You are on page 1of 9

INSIANG

Pagsusuri ng Pelikula

Ipinasa ni:
Harlika Dawn C. Cristobal

Ipinasa kay:
Bb. Maribai Pangulima Drah II

FIL 77 EDC

Agosto 8, 2019
I. TEMA
Ang tema ng pelikulang Insiang ay sa kung paano biglang nagbago ang buhay ni Insiang ng
siya ay ginahasa ng kaulayaw ng kanyang Ina. Ito rin ay nagpapakita ng buhay ng mga
mahihirap kung sila ay pinagsasamantalahan ng mga tao na mahihirap lang din. Ipinapakita rin
dito ang kahalagahan ng pamilya kung saan sila ang unang mga tao na siyang magtuturo ng
tamang asal at gawain ng isang kung kaya ay sa kanila rin natututunan ang mga maling gawain
o kaugalian ng isang anak sa pamilya.
II. TEORYA

A. Teoryang Moralismo

Katangian Patunay Paliwanag

Panggagahasa “Oo, inaamin kung kasalanan ko, Ang panggagahasa ay labag sa moral
pero kasalanan din ng anak mo. na batas at nakasisira ng buhay ng
Alam mo ba ang ginagawa ng mga nagiging biktima nito. Isa itong
anak mo pag wala ka dito sa
bahay? Naliligo ng nakahubad, isyu na mahalagang mahanapan ng
nakatiyaya sa kwarto! Lalaki lang lunas dahil lumalaki ang populasyon
ako Tonya, sinong di ng nagiging biktima nito at nawawalan
madedemonyo? Anong tingin mo sila ng ganang mabuhay. Hindi dapat
sakin, walang pakiramdam?” gawin na kasalanan ng mga babae
kung bakit sila nagahasa, dahil ang
problema ay nasa suspek, at wala sa
mga biktima.

Pagpatay "Walang hiya ka! Hayop! Walang Ang galit at selos ay isa sa
hiya ka! Mamatay ka!" sigaw ni pangunahing rason ng krimen ng
Tonya habang sinasaksak si pagpatay. Isa itong moral na pagsubok
Dado. na kailangan harapin upang maiwasan
ang iba pang krimen at pagkasira ng
relasyon.

Tsismis “Nasasaktan ako sa mga naririnig Sa ating bansa ay kasimbilis ng sakit


ko sayo Insiang, pero di ko ang paglaganap ng tsismis. Isa itong
naman masisisi ang mga moral na isyu na kailangan bigyan ng
makakating dila dito satin. Alam legal na solusyon dahil nakakasira ito
kong di mo kagustuhan ang ng dignidad ng nagiging biktima ng
nangyari sa iyo, pero bakit di tsismis.
kapa umalis sa inyo? Ang sagwa
eh, kabit ng nanay mo, kabit ka
pa rin.”
B. Teoryang Sikolohokal

Katangian Patunay Paliwanag

Pagbabago ni "Teka lang. Baka makita tayo rito Wala ng awang naramdaman si
Insiang ni Tonya," sambit ni Dado habang Insiang noong sinaksak ng kanyang
nakayakap kay Insiang. Ina si Dado. Ito ay napakapait ngayon
"Bakit? Natatakot ka ba?" sagot ni dahil ang mga nararanaasan ng isang
Insiang kahit alam na niyang tao ang siyang nagtutulak sa kanyang
nakatingin na ang kanyang ina sa magbago at mawalan ng pakialam sa
kanila. mga bagay-bagay lalo na kung ano
Nang lumitaw si Tonya at ang tama at mali.
pinagsasaksak si Dado ay tahimik
at nakatitig lamang si Insiang.

Pagbabago ni “Nakita ho niyo ba iyong kasama Ito ay napakalaganap ngayon lalo na


Bebot ko kagabi?” tanong ni Insiang sa sa mga kalalakihan dahil bigla nalang
matandang nagbabantay ng motel nawalan ng interes at ang pagiging
“Saan ang kwarto niyo?” matanda malamig ni Bebot kay Insiang
“Sa dulo” “Ah iyong kulot?” pagkatapos ng nangyari sa kanila.
“Oho” “Ah umalis na kaninang Kapag nakuha na ang gusto ay bigla
umaga” sabi ng matanda nalang aalis.

