You are on page 1of 36

BATAYANG KAALAMAN SA

MGA TEORYA SA
PANANALIKSIK NA AKMA
O MULA SA LIPUNANG
PILIPINO
1. MGA TERMINOLOHIYA
TEORYA
Ayon kay Abend (2013), ang mga teorya ay binuo
upang "magpaliwanag, magbigay ng prediksyon o
makatulong sa pag-unawa sa penomenon, at
naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa
ang umiiral na kaalaman."
BATAYANG TEORETIKAL
1. Nagbibigay lalim sa pananaliksik at nakapag-
aambag ito sa pagpapalawak,pagpapaliwanag, at
paglikha ng mga konsepto o kaisipan.
2. Ekstrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng
pananaliksik.
3. Binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa
pananaliksik
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG TEORYA
BILANG BAHAGI NG BATAYANG TEORETIKAL

• Pagiging akma sa pananaliksik


• Linaw at/o dali ng aplikasyon sa pananaliksik
• Bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o
paghahanap ng sagot sa mga tanong ng
pananaliksik.
PAANO NAPATITIBAY NG BATAYANG TEORETIKAL
ANG PANANALIKSIK?
• Tinutulungan ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik
• Iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman
at panahon
• Tinutulungan ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang
na sagutin ang mga tanong ng pananaliksik
• Nililinaw nito ang salaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o
pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng
mananaliksik
2. MGA DISKURSO SA
NASYONALISMO AT
TEORYANG DEPENDENSIYA
MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

• Ayon kay Renato Constantino, ang nasyonalismo


ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at
ekonomiko rin.
• "Ang edukasyong pilipino ay dapat maging isang
Pilipinong Edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga
pangangailangan at adhikain ng bansa.”
NASYONALISMO
JOSE RIZAL ANDRES BONIFACIO EMILIO JACINTO

Sa halip na Ang tunay na dangal ng


pamantayang global, Lahat ng mahalaga sa isang mamamayan ay
katutubong kultura at buhay - kasama na ang masusukat sa kaniyang
kapakanan ng karunungan at paglingap o
sambayanang pilipino edukasyon - ay dapat pagmamalasakit sa
ang matatag na ialay sa bayan. kanyang bayang
pundasyon ng tinubuan
edukasyon.
TEORYANG DEPENDENSIYA

Pambansang salbabida at kadena ng


dependensiya: Isang kritikal na
pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP)
ng Pilipinas”
BAKIT HIGIT NA MALAKI ANG PAKINABANG NG
BANSANG MAUNLAD SA KAPITAL SA GANITONG
SISTEMA?

1. Ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo


nang malaki.
2. Kontrolado nila ang maraming pinansyal na
institusyong gaya ng IMF, World Bank, at maging
malalaking pribadong bangko na nag papautang
sa mga bansang third world.
3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang mga
bandang Third World na umunlad sa teknolohiya.
4. Migrasyon ng mga propesyunal mula third world
tanging bansang maunlad ay nakababawas sa
pangkalahatang tao (human resources) na
kaylangan muna nilang maiahon sa dependensiya
ang kaniyang sarili.
3. MARXISMO
MARXISMO
Ginagamit sa larangang panitikan upang suriin
ang kalagayan sa lipunan, kaugalian, motibasyon
ng mga tauhan sa kwento o akda.
Isang kaisipan o ideya na karaniwang
ginagamit sa bansang Pilipinas sa larangan ng
pananaliksik.
MGA KATANUNGAN NA NAGING BATAYAN NG
MANANALIKSIK SA PAGGAMIT NG MARXISMO
(SAN JUAN ET AL., 2019)
1. Ano-ano uring panlipunan ang nasa teksto, pelikula
at iba pa.
2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa
teksto, pelikula atbp.?
3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o
pinagsamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o
kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
mapagsamantala ang mga karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?
KARAGDAGANG MGA TANONG NG MGA
MARXISTA AYON KAY SAN JUAN (2010)

• “Sa anong paraan nagsisilbing propaganda ng status


quo ang katha; o ito ba'y nagtatangkang sumalansang sa
status quo?
• Ano ang sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala;
o isinasantabi ba nito ang mga tunggalian sa lipunan o
dili kaya'y isinisisi sa ibang bagay?
• May solusyong bang inihahapag ang katha sa mga
suliraning inilahat nito....? “(San juan et al., 2019)
KONSEPTONG PAG-AKLAS/PAGBAKLAS/PAGBAGTAS
NI TOLENTINO (2009) SA PANUNURING
PAMPANITIKAN
ANG TATLONG HAKBANGIN NG PANUNURING PAMPANITIKAN
AYON KAY TOLENTINO (2009):
• Pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at
panlipunan na susing kawing ang panitikan.
• Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang formaliktiko at
makasentrong-sining na panunuring pampanitikan.
• Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang
pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.
4. FEMINISMO
FEMINISMO
Ang Feminismo ay pagtitipon ng mga kilusan
at mga kaisipan na layunin ang magtakda,
magtatag, at maipagtanggol ang pantay na
pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at
panlipunang mga karapatan para sa mga
kababaihan.
POKUS
- Ang Femenismo ay maituturing na malapit na
malapit sa Marxismo bilang batayang teoretikal.
- Ang pokus ng femenismo ay ang pang-aapi o
pagsasamantala sa isang particular na kasarian o
ang mga kababaihan.
JUDY TAGUIWALO

