaya hindi pinapaikli o
dinadaglat ang mga salita.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat
3. Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang
kalagayan ng kapuwa gaya ng lahi, bayan,
bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon,
kasarian, trabaho, pinag-aralan, pamilya, at iba pa.

4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan


ng mambabasa, hindi ng isang partikular na
grupo lamang.

5. Umiiwas sa yupemismo o pailalim na


gamit ng salita upang itago ang katotohanan.
Estruktura at Proseso
ng Mapanuring
Pagsulat

Konklusyon

- Ito ang huling bahagi ng teksto na


isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod,
pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig
(paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o
resolusyon.
Mapanuring Pag-iisip,
Mapanuring
Manunulat
Mula sa mapanuring pag-iisip nabubuo ang
isang mapanuring manunulat na nagtatalay ng
sumusunod na katangian:
1. Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan
ng sinulat sa kaniyang buhay, pamilya, komunidad, kapuwa,
lipunan, bansa, at daigdig batay sa dati niyang kaalaman at
karanasan.
Mapanuring Pag-iisip,
Mapanuring
Manunulat

2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na


mapagkakatiwalaan at hindi ayon sa haka-haka o
pamamalagay lamang.

3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-


analisa ng mga datos, ebalwasyon nito, pagbubuod, at pag-
uugnay nito sa paksa.

4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang


maimpluwensiyahan ng iba’t ibang salik at datos.
Mapanuring Pag-iisip,
Mapanuring
Manunulat
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba’t ibang lente o
perspektiba at hindi lamang sa iisang takbo ng isip.

6. Sinusuportahan ang iba’t ibang perspektiba ng katuwiran


at ebidensiya.

7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado,


malinaw, at masusi.

8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal,


sikolohikal, mental, pangkasarian, kinabibilangang lahi, uri,
grupo at etnisidad nito sa pamamagitan ng maingat na
paggamit ng wika.

You might also like