Pagbabago ni "Walang hiya ka! Hayop! Walang Ang pagmamahal ni Tonya kay Dado
Tonya hiya ka! Mamatay ka!" sigaw ni ay napalitan ng poot na siyang
Tonya habang sinasaksak si nagtulak nito upang mapatay niya si
Dado. Dado. Noon ay mas pinili niyang
paniwalaan si Dado, ngunit nang
makita niya sa akto ang kagagawan
ng taong minsan niyang minahal ay
nandilim ang kanyang paningin at
sinaksak niya ito hanggang mawalan
ng hininga.

Pagbabago ni “Ludy, bakit?”, tanong ni Insiang Nang marinig ang tsismis ay nagbago
Ludy “Nasasaktan ako sa mga naririnig ang pakikitungo niya kay Insiang.
ko sayo Insiang, pero di ko Kahit na kaibigan nya si Insiang ay
naman masisisi ang mga pinagdududahan niya ito na totoo ang
makakating dila dito satin. Alam mga kwento-kwento. Ito ang nagiging
kong di mo kagustuhan ang epekto ng mga tsismis, nasisira ang
nangyari sa iyo, pero bakit di relasyon ng mga tao at nakakawala ng
kapa umalis sa inyo? Ang sagwa tiwala.
eh, kabit ng nanay mo, kabit ka
pa rin.”
C. Teoryang Realismo

Katangian Patunay Paliwanag

“Insiang, wala tayong bigas eh” Sa panahon ngayon, uso na lalo sa


ani ng tiyahin ni Insiang mga kamag-anak ang pagtira ng
“Eh kaya nga ho ako maghahatid maraming pamilya sa iisang tahanan
para may makolekta ako, di bale lamang. Sa kadahilanan na maraming
ho pagbalik ko ako na ang pamilya ang nakatira sa iisang bubong
bahala” sabi ni Insiang at iisa o dadalawang tao lamang ang
nagtatrabaho ay tiyak na kukulangin
Kahirapan “Ang lalakas pa magsilamon.... ang perang panggastos sa mga
Kulang na kulang ang kinikita ko pangangailangan sa bahay. May mga
sa palengke” sabi ni Tonya panahon din na kapag gipit na talaga
ay makakapangutang sa tindahan ng
kapitbahay at babayaran sa susunod
na sahod.

“Huwag mo akong pababayaan May mga taong darating sa ating


Bebot, ikaw nalang matatakbuhan buhay na pagsasamantalahan lamang
ko. Gagawin ko ang lahat para tayo dahil alam nilang lubos natin
sa’yo, huwag mo lang akong silang kailangan. Kapag wala na
pabayaan.” sabi ni Insiang tayong ibang mapuntuhan ay hihingin
natin ang tulong ng mga taong
“Eh bat naman kita iiwan? Eto pinagkakatiwalaan natin. Kaya ganoon
Pananamantala nga’t nandito na tayo. Ikaw lang na lamang din ang sakit kapag napag-
eh, wala kang tiwala sa akin.” sabi alaman natin na spinagsamantalahan
ni Bebot lang pala nila tayo, ginamit lamang
upang makuha ang pansariling
Ngunit, nagising si Insiang na kagustuhan.
wala na si Bebot sa kanyang tabi.
Tinanong niya ang namamahala
sa establisyemento umaga pa
lamang ng umalis si Bebot.

