You are on page 1of 2

Metodong IMRaD sa Siyensiya at Teknolohiya

Isa sa mga popular na metodo sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya


ang IMRaD. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi.

Introduksiyon- problema, motibo, layunin, background at pangkalahatang pahayag. Bakit


isinasagawa ang pag-aaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng
hipotesis?

Metodo- mga modelo at panukat na gagamitin, anoo, kalian, saan, paano, gagamitin ang
materyal. Sino-sino ang sangkot?

Resulta- Resulta ng empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis?

a- Analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta. Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga


tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer.

Diskusyon- Diskusyon at kongklusyon ito sa isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng


resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa
etiketa? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan?

Ilang kumbinisyon sa Pagsulat

1.Gumagamit ng atin, kami, at tayo ang sulating siyentipiko at teknikal, hindi personal
(halimbawa: kemistri)

2. Hindi pasibo kundi aktibo


3.Nasa pangkasalukuyan(halimbawa: matematika)
4.Maraming drowning (halimbawa: kemistri)

Ilang Halimbawa ng Sulatin

Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensiya at teknolohiya ang mga sumusunod.

a.Teknikal na Report
b.artikulo ng pananaliksik
c.Instruksiyonal na polyeto o handout
d.Report Panlabatoryo
e.Plano sa Pananaliksik
f.Katalogo
g.Teknikal na Talumpati o Papel na babaasahin sa Komprehensiya
h. Report ng Isinagawang Gawain (Performance Report)

GAWAIN 8

Panuto: Gumawa ng pananaliksik. Ibuod ang mga pangunahing punto. Maaaring gumamit ng
graphic organizer at mga ilustrasyon kaugnay ng siyensiya at teknolohiya ng alinman sa mga
sumusunod:

a.Social media
b.Climate change o greenhouse effect
c.Cloning
d.Polusyon
e.Pagkukunan ng enerhiya

Panuto: Sumulat ng isang kritikal na editoryal tungkol sa isang isyung o problemang


pansiyensiya at teknolohiya. Maaaring gumamit ng graphic organizer at mga ilustrasyon.

Linawin ang mga sumusunod:

a) Ano ang dapat maging kontribusyon ng lipunan (mga institusyon sa loob nito) upang maibsan
ang mga problema kaugnay ng isyu?

b) Ano ang maitutulong ng larangan ng humanidades at siyensiyang panlipunan dito?

You might also like