You are on page 1of 54

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683
DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Pagtalakay sa Kurso

Pamagat ng Kurso: SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN


(SINESOS)

Bilang ng Yunit: 3 yunit

Deskripsyon ng Kurso: Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa


paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri
ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng
dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang
makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at
internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong
pwersa.

PANGKALAHATANG LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral


ang mga sumusunod:

Kaalaman

1. Maipaliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang


panlipunan.

2. Matukoy ang mga pelikulang panlipunan na makabuluhan sa


kontekstong Pilipino.

Kasanayan

1. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong


pagsusuri ng pelikulang panlipunan.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan hinggil s


3. a kabuluhan sa lipunan ng mga paksang pelikula.
4. Mapanuring maisakatuparan ang makrokasanayang panonood.

1
5. Malinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong
panlipunan.

6. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang


daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskursong
pangkultura, pampanitikan, at pampelikula.

Halagahan

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng


kultura ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.

2
Aralin 1: Pananaw sa Panunuring Pampanitikan

Paunang Siyasat

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na


Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-
tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del


Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha
ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang
patlang hanggang noong 1935.

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto”


ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro
G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang
“Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa
buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o
akda man.

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,”


isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang
ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon
sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang
tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga
isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan
na ba tayo ngayon sa kritika?

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa


pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at


pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay.

Ang unang sangay ay ang Pagdulog.

Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang


moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan.

3
Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig.

Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo,


impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at
peminismo. Panunuring Pampanitikan

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan,


seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang


organisasyon o balangkas ng kalahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. Sa
pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang


piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw
ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na
sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman
tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.

Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline
M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak
sa Pagsulat ng Sanaysay - Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat
sa Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi


dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na
damdamin at lawak ng pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben
Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at
hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa
ubod at laman. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang
sukatan ng kakayahan ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang
pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang paghatol ay kung
papaano ang pagkatula.

Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa


pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na
tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa
kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi
maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan. Mga Simulain
sa Panunuring Pampanitikan
Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na
kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na
kaalaman sa teoryang pampanitikan. Mga Simulain sa Panunuring
Pampanitikan

4
Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-
uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.

Aralin 1.1: Mga Dulog sa Panunuring Pampanitikan

Pagdulog sa Marxismong Pananaw

Ang Markismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan


na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit
ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong
pananaw ng pagbabago ng lipunan.

Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng


tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at
api.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao


ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para
sa mga mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng mga tao
sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip
na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Ang teoryang markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga


tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa
pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang,
mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida.
May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang
ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang
nangaaping lakas

Dalawang Alemang Pilosopo ng Markismo


1. Karl Marx
2. Friedrich Engles

Marxismo sa Pilipinas

5
Nagsimulang lumaganap ang ideolohiyang Marxismo simula pa nang
unang maitatag ang partidong komunista sa Pilipinas noong Nobyembre 30,
1930 sa pamumuno ni Crisanto Evangelista. Siya ay isang Pilipinong komunista
ng unang bahagi ng ika-20 siglo. Siya ang pangunahing tagapagtatag at
namuno ng (lumang) partidong komunista ng Pilipinas sa araw ng 13 taon ng
rebolusyong oktobre ng Russia. Kinulong siya sa bandang huli ng dekada ngunit
pinalaya ng gobyerno para lumaban sa mananakop na Hapon. Tinanggap niya
ang malupit na kamatayan sa duguang kamay ng pasistang Hapon noong
Hunyo 2, 1942.

Pagdulog sa Realismong Pananaw

Ang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan


nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan, tulad ng korapyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas itong nakapukos sa lipunan
at gobyerno.

Layunin nito na ipakita ang karanasan at masaksihan ng may akda sa


kanyang lipunan. Higit na pinahahalagahan ang pagsasalaysay kaysa sa paksa.
Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng katotohanan at
pagtanggap sa buhay.

Ang pagdulog realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga


cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi
lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa “tunay na
mundo”. Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang
mas malawak na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive
experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

Isang ulat sa https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-


pampanitikan-36790003 ang nagsasabing ayon sa mga realista, ang sinumang
tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang
isasagawang paglalarawan o paglalahad. Ang karaniwang paksain na
ipinapakita nito’y pumapatungkol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan,
krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.

Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo,


masasabing ang realismo ay isang reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng
romantisismo.

6
Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap
sa buhay ng nakararami tulad ng: pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan
ng mga nasa gitnang uri, prostitusyon, pakikibaka ng mga manggagawa,
karaniwang panahon at lipunan, nagtatala ng mga kaganapan sa panahong
iyon ng kanyang lipunan sa masining na paraan, pag-unawa sa panahon o
kaligiran o sa mga kontekstong kultural, pulitikal at pangkabuhayan kung kailan
naisulat ang akda.

Inuri naman ng mga realista ang Realismong Pagdulog sa anim (6): (1)
Kritikal na Realismo -Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis
upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig nito. (2)
Sosyalistang Realismo – kaapihan ng mga uring manggagawa. (3)
Sikolohikal na Realismo na nagpapakita ng pagkilos ng tao bunsod ng
damdaming likha ng nakapaligid sa kanya. (4) Pino o Mabining Realismo
ay may pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang
anumang pagmamalabis at kahindik- hindik. (5) Sentimental na Realismo
ay naglalarawan ng mga mithiin ng mga tauhan na nauuwi sa pangangarap ng
gising, paghahangad ng magandang wakas, mga pag-asang
pinangingibabawan ng damdaming kaysa kaisipan sa paglutas ng anumang
suliranin. (6) Mahiwagang Realismo o Magic Realism ang pantasya at
katotohanan nang may kamalayan. Pinagsasama ng impluwesya ng mito at
karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang masalamin ang mga
katotohanang nagaganap sa lipunan.
Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi
ng siglo 1900. Nakatulong dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya
kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag
pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng
proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-
unlad ng propesyunal na journalism kung saan inuulat nang walang bahid ng
emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng
potograpiya.

Pagdulog sa Formalistikong Pananaw

Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-


aaralan ang mga elementong bumubuo sa katha. Madaling maipaliwanag ang
kabuuan ng mga akda kung ang mga elementong taglay lamang ng akdaang
higit na pinag-uukulan ng pansin.

Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung kung


inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda
pangkasaysayan man o panlipunan.

Ayon kay Soledad Reyes, “sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay


napagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang
itanghal ang pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito.” Tinatalakay
ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa katha-ang (1) Tema,

7
(2) Tauhan, (3) Tagpuan, at (4) pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa
dulog na ito.

Pagdulog sa Feminismong Pananaw

Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin
-Marra Lannot-

May mga teoristang nagsasabi na ang kagandahan ng feminismo ay


nasa pagiging postmodern nito---ayaw magpakahon sa alinmang kategorya.
Ang kasaysayan ng kritisismong feminismo ay puno ng kontradiksiyon.
Nariyang halos subukan nitong ipasok ang iba’t ibang teorya para lamang
baliktarin at gamitin para tumbahin ang patriarkal na ideolohiya.

Isa sa mga kahanga-hangang nangyari sa feminismo ay ang pagbuhay


nito ng ‘autor’ dahil pinaniwalaang ‘patay’ na ang autor sa kontemporaryong
panahon. Binigyang-halaga at importansiya ng feminismo ang autor dahil siya
ang nakadanas ng karanasan at akma ng paghulagpos. Mahalagang ‘marinig’
ng mambabasa ang tinig na pinipi ng dominante at hegemonikong kalakarang
patriarkal.

Mahaba din ang pinagdaan ng kasaysayan ng kritisismong feminismo.


