You are on page 1of 6

;ANNA AZRIFFAH JANARY SAID GUILING MARIBAI D.

DRAH
WEDNESDAY 7:30-10:30 AM AUGUST 07, 2019

INSIANG: MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYANG MORALISTIKO
Patunay

1. PAGIGING MASIPAG AT MAPASENSYAHIN NA ANAK - makikita ito sa


mga eksena kung saan sinasaktan si Insiang ng kaniyang ina. Espesipikong
halimbawa ay noong kinuha ng kaniyang ina ang kaniyang nakita sa
paglalabada para ibigay na pangsugal ni Dado. Sa eksenang ito, makikita na
pinagpasensyahan lamang ni Insiang ang kaniyang ina kahit hindi na
maganda ang kanyang turing niya rito.

2. PANINIWALA SA PAG-ASA - makikita ito sa mga eksena kung saan palagi


na lang may masama na nangyayari kay Insiang pero paulit-ulit siyang
hindi sumusuko. Espisipikong halimbawa ay ang paniniwala pa rin niya sa
pag-asa ng bukas matapos siyang gahasain ni Dado.

Paliwanag

Ang karakter ni Insiang ang nagpapakita na kahit ang isang tao ay


matatag, marunong din siyang mapuno. Ang dahilan kung bakit siya ay
nagtitiyaga sa lahat ng mga masasamang ginagawa ng kaniyang ina sa
kanya ay dahil alam niya na wala siyang ibang matatakbuhan dahil siya
lang ang natitirang pamilya nito maliban sa mga kaanak ng kanyang ama.
Para sa kanya, kahit na ganun ang turing sa kanya ay ina pa rin niya ito. Sa
buong takbo ng istorya ng pelikula, makikita na palaging nakakawawa si
Insiang ng kaniyang ina, si Dado, at si Bebot dahil sa sobrang
pagpapasensya niya.

TEORYANG NARCISISMO
Patunay

1. PAGIGING MAKASARILI NG NANAY NI INSIANG - sa huling eksena ng


pelikula, sinabi ng nanay niya ang mga salitang “Kung hindi siya magiging
akin, hindi rin siya magiging iyo.”

Paliwanag

Sa mga salitang ito makikita at mapapansin natin ang pagiging makasarili


ng nanay ni Insiang. May mga eksena sa pelikula kung saan nagpapakita
rin ng ugali ng kanyang nanay na mas pinipili niya ang kanyang mga
pangsariling kagustuhan at pangangailangan kaysa sa kanyang anak. Sa
pamamagitan ng mga eksenang ito, mapagtatanto natin ang makasariling
pag-uugali nito.

TEORYANG REALISMO
Patunay

1. KAHIRAPAN - makikita ito sa mismong cinematograpiya ng pelikula kung


saan ipinapakita ang kalagayan ng pamumuhay nina Insiang. Espisipikong
eksena ay noong tumanggap si Insiang ng labada upang may makitang pera.
2. SEKSUWAL NA PANLILIGALIG - makikita ito sa eksena kung saan isang
gabi ay labag sa kalooban na ginahasa ni Dado ang walang malay na Insiang
matapos niya itong puntahan sa may malapit sa barel ng tubig.

Paliwanag

Sa Pilipinas, tila naging parte na ng ating normal na pamumuhay. Katulad


na lamang sa pelikula, makikita natin ang repleksyon ng pamumuhay ng
ating mga mahihirap na kapatid sa ating lipunan. Ito ay hindi biro at
kadalasan, walang oportunidad ang naibibigay sa kanila upang makaalis sa
kanilang sitwasyon. Nakakaranas din ng diskriminasyon ang mga mahihirap
dahil kadalasan, walang mataas na ekspektasyon sa kanila dahil sa
kanilang kahirapan.

TEORYANG SIKOLOHIKAL
Patunay

1. ANG PAGBABAGO NG UGALI NI INSIANG - makikita ito sa mga eksena


kung saan galing sa pagiging mabait na anak ay naging mapaghiganti ang
kaniyang karakter. Espisipikong eksena ay ang paggalit niya sa kaniyang
ina sa pamamagitan ng pagsabi niya rito ng mga kasinungalingan upang
mapatay niya si Dado.

