You are on page 1of 70

SINESOSYEDAD (SINESOS)

David Michael M. San Juan


Pangulo, PSLLF
Convenor, TANGGOL WIKA
Associate Professor, De La Salle University-Manila
Framework ng
SINESOSYEDAD/SINESOS
• F i l i p i n o b i l a n g m i d y u m n g a d b o ka s i n g
panlipunan
• Filipino bilang wika ng midyang popular at
mga kilusang panlipunan
• Pelikula bilang interesanteng materyal na
panturo at daluyan ng kulturang popular
• Pelikula bilang paraan ng pag-unawa sa iba’t
ibang perspektiba, kultura at lipunan
Depinisyon ng Termino
• Adbokasing panlipunan (social advocacy):
anumang positibong pagbabago na
itinataguyod ng mga mamamayan para sa
kapakanan ng nakararami sa lipunan
• Kilusang panlipunan (social movement): (mga)
pangkat ng mga mamamayan na nagtataguyod
ng positibong pagbabago para sa kapakanan
ng nakararami sa lipunan
Filipino: Wika ng Mayorya
Filipino: Wika ng Midyang Popular
• Ginagamit na ng buong bayan.
• Pangunahing wika na rin sa midya.
Filipino: Wika ng Mabulas na
Diskursong Panlipunan
• www.bayan.ph
• www.pinoyweekly.org
• http://altermidya.net/
• http://tudlaproductions.org/
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
• arkibongbayan.org
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
Filipino: Mabisang Midyum ng
Adbokasing Panlipunan
Mga Sangandaan ng Filipino at
Adbokasing Panlipunan
• Mga awit ng/sa protesta
• Tulansangan; tulagalag
• Posisyong papel, resolusyon, manipesto,
praymer ng mga kilusang panlipunan
• Teatrong panlansangan
• Mga pelikulang may kabuluhang panlipunan
(social relevance) at nagpapataas sa
kamalayang panlipunan (social consciousness)
Milenyal: Henerasyong Mas Biswal
• Maikli ang attention span lalo na sa lektura
• Ipinanganak sa panahong napapaligiran na sila
ng gadget atbp. (digital natives sila)
• (Medyo) tamad magbasa ng teksto
• KAYA, mabisang materyal na panturo sa kanila
ang mga pelikula
Konseptong 4L
• LABAS sa de-kahong preskripsyon ng DepEd
• LAGPAS sa tipikal na iniisip nating kaya ng mga
estudyante
• LUBOG sa realidad ng lipunang Pilipino
• L AYA a n g h a n a p p a ra s a s a r i l i , ka p wa ,
komunidad, at bayan
Mga Materyal na Panturo sa Pelikula
• Sound track
• Script
• Banghay/Naratibo
• Buod at/o Sinopsis
• Mga Eksena (Shot)/Larawan mula sa pelikula
• Movie poster
• Trailer
• Video clip ng eksena
• Movie review (na video rin)
Aktibidad Kaugnay ng Panonood ng
Pelikula
• Pagtatala ng talasalitaan mula sa pinanood
• Pagsusuri sa mga diyalogo
• Pagbubuod; paglikha ng sinopsis
• Pagsusuri sa movie poster
• Pagsusuri sa mga eksena
• Prediksyon batay sa trailer
• Pagsasadula ng ilang bahagi ng pinanood
• Pagsulat ng suring-pelikula/rebyu
• Paghahambing ng realidad at sining (pangyayari sa totoong
buhay at pelikula; real at reel)
• Panel discussion, forum etc. sa isyung panlipunan
• Paglikha ng music video ng soundtrack ng pinanood
Panel discussion, forum etc.
sa isyung panlipunan
• Kayo’y mga kasapi ng Kaunlaran para sa Bayan,
i s a n g N G O n a n a ka p o ku s s a p a g l u ta s n g
kahirapan sa mga komunidad sa probinsya.