Ipinaliwanag halimbawa ni Elaine Showalter ang tatlong phases nito: ang
feminine (1840-80), feminist (1880-1920) at female (1920 hanggang
kasalukuyan). Mula sa ‘panggagaya’ ng manunulat na babae sa lalaki,
papuntang radikal na paghiwalay at sa pagkonstrak ng sulat at karanasan ng
babae na mayroong “boses” na iba sa lalaki. Samantala, kinilala lamang ni Toril
Moi ang textong feminista ayon sa pagiging “feminist” (politikal na posisyon),
“female” (biyolohikal), at “feminine” (kultural at socially constructed) ---ang
mga kategoryang ito ay nabuo ayon na rin sa ‘conditioning’ at ‘socialization’ na
dinanas/ipinadanas sa mga babae sa mga akdang pampanitikan. Naging
layunin kung ganoon ng feminismo na ilantad ang mga ito at ipakita ang
relasyon bilang mekanismo ng panlulupig ng patriarkal na sistema.

Noong una ang kritisismong feminismo ay nakatuon lamang sa pagbasa


ng texto ngunit noong huli ay naiangat na sa pagteteorya at dumako na sa
postistruktural at postmoderno. Ang pagka-postmodern ng feminismo ay
nalikha dahil sa paghalaw nito ng iba’t ibang istilo, porma at genre sa
pagsusulat; naging ‘eclectic’ na ang feminist writing. Sa isang pagbasa, ang
katangiang eclectic na ito ay nakonstrak dahil sa pagbalikwas sa dominanteng
porma na naghahanap ng organikong kaisahan; na sa isang katotohanan ay

8
instrumento sa pagpapanatili ng sistemang patriarkal at gitnang-uri. Ngunit
masasabi rin, na itong eklektismo ay ang pagsandig ng feminismo sa
paniniwalang ang panulat ng babae (kailan man) ay hindi magiging tulad ng sa
lalaki: rasyunal, obhektibo at hindi emosyonal.

Isa sa mga patunay sa ganitong pananaw ay ang pagkilala, gamit ang


linguistiko at sikoanalitik na teorya, sa prosa o tuluyan bilang lalaking panulat.
Handikap o magkakaroon ng kapansanan ang babae kung ito ang gagamiting
porma sa pagsulat. Dito naimbento ni Kristeva ang ‘symbolic’ at ‘semiotic’ na
maaring gamitin sa pagsulat at pagbasa ng akda. Sa ‘symbolic’ na aspeto ng
texto pinaniniwalaang ang pagiging ‘fixed and unified’ ng kahulugan;
samantala, sa ‘semiotic’ ang texto ay malayang gumamit ng wika sa paraang
‘displacement, slippage, condensation.’ Higit nitong pinalilitaw ang katangian
ng babae bilang hindi hayag bagkus ay misteryoso. At mas naipapakita ito sa
tula kesa sa prosa.
Sa kabuuan, ang kritisismong feminismo ay may layuning muling iakda ang
babae sa pagsusulat man o sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay
maiaangat ang estado ng babae, mabibigyan ng boses, makalilikha ng sentro,
mabigyang kapangyarihan at mailalagay sa di establing posisyon ang sistemang
Patriarkal-na ang lalaki ang may control ng lipunan, na ang papel na
ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa lalake sa lahat ng larangang
kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika, ekonomiya, lipunan, batas, sining
(Mendiola, 1991).

Aralin 1.2: Panunuring Pampanitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng panitikan ay


maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan. Matipid sa paggamit ng wika ang mga
klasista – “hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin
angkop ang labis na emosyon.” Halimbawa nito ay Florante at Laura ni
Francisco Balagtas.

Katangian ng Akdang Klasiko


 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak

9
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunud-sunod
 Pagkakaroon ng hangganan

2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang


tao ang sentro ng mundo ay binibigyang tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.

1. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga


taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.

2. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang


maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

3. Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas


ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig s a kapwa, bansa at mundong kinalakihan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

4. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksihan ng mag-akda sa kanyang lipunan,
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan
at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.

1. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

2. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at


lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang
paglalarawan o paglalahad.

3. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen,


bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.

5. Teoryang Pormalistiko - Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang
panitikan, Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa–
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng
higit na malalimang pagsusuri’t pag-unawa.

1. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng


pagdulog na ito.

10
2. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,
kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

3. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang


sensibilidad at paguugnayan ng mga salita, istruktura ng wika,
metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na


may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

7. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng


mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag ng babae ang pangunahing
tauhan ay ipinayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.

1. Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat


bilang mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran,
maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama.

2. Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na


di-kapantay ng kalalakihan.

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin nito ay ipakita na ang


tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat
sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

1. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging


tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina;
mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng
mahina ang malakas; ng mahirap ang mayaman. Ginagamit
ng mga oryentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan
at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pananamantalang
nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa Panahon ng Kastila at
Hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.

2. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri sa


kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga
tauhan sa kwento. Bukod dito, binibigyang-pansin ng
pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian: tauhan sa
sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.
Hal. Walang Panginoon - Deogracias A. Rosario

11
Dahil sa tunog ng animas, naalala ni Marcos kung
paanong naging mahirap ang buhay nila sa
pamamahala ni Don Teong at sa pagkamkam nito sa
kanilang natitirang kabuhayan gayundin ang
pagiibigan nila ni Anita na anak ni Don Teong at kung
paanong ito ng naging sanhi ng pagkamatay ng
dalaga. Ang lahat ng ito ay naging gatong sa poot na
nararamdaman ni Marcos na nag−udyok na rin upang
mabuo ang plano ng binata na patayin ang Don.

PANUNURING PAMPANITIKAN

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa


pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay,


pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang
unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-
anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal.
at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming


uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo,
naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo,
eksistensiyalismo, at feminismo.

MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan,


seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang


organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng
pagsusuri.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang


paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

BAKIT MAHALAGA ANG PANUNURING PAMPANITIKAN?

 Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung


tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO

12
1. Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga
akdang pampanitikan bilang isang sining.

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng


akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya.

3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong


nagaganap sa panitikan.

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko


na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,
kasaysayan, sikolohiya, atbp.

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang


akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon
batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas


ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na
kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay
ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.

PAGKAKAIBA NG CRITIQUE (PANUNURI) AT CRITICISM


(KRITISISMO)
CRITIQUE (PANUNURI) CRITICISM (KRITISISMO)

1. Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali


2. Naghahanap ng kung ano ang Naghahanap ng kulang
pwede
3. Nagtatanong upang Nagbibigay agad ng hatol sa hindi
maliwanagan niya naunawaan

4. Naglalahad sa mabuti, matapat Nakalahad sa malupit at


at obhektibong tinig mapanuyang tinig

5. Positibo Negatibo

6. Kongkreto at tiyak Malabo at malawak

7. Tumitingin lamang sa kung ano Naghahanap ng pagkukulang sa


ang nasa pahina manunulat at sa akda

Gabay sa Pagsusuri ng akda ni Nenita Papa

13
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata


sapagkat ang tunay na halaga ng bagay, puso lamang ang
nakadarama.” - Aral mula sa Ang Munting Prinsipe ni Antoine de Saint-
Exupery

14
Aralin 2: Ang Pelikula

Ang Pelikula, kilala din bilang Sine at pinilakang tabing, ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing
tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang mga
litratong pampelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito
ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at


negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao
at bagay (kabilang ang mga inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o
sa pamamagitan ng kartun.

Ito rin ay isang uri ng media na may malaking epekto sap ag-iisip at
pag-uugali ng mga manonood.

Katangian ng isang Pelikula

1. Ito ay Audio-visual (tanaw-dinig)-paningin at pandinig ang ginagamit.

2. Ang mga damdamin o kaloob-looban o di-konkretong kaisipan o diwa ay


dapat na maipakita nang malinaw sa screen.

3. May tiyak na haba ang pelikula.

4. Sa pagbuo ng isang pelikula nangangailangan ng salapi.

5. Mayroon ding mga di-inaasahang pangyayaring maaring makaapekto sa


pagbuo ng pelikula.

