You are on page 1of 18

MGA PILING TULA NI FRANCISCO BALTAZAR “BALAGTAS”:

ISANG PAGSUSURI

BAUTISTA, LYKA KAYE SILAWAN, MARY ANN

BATOBALONOS, SYRYL AMISTAD, DANIEL

LEGARA, AMELYN EUGENIO, VINCENT

RODRIGUEZ, ROGELYN BUNSALAGAN, JAVER

MARSO 2020
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Rasyonale

panitikan o nagpapahayag ng mga kaisipan ng damdamin, mga

karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa

salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginagamit athulaping

“an” at ang salitang “titik” naman ay nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay

nagsasalaysay din ito sa pamahaaan,lipunan at mga pananampalataya at mga

karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,

kaligayahan,kalungkutan,pag-asa,kapoot,,paghihiganti,pagkasuklam, sindak at

pangamba. Ang Genrang napili naming ay Tula. Ang tula ay isang

uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at

malayang paggamit ng mga salita sa ibat ibang estilo,kung minsan ito ay maiksi o

mahaba. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang

wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig. Napili

naming ang mga paksa ni Franciscio “Balagtas” na “Paggawa” “Mga MOOG ng uri”

at “Magbubukid” dahil kung babasahin natin at uunawain ang kanyang mga tula ito

ay nakabasi sa totoong buhay o pangyayari sa ating kapaligiran at bansa.


Batayang Teoretikal/Konseptuwal na Pag-aaral

Ang pag-aaral ay magiging matagumpay kung ito ay gagamitan ng Teoreyang

magiging gabay upang makamit ang minimithi ng mananaliksik.

Teoreyang pampanitikan na naglalayong ilarawan ang doktrinang nakabatay sa

makatutuhanang pangyayari sa totoong buhay at ipinapakita ang karanasan ng

tao at lipunan sa makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ng realismo ang ideyal

na paghuhulma at pananaw sa mga bagay.


Teoreyang realismo

Mga Tula ni Francisco Baltazar “Balagtas”: Isang Pagsusuri

Magbubukid Mga moog ng uri Paggawa

Tema Simbolismo Tayutay

Balik Sulat na
Tula
ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng Mananaliksik ay masuri ang mga nilalaman

ng mga piling Tula ni Francisco Baltazar “Balagtas” upang makabuo ng

mungkahing banghay-aralin.

Nilalayon din mga mananaliksik na masagot ang mga tiyak na suliranin.

1. Tema

2. Simbolismo

3. Pananaw

4. Tayutay

5. Balik-Sulat na Tula
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Tula. Ito ay isang kaisipan na nag lalawaran ng

damdamin, karansan, hangarin. Nangangailangan na maingat na pag pili ng mga

gagamiting salita upang mabuo ang tula, upang lalo pang maipabatid ang ano

mang hangarin o damdamin.

Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang

isip lamang. Kailangan gamitan to nang akmang o tumpak na mga salita at

lawaran diwa upang mailarawan ang tunay na nadarama.

Sa kasalukuyan ay tila nawawala na ang sukat at tugma ng tula, Mas marami ang

gumagamit ng malayang taludturan. Tila nakalulungkot isispin na sa kasalukuyan,

ay tila kumakaunti na ang mga mag-aaral na mahilig magsulat ng tula. Bagamat

may mga nagtatangkang sumulat ng “spoken poetry”- nakahihiligang isulat ng

mga kabataan sa kasalukuyan. Ito ay pormang tula din, na nagsasaad din nang

kanilang mga “HUGOT” mula sa ibat-ibang kuwento ng kanilang buhay.

Hindi dapat kalimutan ng mga guro na sa pamamagitan ng pagtuturo ng

tula,nasasanay ang mga bata upang gumamit ng mga malalalim na kaisipan o

makabuluhang diwa nagreresulta sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng


matalinong kaisipan,at sa paggamit ng angkop at marikit na salitaang mga bata

aynasasanayupang maging malikhain.

