You are on page 1of 15

Kabanata 3

PAGSULAT SA IBAT-IBANG
DISIPLINA

Ang Pagsulat
Para kay Ralph Waldo Emerson,
sinabi niyang may unang hakbang sa
paglikha-oras para sa paghahanap ng
mga ideya, pag-eeksplor, pag-iisip
kung paano mo issulat. Katulad ng
pagtatayo ng gusali ang paglikhang
itoy puno ng posibilidad.

Tinuran ni Fred Saberhagen ganito,


nasa paligid lang ang mga ideya.
Winika ni Janet Ewig (1977) na ang
development ng ideya ay nagiging
ganap kapag may suporta ng
lenggwahe, partikular ng wikang
ginamit sa pagsulat.

Ang pinakamadaling gawin sa


mundo para kay William Goldman
ay huwag kang magsulat
Samakatwid, mahirap talagang
magsulat.

Ang playwright na si Edward Albee ay nagsabing ang


pagsulat ay isang diskoveri.
Para kay Donald M. Murray (1978), nagsusulat daw siya
upang bigyang hugis ang kanyang iniisip .
Samantala si David R. Olson (1976) ay nagwikang, ang
nakatagong consequence ng pagsulat ay ang lohika.

Kahalagahan ng Pagsulat
Mula sa panulat ni Donald H. Oranes sa
Balance the Basics: Let Them Write,
binanggit niya ang kahalagahan ng pagsulat
bilang instrumento sa pagkatuto. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa

talino dahil sa ginawang analisis at


sintesis sa mga nakuhang impormasyon;
2. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa
personal esteem;

3. Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa


maraming larangan na gumagamit ng iskil sa pag-awit.
Sa paggamit ng sining viswal at sistematikong
kinestetiko;
4. Napapagaling ng iskil sa pagbasa;
5. Tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat na
iwaksi ang anumang anonymity o anumang may
kalabuan at itoy kanyang tinutuklas;
6. Tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng
inisyativ sa paghahanap ng impormasyon ; at
7. Upang makasunod sa hinihingi/rekwayrment ng pag-

Para sa mga awtor, ang pagsulat ay

Isang intelektwal inquiry;


Isang pansariling pagtuklas;
Isang paghuhunos ng damdamin na bumubukal
at nagpapahinog sa diwat kaisipan;
Isang kreeytib na gawaing dinedebelop sa papel;
Isang pagbibigay g sustansya sa mga bagay na
para sa iba ay walang kahulugan;
Isang proseso ng pagtuklas /diskoberi at
malayang hakbang tungo sa katapusan;at
Isang pakikipag-usap sa tao sa pamamagitan ng
panulat.

Sosyo- Kognitibong Pananaw


sa Pagsulat
Marami sa mga manunulat ay
nagsusulat gamit ang kanilang mga
natutunan mula sa mga pag-aaral at
pagbabasa. Ang lenggwaheng
ginagamit nila ay nagpapakita ng
kanilang personal na opinyon,
rehiyonal na impluwensya, kaligirang
kultural at maging paggamit ng mga
balbal na pananalita.

Kognitibong Dulog: Pagsulat Bilang Sariling


Ekspresyon ( Self-Expression) at Pagbibigay
ng Kahulugan(Self-Meaning)

Sa kognitibong pananaw na ito , ang


pagsulat ay nagiging behikulo bilang
refleksyon at eksplorasyon ng ideya
na ipinapahayag sa isang
komposisyon.

Sosyo-Kultural na Dulog
Ang kaalamang kultural ng manunulat
ay isang behikulo sa kanyang
pagsulat. Ang kanyang kaligiran
komunidad, pamilya, organisasyong
kinabibilangan kasama ng mga
tradiyon, kaasalan, gawi ng mga
institusyong ito ay magiging batis
(source) na makapagkukunan ng mga
impormasyon sa kanyang talakay.

Dulog sa Pagpili ng GenrePagsulat Para sa Ibat-ibang


Diskors
Kailangang matukoy ang genre ng
susulatin (maikling kwento, nobela,
dula,tula,balta, sanaysay, at iba pa)
upang mabigyan ng analisis ang
istruktural at linggwistiks komponent,
makapagjenereyt ng sariling ideya na
umaayon sa kombensyon ng genre.

Kritikal na Dulog
Ang pananaw na ito ay nakapokus sa
mga panlipunang isyu para sa mga
aksyon/pagkilos na makapagbabago
sa lipunan.

Dulog na behayvioral at
Fanksyonal
Kung tamang gramar ang konsern ng
ibang manunulat, ang dulog na ito ay
nakapokus sa kung paano nagagawa
ng manunulat na gamitin ang
lenggwahe para sa sariling
pangangailangan.

Pagsulat bilang
Multidimensyonal na
Proseso
Para kay G. Badayos (1999), ang
multidimensyonal na proseso ng
pagsulat ay binubuo ng mga
sumusunod na proseso:

Bago sumulat binubuo ito ng pagpili ng paksa,


paglikha ng mga ideya, at pagbuo ng mga ideya.

Pagsulat pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak,


pagsangguni at pagrebisa.

Paglalathala sangkot dito ang pagdidisplay ng


komposisyon/sulatin sa bulletin board o kayay
pagpapalimbag/paglalathala.

You might also like