6. Gawa ng maraming tao ang pelikula.

7. Nabubuhay ang pelikula nang dahil sa script na iniinterpret ng director.

Pelikula VS Nobela

15
PELIKULA PAGKAKATULAD NOBELA
Sinema Sining Literatura
Nahahati sa mga Representasyunal ng Nahahati sa mga
eksena reyalidad Kabanata
Paglalarawang
Paglalarawang biswal Gumagamit ng wika
Salita
Aksiyon May kasaysayan o kuwento Imahinasyon
Pinanonood Kinokunsumo Binabasa
Kasaysayan ng Pelikulang Pilipino

Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at


isang popular na uri ng libangan. Isa rin ito sa mga pinagkukunan ng Trabaho
ng mga 260,000 naPilipino. Kumikita ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun taon.

Huling Bahagi ng Panahong Kastila

Noong 1 Enero 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme


au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une scene de danse
Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng
Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de
Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio
Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere
sinematograph na may 30 pelikula mula sa kayang account sa isang
bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga bansang Pransiya Alemanya at
sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.

Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay


ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena
mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang dokomentaryo tulad
ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng
Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la
Callejeras o ang Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga
Dayuhanng taga gawang pelikula ang ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton
Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong mga
pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha
ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng
American Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang
pagkakahilig ng mga pilipino sa Sabong.

Panahon ng Amerikano

Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag
palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya ng sineha na
nagngangalang Cine Walgrah sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros. Ang
ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang negosyante na nagngangalang

16
Samuel Rebarber, Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa
No.80 calle Crespo sa Quiapo Noong 1903, Ang isa ng Pilipinong
nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang sinehang Gran
Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa
tapat ng Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon
ang pelikula ay popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa
Kolonisasyon. na sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga mangaawit sa Manila
gran Opera House.

Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa


Manila fire Department, siAlbert Yearslyay kumuha ng eksena sa selebrasyon
ng Rizal day sa Luneta noong 1909; noong 1910, Ang Manila Carnival noong
1911, Ang ilang mga kuha mula sa pag putok ng Bulkang Mayon;Ang kuha
mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng Maynila niBud Mars At ang
mga kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha
mula sa pag alis ng mga Igorot papunta sa Barcelona at ang pananalasa ng
bagyo sa Cebu ngunit ang mga Pangunahing pelikulang ito ay hindi naging
popular sa ating mga Pilipino dahil sa ito para lamang sa kaalaman ng mga
dayuhan.

Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula


dahil ito ay isang magandang gamit sa pag hahatid ng
Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw, kaya noong 1909, ang Kagawaran
ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang Laboratoryo ng Pelikula sa
Tulong ng Pathe, at ng isang Photgraper na si Charles Martin, sa Pransiya at
siyay nag sanay ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula, ng Matapos mag
sanay ang mga tinuturuan, ay nag simula na silang gumawa ng pelikula,
At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa
kagamitan na Chronophone ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay
pumunta sa Pilipinas at kumuha ng Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad
sa talon ng Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor, At noongv 1912, ang isang
kumpanysa sa Hollywood ay gumawa ng isa ng Pelikula na ang pamagat ay La
Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag
simula ang Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.

Ng 1914; Ng Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag


hahatid sa Edukasyon at Propaganda nag aangkat din sila ng Pelikula mula
sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay
pansamantalang itinigil ito.

Unang Mga Pelikulang Pilipino

Ang kauna- unang Nagawang Pelikulang ginawa ng Pilipinas ay


ang Dalagang Bukid sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 base
sa Zarzuela na isang higly-acclaimed MeloDrama ni Hermogenes Ilagan at
ni Leon Ignacio Ang mga unang taga-gawa ng pelikula ay gumagaya sa mga
sa Hollywood kung hindi man ay sa mga aklat.

17
Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may
tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa
ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng pelikula
at noong disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang tagalog na Pelikula na
Pinamagatang Ang Aswang, na isa ng Pelikula na may tema ng katatakutan
base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang nakakatanda sa pelikulang ito ay hind
talaga ito purong may tunog, ay ang Punyal na Ginto na ipinalabas noong marso
9,1933 sa Lyric Theater.

Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ay tumululog s pag
papaunlad pa ng industriya ng pelikula ang mga Tao ay namangha sa mga
magagaling na pagganap at sa pag pili ng tema ng pelikula, karamihan dito ay
tungkol sa mga pinagdaanan ng mga pilipino sa mga mananakop, tulad
ng Patria Amore;Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong
elemento ng propagandang Anti-spanish .

Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas ay gumawa


din ng mga ilang Pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng
Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at
ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.

Ito ang mga Sikat na mga Artista bago ang Digmaan:

Brian Soria
Fernando Royo
Ben Rubio
Rolando LIwanag
Exequel Segovia
Ben Perez
Teddy Benavides
Manuel Barbeyto
Ernesto la Guardia
Jaime G. Castellvi
Alfonso Caravajal
Jose Troni
Nardo Vercudia
Andres Centenera
Fermin Barva
Fernando Poe Sr.
Nati Rubi
Etang Discher
Monang Caravajal
Naty Bernardo

18
Panahon ng Ikalawang Digmaang pandaigdig at ng pananakop ng Hapones

Noong panahon ng mga Hapones, Ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang


tumigil. Ang mga Hapon ay nagdala ng kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito
naging popular sa mga Pilipinong manonood, Ang mga Propaganda laban sa mga Hapon
Ang ginagawa ng mga iilang mga drektor kasama si Geraldo de Leon na tungkol sa
relasyon ng Hapon sa Pilipinas Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na
sa direksiyon ni Abe Yukata at Geraldo de Leon. At sa mga panahong iyon, ang Komedya
nila Pugo at Togo, ay naging popular sa mga panahong iyon na ang tema ay tungkol sa
pananakop ng Bansang Hapon sa Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil si
Togo ay katunog ng Tojo na isang Punong Ministro sa Bansang Hapon noong dekada 40.

Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende


sa entablado lalo sa maynila Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.

Dekada 50

Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang


mga tao ay gustunggusto na makapanood ng mga iyon, na ang karamihang tema ay
propaganda, tulad ng Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang
Kamatayan at Gerilya na isang uri ng naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng
ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.

Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas. base sa mga buhay ng
pilipino tulad ng tungkol sa mga napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan
ng mga Pilipino, sa panahong ito ay naging popular rin ang komedya at drama.

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

Ang Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (Ingles: Metro Manila Film
Festival) o (MMFF) ay isang taunang kapistahang pampelikula ng Kalakhang Maynila. Ang
panahon na ito ay nagsisimula sa ika-25 ng Disyembre (Pasko) ng bawat taon, mga
pelikulang Pilipino lamang ang pinapalabas sa buong Pilipinas.

Sa panahon ng kapistahang pampelikula, ipinagbabawal ang pagpapalabas ng


mga dayuhang pelikula sa buong Pilipinas. Maaari lamang ipalabas ang mga pelikulang
lumahok at tinanggap ng mga hurado ng kalipunan ng MMFF. Isa sa mga katangi-tanging
kaganapan sa loob ng kapistahan ang parada ng mga artista kung saan nakasakay sila
sa mga magagarbong mga karo na bumabaybay sa kahabahan ng Roxas Boulevard.
Mayroon ding parangal para sa mga pinakamahusay na pelikula.

19
Aralin 2.1: Pelikulang Panlipunan

PELIKULANG PANLIPUNAN

Ano ang pelikula? Paano nag – uugnay ang pelikula at lipunan? Tungkol saan ang
pelikulang panlipunan? Lahat ba ng pelikula ay maituturing na panlipunan? At ang lahat
ban g nasa loob ng isang lipunan ay maisasapelikula?