2. ANG PAGHIHIGANTI NI INSIANG - makikita ito sa mga espisipikong


eksena kung saan uhaw na uhaw na si Insiang maghiganti. Ito ay makikita
sa pagpapabugbog niya kay Bebot at pagpapapatay niya kay Dado.

Paliwanag

Kung ating titingnan ang mga naging karanasan ni Insiang, hindi mahirap
na maintindihan kung bakit naging mapoot at napuno ng hinagpis ang
kaniyang karakter. Dahil sa pang-aabuso ng kaniyang ina, pagloloko ng
kaniyang kasintahan, at panggagahasa ni Dado sa kaniya, nagbago ang ikot
at perspektibo niya sa kaniyang paligid at sa mga taong parte nito.

TEORYANG FEMINISMO
Patunay

1. PAGKAKAROON NG BABAE BILANG PANGUNAHING TAUHAN - sa


karakter ni Insiang, makikita ang isang babae na kinain ng kaniyang
emosyon at damdamin. Makikita ang patunay sa mismong takbo ng pelikula
dahil karamihan sa mga eksena ay nakikita siya.

2. KAKAYAHAN NG MGA BABAE MAGTRABAHO - makikita ito sa mga


eksena kung saan may iba’t ibang trabaho at gawaing bahay na lahat
nagagawa at natatapos ni Insiang.

Paliwanag

Sa karakter ni Insiang, makikita ang isang babaeng kinain ng emosyon at


damdamin. Sa mga panahon kung saan wala masyadong karapatan ang
mga kababaehan, naipakita ng pelikula na may kakayahan ang mga
kababaihan na maging bida ng isang magandang pelikula na nagpapakita
ng mga katotohanan sa ating paligid. Makikita sa pelikulang ito ang lakas at
pasensya ni Insiang.

TEORYANG IMAHISMO
Patunay

ANG MASAMANG TINGIN NG KANYANG INA - sa huling parte ng pelikula,


may eksena sa kulungan kung saan niyakap ni Insiang ang kaniyang ina at
humingi ng paumanhin sa kanya.

Paliwanag

Sa eksenang nabanggit sa patunay, makikita rito na may pagmamahal pa


rin si Insiang sa kaniyang ina at nagawa lamang niya ang kaniyang mga
aksyon dahil sa sobrang galit at poot niya. Ngunit sa pamamagitan ng
pagtingin ng kaniyang ina, kahit walang nabanggit na mga salita ay
lumabas ang mensahe na walang nararamdaman na pagmamahal ang
kaniyang ina para sa kanya.
ANNA AZRIFFAH JANARY SAID GUILING MARIBAI D. DRAH
WEDNESDAY 7:30-10:30 AM JULY 24, 2019

BONA: MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYANG MORALISTIKO

Sa pelikulang ito, tila walang magandang pag-uugali ang ipinakita ng


pangunahing bida. Dahil dito, susuriin na lang natin ang iba pang mga
tauhan.

Patunay

1. PAGSUMBONG NI NILO KAY BONA - makikita ang eksenang ito noong


pinapauwi ng tatay ni Bona si Bona sa kanilang bahay at tinanong ni Bona
kung paano niya nalaman ang kaniyang kinaroroonan at ang sagot niya ay
dahil kay Nilo.

Paliwanag

Ang pagsusumbong na ginawa ni Nilo ay para lamang sa kabutihan ni Bona.


Dahil alam ni Nilo ang nangyayari at ang katotohanan ng buhay ni Bona sa
tahanan ni Gardo, minabuti na lang niya na sabihan ang pamilya ni Bona
upang masundo nila ito at matugunan ng pansin ang nangyayari sa kanya.

TEORYANG REALISMO
Patunay

1. PAGKAKAGUSTO NG SOBRA SA ISANG TAO- makikita ito sa mga eksena


kung saan kitang-kita ang pagmamahal ni Bona kay Gardo katulad na
lamang ng pagtira niya sa bahay ni Gardo.

