You are on page 1of 21

Pagsulat sa Larangan ng Siyensiya at

Teknolohiya: Pagbuo ng Pananaliksik


o Kritikal na Editoryal
Pagsulat sa Larangan ng Siyensiya at
Teknolohiya: Pagbuo ng Pananaliksik o Kritikal
na Editoryal

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan magagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nabibigyan linaw ang katangian ng pag-aaral at pananaliksik sa larangan ng
siyensiya at teknolohiya.
2. Naiisa-isa ang mga disiplina sa larangan ng siyensiya at teknolohiya
3. Nakatutukoy ng mga halimbawang sulatin at Gawain sa siyensiya at teknolohiya at
4. Nakakabuo ng ng pananaliksik o kritikal na editorial kaugnay ng isang isyu at
problemang pangsiyensa at teknolohiya.
Gaod kaisipan:
 “Ang siyensiya, tulad ng sining, ay hindi kopya sa kaliksan, kundi isang muling paglikha nito.”
~ Jacob Bronowski

 “Kung hindi madidiskubre ng siyensiya, hindi malalaman ng tao.” ~ Bertrand Russel

 “Isinaayos natin ang isang sibilisasyon kung saan ang pinakamahalgang elemento ay umaasa ng
husto sa siyensiya at teknolohiya.” ~ Carl Sagan

 “Kagulat-gulat ngunit napapalinaw na nilampasan ng ating teknolohiya ang ating pagiging tao.”
~ Albert Einstein
Likas na Siyensiya, Teknolohiya Vs.
Siyensiyang Panlipunan at Sining
 Ang salitang siyensiya o science ay galing sa salitang Latin na
“Scientia”, ibig sabihin ay Karunungan.
 Ang Likas na Siyensiya o (Natural Science) ay ang larangang
nagtutuon sa pag aaral ng mga penomenang likas sa mundo
─sistematikong identipikasyon, obserbasyon, deskripsyon,
klasipikasyon, eksperimentasyon,imbestigasyon, at teoritikal na
paliwanag sa mga penomenang ito.
 Ang Likas na Siyensiyang Panlipunan o Agham Panlipunan ay
tumutuon naman sa lipunan ng mga tao. Umiiral ang mga
penomenong panlipunan dulot o resulta ng interbensiyon at
interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
 Bagamat magkahiwalay may mahalagang element na sangkot sa
sa dalang larangan ─ tao.
 Ayon kay Karl Marx, darating ang panahon na magiging bahagi ng
siyensiyang pantao ang likas na siyensiya. Gayundin ang siyensiyang
pantao ay magiging bahagi ng likas na siyensiya. At sa huli, magiging iisang
siyensiya na lamang sila.
 Ang Teknolohiya naman ay kaakibat ng siyensiya. Ito ang praktikal na
aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pan siyensiya.
 Galing ang salitang teknolohiya sa salitang Griyego na teknologia na
“sistematikong paggamit ng sining, binuong bagay, craft o teknik”.
Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan,craft o
paraan kung paano ginagawa ang bagay at logos o salita, pahayag, o
bigkas na pahayag.
 Ang sining ay isang paglikha upang muling makabuo ng isang ideya o
interpretasyon mula sa babasa,titingin, o makikinig dito.
 Emosiyon ang nililikha ng sining.
 Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, ang sining, siyensiya,at teknolohiya,
noon pa mang simula ng sibilisasyon hanggang sa modernong panahon,
ay nagpapabago sa kasaysayan, pagkatao, at kamalayan ng
sangkatauhan.
 Ayon nga kay Elbert Hubbard,magagawa ng isang makina, ang gawain ng
50 ordinaryong tao. Walang makinang makakagawa ng gawain ng isang
ekstraordinaryong sa mundong ito.
Mga Disiplina sa Larangan ng Siyensiya at
Teknolohiya
Ilan sa mga disiplinang kabilang sa larangan ng Siyensiya ang
Biyolohiya, Kemistri, Pisika, Astronomiya, Earth Science, Space Science,
at Matematika. Sa kabilang dako,kabilang naman sa Teknolohiya ang
Inhinyeriya, akitektura, information technology (IT), at Aeronautics.
Narito ang ang ilang katangian ng mga disiplinang ito:

Biyolohiya - Nakatuon sa mga bagay na buhay ─ ang


estruktura,pinagmulan, ebolusyon,gamit,distibusyon, at paglawak ng
mga ito.
Kemistri - Nakatuon sa komposiyon ng mga substance, properties, at
mga reaksiyon at interaksiyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
Pisika – Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon,
espasyo, enerhiya, at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o
kaalaman sa kalikasan.
Earth Science o Heolohiya- Sistema ng Planetang daigdig sa kalawakan ─
klima, karagatan, planeta, bato, at iba pang pisikal na element kaugnay
ng pagbuo, estruktura, at mga penomena nito. Kung minsa’y tinatawag
din itong Heolohiya.
Astronomiya-Pag aaral ito ng mga bagay na selestiyal ─ mga kometa,
planeta, galaxy, bituin, at penomenang pangkalawakan.
Information Technology (IT)- Pag aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng
pagbibigay at paglipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin
ang pag-unawa, pagplano, pagdidisenyo,pagbuo, distribusyon,
pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at
kompyuter.
Inhenyeriya- Nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko at
matematiko upang bumuo ng disenyo, mapatkbo, at mapagana ang
mga estruktura, makina, proseso, at Sistema.
Arkitektura- Itinuturing itong kabilang sa teknolohiya dahil isa itong proseso
at produkto ng pagpaplano,pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali at
iba pang pisikal na estuktura. Ngunit ibinibilang din ito sa larangan ng sining
dahil ang mga gusali ay kadalasang itinuturing na sining at kultura na
simbolo. Hindi lamang ang gamit,silbi,teknikal,sosyal, at pangkapaligiran
ang binibigyang konsiderasyon kundipati ang estetika, pagiging artistiko o
malikhain, at kultura.
Matematika- Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohikal at
ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at
estruktura na ipinahahayag sa pamamagutan ng mga simbolo.
Aeronautics- Teoryang at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo,
matematika, at mekaniks ng nabigasyon sa kalawakan.
Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik
sa Siyensiya at Teknolohiya
 Ang metodong siyentipiko ang ginagamit na proseso
sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya.
Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik sa Siyensiya at
Teknolohiya
Narito ang isang Graphic Organizer na maglalarawan sa metodong siyentipiko.

Pahayag ng Problema

Pagkolekta ng
Impormasyon

Pagbuo ng Hipotesis

Pagsubok sa Hipotesis

Kongklusyon:Resulta Kongklusyon: Resulta


sumusuporta sa Di- sumusuporta sa
Hipotesis Hipotesis
Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik
sa Siyensiya at Teknolohiya
 Ang isang mabuti at magaling na pananaliksik sa teknolohiya ay
dumaraan naman sa sumusunod na proseso:
a. Pag-iisip ng disenyo o solusyon sa problema.
b. Susundan ito ng hipotesis o pag papahayag ng solusyon o disenyo
bilang pinakamabuting gawin.
c. Paglalahad ng mga ebidensya
d. Pagpapahayg ng mga argumento sa pammagitan ng halaga, sukat,
gamit, teorya, at obserbasyon
e. Kongklusyon – Pagpapahayag na isa itong kontribusyon bago o
makabago at ground breaking na produkto,proseso, solusyon.
Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik sa
Siyensiya at Teknolohiya
Halimbawa na Graphic
Disenyo o
Organizer para sa solusyon sa
problema
Pananaliksik sa Teknolohiya

Mga Tanong
ano? Bakit? Paano?
Kailana? Saan?

Mga ebidensya

Mga
Argumento

Konklusyon
produkto,
proseso,
solusyon.
Metodong IMRad sa Siyensa at
Teknolohiya
I - Introduksiyon – problema, motibo, layunin, background, at
pangkalahatang pahayag.

M – Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kalian,saan,


pano, gagamitin ang materyal .. Sino- sino ang sangkot?

R – Resulta ng ginagawang emperikal na pag aaral..

a – analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta.

D – Diskusyon at kongklusyon ito ng isinasagawang pag-aaral.


Pagpapayaman at Pag-oorganisa
ng Datos: Character sketch
Ilan sa mahahalagang katangian ng akademikong pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat at mapagkakatiwalaan o mapatutunsysng
datos at mabisang pagkakaayos ng mga ito parac maipaabot sa
mambabasa ang nais sabihin ng manunulat. Halimbawa sa
Character Sketch
 Isang anyo ng sanaysay na naglalarawan o nagsasalaysay tungkol
sa isang tao, hayop, bagay, o lugar tungo sa isang impresyon o
kakintalan, o kaya’y insight o kabatiran.
 karaniwan, ang isang character sketch ay nagsisimula sa
paghahanay ng mga naoobserbahang datos tungkol sa paksa at
pagkatapos ay pinatitingkad ang isang mas malalim o di lanatd na
katangian nito.
 may movement o galaw ang sanysay mula sa mga konkretong
datos patungo sa iang abstraktong kaisipan.

Sa pagpili ng paksa, isaalang-ala ang dalawang bagay.

Una, pumili ng paksa na pamilyar sa manunulat. Tandaan na ang


Character sketch ay hindi lamang paglalarawan ng panlabas na
katangian ng paksang napili kundi maging ang panloob na katangian
nito. Para magawa ito, kailanagan kilalang-kilala ng manunulat ng
paksa upang mapalitaw niya ang katangian o kalikasan ng paksa na
maaring hindi madaling makita ng iba.

