You are on page 1of 9

SINESOSYEDAD

II- BS Psychology
SINE-SOSYEDAD
 Mga Teorya sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan
 Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan
 Pagsulat ng Komparatibong Rebyung Pampelikula

* Ang SINESOS ay maaaring gumamit ng dulog na batay sa paksa (thematic) o


kaya’y batay sa panahon
Sine-Sosyedad (SINESOS)
Mga Teorya sa pagsusuri ng pelikulang Panlipunan:
 Marxismo
 Realismo
 Formalismo
 Feminismo
Marxismo
 Ano- ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
 Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
 Sino ang nang-api at inapi; nagsamantala at pinagsamantalahan?
 Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi,
ang nag samantala o pinagsamantalahan?
 Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyaong mapagsamantala ang mga karakter?
 Paano nagsamantala sa iba ang karakter?
 Aling uri ang nag tagumpay sa huli?
Realismo
 Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
 Matapat baa ito o subersibo sa realidad?
 Paano ito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” and realidad?
 Dulog 1: Realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari
(parang totoo, pwedeng totoo)
 Dulog 2: Realismo = totoo ang nirereprodyus na imhe sa kamera
(realistiko, makatotohanan ang pagsasalamun o paglalarawan sa realidad)
Formalismo
 Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ ilaw, tunog/ soundtrack, presentsyon
ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena,
editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
 Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin), ang
liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot
composition), editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
 Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na element?
Feminismo
 Sino-sino o anu anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng
babaeng karakter?
 Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kantrabida ang nang-api
o inapi, ang nagsamantala o pinag samantalhan?
 Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng
karakter?
 Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
 Pano sila nag paalipin sa sistemang patyarkal?
 Mapagppalaya ba sa aspektong pangkasarin ang pelikula?
Sine-Sosyedad (SINESOS)
Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan:
 Karakterisasyon/ Mga Tauhan (Sinu-sino ang mga karakter?; Anu-ano ang positibo
at negatibo nilang katangian?)
 Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod (Ano ang Pokus ng salaysay at tunggalian?
Paano ito nalutas o nanatiling walang kalutusan? Ano ang kinahinatnan ng mga
Pangunahing karakter?
 Sinematograpiya (Formalistikong pagsipat: maaring magpokus sa isa o dalawang
elemento)
 Panlipunang Nilalaman/Social Content ng Pelikula (Marxista, Feminista, o
Realistang pagsipat)
MARAMING SALAMAT!!

You might also like