Ano ngayon sa iyo kung may mga taong illegal na ikinukulong nang daig pa ang
mga hayop para pagkaperahan ng mga pulis? Ano kung may mga kabataang tulad ni
Kian na basta pinapaslang? Ano kung may mga batang tulad ni Jomari na naglalakad
nang yapak sa dilim ng siyudad subalit mas mulat sa iyo? Basta ang mahalaga, tingin
mo, ligtas ka, hindi ba? Tingin mo, ligtas ka, pero ang totoo, nakapikit ka. Hindi ka
nagbubulag – bulagan. Nakapikit ka, tulad kapag nanonood ka ng katatakutan. Kapag
may marahas na nangyayari sa pinapanood mo, hindi ka lang basta pumipikit, nagtatakip
ka pa ng mukha mo, dahil para sa iyo, marahas lang ang karahasan habang nakikita mo.
Kapag nakikita mo. Pero mali ka, syempre. Totoo ang karahasan, nakikita mo man o
hindi. Totoo ang kamatayan. May mga buhay na hindi na mababawi. May kinabukasan
na hindi na makakamit. May kabataan na tulad ng sa iyo na may laying pumikit kung
gusto dahil may ilusyon ka na ligtas ka, na malaya ka, at s aiyo, iyon lang ang mahalaga.

Mula kay FB ni Edgar Calabia Samar, 2020

Ang pahayag sa itaas ay isang promo para s apelikulang “Aswang” ni Alyx Ayn
Arumpac.

(https://.www.aswangmovie.com/?fbclid=IwAR1_hFmWMuOOU6QVd2jxsW0kWy
hbFKvOTVIN98RgKwwA-OBBpI7RxwcZFF1Y)

Lantad na lantad ang ilang isyung panlipunang isinawalat sa promong ito.

Bakit mahalaga ang mga isyung panlipunan sa mga pelikulang dapat pinapanood
ng bawat Filipino? Paano ang presentasyon at representasyon ng lipunang Filipino na
ibinabadya at ipinapakita sa mga pelikula? Gaano kahalaga ang mga isyung panlipunan
sa mga pelikula upang gisingin, gelatin, at uriratin ang kamalayan at kamulatan ng
sambayanan?

Bahagi na ng lipunan natin ang panonood ng pelikula. Panahon pa ng Alericano


buhat nang ipakilala ito sa madla. Nagdaan na ito sa samot – saring anyo, mukha midyum

20
at paraan upang makita at matunghayan ng balana. Isa ito sa kinahihiligan ng
marami.masaya raw kasi ang manood, pampa – goodvibes ‘ika nga. Nakakalibang
diumano ang panonood lalo na sa loob ng sinehan upang kahit paano ay makatakas
pansamantala sa problemang hated ng mapait na realidad. Sa kontemporaneong danas,
ang dami nang pelikula ang pumatok o kumita sa tangkilik ng sarili nitong mga
mamamayan. May mga nagsasabi ngang makikita mo ang yaman o luho ng isang bansa
dahil sa panonood ng isang pelikula. Ang panonood sa mga pelikula ay maaaring magdala
ng limpak – limpak nap era sa unang araw pa lamang sa mga sinehan. At may mga
pelikulang inaabot ng halos lagpas isang buwan sa mga sinehan sapagkat pinipilahan,
pinagkakaguluhan, at pinag – uusapan ng bayan. Isa ito sa halina at mahika ng pelikula
sa mga taong magiliw na tagatangkilik nito.

Sinasabi ring pinakapopular na anyo ng sining ang pelikula sapagkat ito ang
pinakamadaling tangkilikin at bigyan ng oras na makakaramdam ka ng gang, relaks, at
saya. Hindi gaya ng panitikang (tula, dula, nobela, maikling kuwento) dapat ay binabasa
at / o itinatanghal, sa pelikula ay uupo ka sa presko at madilim na lugar habang kumakain
ng popcorn at umiinom ng softdrinks.hindi gaya sa pintura, arkitektura, at eskulturang
kailangan mo lamang pasadahan, tingnan o titigan, madalian lamang ang prosesong ito
kompara sa pelikulang relaks na relaks ka sa loob halos nang dalawang oras na
panonood. Hindi tulad ng musikang aabutin lamang ng ilang minute at halos ang
nagagamit lamang ay pakikinig, ang pelikula ay patok sa dalawang pandama ng tao, may
pakikinig na, may paningin pa. hindi tulad ng sayaw na para lamang sa iilang may talent
nito, ang pelikula ay kombinasyon ng musika, sayaw, pintura, eskultura, arkitektura at
halos lahat - lahat na. kaya masasabing sa lahat ng pitong anyo ng tradisyonal na sining,
lutang, angat, at bida ang pelikula.

Sa kasagsagan ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino s akolehiyo, ay may mga


panibagong disiplina o espisipikong larang ng pag – aaral ang inihandog ng Tanggol Wika
para maging kurso sa Filipino. Isa na rito ang “Sinesosyedad o Pelikulang Panlipunan.”
Makapangyarihang puwersa ang hatid ng pelikula sa isang mulat at malay na
lipunan. Mas nasasabi nang malinaw, malalim at malikhain ang maraming isyung
panlipunan gamit ang makrong kasanayang panonood. Kaya sa kursong ito ay
pagtitibayin at itatampok ang pelikula bilang impukan – hanguan – kuhaan ng mga
impormasyong may kinalaman sa pagpapamulat at pagpapalakas ng mga isyung dapat
ay pinag – uusapan sa akademya upang makatulong ng anumang adbokasiya at labanan
ang anumang uri ng opresyon. Sa pagpapatupad ng programang K – 12, ang mga araling
pangkolehiyo na nasa antas ng General Education (GEC) ay ibinaba tungo sa Senior High
School. Bunga nito ay ang pagkakaroon ng panibagong aralin sa literature na nakapokus
sa pagpapahalaga at paglinang ng sariling kultura at mga kakayahang makita at matukoy
ang mga isyu at problema ng sariling lipunan gamit ang pelikula. Ang pagsusuri at pag –
unawa ng sariling panitikan sa midyum ng panonood ay daan upang makita ang realidad
ng buhay. Ginamit ang pelikula sa kursong ito upang maiugnay ang kultura, maka –
Filipinong pananaw, sariling damdamin na nagtataglay ng samot – saring karanasan ng
tao na hinubog sa makabuluhang paraan.

21
Batay sa deskripsyon ng Tanggol Wika, ang SINESOS ay kurso sa panitikang
nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panood at komparatibong pagsusuri
ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Filipinas. Sa pamamagitan ng dulog na
tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag –
unawa ng kontemporaneong lipunang lokal, nasyonal, at internasyonal, alinsunod sa
pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong puwersa.

Kung gayon, malinaw na ang Pelikulang Panlipunan ay proseso ng panonood,


pagbasa at pagsusuri sa mga pelikulang Filipino na may pagtatampok sa mga isyung
panlipunan gaya ng kahirapan, prostitusyon, edukasyon, korupsyon, kalikasan,
ekonomiya, politika, relihiyon, showbiz, diaspora, kalusugan, teknolohiya, pangkat –
minorya, wika, kasaysayan, sining, kultura, sector – manggagawa, transportasyon at
marami pang isyu ng bayan.

Itatampok sa pag – aaral na ito ang mga pelikulang Filipino na naglalarawan ng


makatotohanang lipunan lalo na sa kasalukuyan. Magiging gabay o patnubay ang mga
pelikulang ito upang maging gising at may malasakit ang bawat isa sa ating dangal bilang
lahi, at sa ating hinaharap bilang makabagong mamamayan. Higit na tututukan sa
panonood, pagbabasa at mismong panunuri ang nagdudumilat at naghuhumiyaw na
katotohanan sa mga isyu ng ating lipunang nakakaapekto sa ating pang – araw – araw
na buhay, direktahan man o hindi, panandilaan man o pangmatagalan, at lokal man o
nasyonal na antas.