Pangalawa, pumili ng pakasa na makabuluhan sa lipuna.


Bagaman karaniwang nagsisimula ang pagpili ng paksa sa kung ano
ang pamilyar at malapit sa manunulat,ang ibubungang sanaysay ay
kailangang magkaroon ng silbi sa higit na nakararaming mambabasa
o sa lipunan.
Pagpaparami ng Datos sa
Character Sketch
May dalawang aspekto ng pagsulat ang mahalaga sa Character
Sketch:
1.) Kasapatan sa datos
2.) Ang organisasyon o pagsasaayos ng mga datos na ito.

Estratehiya sa pagpaparami ng Datos


 Paglilista- sa estratehiyang ito, inililista ang anomang salita o
parirala na may kaugnay sa paksa.
 Pagmamapa- ang pagmamapa ay tulad din ng paglilista. Isinusulat
din ang mga salita o parirala na may kaugnayan sa paksa. Ang
kaibahan lamang, mas naipakita sa estratehiyang ito ang
koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan sa isa’t-isa.
 Malayang pagsulat- ay tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa
anyong patalata.mahalaga sa estratehiyang ito ang mahigpit na
pagsunod-sunod sa wastong proseso.

Pagsasaayos ng mga Datos sa Character Sketch


1.) Orasan- ang orasan ay may tiyak na galaw. Mula sa isang
pinagmulan ay sumusulong ang mga kamay ng orasan ayon sa takbo
ng panahon.

2.) Paputok- ang paputok ay isang bagay na sinisindihan o


ginagawang aktibo para lumikha ng isang malakas na ingay.

3.) Sayaw- tinawag na sayaw ang estratehiyang ito dahil ang


manunulat ay pwedeng gumamit ng detalye o pangyayari mula sa
iba’t-ibang lugar at panahon. Ang magbibigay ng kaisahan sa mga
datos na ito ay ang paksa o temang nais idebelopsa sulatin.
Pagsulat ng bionote o
pagpapakilala
Parang isang anyo rin ng character sketch ang bionote o
pagpapakilala sa sarili. Isa itong anyo ng sulatin na pumapaksa sa sarili
o sa ibang tao, maikli lamang at karaniwang may tonong pormal.

Mga iba’t-ibang Sitwasyong Nangagailangan ng Bionote.


1.) Para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o artikulo sa isang
journal;
2.) Para ipakilala ang isang natatanging indibidwal sa isang aklat na
pang-general reference tulad ng encyclopedia;
3.) Para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang kumperensiya o
seminar;
4.) Para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa isang pormal na
pagtitipon; at
5.) paa ipakilala ang isang natatanging indibiwal na bibigyan ng
parangal.

Mga Halimbawa:
Una, Bionote para ipakilala ang may akdang isang artikulo sa
journal,maikli lanmang ito at karaniwang bumabanggit sa mga
kredensyal ng may-akda na magpapatunay na karapat-dapat siyang
magsulat tungkol sa paksa ng kaniiyang artikulo.

“ Si Eilene Antoinette G. Narvaez ay isang mananaliksik at tagasalin.


Nagtapos siya ng MA Filipino (pagpaplanong wika) sa Departamento
ng Pilipinas ng UP Diliman. Isa rin siyang mananaliksik sa UP Sentro ng
wikang Pilipino.”
Ikalawang halimbawa, pagpapakilala naman sa isang indibidwal para
sa isang pang general reference na aklat, mahalaga ang
komprehensibong listahan ng mga impormasyon na magpapakilala sa
indibidwal upang maging kapaki-pakinabang ang bionote sa iba’t-
ibang sitwasyon na pag gagamitan.
halimbawa ng bionote sa CCP Encyclopedia of Philippine Arts. Ang
sangguniang ito na inilathala noong 1994 ay naglalaman ng
mayayamang impormasyon tungkol sa iba’t-iabang anyo ng sining
gaya ng panitikan, musika, sayaw, dulaan, arkitektura, sining,biswal, at
pelikula. May dalawang bolyum din ng encyclopedia ay naglalaman
ng mga bionote tungkol sa mga artista at iskolar ng sining.
Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga sumusunod:
1.)Personal na impormasyon
a. Petsa ng kapanganakan
b. Lugar ng kapanganakan
c. Kategoryang kinabibilangan (kung artista,director,manunulat,pintor
mananayaw, at iba pa)
e. Iba pang kaanak na nasa larangan ng sining
2.) Mga natapos sa pag-aaral
3.)Mga natapos na training workshop
4.)Mga likhang sining
5.)Mga natamong pagkilala at gawad

Ikatlong halimbawa, sa bionote na nagpapakilala sa tagapagsalita sa isang


kumprehensiya o seminar, kailangang maikli rin ito at naglalaman ng mga
impormasyong magpapahiwatigna eksperto ang tagapagsalita sa paksang
kaniyang tatalakayin

You might also like