You are on page 1of 14

MGA TEORYA/DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN

MARXISMO

 Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan
ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at
diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
 Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina
at malakas, makapangyarihan at api.
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang
mga paraan ng pag ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat-ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa suliraning kanyang
kinakaharap. Isang halimbawa nito ay anh pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning
dinaranas sa halip na itoy kasamaan at suliranin ng lipunan.
 Ang teoryang marxismo ay inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas,matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mha tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida
at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito
upang madapi ang nangaaping lakas.
Marxismo sa Pilipinas
o Nagsimulang lumaganap ang ideolohiyang Marxismo simula pa nang unang maitatag ang partidong
komunista sa Pilipinas noong Nobyembre 30, 1930 sa pamumuno ni Crisanto Evangelista. Siya ay isang
Pilipinong komunista ng unang bahagi ng ika-20 siglo.
o Siya ang pangunahing tagapagtatag at namuno ng lumang partidong komunista ng Pilipinas. Kinulong siya sa
bandang huli ng dekada ngunit pinalaya ng gobyerno para lumaban sa mananakop na Hapon. Tinanggap niya
ang malupit na kamatayan sa guguang kamy ng maisistang Hapon.
Katanungang nasasagot sa Teoryang Marxismo
 Anu-ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
 Paano nagtungga-lian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
 Sino ang nag-api at inapi; nagsamantala at pinag-samantalahan?
 Paano inilalarawan ang mga karakter: bida ba o kontra bida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
pinagsamantalahan?
 Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
 Aling uri ang nagtagumpay sa huli?
 Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyonng mapagsamantala ang mga karakter?

REALISMO
• Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa
lipunan, tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon madalas itong nakapukos sa lipunan at
gobyerno.
• Ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng katotohanan at pagtanggap sa buhay.
• Ang pagdulog realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may
kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa
“tunay na mundo”. Kasama nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na
kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).
• Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing ang realismo ay isang
reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng romantisismo.
• Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng nakararami tulad ng
pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng mga nasa gitnang uri, prostitusyon, pakikibaka ng mga
manggagawa, karaniwang panahon at lipunan, nagtatala ng mga kaganapan sa panahong iyon ng kanyang
lipunan sa masining na paraan, pag. Unawa sa panahon o kaligiran o sa mga kontekstong kultural, pulitikal at
pangkabuhayan kung kailan naisulat ang akda.

Iba’t ibang Pangkat ng Pagsuring Realismo


o Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900. Nakatulong din dito
ang kilusang anti-Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin ung sining sa
pangkaraniwang tao.
o Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng proditibistikong
pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism kung saan
inuulat nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng
potograpiya.
Katanungang nasasagot sa Realismo
 Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
 Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
 Paano nito hinibog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
 Dulog 1 realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo, pwedeng totoo)
 Dulog 2 realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko, makatotohanan ang pagsalamin o
paglalarawan sa realidad)
PORMALISMO
• Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman.
• Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o panlipunan.
• Ayon kay Soledad Reyes, "sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay napagtutunan ng pansin ang mga
detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito."
Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa katha-ang (1) Tema, (2) Tauhan, (3)
Tagpuan, at (4) pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dulog na ito.

Katanungang nasasagot sa Teoryang Pormalismo


 Paano nakatulong o nakasamaang liwanag/ilaw, tunog/soundtrack,presentasyon ng mga eksena
shotcomposition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
 Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang liwanag ilaw, tugtog/soundtrack,
presentasyon ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga
eksena sa kasiningan ng pelikula?
 Paano nagko-komple-ment ang mga nabanggit na elemento?
FEMINISMO
• Ang layunin ng teorya ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae ang
pangunahing tauhan na ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
• Ang kritisismong feminismo ay may layuning muli iakda ang babae sa pagsulat man o sa pagbasa ng
panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng babae, mabibigyan boses, makakalikha ng sentro,
mabigyang kapangyarihan at mailalagay sa di establing posisyon ang sistemang Patriarkal na-ang lalaki ang
may control ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa lalaki sa lahat ng
larangang kultural kagaya ng relihiyon, pamilya, politika, ekonomiya, lipunan, batas, at sining
(Mendiola,1911).
Katanungang nasasagot sa Teoryang Feminismo
 Sino-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng babaeng karakter?
 Paano inilarawan ang mga babaeng karakter; bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
pinagsaman-talahan?
 Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng karakter?
 Paano nila sinasalansang ang sistemang patyarkal?
 Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
 Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?

MGA PANGUNAHING ELEMENTO NG PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN


INTRODUKSYON
Sa mundo ng pelikula, marami narin angn nagsasabing ito ang pinakabagong anyong pang sining sa larangan
ng pantikan na kakikitaan ng pagbibigay ng panibagong buhay na maaaring batayan sa pang araw-araw na buhay. Ito
ay tinatalaga ng publiko at maituturing na may pinakamalawak na impluwensya sa lipunan maging sa indibidwal na
mamamaya.

ANO ANG PELIKULA?


Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw
na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Nagmulat ito ng kaisipan, damdamin, kaugalian, prinsipyo, paniniwala, kultura, pamumuhay, at pananaw ng
isang tao. Naglalahad, nanghihikayat at nag- uugnay ng realidad ng buhay ng isang lipunan ang karamihan sa mga
pelikula. At bilang pagpapakita ng galak sa panonood ay madalas ng ginagaya ng tagapanood ang mga kilos,
pagsasalita, pananamit at mismong mahahalagang diyalogo o linya na binibitawan ng mga karakter sa isang pelikula.
Bahagi na ng lipunan natin ang panonood ng pelikula. Isa narin ito sa kinahihiligan ng marami. Bukod sa
masaya manood, ito rin ay pampa-goodvibes ‘ika nga. Nakakalibang diumano ang panonod lalo na sa loob ng sinehan
upang kahit paano ay makatakas pansamantala sa problemang hatid ng mapait na realidad.
Sinasabi ring pinakapopular na anyo ng sining ang pelikula sapagkat ito ang pinakamadaling tangkilikin at
bigyan ng oras na makaramdam ka ng relaks, at saya.

ANO ANG PELIKULANG PANLIPUNAN?


Ang Pelikulang Panlipunan ay proseso ng panonood, pagbasa at pagsuri sa mga pelikulang Filipino na may
pagtatampok sa mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan, prostitusyon, edukasyon, korupsyon, kalikasan,
ekonomiya, politika, rehiyon,showbiz, diaspora, kalusugan, teknolohiya, pangkat-minorya, wika, kasaysayan, sining,
kultura, sector-manggagawa,transpotasyon at marami pang isyu ng bayan.