IBA’T IBANG PANGUNAHING ISYU NG PELIKULANG PANLIPUNAN:

1. Kahirapan
Pagkarami – rami ang mukha ng kahirapan na maaaring isiwalat sa isang
pelikula gaya ng gutom, kawalan ng trabaho, walang sariling bahay na matitirahan,
walang makian, hindi sapat na suweldo, pagbebenta ng sariling laman at organ,
hindi makapagpagamot sa maysakit, sira – sirang bubong, mabahong lugar,
iskuwater, walang koryente at tubig, nakatira sa bundok ng basura, at marami
pang iba.

2. Diaspora
Usapin ito ng pangingibang – bayan, ang buhay ng mga OFW, ang kanilang
pakikipagsapalaran sa ibang bansa, ang sapilitang pagtatrabaho nang malayo at
hindi kasama ang pamilya, ang mg apatagong pagtatrabaho, ang
pangmomolestiya ng mga dayuhan sa mga Filipino, ang kuwento ng pagtataksil
ng mga may – asawa at kasintahang naiwan, ang pangangarap ng maringal at
maalwan na buhay sa ibang bansa, at marami pang iba.

22
3. Politika
Maaaring uminog ang pelikula sa diskurso ng mga isyu sa pamahalaan, mga
kontrobersyal na batas, mga hidwaan ng mga politico, debate sa mga isyu ng
bayan, mga adbokasiyang panlipunan, mg aisinusulong na patakaraan, buhay ng
mga nagsesersbisyong – publiko, katiwalian sa gobyerno, korupsiyon,
pandarambong, pagkakanulo sa tiwala ng bayan, isyu sa mga teritorya, at marami
pang iba.

4. Ekonomiya
Maaaring maging sentral na tema ang kalagayang ekonomiko ng isang
lugar, ang mga patakaran sa kalakalan o negosyo, ang mga polisiya at diplomasya
sa pakikipag – ugnayang pandaigdig, mga uri ng bilihin, pagtaas ng presyo, ang
gasoline, transportasyon, trapiko, ang usapin ng pera, stocks, merkado, online
selling, networking, pyramiding, scam sap era, tubo, puhunan, budol – budol,
pagbabangko, money laundering, train law, buwis, usapin ng dolyar laban sa peso,
at marami pang iba.

5. Kasarian
Pagsasambulat sa aping kalagayan ng isang particular na kasarian, usapin
ng gender, patriyarka, domnasyon ng isnag uri batay sa kasarian, LGBTQ+, ang
posisyon ng babae at lalaki sa isang lipunan, gender roles, pagkakahon,
isteryotipo, mga bias, mga dictum sa isang lipunan sa dapat o hindi dapat gawin
ng isang babae o lalaki, ang kakayahan ng isnag tao, ang pagsasaalang – alang
sa tungkuling ginagampanan, ang pag – iyak ng isang lalaki, ang pagiging
malumanay, maskulado, at marami pang iba.

6. Prostitusyon
Mas binibigyan ng masusing detalye at pananaliksik ang buhay sa gabi, ang
mga nagigising sa medaling – araw, ang talamak na pagbebenta ng sariling
katawan, pagiging puta, husto, macho dancer, GRO, service espakol,
pagmamasahe, human trafficking, sapilitang pakikipagtalik, at marami pang iba.

7. Sektor – Manggawa
Binibigyang – espasyo nito ang mga trabahador , magsasaka, mangingisda,
mananahi, obrero, construction worker, endo, pagiging contractual, Labor day,
suweldo, kinsenas, batas sa paggawa, overtime, under time, excess work,
compensation, at marami pang iba.

8. Edukasyon
Binibigyang – priyoridad nito ang kalagyan ng mga guro, ang mga
patakarang pangwika, ang kolonyal na mentalidad, ang globalisasyon, MTB – MLE,
mga kurikulum, mga priyoridad ng DepEd at Ched, pagkamabayan sa usapin ng
mga polisiya, ang hamon ng intersyonalisasyon, lokalisayon, at marami pang iba.

23
9. Relihiyon
Tinutumbok naman nito ang mga hidwaang pananampalataya, ang tungkol
sa mg apinaniniwalaan, mga prusisyon, imahen, ang mga doktrina sa Simbahan,
kalagayan ng mga pari at madre, ang paraan ng paniniwala sa Diyos, panata,
pagiging deboto, ang tunay na relihiyon, paniniwala s aikalawang buhay, mga
panuntunan o utos ng simbahan, pinanghahawakang panata, Bibliya, pangalan ng
Diyos, mga sumpa – sumpa, at marami pang iba.

10. Teknolohiya
Binibigyang – pansin nito ang aplikasyon ng Siyensiya, ang desbentaha at
bentaha ng isang bagong imbensiyon, mga gadget, online teaching, blended
leaning, robotics, internet, animation, ang buhay sa hinaharap, bagong planeta,
mga bituin, buwan, araw, kalawakan, santinakpan, at marami pang iba.

PANONOOD BILANG KRITIKA

Ano ang palabas? Bakit nga ba palabas at hindi paloob? Ano ang palabas na
pinapanood? May paloob ba sa ginagawang panonood? Balikan na muna natin ang apat
na makrong kasanayang pangwika.

Pakikinig

Binigyan ng Diyos ang tao ng dalawang tainga sapagkat alam niyang mas mahirap
makinig kaysa magsalita. May tatlong proseso ang pakikinig:

1. Pagtanggap (resepsiyon),
2. Pagkilala (rekognisyon), at
3. Pagpapakahulugan (komprehensiyon) sa mga tunog.

Pagsasalita

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Pagsasalita ang isa sa
pinakanangungunang kinakatakutan ng tao, ikalawa sa kamatayan. May tatlong element
para makapagsalita ang isnag tao:

1. Enerhiya (ang puwersa mula sa baga),


2. Artikulador (ang kumakalatal na bagay sa ating lalamunan), at
3. Resonador (ang nilalabasan ng tunog gaya ng ilong at bibig)

24
Pagbasa

May pag – asa sa pagbabasa. Pagbasa ang isa sa sekreto ng pinamatatalinong tao.
May apat na prosesong nagaganap sa pagbabasa:

1. Persepsiyon (pagkilala sa mga simbolo)


2. Komprehensiyon (pag – unawa sa mga simbolo),
3. Reaksiyon (paggamit at / o paglalapat sa mga simbolo), at
4. Integrasyon (pag – uugnay ng dati at bagong alam kaugnay sa simbolo).

Pagsusulat

Mas matalas ang panulat kaysa sa tabak. Isa sa sukatan ng talino ng isnag tao
ang kaniyang kahusayan s apagsuuslat, kapuwa sa estilo at nilalaman. May tatlong
hakban namang nangyayari kapag nagsuuslat ang isnag tao:

1. Bago (pagpaplano, pag – iisip ng paksa, pananaliksik),


2. Aktuwal (pansamantalang pagsulat), at
3. Pagkatapos sumulat (pagrerebisa, pag – eedit, paglalathala).

Panonood

Ang panonood ay isang bagong makrong kasanayang pangwika sapagkat


tinatanggap natin ang katotohanan at realidad na natututo tayo sa proseso ng
pagsasagawa nito. Mulaan, hanguan at / o imbakan ito ng karunungan. Hindi na lamang
tayo natututo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at / o pagsusulat. Bulto ang
impormasyong nalalaman at natutuklasannatin sa tulong na panonood. Simbilis ng kidlat
ang nasasagap nating mga kaalaman at detalye sa pamamagitan ng pagtunghay sa iba’t
ibang uri ng palabas. At hamak na nakakalibang at pangangailangan ang panonood sa
pananaluktok ng teknolohiya. Kumbaga, ito na ang uso o trend sa kasalukuyang panhaon
at henerasyon. Maiiwan ka sa pansitan o pupulutin ka sa kangkungan kapag hindi ka
nanonood na maaaring makita sa telebisyon, sinehan, YouTube, at iba’t ibang mukha ng
social media.

