You are on page 1of 7

Aralin 10: Pag-unawa sa Paksa at Pagtitipon at Pag-oorganisa ng Datos:

Pagsulat ng Ulat

Pagsulat ng Report o Ulat:

Ang pagsusulat ng report o Ulat mahalaga na malaman ang bawat impormasyon na


ibabahagi sa mga madla sapagkat ito ang nagiging batayan ng mga tao. Bukod doon inaasahan
din ng mga tao ang mga lihitimong impormasyon na kanilang mabatid, upang matugunan an
kani-kanilang mga pangangailangan.

Ang ulat o report ay paglalahad ng mga paktwal na impormasyon o katotohanan, kung


anong nasaksihan, narinig,nabasa,naranasan,o natuklasan at napag alaman. Karaniwang layunin
nito ay makapagbigay ng makabuluhang impormasyon sa bawat indibidwal.

Ang paghahatid ng ulat ay karaniwang nasusulat sapagkat ito ay napagkukunan ng ibat


ibang mahahalagang impormasyon, tulad ng mga pang araw-araw na pamumuhay.
Ito ay bunga ng isinagawang pagsasaliksik, pagsusuri, pagbabasa, pakikinig at pagsubok.
Layunin nito ang makapagbigay ng mga mahahalagang impormasyon at mga hakbang sa
kaaugnay na gawain.

Narito ang ibat ibang Uri ng report o ulat.

1.Ulat panahon (Weather Report)


Ulat tungkol sa kalagayan ng panahon, karaniwang inihahayag ito sa mga
pahayagan, radio, telebisyon, at iba pang pampublikong daluyan ng impormason. Ang Ulat
Panahon ay kailangang napapanahon upang ito ay kapakipakinabang sa mga tao.
Halimbawa kung ano ang magiging lagay ng panahon sa susunod na araw o mga kasalukuyang
bagyo.
https://www.google.com.ph/search?
q=bagyong+yolanda&noj=1&rlz=1C1CHBF_enPH740PH740&source=lnms&tbm=isch&
sa=X&ved=0ahUKEwjlouy2isTUAhXJKJQKHfI8ARYQ_AUICigB&biw=1366&bih=662#i
mgrc=B3V9HNeTKXeFjM:

2.Ulat ng Pulis (Police Report)


Ulat naman ito tunggkol sa mga nangyayari sa kumunidad at sa ibat ibang panig
ng bansa.
Halimbawa na lamang nito ay ang mga aksidente, krimen at iba pang pangyayari.

https://www.google.com.ph/search?
q=krimen+sa+pilipinas&noj=1&rlz=1C1CHBF_enPH740PH740&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwjQjp2Li8TUAhWIVZQKHcIzCKIQ_AUICigB&biw=1366&bih=662
#imgrc=9az3O2egpjrCDM:
3.Taunang Ulat (Annual Report)
Ulat ito tungkol sa mga nagdaang taon.
Halimbawa na lamang kung paano naipatupad ang k-12 noong 2016-2017, at mga
nangyari noong nakaraang taon.

https://www.google.com.ph/search?
q=first+day+of+k12+program+in+the+philippines&noj=1&rlz=1C1CHBF_enPH740PH74
0&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjv5avxicTUAhVKmZQKHeRcD5cQ_A
UICigB&biw=1366&bih=662#imgrc=pRlGN2EiCXqKdM:

4.Mapagsiyasat na Ulat (Investigative Report)


Ulat sa pag iimbistiga tungkol sa napapanahong isyung panlipunan o
pananaliksik sa mga bagay-bagay.
Halimbawa na lamang nito ang kasalukuyang nangyayari sa Lungsod ng Marawi na
kung saan humaharap sila ng matinding pagsubok. (gyera).
https://www.google.com.ph/search?
q=bakbakan+sa+marawi&noj=1&rlz=1C1CHBF_enPH740PH740&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwjS0fXhiMTUAhXIkJQKHXTzBDAQ_AUICygC&biw=1366&bih=
662#imgrc=eH6vXhjtnepTJM:

5.Siyentipikong Ulat (Scientific Report)


Ulat tungkol sa mga resulta ng mga isinagawang eksperimento.
Halimbawa na lamang ng mga iba’t ibang panibagong uri ng gamot o mga makabagong
teknolohiya.

https://www.google.com.ph/search?
noj=1&rlz=1C1CHBF_enPH740PH740&biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&q=missile
s&oq=missiles&gs_l=img.3..0l10.39088.42591.0.43616.10.9.1.0.0.0.306.1168.7j0j1j1.9.
0....0...1.1.64.img..0.10.1174...0i67k1.D_TFX4sBlTE#imgrc=Dhr1SHFWcU_6SM:
Pag-unawa sa paksa:

1.Unawaing mabuti ang paksa- Ang pag-unawa sa paksa ay marapat na dumaan sa masusing
paraan, ang mga salitang hindi pamilyar ay bigyan ng kahulugan upang lalong maunawaan.

2.Tiyakin ang hangganan ng ulat- Tiyakin na mahahalagangimpormasyon lamang ang kunin


dahil kung hindi ibubuod ang paksa maaaring mahirapan ang isang taga ulat sa pag-uulat.

3.Ibuod ang mga impormasayong may kinalaman sa paksa- Sa paghahanap ng impormasyon,


tiyakin na nakapokos ka lamang sa paksa. Iwasan na maisama sa ulat ang mga impormasyong
interesante sasabihin lamang ito kung kinakailangan. Maging selektibo sa pag-pili ng mga
impormasyon.

4.Gawing payak ngunit may makabuluhanang presesntasyon ang ulat.


Maaring gawin sentro ang isang paksa o maliit na aspeto lamang nito upang
hindi maging kumplikado ang pag presenta ng mga datos at kung paanoo mo
magagampanan ng maayos.

5. Tiyakin na bagong impormasyon ang ibabahagi- Siguraduhing lihitimong


impormasyon ang pagkukunan ng paksa. Umiwas din sa mga impormasyong
galing sa internet at isaisip na nararapat lang na bagong impormasyon ang
kanilang malaman.

6.Gumamit ng mga pantulong na materyal- Ugaliing gumamit ng bisual upang


maging masigla ang presentayon. Maaari ding gumamit ng audio materials,
gawing makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.
7.Gumamit ng angkop na sistema o dokomentasyon- Ang pag kuha ng ibat ibang impormasyon,
huwag kalimutan ang sanggunian na makakalap ng impormasyon upang hindi matawag
na plagiarism.

Pagsusulit
Isulat kung Anong Uri ng Ulat.

________________1.Tumutukoy ito sa kasalukuyang nangyayari sa kumunidad.

________________2.Ito ay isang uri ng ulat na kung saan tumutukoy sa pag-


Iimbistiga sa mga napapanahong isyu.

________________3.Ulat na tumutukoy sa lagay ng panahon.

________________4.Ito ay isang uri ng ulat na tumutukoy sa mga pangyayari sa


mga nagdaang taon.

________________5.Uri ng ulat na tumutukoy sa resulta ng pag eksperimento.

II. Sagutan ang mga sumusunod na sanaysay.

1.Ano ang kahalagahan ng Ulat.?

2.Paano magiging makabuluhan ang isang ulat.?


GAWAIN 10

Pumili sa mga sumusunod at gumawa ng sariling ulat.

1.Ulat Panahon.

2.Ulat Pulis.

3.Taunag Ulat

4.Mapagsiyasat na Ulat.

5.Siyentipikong Ulat.

You might also like