Pagkatapos panoorin ng klase ang pelikulang
“Oro,” magsasagawa kayo ng panel discussion
hinggil sa mga suliraning kinakaharap ng mga
small-scale miner sa bansa (gaya ng
pagsasamantala ng mga “buyer”; korapsyon ng
ilang ahensya ng gobyerno, kahirapan atbp.).
Gagamitin ninyong lunsaran ng talakayan ang
ilang eksena sa pelikula. Ihahambing n’yo ang
mga eksena nito sa totoong buhay.
Paglikha ng Music Video
• Kayo’y mga music video producer para sa MTV
Philippines. Bilang pakikiisa sa Buwan ng Wika ay
naatasan kayong lumikha ng music video na
ipapalabas sa Agosto, tungkol sa Noli Me Tangere
a t E l F i l i b u s t e r i s m o . G a g a m i t i n n i ny o n g
soundtrack ang “Walang Hanggang Paalam” ni
Joey Ayala. Lalamnin ng music video ang isang
madamdamin ngunit may kamalayang
panlipunang overview hinggil sa mga nobela ni
Rizal. Maaari ninyong paghalawan ng inspirasyon
ang ilang eksena sa pelikulang “Jose Rizal” ni
Marilou Diaz-Abaya.
Pagsulat ng Komparatibong
Rebyu
• Kayo’y mga journalist na inimbitahan sa
premier screening ng pelikulang “Heneral Luna”
a t “ E l L i b e r t a d o r .” S u s u l a t k a y o n g
komparatibong rebyu gamit ang dulog na
Marxista at Formalista. Ang inyong rebyu ay di
dapat humigit ng 1,000 salita.
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• Panonood (PD): Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa
kahalagahan ng mga tauhan sa napanood na pelikula na may
temang katulad ng akdang tinalakay
• PD (kaugnay ng Pabula): Nailalarawan ang isang kakilala na
may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa napanood
na animation
• PD (kaugnay ng maikling kuwento): Nasusuri ang isang
dokyu-film o freeze story
• PD (kaugnay ng proyektong panturismo): Naibabahagi ang
isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa Youtube
o ibang website na maaaring magamit
• N O T E : H I N D I TA L A G A KO M P L E T O A N G D I WA N G
KOMPETENSI SA ITAAS…
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng epiko): Nasusuri ang isang
i n d i e f i l m n g Ka b i s aya a n b atay s a m ga
elemento nito
• PD (kaugnay ng maikling kuwento): Nasusuri
ang isang dokyu-film o freeze story batay sa
ibinigay na mga pamantayan
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Nasusuri ang nilalaman ng napanood na
dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na mga
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan
• PD (kaugnay ng sanaysay): Nasusuri ang mga
elemento at sosyo-historikal na konteksto ng
napanood na dulang pantelebisyon
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Nasusuri ang damdaming namamayani sa
mga tauhan sa pinanood na dulang
pantelebisyon/ pampelikula
• P D : N a i l a l a h a d a n g s a r i l i n g s a l o o b i n at
damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa
akdang tinalakay
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain
o kasabihan na ginamit sa napanood na pelikula
o programang pantelebisyon
• P D (ka u g n ay n g e p i ko ) : N a u u r i a n g m ga
pangyayaring may sanhi at bunga mula sa
napanood na video clip ng isang balita
• PD: Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik
mula sa video clip na napanood sa Youtube o
iba pang pahatid pangmadla
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Naiuugnay ang tema ng tinalakay na
panitikang popular sa temang tinatalakay sa
napanood na programang pantelebisyon o
video clip
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Nasusuri ang isang programang napanood
s a t e l e b i sy o n ay o n s a i t i n a kd a n g m ga
pamantayan
• Pagsulat (PU): Nagagamit sa pagsulat ng isang
dokumentaryong pantelebisyon ang mga
ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang
lohikal
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• Pag-unawa sa Binasa (PB): Nasusuri ang
napanood na pelikula batay sa: paksa/tema;
layon; gamit ng mga; salita; mga tauhan
• Paglinang ng Talasalitaan (PT): Nabibigyang-
kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
mundo ng pelikula
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa
mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na
pelikula
• Pagsasalita (PS): Naipaliliwanag ng pasulat ang mga
ko n t ra d i k sy o n s a n a p a n o o d n a p e l i k u l a s a
pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag
• PU: Nasusulat ang isang suring-pelikula batay sa
mga itinakdang pamantayan
• Wika at Gramatika (WG): Nagagamit ang
kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat
ng isang suring- pelikula
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang
isang music video na may temang katulad ng aralin
• PD: Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na
teleserye at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang
bahagi ng akda
• PD: Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na
maitutulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula
na may temang pag-ibig, gaya ng sa akda
• PD: Naibabahagi ang isang senaryo mula sa napanood na
teleserye, pelikula o balita na tumatalakay sa kasalukuyang
kalagayan ng bayan
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng maikling kuwento):
Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa
napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
• P D ( ka u g n ay n g n o b e l a ) : N a s u s u r i a n g
pinanood na teleseryeng Asyano batay sa
itinakdang pamantayan
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng maikling kuwento):
Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa
sa Silangang Asya batay sa napanood na
bahagi ng teleserye o pelikula
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Napaghahambing ang kalagayan ng lipunan
noon at ngayon batay sa sariling karanasan at sa
napapanood sa telebisyon at /o pelikula
• PD: Batay sa naririnig/ nababasa sa multimedia,
nailalahad ang mga hinaing ng mga piling tauhan na
siya ring hinaing ng mamamayan sa kasalukuyan
• PD: Naihahambing ang mga katangian ng isang ina
noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na
dulang pantelebisyon o pampelikula
• PD: Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na
naka-video clip
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng nobela): Nabubuo ang sariling
wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na
may paksang kaugnay ng binasa
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng mitolohiya): Nabibigyang-puna
ang napanood na video clip
• PD (kaugnay ng anekdota): Naibibigay ang
sari l i ng o p i nyo n t u n g ko l s a a n e kd o ta n g
napanood sa Youtube
• PD (kaugnay ng epiko): Nabibigyang-puna ang
napanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD (kaugnay ng sanaysay): Naibibigay ang
sariling reaksiyon sa pinanood na video na
hinango sa Youtube
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Nasusuri ang napanood na excerpt ng
isang isinapelikulang nobela
• PS (kaugnay ng nobela): Naitatanghal ang
iskrip ng nabuong puppet show
• WG (kaugnay ng nobela): Nagagamit ang
angkop na mga pang-ugnay sa
pagpapaliwanag sa panunuring pampelikula
nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga
talata
Ilang Kompetensi sa Panonood at
Mga Kaugnay na Kasanayan
• PD: Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring
napanood sa video clip ang pangyayari sa
panahon ng pagkakasulat ng akda
• PD: Naiuugnay ang kaisipang namayani sa
pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda
• PD: Naipaliliwanag ang pagkakatulad ng mga
pangyayari sa napanood na pelikula sa ilang
pangyayari sa nobela
• PD: Nasusuri ang aestetikong katangian ng
napanood na bahagi ng isinapelikulang nobela
Sine-Sosyedad (SINESOS)
• Mga Teorya sa Pagsusuri ng Pelikulang
Panlipunan
• Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng
Pelikulang Panlipunan
• Pagsulat ng Komparatibong Rebyung
Pampelikula
*Ang SINESOS ay maaaring gumamit ng dulog
na batay sa paksa (thematic) o kaya’y batay sa
panahon.
Sine-Sosyedad (SINESOS)
M g a Te o r y a s a Pa g s u s u r i n g Pe l i ku l a n g
Panlipunan
• Marxismo
• Realismo
• Pormalismo
• Feminismo
Marxismo
• Anu-ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
• Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
• Sino ang nang-api at inapi; nagsamantala at
pinagsamantalahan?
• Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida
ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
pinagsamantalahan?
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
mapagsamantala ang mga karakter?
• Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
• Aling uri ang nagtagumpay sa huli?