Kung bibigyang pagsusuring pangwika ang panonood, maaari itong maging


pangngalan, pandiwa, o pangngalang – diwa depende sa paggamit ng konteksto at
pangungusap. Kung ito ay pamagat bilang makrong kasanayang pangwika, ito ay
pangngalan. At kung gagamitin namna ito s apangungusap bilang lehitimong aksiyong
may aspekto, ito ay pandiwa. At kung ang gamit nito ay kombinasyon ng pangngalan at
pandiwa ay mailuluwal ang pangngalang – diwa.

Nood (hindi nuod) ang salitang ugat ng panonood. May unlapi itong “pa.” at
nagkaroon namna ng reduplikasyon (nono) bilang pagbabagong morpoponemiko. Hindi
laging maaari sa kontekstong Filipino ang “panood.” Kung pawatas o nag – uutos ay

25
maaari ang “panood.” Subalit bilang pamagat at aksiyon, kailangan ito ay may
reduplikasyon sapagkat ito ang kalikasan ng wikang Filipino sa pangkalahatan.

Narito ang proseso sa isang panonood:

1. Proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording, at ba pang


visual media upang magkaroon ng pag – unawa sa mensahe o ideyang nais
iparating nito.

2. Ito ay pagbasa sa mga gumagalaw na imahen batay sa pinananaligang dulog,


teorya, pamantayan, o ano pa mang kahingian o lente ng pagsusuri.

3. Ito ay pagpapasiya o paghatol sa kalakasan o kahinaan, positibo o negatibong


aspekto ng isang palabas na tinutugaygayan o pinag – aaralan gamit ang mga
pruweba at paliwanag.

4. Pag – aaral sa mga palabas sa tulong ng sariling danas, pandama, persepsiyon,


panghuhusga, at preperensiya sa anyo ng kritika.

Ang panonood ay itinuturing na integratibong makrokasanayan ng iba’t ibang


kasanayang pangwika. Nagsasalikop, nag – uugnay, at / o nag – aagpang ang pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat sa proseso ng panonood. May audio ang panood
kaya nagaganap ang pakikinig. Maaaring pag – usapan ang mga pinapanood kaya may
nagaganap na pagsasalita at talagang may nagsasalita s amismong mga napapanood.
May pagbabasa sa panonood bilang tagapagtangkilik nito ay kailangang may makita kang
kalakasan at / o hamon sa proseso nito. May literal ding subtitle ang ibang palabas lalo
na sa dubbing at adaptasyon kaya nagaganap ang pagbabasa.
Sa madaling sabi, ang panonood ay ang proseso ng pagbasa, pagkuha, at pag –
unawa sa mensahe o kaisipan mula sa palabas. Dapat idiing mensahe o kaisipan ang
nakukuha sa mga pinapanood at / o napapanood at HINDI aral.

Mahalagang – mahalaga ang tunog, musika, at kawalan mismo ng tunog upang


madama ang buong pelikula o palabas. Mawawalang – saysay ang panonood kapag may
diperensiya o problema ang audio nito unless kinakailangan sa pelikula gaya ng “A Quiet
Place.” Biswal din ang pelikula kaya mahalagang – mahalaga ang mga nakikita o
gumagalawa na imahen. Kaya kailangan ng ilaw upang makita ang nasa dilim. Walang
pelikulang puro lamang dilim unless kailangan ito sa eksena ng “Lights Out.”

Sa pangkalahatan ay may iba’t ibang uri ng palabas na napapanood gaya ng


tanghalan o teatro, pelikula, programa sa telebisyon, YouTube at internet video. May mga
maliit pa itong kategorya o genre.

26
Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang-uri.
Nagkakaiba-iba ang mga ito dahil sa sentral na kuwento, emosyong ipinadarama, at mga
kaisipang pinapairal sa bawat palabas.

IBA’T IBANG GENRE NG PELIKULA

1. ROMANSA/PAG-IBIG

Ito na marahil ang pinakasikat na genre sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.


Ang genre na ito ay nakatuon sa kuwentong pag – iibigan, iba’t ibang emosyon dulot
ng pagmamahal, at ugnayang romantiko at erotiko ng mga karakter s aisa’t isa.
Karamihan sa mg apelikulang romance ay tungkol sa pakikibaka ng dalawang nag –
iibigan na karaniwang hinahadlangan ng problema sap era, pagkakaiba ng estado sa
buhay, kapansanan, pagtutol ng pamilya, at iba pa. punong – puno ito ng kultura ng
kilig at pangangarap na makakatagpo rin ng totoong pag – ibig ang sinuman.

Ang mga temang tinatalakay sa romance ay unrequited love, love at first sight,
spiritual love, destructive love, true love. Ito rin ay genre na naglalayong makatakas
ang manonood sa pantasyang ang bida ay nakakaalpas sa mga problema.

Sa Filipino, ito ang pinaksikat na tema na kadalasang hindi mawawala ang


konsepto ng love triangle o kaya naman ay kabit. Ilang mga halimbawa nito ay
“Pangako Ikaw Lang (2002),” “Forevermore (2002),” “Minsan Minahal Kita (2000),”
at iba pa. ito nag mga pelikulang nagluluwal ng mga tambalang minamahal at
dinumog ng sambayanan.

2. KOMEDYA

Naglalayong manlibang at magpatawa ng manonood at kadalasan na ginagawa


ang mga pelikulang ito upang makapag – aliw sa tao at magdala ng kasiyahan sa
kanila. Makikita ang mga katangian ng isang komedyang Filipino sa mga sitwasyon at
pangyayari kaya mapapansin sa mga lumang komedyang Filipino ang uri na Slapstick
(pagpapatawa mula sa pisikal na pangyayari) kaya madalas mapapanood sa mga
pelikulang itong may madadapa, mahuhulog, madudulas, mababatukan,
mabubulunan, at iba pa katulad sa mga pelikula nina Dolphy, Panchito, Rene
Requiestas, Roderick Paulate, Tito, Vic and Joey, at iba pa. may mga pelikula rin sa
unang bahagi ng bagong siglo na sumusunod sa slapstick na pagpapatawa gaya ng
“Basta Ikaw Nanginginig Pa” na pinagbidahan ni Vic Sotto.

Dahil na rin sa pagsulpot ng mga bagong komedyante sa industriya, nagkaroon


ng pagbabago sa paraan ng pagpapatawa sa pelikulang Pinoy. Ang mga komedya sa
panahong ito ay nakabatay na sa sitwasyon, humor at wit sa bawat diyalogo ng mga
tauhan. Binawasan na ng mga pelikulang ang slapstick sa kanilang naratibo.

27
Ilang halimbawa dito ang sumusunod:

“Mana Mana”
“Tusong Twosome”
“AB Normal College”
“Juan Ted”

Karamihan sa mga ito ay ipinalabas sa unang bahagi ng 2000’s. pagpasok ng 2010,


nagkaroon ng panibagong uri ng komedya sa pelikulang Pinoy na ang pinaka naging
katangian naman ay ang pagpapatawa gamit ang pamimilosopo at panlalait. Kaugnay na
rin ito sa pagsikat ng mga gay comedy bar at sa pamamayagpag ng kilalang komedyante
na si Vice Ganda.

Ilang halimbawa nito ang:


“Petrang Kabayo (remake)”
“Beauty and the Bestie”

28
3. MUSIKAL

Ito ang isa sa mga genre ng pelikulang nagsisimula na ring umusbong sa Filipino,
tinatawag rin itong “dance films.” Pinag – ugat nito ang mga katutubong sarsuwela,
bodabil, opera, at iba pa. sa genre na ito, may pagtatanghal ng mga awitin at sayaw
bilang pangunahing naratibo ng kuwento. Makikita rin ditto ang katangian ng pagtakas
sa katotohanan ng mga pelikulang musical dahil kadalasan na sinisingit ang mga kanta
at sayaw bilang pahinga ng manonood sa hindi kanais – nais na katotohanang may
temang pag – ibig, katanyagan, tagumpay at karangyaan. Ang genre na ito ang – uugat
mula sa stage musical, opera, cabaret, at iba pa. Isa sa mga makabagong halimbawa ng
genre na ito ay “Ang Larawan,” “Emir,” “Deadma Walking,” “Miss Granny,” “Kaputol ng
Isang Awit,” “Bituing Walang Ningnig,” at iba pa.