Ang Mga Elementong Kailangan para Makabuo ng Pelikula ayon kay Baquiran., et., al.
AKTOR
Ang laging inaabangan ng mga manonood sa isang pelikula bukod sa kuwento nito ay ang mga aktor na
gumaganap sa nasabing pelikula. Kung minsan nga, ang artistang gumaganap ang pinakahabol lamang ng ilang
manonood. Kapag pelikula ang pinag-uusapan, maraming mga aktor at aktres ang pumatok na sa takilya tulad nina
Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Richard Gomez, Fernando Poe Jr., at
marami pang iba.
Iba-iba ang naging mga istilo ng mga aktor na ito at malaki rin ang naging pagkakaiba ng mga papel na
ginampanan nila sa kanilang larang. Napakahalagang epektibo ang pagganap sa papel ng bawat tauhan, mapabida man
o kontrabida nang sa gayon ay kapani-paniwala ang maging daloy ng kuwento.
Tulad ng ibang akdang pampanitikan, maaari ding makita sa pelikula ang mga uri ng tauhang maaari nating
maklasipika bilang bilog at tauhang lapad, o hindi naman kaya'y protagonist, antagonista, at anti-hero. Isa-isahin natin
ang mga ito gamit ang iba't ibang pelikulang tumatak sa masa.

Mga Iba’t Ibang Uri ng Tauhan

 Tauhang bilog- Ang tauhang bilog ay tumutukoy sa pagkakaroon ng puso ng tauhan sa kuwento dahil
nagbabago ang kaniyang katangian depende sa sitwasyong kaniyang kinalalagyan. Ito ang mga bidang
realistiko sapagkat pantao at makatao ang karaktiresasyon.
Halimbawa: Nakita natin ang pagbabagong naganap sa pagkatao ni Bobbie sa pelikulang "Four Sisters and a
Wedding" na ginampanan ni Bea Alonzo na mula sa pagiging pusong bato ay naging pusong - mamon siya sa
kaniyang mga kapatid. Nakita kung paano siya naintindihan ng mga ito.

 Tauhang lapad - Ito ay tumutukoy sa pananatili ng katangian ng isang tauhan mula umpisa hanggang
katapusan ng kuwento. Madalas na isteryotipo ang katangiang ito ng tauhan. Tila baga nakakahon na siya at
hindi na maaaring magbago o madestrungka.
Halimbawa: Ang papel ni Lorna Tolentino sa pelikulang "Crazy Beautiful You" bilang si Dra. Leah Serrano
na ina ni Jackie sa pelikula. Nanatili siyang kalmado at hindi nagbago ang kaniyang pagmamahal sa anak
kahit na may sama ng loob ito sa kaniya.

 Protagonista- Ang protagonista o ang bida sa pelikula. Ang bida naman ang nagpapadaloy ng pelikula at siya
ang nagtataglay ng pangunahin at malubhang suliraning kailangang lutasin o kabakahin. Sila ang mga
naghahanap ng solusyon sa suliranin.
Halimbawa: Sina Tess na ginanapan ni Diana Zubiri sa pelikulang "Silip." Elsa naman na ginanapan ni Nora
Aunor sa pelikulang "Himala," at si Seth na ginanapan ni Vilma Santos sa pelikulang "The Healing."

 Antagonista- Ang antagonista na siyang nagbibigay-buhay sa kuwento dahil siya ang sumusubok sa
kakayahan ng mga bida sa kuwento. Siya ang nagbibigay ng sumpa at parusa sa bida. Siya ang balakid na
kailangang labanan at lagpasan.

BANGHAY O PLOT
Ang pelikula ay isang kuwento, ito ay may simula, gitna at wakas. Maari ring ibuod ang buong kwento.
Huwang lamang ibigay ang kapana-panabik na mga eksena. (Ano ang pokus ng salaysay at tunggalian? Paano ito
nalutas o nanatiling walang kalutasan? Ano ang kinahinatnan ng mga pangunahing karakter?)

ISKRIP O DIYALOGO
Ang iskrip ayon sa Center for New Cinema ay “isang mapang naglalaman ng mga elemento sa pelikula at ang
kuwentong bumubuo sa pamamagitan ng aksiyong ginagawa ng tauhan.” Kung wala ang iskrip, malamang ay wala
ring magiging diyalogo ang mga tauhan sa kwento. At bilang aktor, kailangan tandan ang nasa skrip, tulad ng sinasabi
sa unang talata ay isang mapa lamang. Ibig sabihin, ang kailangan ay ang pag-iinternalize sa papel na ginagampanan
at pag- familiarize sa kontekstong nagaganap sa eksene. Hindi kailangan maging pilit na imemorya ang buong iskrip.
Ang kailangan dito ay maging suwak ang pag-aarte mo sa eksena.
HALIMBAWA:
“May relasyon ba kayo ng asawa ko?”
“Relasyon?”
“Relasyon. Querida, kabit, number two, mistress, relasyon!”
“Terry”
“Huwag mo akong ma- Terry Terry! Ang tanong ko ang sagutin mo! Are you f*cking my husband?”

Sa halimbawang ito, makikita natin ang galing ng diyalogo at skrip sa pelikula- ang dalawang sangkap na
magbibigay katuturan at kabuuan sa kwento.

EDITING
Isa pang inaabangan sa pelikula ay ang mahusayna editing nito. Kapag sinasabi nating editing o pag-edit, ang
pag-alis ng mga hindi mahahalagang eksena sa pelikula o pagdaragdag ng pagkakamali at ilalagay na lamang sa
bloopers o hindi naman kaya ay pagdaragdag ng mga background para magmukang lumilipad ang bida sa pelikula.
Ang editing sa pelikula ay nangyayari sa pagsusunod-sunod ng putol putol na shots. Ibig sabihin, sa isang
totong pelikula, lahat ng isang eksena sa isang partikular na lugar at lahat ng kasamang karakter ay kukuhanan na ng
video. Ito ang mahika ng editing, ang putol-putol, hiwa-hiwalay at magkakaibang shots ay gagawing holistiko na tila
sunod sunod na isahan lamang.

SINEMATOGRAPIYA
Ang sinematograpiya sa pelikula ay ang paggamit ng kamera at lahat na makukuha ng paningin ng manonood
na makakapaglarawan sa kuwento.
Sa sinematograpiya makikita kung gaano kamalikhain ang pagkakaedit ng isang pelikula. Madalas, ito ang
tinitingnan ng madla at nagiging Pamantayan nila ng magandang pelikula sunod sa kuwento nito.
Sa sining ng sinematograpiya, makikita ang mahusay na paggalaw ng kamera at pagbibigay lamang ng sapat
ng ilaw depenede sa kung ano ang hinihingi ng eksena. Dito papasok ang wastong paggamit ng unang dalawang
sangkap ng pelikkula- ang ilaw at kamera.

ILAW-Ito ang pinakamahalaga at pinaka hindi mawawalang batayang kagamitan sa sinematograpiya dahil ito ang
nagbibigay - lente sa kamera at pinoproseso sa isang emulsion.