“Pare, pinapalayas na naman Sa kasalukuyan, maraming mga tao


kami sa bahay. Nawalan kasi ng ang nahihirapan maghanap ng
trabaho tatay ko eh. Kung ako trabaho. May iba, meron ngang
lang magtatrabaho, susuportahan trabaho pero panandalian lamang,
ko silang lahat eh.” sabi ni Edong meron ngang trabaho pero hindi
Kawalan ng naman makatarungan ang pasahod.
Trabaho
“Pare balewala din yan eh, lahat Ngunit, mas malala ang nararanasan
ng dilehensya, lahat ng trabaho ng mga taong hindi nakapagtapos ng
pinasok ko na pero wala pa rin.” pag-aaral dahil sa hirap ng buhay,
sabi ng kaibigan ni Edong tiyak na mas nahihirapan silang
maghanap ng magandang trabaho.
“Ako eto, walang pinag-aralan, Ang iba ay napipilitan na mamasukan
walang trabaho.” sabi ng kaibigan sa mga konstruksyon kahit maliit ang
ni Edong sahod.

“Oh, inaamin kung may May mga ganitong pangyayari rin sa


kasalanan ako pero may totoong buhay, dahil minsan ng nabigo
kasalanan din yang anak mo. sa pag-ibig ay noong nakahanap ng
Alam mo ba anong ginagawa? bago hindi na halos mabitaw-bitawan
Naliligo ng nakahubad at kahit pa ginagago lamang ito. Minsan
nakatihaya sa kwarto. Lalaki lang dahil sa lubos na pagmamahal ay
ako Tonya, sinong hindi nabubulag ang isang tao, hindi na
Patriarkal madedemonyo?” sabi ni Dado nakikita kung ano ang tama sa mali.
Katulad sa pelikula, hindi na
“Paniwalang paniwala ako sayo! pinapaniwalaan ni Tonya ang kanyang
Sinungaling! Parehong pareho ka anak sapagkat natatakot itong iwanan
sa tatay mo, makati! Kaya pati si ni Dado, kung kaya’t sunod sunuran
Dado, inakit mo!” sabi ni Tonya siya nito.

“Hoy Insiang! Nabalitaan mo ba Minsan dahil sa lubos na pagmamahal


ang nangyari sa gago mong ay may mga bagay tayong magagawa
bata?” sabi ni Tonya upang mapatunayan lamang ang ating
“Sino? Si Kulot?” sabi ni Dado pag-ibig sa minamahal. May mga
Pang-aabuso pagkakataon na hahamunin tayo at
“Sino pa? Binugbog daw sa bibigyan ng tila ba ay isang pagsubok
basurahan at balita ko ay upang mapatunayan ang ating tunay
natanggal daw lahat ng ngipin.” na hangarin para sa taong iyon.
sabi ni Tonya

Pagtanaw ng “Ako naman naghihirap dito eh.” Ang "utang na loob" ay nagiging isang
Utang na Loob Sabi ni Insiang sa kanyang ina ng madaling paraan para ipalaganap ang
sa mga sinabihang wag bumili ng mga di kolonyal na utak ng mga Pilipino. Hindi
Magulang kinakailangan.
ito nagdudulot ng maganda sapagkat
“Eh kung naghihirap ka, ikaw lang napipilitan ang isang tao na gawin ang
ba naghihirap dito?. Eh yung isang bagay na labag sa kanyang loob
pinalamon ko sa iyo nong bata ka at nawawala ang sinseridad nito.
pa, gusto mo bang kwentahen
natin? Baka hindi mo kayang
bayaran. Sobra ang hirap ko
sayo, kaya ngayong malaki kana,
obligasyon mong magsilbi at
magbigay ng pera sa akin!”

Away dulot ng “Nahihiya nako sa nanay mo, Kilala ang mga pilipino bilang mga
Extended abot-abot na ang parinig eh.” family-oriented at malaki ang
Family pagpapahalaga sa pamilya. Maganda
“Ay nako di kana nasanay sa
nanay, hayaan mo na.” ito sapagkat nagbibigay-daan ito
upang maipakita ang pagmamahal sa
isa't-isa, ngunit may mga panahon na
nagdudulot ito ng malaking away.
Magastos ang pagtira ng mga kamag-
anak sa iisang bahay at sa halip na
mapabuti ang relasyon, ay may
nasisira ito.