29
4. ADVENTURE / PAKIKIPAGSAPALARAN

Kadalasan ang genre na ito ay nagiging katambal ng aksiyon dahil sa mga


parehong elementong inilalapat sa dalawang genre, kaya “action – adventure” din ang
tinatawag ditto. Binubuo rin ng maaksiyon na karanasan ang karamihan sa mga eksena
rito subalit ang pagkakaiba nito sa aksiyon ay hindi ito nakapokus sa mga bayolenteng
tagpo at pakikipaglaban sapagkat ang adventure ay may temang pakikipagsapalaran,
paglalakbay, pagwawagi, at walang hanggang pakikipagbuno at paghihirap. Madalas ang
bida ay dumaraan sa samot – saring pakikipagsapalaran na sa bandang huli ay
magwawagi ang may mabuting kalooban.

Kinakailangan ng historical na panahon upang maganap ang mga kuwento ng


bayani, digmaan, mga hari at pag – aaklas sa naturang genre. Ang “Pedro Penduko” at
“Pedro Penduko 2: Ang Pagbabalik” ay mga halimbawa ng pelikula sa ilalim ng genre na
ito.

5. AKSIYON

Masasabi na ang pelikula sa ilalim ng aksiyon ay binubuo ng patuloy na daloy ng


enerhiya, mabilis na camera cuts, stunts, at mga aktibidad na nangangailangan ng
puspusang choreography. Ayon pa rin sa pag – aaral nina Alberto, et. al. (2008),
naitampok sa taong 1990 – 99 ang genre ng aksiyon. Dagdag pa nila, “Masasabing
ang action films ang naging patok sa masa noong dekada ’90. Ang mga aktor tulad
nina Fernando Poe, Jr., Bong Revilla, Jr., Philip Salvador, Lito Lapid, Robin Padilla,
Rudy Fernandez, Ronnie Ricketts, at iba pa ang nangibabaw sa takilya. Ang tema ya
tungkol s aaksiyon, labanan, masasamang tao, bida at kontrabida, gobyernong korap,
at malalaking sindikato.” Ang dekadang ito ay naayon sa amga konsepto mula sa
naunang mg apelikulang aksiyon nina Fernando Poe Jr., Paquito Diaz at iba pa.
kadalasang nagreresulta ito sa piniling landas ng bida o kaya naman ang naidudulot
sa tauhan ng labis na pagnanais na makapaghiganti. Tinatawag din itong pelikulang
bakbakan.

Ang pelikulang aksiyon sa Filipino ay mahihimay sa sumusunod na tagpo:


pagsabog (kadalasan matapos ang habulan gamit ang mga lumang kotse),

30
engkuwentro sa beerhouse, leather jacket ng goons, owner – type jeep ng bida, huling
pagdating ng mga pulis, big boss na laging guling mamamatay, suntukan sa bilyaran,
panggagahasa, suntukan, umbagan, sapakan.

Ilan sa mga halimbawa:

“Kanto Boy 2: Anak ni Totoy Guwapo (1995)”


“May Sayad (1998)”
“Ex – Con (2000)”
“Kahit Singko Hindi Ko Babayaran Ang Buhay Mo (1990)”
“Hinukay Kona ang Libingan Mo (1991)”

31
6. MISTERYO

Karaniwang kathang – isip at ang madalas na karakter dito ay isang detective o


propesyonal na tagalutas ng kaso o krimeng kinakasangkutan ng isang tauhan. Ang
pangunahing layunin ng genre na ito ay ituon ang mga manonood sa kuwentong punong
– puno ng misteryo o palaisipan.

Ang daloy ng kuwento ay madalas na nagsisimula sa isang krimen, na hahantong


sa pagpatay na agad anmang susundan ng paglutas ng bias sa kaso. Hindi rin mawawala
ang mga hindi inaasahang rebelasyon. Ang “DeteKids” ay isang tv series na maihahanay
sa magandang halimbawa ng genre na ito. Pinakasikat na halimbawa nito ay ang kartung
palabas na “Detective Conan.”

7. KRIMEN

Ito ang genre ng pelikulang Filipino na nakatuon sa mga illegal na Gawain ng mga gang
o criminal na kadalasang magnanakaw o mamamatay. Umiikot sa mga kriminal na
karakter at sa kanilang buhay, pamamayagpag, at pagbagsak ang madalas na tagpo nito.
Ginagawa ring pokus ang buhay ng totoong mga naitalang criminal bilang basehan ng
naratibo ng kuwento upang ipakita sa manonood ang mundo ng krimen. Ang tipikal na
katangian at sangkap na mayroon ditto ay pera, kapangyarihan, rape, kahirapan, at
patayan. Maihahanay ritong halimbawaang indie film na “Mondo Manila” na
ginampanan ng mga ordinaryong kabataan sa bansa na
nalulong sa iba’t ibang bisyo at paggawa ng krimen bunga
ng kanilang masalimuot na estado sa buhay. Maaaring
pumasok din ditto ang mga pelikulang kaugnay sa masaker.

32
8. DRAMA

Ang drama ay genre ng pelikulang may kuwentong seryoat makatotohanan ang


mga karakter at bawat pangyayari ditto. Sa ganitong pelikula matutunghayan ang mga
suliranin laban sa sarili, sa ibang karakter, o maging s akapaligiran. Ito ay nakatuon sa
pakikibaka ng mga tauhan na maaaring dulot ng pagkalulong sa droga, kahirapan, mga
napapanahong isyu, korupsiyon, pang – aapi, pamilya, at pag – ibig. Ang pinakalayunin
ng drama ay ibaling ang atensyon ng manonood sa mga naturang isyu gamit nag mga
karakter sa pelikula. Bagbag ng luha, samplalan, sabunutan, at talakan madalas laman
ng pelikulang ito.

Ito ang pamagat ng mga halimbawa ng palabas sa ilalim ng drama:


“Iska”
“Bata, Bata Paano Ka Ginawa”
“Deathrow”

9. PANTASYA / FANTASY

Karaniwnag tungkol sa mga makapangyarihang puwersa, mahika at dinadala nito


ang mga manonood sa isang kathang – isip na mundo na lahat ay possible. Kadalasan
ang bida ay daraan sa hindi pangkaraniwang pagsubok na kakailanganin niya ang tulong
ng isang makapangyarihang tao (minsan ito ay isang matanda, diwata, ermitanyo o kaya
engkanto). Karamihan sa mga pelikulang pantasya ay gumagamit ng ilan sa sumusunod
na mga element: makapangyarihang espada, dragon, mahiwagang reliko, kaharian,
pagtataksil at pagkakaibigan. Ito ang pelikulang may mga kidlat na lumalabas sa mata,
may apoy ang hininga, nakakalipad, nagiging imbisibol, may magic ang pamaypay, may
awra sa kamay, may laser sa orasyon ng kuko, at samot – sari pa. ilan sa halimbawa nito
ang pelikulang “Magic Temple,” “Magic Kingdom,” at “Spirit Warriors” at marami pang
iba. Mahahalata na ang mga pelikulang ito ay gumamit ng mga karakter ng isang

33
prinsesa, diwata, anghel, nuno, salamangkero, aswang, karaniwang tao, at mga
duwende.

