You are on page 1of 2

1.

Iugnay ang artikulo ni Gealogo sa book chapter ni Sztompka tungkol sa Great Individuals as
Agents of Social Change. Hanapin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa tungkol sa
pagsusulat ng kasaysayan.
Pagkakapareho:
● Base sa dalawang artikulo, isa sa pagkakatulad nila ay ang pagkakaroon ng tatlong uri ng
pamamahala sa kasaysayan
● Sa artikulo ni Gealogo, may aktor-pangkasaysayan na maaaring ihalintulad sa act as
representative sa book chapter ni Sztompka.
● Ang parehas na artikulo ay nagpapahiwatig na ang mga tao at kanilang gawain ang
gumagawa ng mga pagbabago sa lipunan at kasaysayan.
Pagkakaiba:
● Sa unang artikulo pinapakita ang ganapan o kontribusyon ng mga tao noong panahon ng
himagsikan. Samantalang sa ikalawa naman, pinapakita kung ano ang kontribusyon ng
bawat isa sa kasalukuyan sa kasaysayan.
● Si Geologo ay nagbase sa aktor-pangkasaysayan. Samantalang si Sztompka naman ay
nakafocus sa kilos at desisyon ng bawat isa kung ano at saan ito nakakaapekto.

2. Sino ang tinutukoy ni Gealogo na mga “táong labas”? Gamit ang mga natutuhan natin mula
sa mga nakaraang babasahín, “bayani” bang maituturing ang mga táong labas? Bakit oo, bakit
hindi?
● Ang mga taong labas ay isa sa mga hindi gaanong napapansing popular na konsepto sa
pakikipagtunggali ay ang katangian nitong makibaka sa labas ng itinakdang kaayusan ng
lipunan.
● Mahigit nang isang dekada simula nang magamit ang loob at labas bilang pangunahing
dalumat na makapagpapaliwanag sa katauhang Pilipino, ang pagkabuo ng mga pag-aaral
ukol sa "taong-labas" bilang isang pormal na konsepto na gagabay sa pagsusuri ng mga
nakikibaka ay hindi pa halos nagsisimula. Ang nakararami ring mga diksyunaryo at
talatinigang nakonsulta ay hindi kasama ang "taong-labas" bilang konseptong
nagpapahiwatig ng katauhan ng pakikipagtunggali. Gayunman, makikita sa mga popular na
katawagang masasalamin sa media at kasaysayang pasalita na ang kataga ay
makabuluhan bilang isa sa mga pangunahing konseptong gumagabay sa pagsasaayos ng
ugnayan ng mga nakikibaka sa lipunan.
● May mga bayani tayo na isang “taong labas” pero hindi lahat ng mga "taong labas" ay
maituturing na bayani. Ang pagiging bayani ay hindi lamang nagpapabago ng takbo ng
lipunan at pag-aakit ng makapangyarihang mga ideya. Kailangan din natin isaalang-alang
ang kanilang kontribusyon at pagpapakita ng mga katangiang nagdudulot ng positibong
epekto sa kanilang kapwa Pilipino at sa lipunan. Hindi sapat ang pagiging “taong labas”
lamang upang masukat ang pagiging bayani ng isang tao. Kailangan ding magpakita ng
mga katangiang katulad ng pagmamahal sa bayan, katapangan, dedikasyon, at malasakit
sa kapwa. Ang bayan ang nagtatakda kung sino ang bayani ng bayan.

3. Ano ang papel ng mga táong labas sa pagpapaunlad ng báyan ngayon?


Sa kasalukuyan, ang mga taong labas ay patuloy na:
● Tumutunggali sa mga taong nasa likod ng pagnanakaw ng kaban ng bayan at sa mga
taong mas pinipili nila na pagsilbihan ang mga interes ng ibang dayuhan kaysa sa mga
Pilipino.
● May kamalayan at pumupuna sa mga nangyayaring pananamantala, pang-aapi, at mga
pandaraya sa bayan.
● Sila ang nagiging susi o liwanag habang binubulag tayo ng mga taong nasa loob sa
korapsyon at iba pang pang aalipusta.
● Sila ang mga estudyanteng naging mulat sa kasaysayan. Pinaglalaban nila ang kanilang
karapatan at kinabukasan. Nakikibaka sa pamamagitan ng mga kilos-protesta at
pakikipagtalastasan din sa social media. Upang maiparating ang mga karaingan ng bayan.
Lumalaban sila para sa lahat at para sa ikabubuti ng bayan.
Sanggunian:
Veneracion, J. Ang Kilusang Masa sa Kasaysayang Pilipino, (1900-1992), Ed. Philippine Social
Sciences Review.
https://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/view/2243/2168

Capistrano, M. (2014, November 4). Kontra Reduccion: Kilos-Protesta at ang Diskurso ng


Radikal na Pagbabago. Philippine Collegian Tomo 92 Issue 5-6.
https://issuu.com/philippinecollegian/docs/kule1415_ish5-6/9

You might also like