You are on page 1of 3

Camu, Patricia E.

Grade 11 – STEM B
Enero 16, 2020 Gng. Jung

Sipi mula sa Liham na Ipinadala ng Isang Grupo ng mga Mag-aaral sa Hayskul


na Nananawagan sa Departamento ng Edukasyon (DepED)
Hinggil sa Pagsasama sa Kurikulum ng mga Babasahing mula sa Wattpad

Magalang na inihahayag ng aming grupo na nagmula sa paaralang San Pedro Relocation Center
National High School (SPRCNHS) sa inyong butihing tanggapan ang aming mga naging batayan
upang maipasama sa Kurikulum ang mga babasahing mula sa Wattpad na makatutulong sa pag-
aaaral ng mga katulad naming mag-aaral.

Isa sa sikat na aplikasyon ang Wattpad na kung saan ay ginagamit ng mga kabataan sa pagbabasa
lalo na ang mga estudyante. Nakapagbibigay-aliw ito sa karamihan at marami na rin itong
natulungan mag-aaral sa kanilang mga aralin at proyekto. Ito na nga ang nagsisilbing makabagong
aklat ng mga kabataan. Ang wattpad ay magsisilbing instrumento upang umusbong muli ang
literatura sa makabagong paraan at upang magkaroon ng koneksyon ang mga mambabasa at
manunulat sa isa’t isa.

Narito ang limang mahahalagang batayan kung bakit kailangang mapabilang sa kurikulum ang
mga babasahing mula sa wattpad:

1. Dahil makatutulong ang mga babasahing mula sa Wattpad sa pagtaas ng Akademikong


Pagganap ng mga Estudyante. Mula sa isang pag-aaral, ang pagbabasa sa Wattpad ay
makatutulong sa pagtaas ng akademikong pagganap ng isang estudyante sa loob ng paaralan. Sa
pag-aaral na iyon ay napatunayan na ang pagbabasa ng mga literatura sa wattpad ay nakatulong sa
mga estudyante na mapabuti ang kanilang pag-aaral. Naipakita na ang mga estudyante ay
nakakakuha ng mataas na marka at nakapagbabahagi ng kanilang mga ideya.

2. Dahil nahahasa nito ang ating kakayahang sumulat. Kung ito ay maisasakatuparan,
magiging daan ang mga babasahin sa wattpad upang mahasa pa ang ating kakayahang magsulat.
Matuturuan tayong bumuo ng sarili nating mga sulatin dahil nagkakaroon tayo ng kaalaman mula
sa mga manunulat ng kanilang mga kaparaanan sa paggawa. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay
maipapahayag ng mga estudyante ang kanilang mga saloobin at kung sino sila. Mas nabibigyan
sila ng pagkakataong makabuo ng sarili nilang kwento na maibabahagi rin nila sa karamihan.

3. Dahil palalakasin nito ang kakayahan nating umunawa sa binasa at kakayahan sa


gramatika. Sa 79 na bansa, ang ating bansa ang pinakamababa pagdating sa pagbasa kaya dapat
lamang na mabigyang pansin ang mga estudyante sa kanilang pagbabasa. Sa pagbabasa ng mga
estudyante sa wattpad, magkakaroon sila ng mahusay na pagunawa at pagtukoy pagdating sa
pagbabasa. Makakapagbahagi sila ng kanilang mga ideya kaugnay sa mga babasahin,
magkakaroon sila ng mga bagong salita mula sa binasa na magagamit sa kanilang pag-aaral.

4. Dahil mas magiging interesado ang mga estudyanteng magbasa at matuto gamit ang
makabagong teknolohiya. Kung tutuosin ang mga estudyante ngayon ay mas gustong magbasa
sa kanilang mga gadgets kaysa sa mga libro. Magkakaroon ng interes ang mga estudyante na
magbasa at matuto kung ang mga babasahin ay mula sa internet. Dahil ang wattpad ay sikat ngayon
sa mga estudyante, ito rin ay nakakapagaalis ng pagkabagot ng isang tao dahil maraming babasahin
dito na magiging interesado ang mga kabataan. Mayroong mga libro sa wattpad na may
pagkakapareho sa ilang mga literatura na ipinapabasa sa mga estudyante sa paaralan.
5. Dahil magkakaroon ng libre at mabilis na access ang mga estudyante sa iba’t ibang
babasahing mula sa Wattpad. Isang tinutukoy na dahilan kung bakit pinakababa ang Pilipinas
sa kauna-unahang pagsusulit na ating sinalihan sa Program for International Student Assessment
(PISA) of the Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ay ang
kakulangan sa mga librong ipinamamahagi sa paaralan at ang kawalan ng access sa internet ng
mga estudyante. May mga ilang sanaysay, talumpati, maiikling kwento atbp. ang makikita sa
wattpad na makatutulong sa mga estudyante. Magiging madali ito para sa mga mag-aaral kung
maisasama sa kurikulum ang mga babasahin sa wattpad.

Ito ay ilan lamang sa mga batayan na dapat maisakatuparan ang pagsasama sa kurikulum ng mga
babasahin sa Wattpad. Marami itong magandang maidudulot sa mga mag-aaral at sa pagpapataas
ng antas ng ating Edukasyon sa bansa. Ngunit, dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral ang
kanilang limistasyon sa paggamit ng aplikasyong ito. Kung tayo ay magiging responsable sa
paggamit at ang layunin lamang ay matuto, hindi tayo aabot sa mga bagay na makapagpapasama
saatin. Hindi man lahat ng babasahin sa Wattpad ay kapupulutan ng aral, depende parin sa kung
anong libro ito at kung sino ang manunulat. Ang aming panawagang mapabilang ang Wattpad sa
ating kurikulum ay magiging susi upang matulungan ang mga mag-aaral sakanilang pag-aaral.
Umaasa kaming inyong susuportahan ang aming mithiing ito.

You might also like