You are on page 1of 23

MGA TEORYANG

PAMPANITIKAN
TEORYA
• T e o r y a- pormulasyon ng palilinaw ng
mga simulain ng mga tiyak na kaisipan
upang makalikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o
pagpapaliwanag ukol dito.
TEORYANG PAMPANITI
KAN

• Isang sistema ng mga kaisipan at


kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan
sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang
layunin ng may-akda sa pagsulat at
layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa.
TEORYANG REALISMO
• Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa
teoryang ito.
• Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa
ginhawang maibibigayng kayamanan.
• Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan
ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa
sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay
totoong makasisira rin sa tao.
KAHULUGAN NG TEORYANG
REALISMO

-Tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.


-Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa
nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga
pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
• Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat
maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
• Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at
katarungan para sa mga naapi. Kalimitang paksain ang nauukol sa
kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,
prostitusyon at kawalan ng katarungan.
LAYUNIN
• Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at
masaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit
na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay
kaysa sa paksa.
• Samakatwid ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang isinulat. Nagpapahayag
ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad
ng buhay.
HALIMBAWA NG MGA AKDA

• Ambo
• Bangkang papel
• Mga ibong mandaragat
• Maganda pa ang daigdig
• Dekada ’70
• Si intoy siyokoy ng kalye marino
AMBO
• Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo
Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang
dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan.
Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga
opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang
magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng
mga taong ang nais lamang ay maibigay ang
pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
2. MGA IBONG MANDARAGIT

-Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining


Amado V. Hernandez, (1969) ito ay tungkol sa
paghahanap ng makatwirang pagbabago sa
sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na
lumaya mula sa mga makapangyarihang
puwersang panlipunang patuloy na
nagpapahirap sa mga dukha.
3. MAGANDA PA ANG DAIGDIG

• Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro


Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway
Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang
libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at
panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa
pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng
paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula
sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng
isang tao na si Lino Rivera. Akda ni Lazaro Francisco
IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING
REALISMO SA PANITIKAN

1. PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at
iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik- hindik
2. SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa
kaisipan sa paglutas ng pang araw-araw na suliranin
3. SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa
pagkilos
4. KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang
maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig
nito.
5. SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan
ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga
lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis
6.MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan.
Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan
EKSISTENSYALISMO
• Kasaysayan:
• Ang teoryang ito ay nagmula sa Kanluran
(West) at lubos na lumaganap ang teoryang
ito noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung
saan maraming manunulat ang
naimpluwensiyahan. Ito ay pinangunahan at
pinatatag nina Jean Paul Satre, Albert Camus,
at Andre Gide.
KAHULUGAN

• Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan


ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan
laban sa katwiran at sinusuri ang tauhan batay sa kanyang
kilos,paniniwala,paninindigan na ang tao lamang ang tanging may
kakayahanng magdesisyon sa kanyang sariling buhay.
• Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala,
gawi at paninindigan. Samakatuwid binibigyang-diin dito ang personalidad ng
tauhan at may layuning ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili.
• Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha
namakapagbibigay ng kahulugan sa kanyang sariling
buhay at kairalan, na wala nang ibang nilikha ang
makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng
kanyang ginagawa maliban sa kanya.
• Ang pagpili ay siyang pinakasentro ng pananatili ng
tao (human existence), kahit na ang pagtanggi na
pumili ay maituturing na pagpapasya. Ang
kalayaang pumili na laging may kaakibat
napananagutan at responsibilidad.
• Yamang ang bawat isa ay malayang pumili ng
kanyang landas na tatahakin,kinakailangan
lamang na maging handa ang bawat isa sa
resulta o maaaring bunga ng kanilang gagawing
pagpapasya.
• Ayon kay Jean Paul Sartre, nauuna ang
eksistens bago ang essens. Ang pagpili,kung
gayon ay kailangan sa eksistens ng bawat
nilalang at hindi ito matatakasan, maging ang
hindi pagpili ay isa ring pagpili.
KATANGIAN:

• Walang sariling simulain


• Maihahambing sa Romantisismo
• tunay na paraan ng pagpapahayag at
ekspresyon
• Maihahalintulad sa Modernismo
• Pinipilit kalimutan ang kasaysayan at
nakaraan
• Maikukumpara sa Realismo
• Isinasantabi ang mga paksang ukol sa
lipunan
• Makipag – ugnayan sa mundo na may
pansariling kapakanan
• May kalayaan at hangaring awtentiko
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo (human
existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada
ng nakaraang dantaon

• Ang bawat tao ay isang indibidwal na malaya at


may pananaguton sa kanyang sarili.
• Nakatuon ang eksistensyalismo sa interpretasyon ng
buhay ng tao sa mundo kasama ang mga
problemang hatid nito. Sa pananaw na ito,
pinaniniwalaang:
• 1. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal.
2. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema
ng eksistens mismo o ng isang pagiging nilalang.
3. Nagpapatuloy ang pagsusuring mmayroong iba’t
ibang posibilidad.
4. Dahil sa mga posibilidad na ito, an buhay ng tao
ay itinatakda ng kaniyang mga desisyon.
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence). Huling bahagi ng ikalawang
dekada ng nakaraang dantaon
• Ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain.
Maihahalintulad ito sa dalawang teorya: romantisismo
dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng
pagpapahayag o ekspresyon; modernismo dahil
nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan.
•  Halimbawa: ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla
 ‘Aanhin Nino ‘Yan?’ Panitikang Thai Salin ni Lualhati
Bautista

You might also like