Marxistang Pagsipat sa
“Cesar Chavez”
• Manggagawang migrante versus kapitalista
• Tunggalian: pagtutol ng kapitalista sa hiling ng
mga migrante na itaas ang sweldo nila
• Bida ang manggagawa
• Kampanyang boykot, welga, hunger strike ng
manggagawa
• Ginamit ng kapitalista ang pulisya at pambansang
gobyerno laban sa kapitalista (bagamat may
kaalyado ring politiko ang mga welgista)
• Nagtagumpay ang manggagawa
Marxistang Pagsipat sa “Avatar”
• Dambuhalang korporasyong mina versus tribong Na’vi
• Tunggalian: Pagtutol ng Na’vi sa pagkamkam ng
korporasyon sa kanilang lupain
• Bida ang Na’vi at ilang kaalyado nila (ang mga
“nagtraydor” sa kanilang kauri)
• Ginamit ng korporasyon ang pwersang militar at
superyor na armas para gapiin ang Na’vi
• Gera ng Na’vi laban sa korporasyon
• Tuloy ang laban ng Na’vi bagamat nalupig sila sa round
1
Feminismo
• Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa
plano o pagtatagumpay ng babaeng karakter?
• Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o
kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
pinagsamantalahan?
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
mapagsamantala ang mga babaeng karakter?
• Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
• Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
• Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang
pelikula?
Feministang Pagsipat sa
“Everything About Her”
• Hadlang: kanser
• Babae (Vilma): Kontrabidang naging bida
• Babae (Angel): Nagpursige sa trabaho
• Sinalansang ang sistemang patyarkal sa
pagtatagumpay sa career (Vilma), at
pagtataguyod sa pamilya (Angel)
• Mapagpalaya…
Feministang Pagsipat sa
“Suffragette”
• Hadlang: kawalan ng karapatang bumoto
• B a b a e : b i d a ( n a gtata g u yo d n g s a r i l i n g
karapatan) at kontrabida (sunud-sunuran)
• Sinalansang ang sistemang patyarkal sa
pagpoprotesta atbp.
• Mapagpalaya…
Realismo
• Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari
sa totoong buhay?
• Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
• Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta”
ang realidad?
• Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga
karakter at pangyayari (parang totoo, pwedeng
totoo)
• Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na
imahe sa kamera (realistiko, makatotohanan ang
pagsalamin o paglalarawan sa realidad)
Formalismo
• Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw,
tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot
composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena,
editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw
ng damdamin) ang liwanag/ilaw, tunog/sound track,
presentasyon ng mga eksena (shot composition),
disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga
eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga
nabanggit na elemento?
Formalistang Pagsipat sa “Dagsin”
• Melodramatiko ang soundtrack: pinupukaw ang
malalim na hugot ng pangungulila sa iniibig, at
pagpapahayag ng walang hanggang pag-ibig, gayundin
ng kalungkutan sa mga sugat ng kahapon na di mabura-
bura.
• Ang tingkad ng kulay ng mga eksena ay nagpapakita rin
ng intensidad ng mga emosyon, ng mga tunggaliang
tumawid sa iba’t ibang panahon.
• “Art film” ang peg ng pelikula, makinis na makinis ang
kuha ng mga eksena, walang magalaw na anggulo
halos, ngunit may banayad na pagbanat sa isyung
nabaon na sa limot – ang Batas Militar at mga
diktadura ng mga nagdaang dekada.
Sine-Sosyedad (SINESOS)
Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang
Panlipunan
• Karakterisasyon/Mga Tauhan (Sinu-sino ang mga karakter?;
Anu-ano ang positibo at negatibo nilang katangian?)
• Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod (Ano ang pokus ng
salaysay at tunggalian? Paano ito nalutas o nanatiling
wa l a n g ka l u ta s a n ? A n o a n g k i n a h i n at n a n n g m ga
pangunahing karakter?)
