Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Isa sa uri ng Panitikan ay ang Sanaysay. Ang sanaysay ay isang sulating gawain na
kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng
isang may akda ukol sa isang usapin. Sa pamamagitan ng sanaysay ay maipapahayag
ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa nito. Ito rin ay isang uri ng
pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang
paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay. May dalawang uri ang isang sanaysay,
ang pormal at di-pormal. Ang pormal ay tumatalakay sa mga seryosong mga paksang
nagtataglay ng masusing pagsusuri ng may akda. Ito ay kadalasang nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito
ay ang pahayagang editoryal. Samantalang, ang di-pormal naman ay tumatalakay sa
mga paksang karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw
para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng
akda sa isang paksa kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang
nakikipag-usap siya sa isang kaibigan, o kapamilya. May tatlong bahagi ang isang
sanaysay, ito ang Panimula, Katawan at Wakas. Ito ang mga bumubuo sa isang
sanaysay upang maging epektibo ito. Ang panimula ay ang pinakamahalang bahagi ng
sanaysay, ditto nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang
binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng
mambabasa. Ang Katawan nama’y naglalaman ng mga mahalagang puntos o ideya
ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong
punto, dahil ditto ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o
binibigyang pansin. Ang pinakahuling parte o bahagi ay ang Wakas, Sa bahaging ito
isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito
nagbibigay ng konklusyon ang manunulat.
Mga Karunungang Bayan: Mga Unang Tula
Ang karunungan bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng bawat tribo. Ang
karunungan bayan ay may kahalagahan para sa katutubong tradisyon na magiging
gabay sa pagbasa at pagpapanitik sa anumang wikang naisulat dito, anong panahon,
sa pananaw ng isang Pilipino. Sa gayon ay napatibay ang pagpapahalaga sa mga
kultura't kabihasnan. Masasabi niyang mayroon siyang sariling tradition ng ibang pook
sa daigdig. Maikikintal din sa kanyang puso at isipan na nararapat na pagyamanin ang
magagandang kinagisnan at higit na pagbutihan ang kasalukuyang hinaharap. Ang
halimbawa ng karunungang bayan ay: Bugtong, Salawikain, Sawikain, Kawikaan,
Kasabihan at Palaisipan.
Ang Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may
akda nito.Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan
ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian
o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging
matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging
mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli ang kuwento ay
kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.Ang mga alamat ay nagkakaroon ng
iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng
sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Ilan sa mga halimbawa ng
alamat ay ang “Ang Alamat ng Talon Maria Kristina.”
Sinaunang Panitikan
Ang sinaunang panitikan ay mahalaga dahil ito ay integral na parte na ng kasaysayan at
kultura ng Pilipinas. Ito ay nagpapakita ng galing at abilidad ng mga sinaunang Pilipino
sa pagsulat. Nakakatulong din ito para maintindihan natin ng mas mabuti ang kultura at
kasaysayan ng ating bansa. Dahil sa sinaunang panitikan, nalalaman natin kung ano-
ano ang mga pangyayari sa sinaunang panahon, ang mga karanasan ng mga tao, at
maari itong gamitin bilang gabay ngayon. Ito rin ay nagbibigay ng kaalaman at
kasiyahan sa mga mambabasa. Bukod rito, nagpapakita rin ang sinaunang panitikan ng
mga tradisyon at kultura ng lugar kung saan nanggaling ang kwento. Halimbawa ng
mga sulating ito ay ang tinatawag na mga karunungang bayan. Ang mga sulat na ito ay
naipasa sa atin ng ating mga ninuno mula pa sa sinaunang mga panahon. Ito ay
makikita sa mga epiko, salawikain, bugtong, alamat, mito, at iba pa. Ang pagsulat
naman ng tula sa Tagalog na isinalin sa Kastila ay tinatawag na Makatang Ladino. Isa
ang panitkang Pilipino sa dahilan nang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, dahil ito ay
ginamait ng mga Kastila bilang daan upang mapalaganap ito.
Elemento ng Panitikan
Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay
mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan, ito rin ay uri ng
palaisipan na nasa anyong patula. Samantalang ang palaisipan o logic ay kilala rin
bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o
nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito ay payak at simple na
umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot. ng dalawang ito ay parte ng
ating kultura at tradisyon. Kaya naman, matatawag sila na mga karunungang bayan.
Pero, kahit may mga pagkakaparehas sila sa ganitong konteksto, marami pa rin itong
pagkakaiba sa isa’t-isa. Ang isang awiting bayan ay isang tradisyunal na awitin o kanta.
Dahil mayroong iba’t-ibang isla sa Pilipinas, iba-iba rin ang mga kantang ito depende sa
kultura at dayalekto ng isang partikular na lugar. Halimbawa nito ay ang Oalay Manoc
con Taraz na awiting-bayan sa Pangasinan. Samantala, ang bulong naman ay
karaniwang binibigkas at hindi kinakanta. Ito’y pabulong o sinasabi at kabilang sa mga
halimbawa ng matandang orasyon ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ay sinasabing
kauna-unahang tula sa ating bansa. Ang halimwaba nito ay “Tabi po Tabi po,
makikiraan po.”Sa Ingles, ang salitang ito at tinatawag na murmur. Subalit, mas malaki
ang parte nito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil naging parte ito ng mga orasyon ng
mga Pilipino noon. Ang tulang pasalaysay naman ay uri ng tula na nagsasaad ng
kuwento. Ito’y kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga
tauhan; at ang buong istorya ay nasusulat sa may sukat na taludtod. Hindi kailangang
mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay. Tinatawag namang “macro-
epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o humigit pa sa
isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “micro-
epic” o isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod
na kwento.
Mga Awiting Bayan
Ang mga awiting bayan ay mga sinaunang awitin ng ating mga ninunong Pilipino. Bago
paman tayo sinakop ng mga Kastila, ang Pilipinas ay mayroon ng pansariling kultura at
tradisyon katulad lamang ng pagkanta ng mga awiting bayan. Kadalasang binubuo
ng labing-dalawang pantig sa bawat taludtod ang mga awiting bayan. Bukod dito, sila
rin ay nasa anyong patula. Heto ang mga uri ng awiting bayan: Balitaw, Kumintang o
Tagumpay, Kundiman, Kutang-kutang, Dalit o Imno, Diona, Dung-aw, Maluway, Oyayi,
Sambotani, Suliranin, Talindaw, Tigpasin. Ito naman ang mga katangian ng isang
awiting bayan, Balítaw, ang awiting bayan na ito ay isang tradisyunal na ginagawa ng
mga Cebuano. Ito ay pinaghalong awit, sayaw, at sagutan sa pagitan ng isang babae
at lalaki. Kumintang o tagumpa, ito ay isang awiting bayan na tumatalakay
sa pakikidigma. Kundiman, ito ay isa sa pinaka tanyag ay awiting bayan na tumatalakay
sa pag–ibig. Sa sinaunang panahon, ito ay ginagamit ng mga lalaki para suyuin ang
mga babae na kanilang gusto. Kutang-kutang ay isang uri ng awit sa lansangan. Ang
isang halimbawa nito ay Paru-Parong Bukid.