EMULSION- Ayon sa Longman Dictionary ay isang bahagi ng film na sensitibo sa ilaw. Ito rin and dahilan kung
bakit ito ang pinakamahalaga dahil ang imaheng binubuo rito ang magbibigay kabuluhan sa pelikula. Sa sining ng
sinematograpiya, makikita ang mahusay na paggalaw ng kamera at pagbibigay lamang ng sapat ng ilaw depende sa
kung ano ang hinihingi ng eksena.
KAMERA- Sumusunod na pinakamahalagang batayang kagamitan sa sinematorgapiya. Upang makita ang iba’t-ibang
anggulo ng nasabing pelikula, nagsisilbi itong mata na nakarecord ng mga imahe ayon kay Baquiran., et., al. Dito rin
makikita ang iba’t ibang anggulo na kinuhanan ng kamera man na makakatulong pagdating sa pag edit ng pelikula.
Ang anggulo ay nagbibigay ng implikasyon at effects na magpapanggulo sa kwento at pelikula.

MGA KARANIWANG ANGGULO AT KUHA NG KAMERA


1. Establishing/Long Shot

 Sa ibang Temino ay tinatawag na "scene setting". Mula sa malayo ay may kinukuhanan ang buong senaryo o
lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
 Halimbawa nito ay ang introduksiyon sa mga pelikulang ipapakita madalas kung saan nakatira o ano ang
pamumuhay ng pangunahing tauhan o ang konteksto ng istorya.
2. Medium Shot

 Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwan ito sa mga senaryong may dayalogo
o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap o sa isang paaksyong detalye. Ang halimbawa naman nito ay ang
nangyayaring usapan o alitan ng dalawang tauhan kapag nagsasagutan sila.
3. Closed-up Shot

 Ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang. Hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Maaaring
bigyang-pansin ang ekspresyon, mismong aktor, buong bahay, at iba pa. Halimbawa nito ay pagpokus sa
ekspresyon ng mukha ng tauhan at nais bigyang-pansin ang pag-iyak nito.
4. Extreme Close up

 Ito ay nagbibigay- pokus naman sa espisipikong bagay ngunit madalas ay ginagawa para bigyang-pansin ang
isang bahagi ng katawan bilang implikasyon. Halimbawa, bibigyan lamang ng pokus ang mata sa halip na
buong mukha. Maaari namang maging halimbawa rito ang pagbibigay-pansin sa singsing para maging
implikasyong kasal o ikakasal na ang tauhan sa pelikula sa halip na ang mismong tauhan ang bigyang-pokus.
5. High Angle Shot

 Ang kamera ay nagmumula, halimbawa nito ay sa bilding o may mga nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pukos mataas na bahagi tungo sa ilalim. ang ginagawa kapag may mga aktor na nahuhulog, may aktor na
gagawa ng stunts na tatalon siya.
6. Low Angle Shot

 Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pukos ay nagmumula sa ibabang bahagi patungo sa
itaas. Halimbawa ginagamit naman ito kapag bibigyang paglakad ng aktor, kapag gustong ipakita ang galaw
ng aktor mula diin ang paa patungo sa itaas.
7. Birds Eyeview

 Maari ring maging isang "aerial shot" na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi. Halimbawa nito ay
ang senaryo ng buong karagatan at kabundukan na ang manonood at tila isang ibon na lumilipad sa
himpapawid. Ang madalas na ginagamit para magawa ito ay tinatawag na Drone.
8. Panning Shot

 Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.
 Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.

PANUNURING PAMPELIKULA
Ano ang "Panunuri"?

 Ang panunuri ay isang uri ng paglalahad na nagtitimbang, nagpapahalaga, nagpapasya at kumikilatis sa mga
bagay o sa anumang nais malaman, maunawaan o matuklasan.
 Ito ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan kundi ganun din sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang.
 Sa panitikan, isinasagawa ang panunuri sa mga sanaysay, maikling kwento, nobela , dula at mga
palatuntunang panradyo, palabas sa telebisyon, pantanghalan at pelikula, mga konsyerto at iba pang uri ng
tugtuging pangmadla.
 Sa kabuuan, ang panunuring pampelikula ay pagsasagawa ng pagsusuri at/o kritisismo sa isang pelikulang
napanood batay sa isang partikular na elemento o sa holistikong pagtingin dito.
Kabilang ito sa kasanayang pagsulat, pagsusuring-basa, sulating panaliksik, at pamanahong papel
 Masasabing naratibo o pasalaysay ang punong kaisipan ng isang pelikula kung taglay nito ang mga
sangkap ng kwento tulad ng simula, pagpapakilala ng tauhan at tagpuan, pagtukoy sa suliranin,
tunggalian, kasukdulan at wakas.
 Sa panunuring pampelikula, ay sinisipat ang bawat elemento- ang kwento/tema, pagdidirehe, pagganap ng
artista, sinematograpiya, ang mensaheng inilalahad at iniiwan sa manonood -at ang kahusayan ng bawat isa ng
mga ito.

K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM


 Bagong kurikulum na pinatupad ng pamahalaan partikular ng Kagawaran ng Edukasyon upang
makasabay ang mga mag-aaral sa pag-unlad na nagaganap sa iba't -ibang bahagi ng mundo.
 Naglalayong hubugin ang mag-aaral sa holistikong paraan upang maging handa, maagap at matalino
sa pagharap sa buhay at maging kapaki-pakinabang na mamamayang may ganap na literasi o
kakayahan sa pagbabasa, pagsusulat at pagkakalkula.
 Isa sa mga makabagong naganap sa kurikulum ng edukasyon ng Pilipinas ay ang panonood ng pelikula.
Kung dati-rati ay may apat na makrong kasanayang pangwika gaya ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at
pagsusulat, ngayon ay idinagdag na ang panonood.
 At sa danas ng panonood ay mayroon itong iba't-ibang layunin, tulad ng: pagkuha ng impormasyon,
pagbuo ng opinyon, pag-unawa sa mga impormasyon, libangan at pagsuri.

Mabuting Panunuri
 Hindi lamang ito basta pumipintas o pumupuri kundi tinitimbang ang magkabilang panig.
 Kinakailangang lubos na pinag-isipan ng manunuri ang gawaing ito.
 May matapat na layunin, walang personal na pagkiling o negatibong damdamin, at higit sa lahat makatwiran
batay sa ilalatag na patunay o ebidensya.
 Ito ay kinakailangan ng maingat, paulit-ulit at ganap na pagkaunawa sa mismong sinusuri partikular ang
kalikasan nito.
 Alamin ang layunin ng may akda at/o director kung sa pelikula at ang tagumpay niya sa pagtatamo ng
kaniyang layunin.

PANUNURI O KRITISISMO

PANUNURI KRITISISMO

Naghahanap ng estruktura. Naghahanap ng mali.


Naghahanap ng kung ano ang puwede. Naghahanap ng kulang

Nagtatanong upang maliwanagan. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi nya maunawaan.

Nakalahad ang mabuti, matapat at obhetibong tinig. Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig.