Si Judy Taguiwalo ang professor


ng Unibersidad ng Pilipinas ay
malinaw na ipaliwanag ang ugnayan
ng Marxismo at Feminismo sa kanyang
sanaysay na “Ang Marxista lapit sa
isyu ng kababaihan”.
Ayon kay Karl Marx, kinikilala ng
Marxismo na imposibleng magkaroon
ng lahatang panig na panlipunang
transpormasyon kung walang
aktibong partisipasyon ng kababaihan
at imposibleng magkaroon ng mga
dakilang panlipunang pagbabago
kung hindi kalahok ang kababaihan.
• Ayon sa sanaysay ni Judy Taguiwalo (2013) ang paglaya
ng kababaihan ay hindi lubusang makakamit kung hindi
mapapawi ang mga iba't-ibang uri ng diskriminasyon
laban sa mga kababaihan sa ating lipunan.
• Ang mga halimbawa ng diskriminasyon na ito ay
inilahad ni August Bebel na dahil mas nakakahanap ang
babae ng dumaraming pagkakataon sa trabaho sa tabi o
bilang kapalit ng lalaki dahil mas kakaunti ang kanyang
mga materyal na kahilingan kaysa sa lalaki.
Para naman kay Alexandra Kollontai:
(“The followers of historical materialism reject the
existence of a special woman question separate from
the general social
Question of our day. Specific economic factors were
behind the subordination of women; natural qualities
have been a secondary factor in this process. Only the
complete disappearance of these factors, only the
evolution of those forces which at some point in the
past gave rise to the subjection of women, is able in a
fundamental way to influence and change their social
position.”)
Sa sanaysay ni Judy Taguiwalo, kanyang sinabi na
“may pagpulà or criticism sa marxismo bilang bulag sa
isyu ng opresyon ng kababaihan, naniniwala akong may
malinaw na tindig sa teorya at praktika ang marxismo sa
usapin ng kababaihan at hindi komprehensibong marxismo
ang nagsasabing marxismo ito nang hindi sinasaalang-
alang ang aping kalagayan ng kababaihan at ang
pangangailangan sa kanilang paglaya."
Mahalaga ang marxistang programa para sa pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan ang pagkakaroon ng kababaihan ng sariling
ikinabubuhay o ang paglahok sa produktibong gawain. Habang
nakakulong ang kababaihan sa makitid na sulok ng tahanan at umaasa
sa kalalakihan para sa kanilang ikabubuhay, mananatiling api at
sekundaryo ang kanilang posisyon sa lipunan. Hindi nangangahulugan
ito na awtomatikong magkakaroon ng pagkakapantay ang kababaihan
at kalalakihan kapag nagkaroon ng sariling ikinabubuhay ang
kababaihan. Pero naglalatag ito ng kondisyon para lumawak ang mundo
at pananaw ng kababaihan sa mga usaping panlipunan. Kung gayon
ang paglahok ng kababaihan sa produksyong sosyal ay “kailangan pero
hindi nakasasapat para wakasan ang lahat ng manipestasyon ng pang-
aapi sa kababaihan.”
5. MGA PANANAW
PANTAYONG PANANAW

Nilinang ni Zeus Salazar (1997)


- Ito ay perspektiba sa pagtalakay ng
kasaysayan, kultura at iba pa
PANTAWANG PANANAW

Nilinang ni Rhoderick Nuncio (2010)


- Ito ay nakapokus sa katutubong pagsipat
sa paraan ng pagpapatawa ng mga
Pilipino.
6. TEORYA NG BANGA,
SIKOLOHIYANG PILIPINO AT
BAKOD/BUKOD/BUKLOD
TEORYA NG BANGA
BUOD NG MGA IDEYA NI
PROPESOR COVAR (1993)

-“Kaalamang Bayang Dalumat ng


Pagkataong Pilipino.”
- “Tambalang lapit ang
pamamaraan sa pagdalumat ng
pagkataong Pilipino”
SIKOLOHIYANG PILIPINO

- Naglalahad ng
kaisipan hinggil sa
paraan ng pag-iisip at
kamalayan ng Pilipino.
SIKOLOHIYANG PILIPINO

• VIRGILIO ENRIQUEZ – isang kilalang sikologong


Pilipino.
• PE-PUA AT PROTACIO MARCELINO (2000)
-Ang sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-aaral
sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan, at
oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling
paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng
damdaming Pilipino.
BAKOD/BUKOD/BUKLOD NI
MORALES-NUNCIO (2012)

Sangang-daan ng ilang konseptong Marxista


at ng mga konseptong sariling atin ang
pagdadalumat.
WAKAS!

You might also like