You are on page 1of 18

PANONOOD NG PELIKULA AT PAGBABASA

NG NOBELA: EPEKTO SA MORAL AT SOSYAL NA


KALAGAYAN NG PAGTANGKILIK NG MGA MAG-
AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA
LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY

CRUZ, ERICA ANGELA


ELONA, ROSEMARIE
SALONGA, BLESSIE THERESE
MAY 2018
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


1. INTRODUKSYON

Pagbago - bago ang kinahihiligan ng mga Pilipino


patungkol sa mga bagay na magbibigay aliw at pupukaw
sa kanilang atensyon at damdamin. Sa kasulukuyan,
patok na patok sa panlasa ng madla ang panonood ng
mga pelikula sapagkat nakapagbibigay ito ng mga di
matatawarang eksena na maaring maihalintulad sa tunay
na buhay. Sa kabilang dako, pumapatok din sa madla ang
pagbabasa ng nobela partikular na ang wattpad at ang
mga pocket book na pinag-uukulan ng mambabasa ng
maraming oras upang matapos ang isang kwento.
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pamanahong-papel na ito, inaalam ang


epektong dulot ng panonood ng pelikula at pagbabasa ng
nobela sa moral at sosyal na kalagayan ng pagtangkilik
ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Laguna
State Polytechnic University Sta. Cruz Main Campus sa
taong-akademiko 2017-2018.
Naglalayon din ng pamanahong-papel na ito na
matugunan ang mga sumusunod na tanong:
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Ano ang antas ng kalagayan ng pagtangkilik sa panonood ng pelikula


at pagbabasa ng nobela ng mga mag-aaral batay sa:
1.1 Moral; at
1.2 Sosyal?
2. Ano ang dalas ng pagtangkilik ng mga mag-aaral sa panonood ng
pelikula at pagbabasa ng nobela batay sa:
2.1 Dalas ng beses ng panonood ng pelikula sa loob ng isang
linggo; at
2.2 Dalas ng beses ng pagbabasa ng nobela sa loob ng isang
linggo?
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

3. May kabuluhang epekto ba ang personal na salik


ng mga mag-aaral sa kalagayan ng pagtangkilik sa
panonood ng pelikula at pagbabasa ng nobela sa
aspetong moral at sosyal?
4. May makabuluhang epekto ba ang dalas ng
pagtangkilik sa kalagayan ng mga mag-aaral sa
panonood ng pelikula at pagbabasa ng nobela sa
aspetong moral at sosyal?
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, malalaman ang iba’t ibang


kahalagahan sa:
• Guro. Makatutulong ito sa mga guro upang maipakilala
ang kahalagahan ng panitikan sa makabago at
modernisadong mundo.
• Mag-aaral. Makatutulong ito sa mga mag-aaral sa
pagmulat ng kaisipan upang linangin ang sariling
kakayahan sa pag-unawa ng pelikula at nobela.
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

• Magulang. Makatutulong ito sa mga magulang upang


maipaliwanag ang mga naidudulot ng pagkahumaling
sa panonood ng pelikula at pagbabasa ng nobela sa
moral at sosyal na kalagayan ng kanilang mga anak,
maging ito man ay positibo o negatibo.
• Mambabasa. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang
magsilbing gabay at ambag sa iba pang mambabasa
upang malinang pa ang kasanayan sa pagbabasa at
panonood, upang mabatid nila ang kahalagahan at
kahulugan ng pelikula at nobela.
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

• Mananaliksik. Makatutulong ito sa mga mananaliksik


upang matugunan ang kanyang maalab na kuryusidad
ukol sa paksang tinatalakay. Maaaring makahanap ng
mga mabisa at makabuluhang datos ang mga
mananaliksik at magagamit niya ang mga nakalap na
impormasyon sa tatlong aspeto: sa personal na buhay,
sa pag-aaral at sa paraan ng pamumuhay.
4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa “Panonood


ng Pelikula at Pagbabasa ng Nobela: Epekto sa
Moral at Sosyal na Kalagayan ng Pagtangkilik ng
mga Mag-aaral.” Saklaw nito ang mga mag-aaral
mula sa Senior High School sa Laguna State
Polytechnic University Sta. Cruz Main Campus
taong-akademiko 2017-2018.
4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga Senior


High School mula sa ika-labingisang baitang lamang sa
Laguna State Polytechnic University Sta. Cruz Main
Campus sapagkat sa kanilang panahon lumalaganap ang
pagtangkilik sa panonood ng pelikula at pagbabasa ng
nobela. Naniniwala ang mga mananaliksik sa
kasalukuyang panahon ang pinakamainam magkaroon ng
ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na
impluwensya ng modernong mundo hinggil sa panitikan
partikular sa pelikula at nobela.
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
1. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa


disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik.
Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang
damdamin, pananaw at kaalaman sa epekto ng panonood
ng pelikula at pagbabasa ng nobela sa moral at sosyal na
pagtangkilik ng mga respondente.
2. MGA RESPONDENTE

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral


na ito ay ang tatlumpung (30) piling mag-aaral
mula sa ika-labingisang baitang ng Senior High
School sa Laguna State Polytechnic University sa
taong-akademiko 2017-2018.
2. MGA RESPONDENTE

Sa kasalukuyan may sampung (10) pangkat ng mga


estudyante sa nasabing baitang. Dahil sa kalakihang bilang
ng mga estudyante ay pumili lamang ng ilan sa bawat isang
pangkat ng mga estudyante. Samakatuwid, pumili lamang
ng tig-tatlong respondente sa bawat pangkat. Gumamit ang
mga mananaliksik ng Purposive Sampling Technique para
sa pag-aaral na ito, dahil ito ang paraan ng pangongolekta
ng datos mula sa mga grupo ng taong may katangiang
maaring tumugon sa pamantayan na hinihingi ng pag-aaral.
Pansinin ang kasunod na talahanayan.
TALAHANAYAN 1
SEKSYON Bilang ng Piling Tagatugon

Accountancy and Business Managment – 1A 3

Accountancy and Business Management – 1B 3

Science and Technology Engineering Mathematics – 1A 3

Science and Technology Engineering Mathematics – 1B 3

Humanities and Social Sciences – 1A 3

Humanities and Social Sciences – 1B 3

Computer Programming – 1A 3

Computer Programming – 1B 3

Bread and Pastry 3

Food and Beverages 3

KABUUANG DAMI 30
3. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan


ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang
sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga
datos upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman sa
epekto ng panonood ng pelikula at pagbabasa ng nobela sa
moral at sosyal na pagtangkilik ng mga respondente.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon
ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan
katulad ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, at
pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng
ilang impormasyon sa internet.
4. TRITMENT NG MGA DATOS

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang


panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang
pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng
tisis at disertasyon, walang gianawang pagtatangka
upang masuri ang mga datos sa pag-aral na ito sa
papamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na
pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa
bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang
inalam ng mga mananaliksik.

You might also like