Kongkreto at tiyak Malabo at malawak


Positibo Negatibo

Nagpapatawa rin Seryoso at di marunong magpatawa


Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina o Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda
mismong pelikula

Mahalaga ang pagsasagawa ng panunuri pagkatapos ng panonood ng pelikula dahil sa maraming dapat
isaalang-alang dito gaya ng manonood, layunin, at mensahe.
Sa pamamagitan din ng panunuri, mapapahusay pa ng director ang mga susunod pa nilang proyekto sa tulong
ng mga negatibong aspektong makikita sa kanilang ginawang pelikula at sa mga rekomendasyong ilalahad ng
matalinong manonood at manunuri.

MGA ELEMENTO NG PELIKULA

SEQUENCE SCRIPT
 Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinapamalas nito ang tunay
na layunin ng buong pelikula.
 Ito ang ginagampanan o isinasabuhay ng mga artista sa tulong ng direktor. Epektibo ang pagganap kung
matagumpay na nagawa ng artistang mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kaniyang inilalarawan,
malinaw ang motibong nagpapakilos sa tauhan, at nauunawaan ang mga ugnayang personal at sosyal na
tauhan.

SINEMATOGRAPIYA
 Ito ay ang pagkuha sa wastong anggulo ng kamera sa mga eksena o mismong lugar upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng camera.
 Ang sinematograpiya ay epektibo kung matagumpay na naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng
angkop na pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang kaugnay na teknik ng kamera.

TUNOG AT MUSIKA
 Ito ay ang pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood sa pamamagitan ng tunog at musika. Tandaang ang
kawalan ng tunog ay tunog din mismo.
 Ang tunog sa pelikula ay epektibo kung naisalin itong buhay na buhay sa diyalogo, musika, epektibong tunog
at katahimikan, at ang mga ito ay naisasaayos sa malikhain at piang-iisipang paraan.
 Epektibo ang musika ng pelikula kung pinapalitaw nito ang kahulugan, pinapatingkad ang kapaligiran at
damdamin, nakakatulong sa pagtiyak sa katayuan, at inaanyuan ang ritmo at daloy ng buong pelikula.

PANANALIKSIK O RISERTS
 Ito ay isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay
naihaharap nang mahusay, mabusisi, at makatotohan ang mga detalye ng palabas.
 Makikita sa sinop ng mga mananaliksik ang pagiging natural at realistiko ng mga palabas na dokumentaryo.
Kitang-kitang sasablay ang mga eksenang hindi dumaan sa kritikal at matiyagang pag-aaral, pagmamasid, at
pagsasakatuparan kung ito ay sa paraang dokumentaryo.

DISENYONG PAMPRODUKSIYON
 Ito ay pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad
ng biswal na pagkukuwento. Ito ay ang biswal na presentasyon at representasyon ng buong pelikulang pinag-
gugugulan ng malaking gastos.
 Ang disenyong pamproduksiyon ay epektibo kapag naisakatuparan sa paraang malikhain ang pook, tagpuan,
make-up, kasuotan at mga kagamitan na nagpapalitaw sa panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ang
realidad sa dulang pampelikula.

PAGDIDIRIHE
 Ito ay ang pamaraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. Ito
ay ang interpretasyon ng director sa nakasulat na iskrip.
 Ang pagdidirihe ay epektibo kung matagumpay ang director sa pagbibigay-tuon sa detalye sa dulang
pampelikula at nagawa niyang ipabatid ang kaniyang pagkakaunawa sa material sa pamamagitan ng
mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula.

PAG-EEDIT
 Ito ay ang pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga negatibong mula sa mga eksenang nakunan na, at
pagtatanggal sa mga eksenang hindi kailangan sa pelikula. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang
tayain kung alin ang hindi nararapat isama ngunit hindi makaapekto sa kabuong istorya ng pelikula dahil may
laang oras at panahon nga ito.
 Ang editing ay epektibo malikhaing pinakitid ng oras, kalawakan at galaw upang mapalutang ang anumang
nais ipahayag ng director. Ibig sabihin, hindi mapupuna ng manonood maging kaliit-liitang pagkakamali at
tila halos perpekto ang pagkakaakda ng buong pelikula.
Brillante Mendoza
Wika nga sa isang pakikipanayam kay Brillante Mendoza, “para sa isang direktor, kailangan ay alam niyang
gawin ang lahat ng elementong nabanggit. Samakatwid, ang director ay parang Captain of the Ship, kailangan alam
niya kung paano papaandarin ang barko dahil kung hindi ay malulunod ang mga nakasakay sa barko”.
Mahusay na maituturing ang nilalaman ng isang pelikula kung naglalarawan ito sa kalagayan ng tao mula sa
pananaw ng manonood at kung ito ay tumatalakay sa makahulugang karanasan, na higit pa sa karanasan ng mga
manonood. Maituturing na masining ang pamamaraan ng isang pelikula kung nagamit ng director at nagsanib nang
malikhain ang iba’t ibang elemento ng isang ganap at buong pelikula.

PAGSUSURI NG PELIKULA BATAY SA ASPETO O DIMENSYON


1. Panlipunan/ Sosyolohikal
 Pagsusuri sa dinanas ng tauhan sa lugar na kinabibilangan at sa nakakasalamuha na sumasalamin sa
tunay na pangyayari sa lipunan.
2. Pangkaisipan/ Sikolohikal
 Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o mensahe hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
3. Kalagayang pang- ekonomiya
 Pagsusuri sa kalagayan at kabuhayan ng tauhan sa pelikula.
4. Pansarili/ Personalisasyon
 Pagsusuri sa napanuod batay sa kaugnayan nito sa sarili o personal na karanasan at kalagayan sa
buhay.
5. Pangkasaysayan/ Historikal
 Pagsusuri sa kaugnayan na nakalipas na pangyayari o sa kasaysayan.