Pagkatapos maituro ang kahalagahan ng tula at ang paggawa nito ay naiilinang

din ang pangkaisipan (cognitive), pandamdamin (affective) at kilos o

(psychomotor).

Katuturan ng Talakay

Ang mga mananaliksik ay binigyang katuturan ang mga sumusunod na salita

upang lubos na maunawaan ang kasalukuyan. Ito ay pagsasakatuparan o

pagsasagawa ng isang bagay upang mapag-aaral.

Implementasyon.Ang pagpapatupad ng isang batas na

masasabingpinag-uusapan ng mga kinauukulan. Ito ay pagsasakatuparan o

pagsasagawa ng isang bagayupang mapag-aralan at masabing matagumpay ito.

Pag-aaral. Isang mahalagang responsibilidad na dapat gampanan ng isang

mag-aaral at nag-aaral. (Avana at nantiza, 2006). Isa itong proseso ng

pagpapalawak ng kaalaman sa mga bagay-bagay.

Ortograpiya. Paraan ng pagbibigay kahulugan sa wikang pasalita sa

pamamagitan ng paraang pasulat sa tulong ng mga simbolo at ang paaran ng


ginagamit sa isang wika sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga tunog. (Evelyn

E. Bautista. Et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, 2007). Ito ay

makabuluhang pag-aaral ng ispeling,pantig at mga hiram na salita sa wikang

Filipino.

Panghihiram.Kapag ang salita ay hiniram hindi na natin tungkulin na ito ay

isauli sapagkat ang nasabing salita ay magagamit din ng ating pin]anghiraman.

Ang tunog at bayabay ng salitang hiniram ay hindi natin tungkuling panatilihin ang

gayong pronunsasyon at baybay. (Marietta A. Abad et. Al Filipino Bilang Tanging

Gamit). Ginagamit ito sa kasalukuyang pag-aaral upang makapaglahad ng

maraming halimbawangsalita para sa alubos na pagkaunawa sa isang konsepto.

Pantig.Ito ay binubuo na ng isang salita na ninbigkas sa pamamagitan ng

antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay may patinig na kalimitan ay

may kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.

(Alfonso O. Santiago, Panimulang Linggwistika, 1999). Ito ay paghati ng salita

batay sa pagbigkas nito.


Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Noong unang panahon, ang Panitikan at ang buhay ng tao ay sabay na

umiiral.Hindi kailangan ng espesyal na okasyon para sa panitikan o sa

sining.Napakaloob ang sining sa pang araw-araw ng mga tao. Halimbawa ang

mga tula, sa anyo ng bugtong, ay gawain pampalipas-oras lamang. Kahit sino ang

pwedeng bumigkas o sumulat ng tula. Ang mga kuwento tungkol sa diyos o sa

kalikasan ay isinasalaysay sa mga pagtitipon sa komunidad o sa gabi kapag

walang magawa ang mga tao. Makikinig lamang sila sa isang makata na

magsasalaysay ng mga kuwentong ito sa paaran na patula.

Noon, walang nagmamay-ari sa mga panitikang ito kundi ang boung

komunidad. Ang panitikan ay hindi naging ekslusibo para mga mayayaman o sa

mga maralita, ito ay para sa lahat. Lahat ng uri ng panitikan ay nakapaloob sa

buhay ng bawat tao. Pagdatig ng mga mananakop, ang mga kastila, biglang

nagkaroon ng espesyal na pagtatangi sa panitikan at sa sining. Biglang nagkaroon

na pamamay-ari sa mga akda. Dala rin ng mga kastila ang printing press, pati ang
konsepto ng pagkakaroon ng iisang manunulat para sa akda. Dito nagsimula ang

konsepto sa paglalathala ng mga akda.