Pangangaliwa “Nakita mo na ang kamag-anak Sa panahon ngayon, ang


ng walang hiyang tatay mo? pangangaliwa ay isa sa mga dahilan
Pinalamon mo na’t lahat, ikaw pa kung bakit nawawasak ang pamilya at
ang masama. Yan, yan ang
kadugo mo, masama ang ugali. ang anak ang pangunahing
Kaya kung nasaan man ang tatay naapektuhan nito. Sa kanilang paglaki,
mo, mamatay na sana sya at ang kadalasan, ay natututo silang tumayo
kanyang kinakasama!” sa kanilang sarili at sa halip na ang
magulang ang tumayong modelo, sila
ang nagiging pabaya sa kanilang mga
responsibilidad.

Panggagahasa “Oo, inaamin kung kasalanan ko, Mataas ang kaso ng panggagahasa
pero kasalanan din ng anak mo. sa Pilipinas at kadalasan ng mga
Alam mo ba ang ginagawa ng nabibiktima ay napapatay at ang
anak mo pag wala ka dito sa
bahay? Naliligo ng nakahubad, suspek ay hindi nahuhuli. Ang
nakatiyaya sa kwarto! Lalaki lang panggagahasa ay maaaring gawin sa
ako Tonya, sinong di pamamagitan ng pisikal na lakas,
madedemonyo? Anong tingin mo pamimilit, pang-aabuso sa
sakin, walang pakiramdam?” kapangyarihan o laban sa taong hindi
makapagbigay ng pahintulot, katulad
ng isang taong walang malay,
baldado, o wala sa tamang edad.
Kailanman ay hindi katanggap-
tanggap ang anumang dahilan upang
ipilit ang isang bagay na walang
konsente at labag sa loob ng isang
tao.

“Ako eto, walang pinag-aralan, Hindi man maikakaila na ang


walang trabaho.” sabi ng kaibigan edukasyon talaga noon ay kulang-
Edukasyon ni Edong kulang kung kaya ay nahihirapan ang
mga tao na humanap ng mga trabaho

Pangungutang “Bigyan mo nga ako ng bitsin. Likas na talaga ang pangungutang sa


Utang ko muna ha?” sabi ng mga tindahan lalo na at kapitbahay
mamimili sa tindahan lamang ang mga namimili. Kahit wala
ng pambayad ang sige parin sa
“Ilista mo muna.” sabi ng isa pang pangungutang kung kaya ay nagiging
mamimili ng tindahan masamang ugali na ito na maaring
humantong sa pangungutang ng mas
malaki na mga bagay.

Pagsusugal “Hayaan mo at baka magsusugal Ang pagsusugal ay talagang laganap


si Inay mamaya” sabi ni Insiang at sikat lalong-lalo na sa mga
mahihirap dahil para sa kanila ay isa
itong daan para sila ay yumaman pero
hindi talaga ito madalas nangyayari.

Pagiging torpe “Torpe ka kasi eh” sabi ng ate ni Hindi maikakaila na mayroon talagang
Nanding mga lalaking torpe kung magmahal
dahil hindi nila kaya maghayag ng
sarili nilang damdamin kung kaya
patingin-tingin na lamang sila sa taong
napupusuan nila.

Pambabastos/ “Itay! Inakma ako itay! Inakma Sa Pilipinas ay laganap ang mga
Pangmamanyak ako!, sigaw ni Ludy nang binastos kabastusan ng mga lalaki kahit saan.
siya ni Edong at ang kasamahan Kahit sa pagsakay sa jeep o bus, sa
nitong lasing. kalye o eskinita, ay natatakot ang mga
babae dahil sa mga kababuyang
kanilang ginagawa. Kung hindi sipol
ay pinaglalaruan nila ito at
pinagtatawan, lalo na ang mga lasing.
Isa itong isyung kailangan lutasin dahil
nakakapekto ito sa pinapahiya nila
ang babaeng kanilang biktima.
D. Teoryang Marxismo