IBA’T-IBANG PANGUNAHING ISYU NG PELIKULANG PANLIPUNAN

1. Kahirapan
Pagkarami-rami ang mukha ng kahirapan na maaring isiwalat sa isang pelikula gaya ng
gutom, kawalan ng trabaho, walang sariling bahay na matitirahan, walang makain, hindi sapat na
sweldo, pabenta ng sariling laman at organ, hindi makapagpagamot sa may sakit, sira-sirang bubong,
mabahong lugar, iskwater,walang koryente at tubig, nakatira sa bundok ng basura, at marami pang
iba.
2. Diaspora
Usapin ito ng pangingibang-bayan, ang buhay ng mga OFW, ang kanilangpakikipagsapalaran
sa ibang bansa, ang sapilitang pagtatrabaho nang malayo at hindi kasama ang pamilya, ang mga
patagong trabaho, ang pangmomolestiya ng mga dayuhan sa mga Filipino, ang kwento ng pagtataksil
ng mga may asawa at kasintahang naiwan, ang pangangarap ng marangal at maiwan na buhay sa
ibang bansa, at marami pang iba.
3. Politika
Maaring uminog ang pelikula sa diskurso ng mga isyu sa pamamahalaan, mga kontrobersyal na batas,
mga hidwaan ng mga politico, debate sa mga isyu ng bayan, mga adbokasiyang panlipunan, mga isinusulong
na patakaran, buhay ng mga nagseserbisyong publiko, katiwalian gobyerno,korupsyon, pandarambong,
pagkakanulo sa tiwala ng bayan, isyu sa mga teritorya, at marami pang iba.
4. Ekonomiya
Maaring maging sentral na tema ang kalagayang ekonomiko ng isang lugar, ang mga patakaran sa
kalakalan o negosyo, ang mga diplomasya sa pakikipag-ugnayang pandaigdig, mga uri ng mga bilihin,
pagtaas ng presyo, ang gasoline,transportasyon, trapiko, ang usapin ng pera, stocks, merkado, online selling,
networking, pyramiding, scam sap era, tubo, puhunan, budol-bidol, pagbabangko, money laundering, train
law, buwis, usapin ng dolyar laban sa peso, at marami pang iba.
5. Kasarian
Pagsasambulat sa ating kalagayan ng isang particular na kasarian, usapin ng gender, patriyarka,
dominasyon ng isang uri uri batay sa kasarian, LGBTQ+, ang posisyon ng babae at lalaki sa isang lipunan,
gender roles, pagkahon, isteryotipo, mga bias, mga dicnum sa isang lipunan sa dapat o hindi dapat gawin ng
isang babae o lalaki, ang akkayahan ng isang tao, ang pagsasaalang-alang sa tungkulin ginampanan, ang pag-
iyak ng isang lalaki, ang pagiging malumanay, maskulado, at marami pang iba.
6. Prostitusyon
Mas binibigyan ng masuring detalye at pananaliksik ang buhay sa gabi, ang mga magigising sa
madaling-araw, ang talampak na pagbebenta ng sariling katawan, pagiging puta,husto, macho dancer, GRO,
service espakol, pagmamasahe, human trafficking, sapilitang pakikipagtalik, at marami pang iba.
7. Sector-Manggagawa
Binibigayang espasyo nito ang mga trabahador, magsasaka, mangingisda, Timananahi, obrebro,
construction, worker, endo, pagiging contractual, labor day, sweldo, kinsenas, batas sa paggawa, overtime,
under time, excess work, compensation, at marami pang iba.
8. Edukasyon
Binibigyan priyoridad nito ang kalagayan ng mga guro, ang mga patakarang pangwika, ang kolonyal
na mentalidad, ang globalisasyon, MTB-MLE, mga kurikulum, mga priyoridad ng DepEd, at Ched,
pagkamabayan sa usapin ng mga polisya, ang hamon ng intersyonalisasyon, lokalisasyon at marami pang iba.
9. Relihiyon
Tinutumbok naman nito ang mga hidwaang pananampalataya, ang tungkol sa mga paniniwala, mga
prusisyon, imahen ang mga doktrina sa simbahan, kalagayan ng mga pari, at mga madre, ang paraan ng
paniniwala sa Diyos, panata, pagiging deboto, ang tunay na relihiyon, paniniwala sa ikalawang buhay, mga
panununtunan o utos ng simbahan, pinanghahawakang panuto, Bibliya, pangalan ng Diyos, mga sumpa-
sumpa, at marami pang iba.
10. Teknolohiya
Binibigayang pansin nito ang aplikasyon ng Siyensiya, ang desbentaha at bentaha ng isang bagong
imbensiyon, mga gadget, online teaching, blended learning, robotics, interner, animation, ang buhay sa
hinaharap, bagong planeta, mga bituin, buwan, araw, kalawakan,santinakpan at marami pang iba.

PANONOOD BILANG KRITIKA


Ano ang palabas? Bakit nga ba palabas at hindi paloob? Ano ang pinapanood? May paloob ba sa ginagawang
panonood? Balikan na muna natin ang makrong kasanayang pangwika.
Pakikinig
Binigyan ng Diyos ang tao ng dalawang tainga sapagkat alam niyang mas makinig kaysa magsalita. May
tatlong proseso ang pakikinig:
1. Pagtanggap (resepsiyon),
2. Pagkilala (rekognisyon), at
3. Pagpapakahulugan (komprehensiyon) sa mga tunog.
Pagsasalita
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Pagsasalita ang pinakanangungunang kinakatakutan ng tao,
ikalawa sa kamatayan. May tatlong elemento makapagsalita ang isang tao:
1. Enerhiya (ang puwersa mula sa baga),
2. Artikulador (ang kumakalatal na bagay sa ating lalamunan), at
3. Resonador (ang nilalabasan ng tunog gaya ng ilong at bibig).
Pagbasa
May pag-asa sa pagbabasa. Pagbasa ang isa sa sekreto ng pinakamatatalinong tao apat na prosesong
nagaganap sa pagbabasa:
1. Persepsiyon (pagkilala sa mga simbolo)
2. Komprehensiyon (pag-unawa sa mga simbolo),
3. Reaksiyon (paggamit at/o paglalapat sa mga simbolo), at
4. Integrasyon (pag-uugnay ng dati at bagong alam kaugnay sa simbolo).
Pagsusulat
Mas matalas ang panulat kaysa sa tabak. Isa sa sukatan ng talino ng isang tao ang kaniyang kahusayan sa
pagsusulat, kapuwa sa estilo at nilalaman. May tatlong hakbang namang nangyayari kapag nagsusulat ang isang
pananaliksik),
1. Bago (pagpaplano, pag-iisip ng paksa),
2. Aktuwal (pansamantalang pagsulat), at
3. Pagkatapos sumulat (pagrerebisa, pag-cedit, paglalathala).
Panonood
Ang panonood ay isang bagong makrong kasanayang pangwika sapagkat tinatanggap natin ang katotohanan at
realidad na natututo tayo sa proseso ng pagsasagawa nito. Mulaan, hanguan at/o imbakan ito ng karunungan. Hindi na
lamang tayo natututo sa pakikinig. pagsasalita, pagbabasa at/o pagsusulat. Bulto ang impormasyong nalalaman at
natutuklasan natin sa tulong ng panonood. Simbilis ng kidlat ang nasasagap nating mga kaalaman at detalye sa
pamamagitan ng pagtunghay sa iba't ibang uri ng palabas. At hamak na nakakalibang at pangangailangan ang
panonood sa pananaluktok ng teknolohiya. Kumbaga, ito na ang uso o trend sa kasalukuyang panahon at henerasyon.
Maiiwan ka sa pansitan o pupulutin ka sa kangkungan kapag hindi ka nanonood na maaaring makita sa telebisyon,
sinchan, YouTube, at iba't ibang mukha ng social media.
Kung bibigyang pagsusuring pangwika ang panonood, maaari itong maging pangngalan, pandiwa, o
pangngalang diwa depende sa paggamit ng konteksto at pangungusap. Kung ito ay pamagat bilang makrong
kasanayang pangwika, ito ay pangngalan At kung gagamitin naman ito sa pangungusap bilang lehitimong aksiyong
may aspekto, ito ay pandiwa. At kung ang gamit nito ay kombinasyon ng pangngalan at pandiwa ay mailuluwal ang
pangngalang-diwa
Nood (hindi nuod) ang salitang ugat ng panonood. May unlapi itong "pa," at nagkaroon naman ng reduplikasyon
(nono) bilang pagbabagong morpoponemiko. Hindi laging maaari sa kontekstong Filipino ang "panood." Kung
pawatas o nag-uutos ay maaari ang "panood." Subalit bilang pamagat at aksiyon, kailangan ito ay may reduplikasyon
sapagkat ito ang kalikasan ng wikang Filipino sa pangkalahatan.
Narito ang proseso sa isang panonood:
1. Proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording, at iba pang visual media upang magkaroon ng
pag-unawa sa mensahe o ideyang nais iparating nito.
2 Ito ay pagbasa sa mga gumagalaw na imahen batay sa pinananaligang dulog, teorya, pamantayan, o ano pa mang
kahingian o lente ng pagsusuri.
3. Ito ay pagpapasiya o paghatol sa kalakasan o kahinaan, positibo o negatibong aspekto ng isang palabas na
tinutugaygayan o pinag-aaralan gamit ang mga pruweba at paliwanag.
4. Pag-aaral sa mga palabas sa tulong ng sariling danas, pandama, persepsiyon, panghuhusga, at preperensiya sa anyo
ng kritika.
Panonood
Ang panonood ay itinuturing na integratibong makrokasanayan ng iba't-ibang kasanayang pangwika.
Nagsasalikop, nag-uugnay, at nag-aagpang ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat sa proseso ng
panonood. May audio ang panood kaya nagaganap ang pakikinig. Maaaring pag-usapan ang mga pinapanood kaya
may nagaganap na pagsasalita at talagang may nagsasalita sa mismong mga napapanood. May pagbabasa sa panonood
bilang tagapagtangkilik nito ay kailangang may makita kang kalakasan at/o hamon proseso nito. May literal ding
subtitle ang ibang palabas lalo na sa dubbing at adaptasyon kaya nagaganap ang pagbabasa.
Sa madaling sabi, ang panonood ay ang proseso ng pagbasa, pagkatha, at pag-unawa sa mensahe o kaisipan
mula sa palabas. Dapat idiing mensahe o kaisipan ang nakukuha sa mga pinapanood at/o napapanood at HINDI aral.
Mahalagang-mahalaga ang tunog, musika, at kawalan mismo ng tunog upang madama ang buong pelikula o palabas.
Mawawalang saysay ang panonood kapag may diperensiya o problema ang audio nito unless kinakailangan sa
pelikula gaya ng "A Quiet Place." Biswal din ang pelikula kaya mahalagang-mahalaga ang mga nakikita o gumagalaw
na imahen. Kaya kailangan ng ilaw upang makita ang nasa dilim. Walang pelikulang puro lamang dilim unless
kailangan ito sa eksena ng "Lights Out."
Sa pangkalahatan ay may iba't ibang uri ng palabas na napapanood gaya ng tanghalan o teatro, pelikula,
programa sa telebisyon, YouTube at internet video. May mga maliit pa itong kategorya o genre.
Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang-uri. Nagkakaiba iba ang mga ito dahil
sa sentral na kuwento, emosyong ipinadarama, at mga kaisipang pinapairal sa bawat palabas.