• Sinematograpiya (Formalistikong pagsipat: maaaring
magpokus sa isa o 2 elemento)
• Panlipunang Nilalaman/Social Content ng Pelikula (Marxista,
Feminista, o Realistang pagsipat)
SINESOS (thematic)
Kasarian
• “Everything About Her” (2016); “Suffragette” (2015); “Pride”
(2014); “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” (2011)
Migrasyon at Diaspora
• “Emir” (2010); “Caregiver” (2008); “Transit” (2013); “Cesar
Chavez” (2014); “It’s A Free World” (2007); “Unlucky Plaza”
(2014); “Ilo ilo” (2013); “Sunday Beauty Queen” (2016)
Pamilya, Relasyon, Pag-ibig
• “Filipinas” (2003); “Pamilya Ordinario” (2016); “Dagsin” (2016);
“Endo” (2007); “Honor Thy Father” (2015); “Perdiendo el norte”
(2015); “In a Better World” (2010); “Meow” (2017); “The Secret
of the Magic Gourd” (2007); “Comrade Kim Goes Flying” (2012)
Kultura
• “Ang Babae sa Septic Tank” (2011); “Debosyon” (2013); “The
Monk” (2014); “También la lluvia” (2010)
SINESOS (thematic)
Kalikasan
• “Avatar” (2009); “The Lorax” (2012); “Yogi Bear”
(2010); “Muro-Ami” (1999); “Oro” (2016); “Samsara”
(2011); “Okja” (2017); “Pandora” (2011)
SINESOS (thematic)
Ekonomya, Politika at Kasaysayan
“Where To Invade Next” (2015); “Our Brand is
Crisis” (2015); “The Good Lie” (2014); “Eye in the
Sky” (2015); “Goodbye Lenin!” (2003); “Millions”
(2004); “Voces Inocentes” (2004); “Chakravyuh”
(2012); “The Liberator” (2013); “Selma” (2014);
“Patikul” (2011); “Metro Manila” (2013); “Sigwa”
(2010); “Mandela” (2013); “Orapronobis” (1989);
“The Big Short” (2015); “A Royal Affair” (2012);
“Capitalism: A Love Story” (2009); “The Last
Emperor” (1987); “Amigo” (2010); “I Daniel Blake”
(2016); “Fire at Sea” (2016)
Mini-Workshop
• MAY NAIISIP PA BA KAYONG IBANG TEMA?
Maglista ng 3 pang tema at magtala ng 3 man
lamang na pelikula kada tema.
Mini-Workshop
• Sumulat ng panimulang Marxista, Feminista,
at Formalistang pagsipat (2 pelikula kada
“ismo”). Hindi pwedeng magkakapareho ng
pelikula…
Pelikula sa Baitang 7
Pelikula sa Baitang 7
Pelikula sa Baitang 7
Pelikula sa Baitang 7
Pelikula sa Baitang 8
Pelikula sa Baitang 8
Pelikula sa Baitang 9
Pelikula sa Baitang 9
Pelikula sa Baitang 9
Pelikula sa Baitang 9
Pelikula sa Baitang 10
Pelikula sa Baitang 10
Tala Hinggil sa Ilang Bagay na Teknikal
• Para magdownload ng video sa YouTube, kopyahin ang link at
i-paste iyon sa keepvid.com
• Para magdownload ng pelikula, maaaring sipatin ang
xmovies8.tv gomovies.to watchmovies.info
• Sa paghahanap ng mga dokyu, suring-pelikula atbp. midyang
makabuluhan, maaaring sipatin ang
• pinoyweekly.org o facebook.com/pinoyweekly.org
• manilatoday.net
• ibon.org
• facebook.com/tudlaproductions
• https://www.youtube.com/user/tudlaproductions
• facebook.com/altermidya
• bulatlat.com
• crossingconnection.com
• www.plarideljournal.org
Mini-Workshop
• Sumulat ng panimulang Marxista, Feminista,
at Formalistang pagsipat (2 pelikula kada
“ismo”). Hindi pwedeng magkakapareho ng
pelikula…
More?
• dlsu.academia.edu/lastrepublic
• www.facebook.com/TANGGOLWIKA
• www.facebook.com/act.teachers
• www.facebook.com/ACTPrivateSchools
• www.facebook.com/PSLLF
• www.facebook.com/PambansangSeminar
• www.facebook.com/liyab
• 0927-2421-630

You might also like