Katangian Patunay Paliwanag

“Hoy bago mo bawasan ang kita May mga panahon sa ating buhay na
mo ha, sabihin mo muna sa akin magkakaroon tayo ng konting
ha, huwag yung bili ng bili ng tampuhan o bangayan sa ating mga
walang kakwentang kwentang magulang. May mga pagkakataon din
bagay.” sabi ni Tonya na pakiramdam natin ay
pinapahirapan tayo ng mga ito sa
“Ako naman ho ang naghirap pamamagitan ng kanilang mga utos.
diyan eh.” sabi ni Insiang Ganito man minsan ang ating
Tonya vs.
Insiang nararamdaman, mga magulang parin
“Eh ano kung naghihirap ka? natin sila at wala tayong karapatan na
Gusto mo lahat ito ha? At yung magtanim ng sama ng loob. Sapagkat
pinalamon ko sa iyo nung bata ka hindi man natin maintindihan ang
pa ha? Gusto mo bang kwentahin rason pero alalahanin nalang natin na
natin? Baka hindi mo kayang may rason kung bakit ganito ang
bayaran!” sabi ni Tonya pakikitungo nila sa atin.

“Ang mabuti pa buhusan ng Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng


kumukulong tubig ang kalabaw girian sa tahanan lalo na kapag
na iyan para magtanda” sabi ni maraming kamag-anak ang nakikitira
Tonya rito. Para sa akin, hindi naman
problema ang ganitong klaseng
“Bakit naman ganito ang trato mo sitwasyon ngunit ang problema ay
Tonya vs. sa amin Tonya?” kapag iisa o dadalawang tao lamang
Kamag-anak ang nagtatrabaho para sa lahat. Hindi
“Aba at nagreklamo pa, ano bang naman pwede iyon, dapat may ambag
klaseng trato ang inaasahan mo? ang lahat sa mga gastusin sa bahay.
Hindi na kayo nakakatulong sa
bahay na ito, nagpapabigat pa
kayo aber?!” sabi ni Tonya

“Ayoko ng dinidikitan mo si May mga pagkakataon na pag may


Insiang ha? Naiintindihan mo nagugustuhan ang isang lalaki at
‘ko?” sabi ni Dado napag-alaman niya na gusto rin ito ng
ibang lalaki ay babakuran niya ang
“Eh kung yan ang gusto mo, eh babae na tila pagmamay-ari niya.
okay lang yun.” sabi ni Bebot Kesyo kakausapin ang ibang
manliligaw na itigil ang ginagawang
Dado vs. Bebot “Tandaan mo hawak ko si Tonya, pagsuyo sa babae. Hindi dapat ganito
lahat ng hawak niya ay hawak ko ang nangyayari, nararapat lamang na
rin. Maliwanag ba yun ha?” sabi ni bigyan ng pagkakataon ang lahat
Dado upang manligaw, hindi dapat ito
pinipigilan at hinaharangan.
“Oh? Nakahikaw ka na naman
eh, kaya nabwibwiset ako sayo
eh!” sabi ni Dado

E. Teoryang Imahinismo

Katangian Patunay Paliwanag

Insiang Si Insiang sa pelikula ay ang Si Insiang ay sumisimbolo sa


pangunahing tauhan. opresyon na nararanasan ng mga
babae at kung paano sila trinatato at
binabastos. Sa pelikula ay makikita
ang pagkaalipin ng mga babae sa
gawaing-bahay habang ang mga
lalake ay nakatambay at naglalasing.

Baboy Sa unang bahagi ng pelikula ay Kung titingnan ang unang bahagi ng


ipinapakita ang pagkatay ng pelikula, ay walang koneksyon ang
baboy sa palengke. eksena ng pagkatay ng baboy. Ngunit
sa kalagitnaan ng pelikula, ay
mapapagtanto na ito ay sumisimbolo
sa mga lalake at ang kababuyang
kanilang ginagawa sa mga babae.
Wala silang konsenya, sarili lamang
ang iniisip at ang kanilang
pangangailangan bilang lalake kung
kaya’t maihahantulad sila sa mga
malalansang baboy.

You might also like