IBA’IBANG GENRE NG PELIKULA

1. ROMANSA/PAG-IBIG
Ito na marahil ang pinakasikat na genre sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas. Ang genre na ito ay nakatuon sa
kuwentong pag-iibigan, iba’t ibang emosyon dulot ng pagmamahal, at ugnayang romantiko at erotiko ng mga karakter
sa isa’t isa. Karamihan sa mga pelikulang romance ay tungkol sa pakikibaka ng dalawang nag-iibigan na karaniwang
hinahadlangan ng problema sa pera, pagkakaiba ng estado sa buhay, kapansanan, pagtutol ng pamilya, at iba pa.
Punong-puno ito ng kultura ng kilig at pangangarap na makakatagpo rin ng totoong pag-ibig ang sinuman.
Ang mga temang tinatalakay sa romance ay unrequited love, love at first sight, spiritual love, destructive love,
true love. Ito rin ay genre na naglalayong makatakas ang manonood sa pantasyang ang bida ay nakakaalpas sa mga
problema.
Sa Filipino, ito ang pinaksikat na tema na kadalasang hindi mawawala ang konsepto ng love triangle o kaya
naman ay kabit. Ilang mga halimbawa nito ay “Pangako Ikaw Lang (2002),” “Forevermore (2002),” “Minsan Minahal
Kita (2000),” at iba pa. Ito ang mga pelikulang nagluluwal ng mga tambalang minamahal at dinumog ng sambayanan.

2. KOMEDYA
Naglalayong manlibang at magpatawa ng manonood at kadalasan na ginagawa ang mga pelikulang ito upang
makapag-aliw sa tao at magdala ng kasiyahan sa kanila. Makikita ang mga katangian ng isang komedyang Filipino sa
mga sitwasyon at pangyayari kaya mapapansin sa mga lumang komedyang Filipino ang uri na Slapstick (pagpapatawa
mula sa pisikal na pangyayari) kaya madalas mapapanood sa mga pelikulang itong may madadapa, mahuhulog,
madudulas, mababatukan, mabubulunan, at iba pa katulad sa mga pelikula nina Dolphy, Panchito, Rene Requiestas,
Roderick Paulate, Tito, Vic and Joey, at iba pa. May mga pelikula rin sa unang bahagi ng bagong siglo na sumusunod
sa slapstick na pagpapatawa gaya ng “Basta Ikaw Nanginginig Pa” na pinagbidahan ni Vic Sotto.
Dahil na rin sa pagsulpot ng mga bagong komedyante sa industriya, nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng
pagpapatawa sa pelikulang Pinoy. Ang mga komedya sa panahong ito ay nakabatay na sa sitwasyon, humor at wit sa
bawat diyalogo ng mga tauhan. Binawasan na ng mga pelikulang ang slapstick sa kanilang naratibo.
Karamihan sa mga ito ay ipinalabas sa unang bahagi ng 2000’s. Pagpasok ng 2010, nagkaroon ng panibagong
uri ng komedya sa pelikulang Pinoy na ang pinaka naging katangian naman ay ang pagpapatawa gamit ang
pamimilosopo at panlalait. Kaugnay na rin ito sa pagsikat ng mga gay comedy bar at sa pamamayagpag ng kilalang
komedyante na si Vice Ganda.

3. MUSIKAL
Ito ang isa sa mga genre ng pelikulang nagsisimula na ring umusbong sa Filipino, tinatawag rin itong “dance
films.” Pinag-ugat nito ang mga katutubong sarsuwela, bodabil, opera, at iba pa. Sa genre na ito, may pagtatanghal ng
mga awitin at sayaw bilang pangunahing naratibo ng kuwento. Makikita rin dito ang katangian ng pagtakas
katotohanan ng mga pelikulang musical dahil kadalasan na sinisingit ang mga kanta at sayaw bilang pahinga ng
manonood sa hindi kanais-nais na katotohanang may temang pag-ibig, katanyagan, tagumpay at karangyaan. Ang
genre na ito ang – uugat mula sa stage musical, opera, cabaret, at iba pa. Isa sa mga makabagong halimbawa ng genre
na ito ay “Ang Larawan,” “Emir,” “Deadma Walking,” “Miss Granny,” “Kaputol ng Isang Awit,” “Bituing Walang
Ningnig,” at iba pa.