Mabilis ang pagbabago sa mundo ng panitikan na dala narin

modernisasyon. Kung dati, sa mga makakapal na aklat lamang tayo nakapagbasa,

ngayon maari na tayong makapagbasa sa iba’t-ibang gadgets tulad ng kompyuter,

laptop, tablet at maging sa ating cellphone sa pamamagitan ng pagdownload ng

mga ebooks at mga applications. Bukod sa pagbabago ng paraan ng pagbabasa,

malaki rin ang pagbabago sa aspeto ng pagsusulat. Kung dati, mahirap para sa

mga baguhang manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon ay mas

napadaling gawa ng mga online na komunidad sa pagsusulat.

Ngayon napapanahon ang mga kuwentong sinusubaybayan ng mga kabataan sa

isang social media site at online na komunidad kung saan maari kang magbahagi

o magsulat ng iba’t ibang uri ng tula,kuwento,at madami pang iba na iyong naisin.

Ito ay ang tinatawag na Wattpad na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan

Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Maraming Pilipino ang

tumatangkilik sa website na ito. Kaya naman di naglaon ay na uso din ang

paglathala ng mga kuwento dito.


Masyadong nahumaling at nahilig ang mga Pilipino sa Wattpad kaya naman

ayon sa Philstar News noong January 30, 2015,pitong milyong Pilipino ang

gumagamit nito sa isang buwan. Ayon sa isang panayam kay Lau, isa sa mga

co-founders ng Wattpad at isang chief executive officer, si Denny na isang

pilipinong manunulat sa Wattpad gamit ang sagisag-panulat na

‘haveyouseenthisgirl’ ay isa sa mayroong pinakamaraming tagapagsunod o

following na humigit 300,000.

Ito ay may tatlong panitikan, una ay kay Maria Ramos-kasaysayan ng kaluluwa na

mga mamamayan. Nasasalamin ang mga layunin,

damdamin,panaginip,pag-asa,hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na

nasusulat o binabanggit sa maganda,makulay,makahulugan,matalinghaga at

masining na mga pahayag. -lumilinang ng nasyonalismo

-nag-iingat ng karanasan,tradisyon

-at kagandahan ng kultura

Atienza,Ramos,Zalazar at Nozal na “Panitikang Pilipino” ang tunay na panitikan ay

walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa

kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa

kanyang kapaligiran ay ang ikalawa.


At ang panghuli ay kay Webster anumang bagay raw na naisasatik basta may

kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito’y totoo,kathang isip o

bungang tuloh lamang ay maaaring tawaging panitikan.

Maraming uri ang tula pero ano ba talaga ang tula?. Ayon kay Alfred Austian; ang

tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita, ito

ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkukupan ng kariktan sa

pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam,

iniisip, o ginagawa ng tao. Wika naman ni Allan poe; Ang tula ay masasabing ang

maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan. Ani ni John Ruskin; Ang

tula ay tahasang pagpapahitwatig, sa tulong ng guniguni at nag-aalimpuyong

gunamgunam, at matibay na saligan para sa marangal na damdamin ay ang apat

na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig,

Paghanga, Pagsamba na ang kasalungat: Pagkamuhi, Pag-kapoot, Pagkasindak,

at hindi madalumat na kalungkutan. Pahayag ni Charles Mills Gayley:

Ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay, o isang paglalarawan ng buhay

na kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa ating

mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng


pangungusap at nag-aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak

na aliw-iw, na lalong gumaganda kung gumagalaw sa mga may sukat. Ayon kay

Percy Bysshe Shelley, ang panulaan ay instrumento ng guni-guni. Para naman

kay Ren Mah Frind ang tula ay isang uri ng panitikan na naghpapahayag ng

damdamin ng isang tao. Binubuo ng saknong at taludtod ang tula. May mga tula

naman na walang sukat o Malaya ang taludturan.