Paliwanag

Sa panahon ngayon, napakaraming tao na ang nahuhulog sa sakit ng


sobrang pagmamahal at walang pagtira sa sarili. Katulad ng nangyari kay
Bona, isinakripisyo niya ang kanyang katauhan at kahihiyan para lamang
makasama si Gardo.

TEORYANG NARCISISMO
Patunay

1. PAGIGING MAKASARILI NI BONA - makikita ito sa eksena ng paglayas ni


Bona sa kanilang tahanan na makikita sa unang parte ng pelikula. Wala
siyang pasabi sa kahit kanino sa kanilang pamilya na lalayas siya.

Paliwanag

Sa pamamagitan ng paglayas at hindi niya pagsama pauwi sa kanyang


tatay, naipapakita ang pagiging makasarili ni Bona. Mas pinipili niya ang
kanyang sariling mga kagustuhan kaysa sa kung anong makabubuti para sa
kanyang pamilya lalong lalo na ang pagbigay ng kahihiyan at magandang
reputasyon sa kanyang mga magulang.
TEORYANG SIKOLOHIKAL
Patunay

1. OBSESYON - makikita ito sa iba’t ibang eksena sa pelikula katulad na


lamang ng pagsama ni Bona sa mga shootings ni Gardo, pagtira niya sa
bahay ni Gardo kahit di naman siya pinipilit at ang pinakamatindi ay ang
pagkaladkad sa kanya ng kaniyang ama para umuwi siya pero hindi talaga
siya sumama.

2. PAGBABAGO NG KANYANG DEBOSYON - makikita ang eksenang ito sa


huli kung saan binuhusan ni Bona ng mainit at kumukulong tubig si Gardo.

Paliwanag

Sa pangalawang katangian, napagtanto ni Bona ang importansya ng


kanyang pamilya pero dahil wala na siyang mauuwian ay wala siyang ibang
opsyon kundi tumira na lang kay Gardo pero dahil aalis na si Gardo
patungong ibang bansa ay napalitan ang debosyon at obsesyon niya kay
Gardo ng galit at poot. Maaaring nakapagtanto si Bona ang lahat ng
sakripisyo niya para lamang makasama si Gardo pero iiwan din naman pala
siya.

TEORYANG FEMINISMO
Patunay

1. PAGIGING IBA SA TRADISYUNAL NA MGA KABABAIHAN - napakarami


nitong halimbawang eksena sa pelikula. Isa na rito ay ang paghahabol ni
Bona kay Gardo na tila parang naging kasambahay na niya sa sobrang
paghahabol niya rito. Espisipikong eksena ay ang pag-iigib niya sa unang
parte ng pelikula para ay Gardo.

Paliwanag

Kadalasan, ang pagtingin sa mga pangkalahatan ay gamit ang tradisyunal


na bisyon at perspektib. Para sa perspektib na ito, ang mga babae ay mga
walang silbi, mga pantahanan lamang, mahihina, at walang katapangan.
Ang pelikulang ito ay naging sagot sa lahat ng iyon. Si Bona ang naghahabol
at may katapangan para ipaglaban ang kanyang gusto. Lumayas siya para
habulin lamang si Gardo at siya na rin ang gumagawa sa lahat ng mga
gawain ni Gardo.

TEORYANG IMAHISMO
Patunay

1. PAGTANGGAL NG BOTONES SA DAMIT NI BONA - sa eksenang ito, lasing


na umuwi si Gardo at tinabihan siya ni Bona. Ipinakita rito na tinanggal ni
Bona ang isa sa mga botones ng kaniyang damit.
2. PAGHIHIGANTI NI BONA - sa huling eksena ng pelikula, ipinakita na
binuhusan ni Bona ng kumukulong mainit na tubig si Gardo.

Paliwanag

Sa unang katangian, kahit na hindi ipinakita sa pelikula, ang pagtanggal ng


botones ng damit ni Bona ay nangangahulugan na may nangyari sa
kanilang dalawa. Sa pangalawa naman, hindi na ipinakita kung ano ang
nangyari kay Gardo pero dahil sa pagbuhos ni Bona sa kanya ng napakainit
na tubig, pwede natin masabi na kamatayan ang kinahantungan ni Gardo.

You might also like