4. ADVENTURE/PAKIKIPAGSAPALARAN
Kadalasan ang genre na ito ay nagiging katambal ng aksiyon dahil sa mga parehong elementong inilalapat sa
dalawang genre, kaya “action-adventure” din ang tinatawag dito. Binubuo rin ng maaksiyon na karanasan ang
karamihan sa mga eksena rito subalit ang pagkakaiba nito sa aksiyon ay hindi ito nakapokus sa mga bayolenteng tagpo
at pakikipaglaban sapagkat ang adventure ay may temang pakikipagsapalaran, bida paglalakbay, pagwawagi, at
walang hanggang pakikipagbuno at paghihirap.

5. AKSIYON
Masasabi na ang pelikula sa ilalim ng aksiyon ay binubuo ng patuloy na daloy ng enerhiya, mabilis na camera
cuts, stunts, at mga aktibidad na nangangailangan ng puspusang choreography. Ayon pa rin sa pag-aaral nina Alberto,
et. Al. (2008), naitampok sa taong 1990 -99 ang genre ng aksiyon. Dagdag pa nila, “Masasabing ang action films ang
naging patok sa masa noong dekada ’90. Ang mga aktor tulad nina Fernando Poe, Jr., Bong Revilla, Jr., Philip
Salvador, Lito Lapid, Robin Padilla, Rudy Fernandez, Ronnie Ricketts, at iba pa ang nangibabaw sa takilya. Ang tema
ay tungkol sa aksiyon, labanan, masasamang tao, bida at kontrabida, gobyernong korap, at malalaking sindikato.” Ang
dekadang ito ay naayon sa amga konsepto mula sa naunang mga pelikulang aksiyon nina Fernando Poe Jr., Paquito
Diaz at iba pa. Kadalasang nagreresulta ito sa piniling landas ng bida o kaya naman ang naidudulot sa tauhan ng labis
na pagnanais na makapaghiganti. Tinatawag din itong pelikulang bakbakan. Ang pelikulang aksiyon sa Filipino ay
mahihimay sa sumusunod na tagpo: pagsabog (kadalasan matapos ang habulan gamit ang mga lumang kotse),
engkuwentro sa beerhouse, leather jacket ng goons, owner-type jeep ng bida, huling pagdating ng mga pulis, big boss
na laging huling mamamatay, suntukan sa bilyaran, panggagahasa, suntukan, umbagan, at sapakan.

6. MISTERYO
Karaniwang kathang-isip at ang madalas na karakter dito ay isang detective o propesyonal na tagalutas ng kaso
o krimeng kinakasangkutan ng isang tauhan. Ang pangunahing layunin ng genre na ito ay ituon ang mga manonood sa
kuwentong punong puno ng misteryo o palaisipan.
Ang daloy ng kuwento ay madalas na nagsisimula sa isang krimen, na hahantong sa pagpatay na agad namang
susundan ng paglutas ng bias sa kaso. Hindi rin mawawala ang mga hindi inaasahang rebelasyon. Ang “DeteKids” ay
isang tv series na maihahanay sa magandang halimbawa ng genre na ito. Pinakasikat na halimbawa nito ay ang
kartung palabas na “Detective Conan.”

7. KRIMEN
Ito ang genre ng pelikulang Filipino na nakatuon sa illegal na gawain ng mga gang o criminal na kadalasang
magnanakaw o mamamatay tao. Umiikot sa mga kriminal na karakter at sa kanilang buhay, pamamayagpag, at
pagbagsak ang madalas na tagpo nito. Ginagawa ring pokus ang buhay ng totoong mga naitalang criminal bilang
basehan ng naratibo ng kuwento upang ipakita sa manonood ang mundo ng krimen. Ang tipikal na katangian at
sangkap na mayroon dito ay pera, kapangyarihan, rape, kahirapan, at patayan. Maihahanay ritong halimbawaang indie
film na “Mondo Manila” na ginampanan ng mga ordinaryong kabataan sa bansa na nalulong sa iba’t ibang bisyo at
paggawa ng krimen bunga ng kanilang masalimuot na estado sa buhay. Maaaring pumasok din ditto ang mga
pelikulang kaugnay sa masaker.

8. DRAMA
Ang drama ay genre ng pelikulang may kuwentong seryoso at makatotohanan ang mga karakter at bawat
pangyayari ditto. Sa ganitong pelikula matutunghayan ang mga suliranin laban sa sarili sa ibang karakter o maging sa
kapaligiran. Ito ay nakatuon sa pakikibaka ng mga tauhan na maaaring dulot ng pagkalulong sa droga, kahirapan, mga
napapanahong isyu, korupsiyon, pang-aapi, pamilya, at pag-ibig. Ang pinakalayunin ng drama ay ibaling ang atensyon
ng manonood sa mga naturang isyu gamit ng mga karakter sa pelikula. Bagbag ng luha, samplalan, sabunutan, at
talakan madalas laman ng pelikulang ito. Ito ang pamagat ng mga halimbawa ng palabas sa ilalim ng drama: “Iska”

9. PANTASYA/FANTASY
Mga Karaniwang tungkol sa makapangyarihang puwersa, mahika at dinadala nito ang mga manonood sa isang
kathang-isip na mundo na lahat ay possible. Kadalasan ang bida ay daraan sa hindi pangkaraniwang pagsubok na
kakailanganin niya ang tulong ng isang makapangyarihang tao (minsan ito ay isang matanda, diwata, ermitanyo o
kaya engkanto).
Karamihan sa mga pelikulang pantasya ay gumagamit ng ilan sa sumusunod na mga element:
makapangyarihang espada, dragon, mahiwagang reliko, kaharian, pagtataksil at pagkakaibigan. Ito ang pelikulang
may mga kidlat na lumalabas sa mata, may apoy ang hininga, nakakalipad, nagiging imbisibol, may magic ang
pamaypay, may awra sa kamay, may laser sa orasyon ng kuko, at samot – sari pa. ilan sa halimbawa nito ang
pelikulang “Magic Temple,” “Magic Kingdom,” at “Spirit Warriors” at marami pang iba. Mahahalata na ang mga
pelikulang ito ay gumamit ng mga karakter ng isang prinsesa, diwata, anghel, nuno, salamangkero, aswang,
karaniwang tao, at mga dwende.

