You are on page 1of 2

Baitang Hunyo 16, 2016

Baitang B.A Blg. 9

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I.Layunin
A. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye o pangyayari sa akdang napakinggan.
B. Nabibigyan ng kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa akdang narinig.
C. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa tunay na nangyayari sa lipunan.

II.Paksang Aralin
Paksang Aralin- Demokrasya at Kalayaan
Kagamitan- Manila Paper, Cartolina, Pentel Pen,

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Magpakita ng tatlong larawan: larawan ng isang ibon, Edsa Revolution at bandila ng Pilipinas.
Itanong: Anu-ano ang ipinapakita ng larawan? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito? Anong mga salita
ang maaring iugnay sa bawat isa?

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
Paglalahad ng Aralin: Pakikinig sa Tula
a. Ipabasa sa isang mag-aaral ang akdang: Demokrasya at Kalayaan
b. Pagpapakinig ng isang tula: Demokrasya: Isang tula handog para kina Ninoy at Cory Aquino.

2. Pagsusuri (Analysis)
Talakayin:
a) Bakit kayang handang ibuwis ng mga Pilipino ang kanilang buhay matamo lamang ang
kalayaan?
b) Ano ang demokrasya? Bakit maraming naghahangad ng ganitong uri ng pamamahala?
c) Anu-anong hamon ang sinuong ng mga Pilipino sa paghahangad nila ng kalayaan?
d) Anu-ano ang mga tanda na ang bansa ay malaya at may demokrasya?
e.) Bakit sinabing hindi kayang tumbasan ng ano mang yaman o ginto ang kalayaan ng isang
bansa?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)


Ihambing ang dalawang akdang binasa.

4. Paglalapat (Application)
Pangkat 1: Ibigay ang pinapakahulugan ng saknong sa pamamagitan ng tableau.
“Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.
Pangkat 2: Ibigay ang pinaparating ng saknong sa pamamagitan ng pagsasadula ng isang sitwasyon
sa lipunan .
Subalit kalayaang hawak nati’y hindi malulubos
Hanggat patuloy na sa ibang bansa tayo ay busabos
Hangga’t sariling produkto sa paningin nati’y menos
‘Di natin masasabing tayo nga’y totoong natubos.

5. Paglalahat (Generalization)
Bilang isang kabataan, paano mo mapapanatili ang demokrasya at kalayaan ng ating bansa?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
1. Maraming Pilipino ang humingi ng reporma sa Espanya.
2. Hindi gaanong nahirapan ang mga Pilipino sa ilalim ng batas-militar.
3. Ayaw ng mga Pilipino ng Kalayaan at Demokrasya.
4. Dugo at pawis ang inalay ng iba para sa kalayaan.
5. Ang demokrasya ay hayaang muling pumanaw.

V. Takdang-Aralin

You might also like