You are on page 1of 6

Erap Laki-Mata, Gloria Laki-

Nunal: Politikal na
Pagkakarnabal sa
Tulansangan
May akda: Michael Francis C. Andrada
ABSTRAK
Sinisiyasat ng papel na ito ang transgresibong potensyal ng
mga tulansangan o maiigsing tula at tugma na ginagamit ng mga
bata sa kanilang paglalaro sa lansangan. Kalakhan ng mga
tulansangan ay nakolekta sa pakikipanayam sa mga batang may
gulang na anim hanggang 12 taon at nagmula sa sektor ng
maralitang lungsod ng Quezon City. Ang mga nilalaman at tema
ng mga tulansangan ay inaral batay sa pagsusuring moda ng
produksyon. Sa partikular, ipinakikita sa pag-aaral kung paanong
ang mga tulansangan ay naging paraan ng interpretasyon at
kritika ng politika, ekonomiya at kultura ng Pilipinas mula sa
punto de bista ng isang mardyinalisadong sektor ng lipunan.
BUOD
Mahihinuha sa mga tulansangan ng mga inosenteng bata
ang pagkaunawa at interpretasyon ng partikular na mga
kagapanan sa bansa, mula sa punto de bista ng isang
mardyinalisadong sektor sa bansa at mula sa punto de bista ng
bata. Samakatwid, ang tulangsangan ay bunga ng relasyong
pangkapangyarihan, pang-ekonomiya, pangkultura at
pampolitika sa pagitan ng mga bata’t mamamayan at ng mga
nagpapatakbo sa lipunan tulad ng di-pantay na progreso at pag-
unlad ng isang syudad, mga impormal na ekonomiya at ang
panunukso sa tulansangan bilang politkal na pagkakarnabal.
Ayon kay Tolentino, “Ang uneven development ang
kawalang organisador (absent organizer) ng karanasan sa
syudad” makikita na sa kabila ng kahirapan sa isang malaking
dako ng syudad, nagsisitayuan ang mga malalaking gusali ng
mga mayayamang negosyante kung kaya’t nahinuha ni Andrada
na ang tulansangan ay isang produksyon ng di-pantay na pag-
unlad. Gayunpaman, dulot din ito ng mga impormal na
eknomiya tulad ng pagkalulong sa iligal na droga at
pagdepende sa swerte ng pagsususgal.
Ayon naman sa pagsusuri ni Balmaseda, “Mula payak at
ispasmodikong panunukso, makikita ang transpormasyon ng mga
tulang bayan tungong mga tulansangan ng politikal na panunukso
at pagkakarnabal.” Isa na rito ang pagtuya sa pisikal na katangian
ni Erap na may malaking mata at si Gloria na may malaking nunal
sa mukha. Buhat dito makikita ang pagtukso at pagbatikos ng
mamamayan sa dalawa hinggil sa mga kasalanan ng mga ito sa
bansa.
Ayon naman kay Lacaba ang tulansangan ay
mapagtimbuwal at naghahayag ng malinaw na politikal na
ideolohiya na ito ay isang tunggalian at hakbang sa
progresibong pag-unawa sa lipunan at bayan. Bukod pa rito,
kung maiaangkop ang mga tulansangan sa mas partikular na
mga isyung panlipunan, maaari itong maging malakas na paraan
ng pagtulang hindi lamang nanunudyo at nagpapatawa, kundi
nagpapababago.

Reperensiya:
Andrada M.F. (2017), “Erap Laki-Mata, Gloria Laki-Nunal: Politikal na Pagkakarnabal sa Tulansangan”. Hasaan vol.4
no.1. Retrieved from: https://ejournals.ph

You might also like