BUOD NG PAG-AARAL

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay bunubuo ng taludtod. Ang tula ay isang

anyo ng panitikan nanagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng

mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Angtula ay

pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga

taludtod. Ang kaluipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita. Ang

kaayusan ng mga salitang nagkakatugma na pagpapahayag ng katotohanan. Ang

pagsulat ng tula ay isang paaran ng makata upang maihayag ang kanyang

damdamin/nararamdaman batay sa sariling karanasan, namasid at napakinggan.

Maaring bunga lamang ng malikot o malawak na kaisipan. Paraan din ito ng

pagsasatitik ng marubdob na nararamdaman upang kahit papano ay maibsan ang

pagdadalamhati, kalungkutan at kasiyahang walangmapagsidlan.


Kabanata 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito makikita ang pamamaraan at ang prosesong gagamitin

ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral upang mas kaakit-akit at mapalutang ang

kagandahan nito. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri at masukat ang

Estratehiya sa Paglinang at Paggamit ng Mga Pilling Tula ni Francisco Baltazar

“Balagtas”: Isang Pagsusuri.

Disenyo ng Pag-aaral Gagamitin ang “Content Analysis” o pagsusuri sa

nilalaman na naglalaman ng mga nararapat na impormasyon na kailangan bilang

paraan sa pagsisiyasat sa mga Piling Tula ni Francisco Baltazar. Bibigyang pansin

ang tema kultura ayon sa: paniniwala, kalagayang sosyal at bisang pampanitikan

sa pagbuo ng Balik sulat na Tula ni Francisco Baltazar “Balagtas”.

Pinagmulan ng Datos

Ang pag-aaral ay nakapokus sa mga Piling Tula ni Francisco Baltazar “Balagtas”.

Magbubukid, Mga moog ng uri at Paggawa. Ang Pagkalap ng mga datos sa

pag-aaral na ito ay nagmula sa internet dahil ang mga ito ay nakaimbak na dito.

Ang tatlong piling tula ay ating maihahalintulad sa totoong buhay.


Paraan ng Pagkalap ng Datos

Sa mga tula ni Balagtas ay namili ang mananaliksik ng tatlo. Babasahin ito

pagkatapos ay susuriin ang bawat tatlong tula ayon sa tema, simbolismo, tayutay,

pananaw ng manunulat.

Pagkatapos masuri ay gagawa ng mungkahing balik-sulat na tula ang

mananaliksik gamit ang mga piling tula ni Francisco Baltazar “Balagtas”.

Ang pag-aaral na ito ay bibigyan ng katiyakan ng mananaliksik sa pamamagitan

ng mga sumusunod na bahagi: tema ng tula, simbolismo, tayutay at pananaw ng

manunulat. Ang lahat ng ito inilahad gamit ang mga talahanayan ng makikita sa

ibaba.

Unang Bahagi: Tema. Susuriin sa bahaging ito ang temang nakapaloob sa

bawat piling tula. Masusuring sinusuri ng mananaliksik ang tatlong piling tula

upang mabigyan ito ng angkop na pagpapakahulugan.

Ang dekrisptibong talahanayang ito ang ginagamit.


Talahanayan 1

Tema

Pamagat ng Tula Bahagi Tema

At kinabukasan palang
pang-umagay di pa
sumisilay abang
magbubukid na likas ang
sipag yaon sa linang ugit
Mangbubukid Pagsisipag
ang araro na hila ng
kanyang hayop
nakatuwang kalakiang
siyang sa bawat gawain
ay karamay-damay
Kaya ngayon palibhasa’y
paunlad na ang daigdig
kaya naman ang
pangyari’y ay maunlad Makabagong
din at mabilis nariyan kagamitang makinarya
Mga moog ng uri
ang makinaryang pang
paandar ng elektrik na
katulong sa paggawa ng
maraming anak pawis,
dapat nating unawain
ito’y di hulog ng langit
Itong daang libong taon
ang nagdaan at lumipas
bago itong tao ngayong
Paggawa Pagbabago
dalubhasang tinatawag
patuloy na pagbabago
banay-banay na
pag-unlad.

You might also like