10.KATATAKUTAN
Matagal na rin ang genre ng horror sa Filipino at masasabing isa ito sa mga genre na may malaking pagbabago
sa pagdaan ng panahon. Ang layunin ng mga pelikulang ito ang makapaghatid ng takot at pagkabalisa sa manonood.
Karamihan sa mga kuwentong katatakutan ay hindi nalalayo sa kung ano ang sikat sa Hollywood kaya naman nang
nauso ang Universal Monsters noon ay naging prolipiko rin ang mga pelikula tungkol sa mga bampira, aswang,
tikbalang, at iba pa. nang sumikat ang Child’s Play ay nagkaroon din ng Chaka Doll ang Filipinas. Hindi rin nakaligtas
ang Psycho ni Alfred Hitchcock dahil nagkaroon din tayo ng bersiyon nito na pinagbidahan nina Herbert Bautista at
Lea Salonga. Ito ang uri ng pelikulang papatayin ka sa sindak, bubulagain ka sa eksena,mapapasigaw ka sa takot,
mapapapiring ka sa susunod na eksena, at kakabahan ka sa mga mangyayari sa bida. Ayon sa tanyag na manunulat na
si Stephen King, may tatlong uri ng takot na naghahari sa isang tao.

 Ang una ay takot na nararamdaman, ito ay buhat sa nagbabadyang panganib na dala ng hindi nakikitang
kaaway, sikolohiko ito at ayon kay King, ito ang pinakamsidhing uri ng takot. Sa pelikulang Filipino, hindi
gaanong natutunghayan ang ganitong uri ng takot dahil sa pagiging sanay natin sa visual cues.
 Ang pangalawang uri naman ng takot ay bunga ng gulat, masasabing hindi to kasintindi ng nararamdaman
dahil ay maituturing na hindi permanenteng pagkatakot at panandalian lamang. Karaniwang ito ang ginagamit
sa mga pelikulang Filipino pang iba. Katulad ng “Feng Sui,” “T2,” “Patayin sa Sindak si Barbara,” at marami
pang iba.
 Ang pangatlong uri namn ng takot ayon kay King ay pandidiri, ito ang takot na dala ng pandidiri sa nakikita
sa pelikula. Madali itong nagagawa o nalilikha sa Production set. Isa sa mga halimbawa nito ay nag eksena sa
“Magandang Hatinggabi” na nagbabagong anyo ang tagapagsalaysay bilang isang halimaw.Kadalasan ang
tema ng mga kuwentong katatakutan sa Filipino Cinema ay tungkol sa mga multo, aswang, engkanto,
demomdyo, sanib, tikbalang, tiktik, pugot na ulo, white lady at masasamang espiritu.

11. SCIENCE FICTION


Sa genre na ito masasaksihan ang malawak na imahinasyon na makikita sa set, special effects, at
nakakamanghang teknolohiya. May pagkakatulad ito sa fantasy ngunit ang Sci Fi kinakailangan ng pag -unawa sa
mga siyentipikong konsepto tulad ng parallel universe, genetic engineering, space travel, time machine, at iba pa.
Madalas na ang kuwento nito ay iikot sa kung paano naaapektuhan ng Siyensya ang buhay ng bida maging positibo o
negatibo ba ito. Halibawa rito ang pelikulang kalahok sa Cinemalaya Film Festival na “Ani (2019),” bibihira pang
tahakin ito sa mga pelikulang Filipino sapagkat magastos ang mga palabas na ito. Ang isang kongkretong halimbawa
nito ay “Resiklo.”

12. ANIMASYON (Animation)


Kaiba sa lahat ng nabanggit na genre, ang uri na ito ay kakakitaan ng mas mabusising proseso, dubbing at set
– up. Mula sa larawang iginuhit ng mga tinatawag na animator, nagkakaroon ng hininga ang mga walang buhay na
karakter at ito rin ay nagtataglay ng kapana-panabik na mga adventure o mahikang taspo sapagkat iba’t ibang mundo
na bunga ng malikhaing kaisipan ng mga animator at illustrator ang nagiging tagpo sa genre na ito. Masasabing ito
ang pinakaangkop na genre ng palabas na maaaring panoorin ng mga bata at maging ng kahit sino man. Isang
halimbawa ng sikat na animasyon sa bansa ay ang 3D Computer-animated adventure film na ipinalabas ng Star
Cinema na pinagatang “RPG Metanoia (2010).” Gaya ng mga pelikulang nangangailangan ng malaking gastos sa
pagbubuo nito ay iniiwasan din ito. Tandaang ang paggawa ng pelikula ay usapin din ng puhunan at kita una sa lahat.

13. BOMBA
Nag-aapoy, pumuputok, sumasabog, at punong-puno ng tagpong sensuwal at seksuwal ang pelikulang ito.
Dito masasaksihan ang hubo, hubad at lantad na katawan ng mga tauhang lalaki sa babae, babae sa babae, lalaki sa
lalaki na nasa akto ng pagtatalik na madalas ay bunga ng masidhing damdaming pagmamahalan, libog, kuryosidad,
pagbebenta ng laman, pangangaliwa at panggagahasa. Ito ang pelikulang nagpapakita ng titi, puke, suso, puwet,
laplapan at iba pang kalibog – libog na tagpo. Ayon sa Philippine Cultured Education, mula sa Espanol ang salitang
bomba na para sa mga Pilipino ito ay mekanismo ng poso para mapaakyat ang tubig mula sa balon nito sa ilalim ng
lupa. Taong 1960-90, nauso sa Pilipinas ang mga pelikulang bomba o erotiko. Layunin nitong buhayin ang libido ng
mga manonood.
Tinalakay sa isang online flatform mula sa FEU Advocate sa kanilang artikulong “BOMBA: Anyo ng
Kalaswaan o Sining?” na sa pagsulpot ng ‘bomba’ ay siya ring pagbulwak ng magkakaibang pananaw. Hindi
maikakaila na kung gugustuhing panoorin ang mga temang nag-uudyok sa mapang-akit na mga eksena, hindi maaalis
sa isipan ng ilan na ‘kabastusan’ ng dulot nito at mayroon din namang tingin ditto ay ‘mapangahas na sining.’ Sa
panahon na ito, sumikat ang mga artistang kalaunang nakilala sa larangan ng paghuhubad gaya nina Rosanna Roces,
Ina Raymundo, Joyce Jimenez, Ara Mina, Maui Taylor, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Alma Moreno, Lorna
Tolentino, Gina Alajar, Cherie Gel, Lito George Estregan, Carlos Morales at marami pang iba.

14. HISTORIKAL (Historical)


Historical naman ang genre ng mga pelikula na tumatalakay sa mga makasaysayang pangyayari at gumagamit
ng mga magarbong sets, damit at eksena. Karamihan sa pelikulang Filipino nasa ilalim ng historical na genre ay
kadalasang tungkol sa totoong tao at pangyayaring nakasalaysay at nakabatay sa awtobiyograpiya, biyograpiya o
memoirs. Ang mga kapansin pansin na katanggian ng mga pelikulang ito ay sopistikadong mga set on – location ang
shooting, makatotohanan at tama sa panahon ang costume, political na diskurso, at minsan bulgra ang eskrip.
Pinagkakagastusan nang husto ang kasuotan at sinematograpiya ng pelikulang ito.

You might also like