10. KATATAKUTAN

Matagal na rin ang genre ng horror sa Filipino at masasabing isa ito sa mga genre
na may malaking pagbabago sa pagdaan ng panahon. Ang layunin ng mga pelikulang ito
ang makapaghatid ng takot at pagkabalisa sa manonood. Karamihan sa mga kuwentong
katatakutan ay hindi nalalayo s akung ano ang sikat sa Hollywood kaya naman nang
nauso ang Universal Monsters noon ay naging prolipiko rin ang mga pelikula tungkol sa
mga bampira, aswang, tikbalang, at iba pa. nang sumikat ang Child’s Play ay nagkaroon
din ng Chaka Doll ang Filipinas. Hindi rin nakaligtas ang Psycho ni Alfred Hitchcock dahil
nagkaroon din tayo ng bersiyon nito na pinagbidahan nina Herbert Bautista at Lea
Salonga. Ito ang uri ng pelikulang papatayin ka sa sindak, bubulagain ka sa eksena,
mapapasigaw ka sa takot, mapapapiring ka sa susunod na eksena, at kakabahan ka sa
mga mangyayari sa bida.

34
Ayon sa tanyag na manunulat na si Stephen King, may tatlong uri ng takot na naghahari
sa isang tao.

 Ang una ay takot na nararamdaman, ito ay buhat sa nagbabadyang panganib


na dala ng hindi nakikitang kaaway, sikolohiko ito at ayon kay King, ito ang
pinakamsidhing uri ng takot. Sa pelikulang Filipino, hindi gaanong
natutunghayan ang ganitong uri ng takot dahil sa pagiging sanay natin sa visual
cues.

 Ang pangalawang uri naman ng takot ay bunga ng gulat, masasabing hindi ito
kasintindi ng nararamdaman dahil ay maituturing na hindi permanenteng
pagkatakot at panandalian lamang. Karaniwang ito ang ginagamit sa mga
pelikulang Filipino katulad ng “Feng Sui,” “T2,” “Patayin sa Sindak si Barbara,”
at marami pang iba.

 Ang pangatlong uri namn ng takot ayon kay King ay pandidiri, ito ang takot
na dala ng reaksiyong pandidiri sa nakikita sa pelikula. Madali itong nagagawa
dahil sa mga biswal na nalilikha sa production set. Isa sa mga halimbawa nito
ay nag eksena sa “Magandang Hatinggabi” na nagbabagong – anyo ang
tagapagsalaysay bilang isang halimaw.

Kadalasan ang tema ng mga kuwentong katatakutan sa Filipino Cinema ay tungkol


sa mga multo, aswang, engkanto, demomdyo, sanib, tikbalang, tiktik, pugot na ulo, white
lady at masasamang espiritu.

35
SCIENCE FICTION

Sa genre na ito masasaksihan ang malawak na imahinasyon na makikita sa set,


special effects, at nakakamanghang teknolohiya. May pagkakatulad ito sa fantasy ngunit
ang Sci – Fi ay kinakailangan ng pag – unawa sa mg asiyentipikong konsepto tulad ng
parallel universe, genetic engineering, space travel, time machine, at iba pa. Madalas na
ang kuwento rito ay iikot sa kung paano naaapektuhan ng Siyensya ang buhay ng bida
maging positibo o negatibo ba ito. Halimbawa rito ang pelikulang kalahok sa Cinemalaya
Film Festival na “Ani (2019),” bibihira pang tahakin ito sa mga pelikulang Filipino sapagkat
magastos ang mga palabas na ito. Ang isang kongkretong halimbawa nito ay “Resiklo.”

11. ANIMASYON (Animation)

Kaiba sa lahat ng nabanggit na genre, ang uri na ito ay kakakitaan ng mas


mabusising proseso, dubbing at set – up. Mula sa larawang iginuhit ng mga tinatawag na
animator, nagkakaroon ng hininga ang mga walang buhay na karakter at ito rin ay
nagtataglay ng kapana – panabik na mga adventure o mahikang taspo sapagkat iba’t
ibang mundo na bunga ng malikhaing kaisipan ng mga animator at illustrator ang
nagiging tagpo sa genre na ito. Masasabing ito ang pinakaangkop na genre ng palabas
na maaaring panoorin ng mga bata at maging ng kahit sino man. Isang halimbawa ng
sikat na animasyon sa bansa ay ang 3D
Computer – animated adventure film na
ipinalabas ng Star Cinema na pinagatang “RPG
Metanoia (2010).” Gaya ng mga pelikulang
nangangailangan ng malaking gastos sa
pagbubuo nito ay iniiwasan din ito. Tandaang
ang paggawa ng pelikula ay usapin din ng
puhunan at kita una sa lahat.

36
12. BOMBA

Nag – aapoy, pumuputok, sumasabog, at punong – puno ng tagpong sensuwal at


seksuwal ang pelikulang ito. Dito masasaksihan ang hubo, hubad at lantad na katawan
ng mg atauhang lalaki s ababae, babae sa babae, lalaki sa lalaki na nasa akto ng
pagtatalik na madalas ay bunga ng masidhing damdaming pagmamahalan, libog,
kuryosidad, pagbebenta ng laman, pangangaliwa at panggagahasa. Ito ang pelikulang
nagpapakita ng titi, puke, suso, puwet, laplapan at iba pang
kalibog – libog na tagpo. Ayon sa Philippine Cultured
Education, mula sa Espanol ang salitang bomba na para sa
mg aPilipino ito ay mekanismo ng poso para mapaakyat ang
tubig mula sa balon nito sa ilalim ng blupa. Taong 1960 – 90,
nauso sa Pilipinas ang mga pelikulang bomba o erotiko.
Layunin nitong buhayin ang libido ng mga manonood.

Tinalakay sa isang online flatform mula sa FEU Advocate sa kanilang artikulong


“BOMBA: Anyo ng Kalaswaan o Sining?” na sa pagsulpot ng ‘bomba’ ay siya ring
pagbulwak ng magkakaibang pananaw. Hindi maikakaila na kung gugustuhing panoorin
ang mga temang nag – uudyok sa mapang – akit na mga
eksena, hindi maaalis sa isipan ng ilan na ‘kabastusan’ ng
dulot nito at mayroon din namang tingin ditto ay ‘mapangahas
na sining.’ Sa panahon na ito, sumikat ang mga artistang
kalaunang nakilala sa larangan ng paghuhubad gaya nina
Rosanna Roces, Ina Raymundo, Joyce Jimenez, Ara Mina,
Maui Taylor, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Alma Moreno,
Lorna Tolentino, Gina Alajar, Cherie Gel, Lito George
Estregan, Carlos Morales at marami pang iba.

37
Ilan sa mga sumikat na pelikula at nagkamit ng parangal sa mga patimpalak
ay ang:

“Uhaw (1970),”
“Rosas sa Putikan (1976),”
“Burlesk Queen (1977),”
“Init sa Magdamag (1983),”
“Scorpio nights (1985),” at marami pang iba.

Sa dekada na ito rin nauso ang salitang ‘Toro’ o isang live sex show.

13. HISTORIKAL (Historical)

Historical naman ang genre ng mga pelikula na tumatalakay sa mga


makasaysayang pangyayari at gumagamit ng mga magarbong sets, damit at eksena.
Karamihan sa pelikulang Filipino nasa ilalim ng historical na genre ay kadalasang tungkol
sa totoong tao at pangyayaring nakasalaysay at nakabatay sa awtobiyograpiya,
biyograpiya o memoirs. Ang mga kapansin – pansin na katanggian ng mga pelikulang ito
ay sopistikadong mga set, on – location ang shooting, makatotohanan at tama sa
panahon ang costume, political na diskurso, at minsan bulgra ang eskrip.
Pinagkakagastusan nang husto ang kasuotan at sinematograpiya ng pelikulang ito.

Sa huli, higit na dapat pakatandaang ang panonood mismo ay isang anyo ng


kritika. Paano? Sapagkat binabasa ng mga prodyuser at director ang mga pasibong
manonood kaya kumikita sila ng limpak – limpak na pera. Panahon na ring maging
kongkretong adbokasiya sa matalinong panonood ang pagpili sa mga pelikula at / o
plabas na tatangkilikin at pag – aaksayahan ng pera. Kapag ang lipunang Filipino ay

38
nagising sa katotohanang maaari palang maging mukha ng kritika ang mismong akto ng
panonood ay matatauhan ang maraming prodyuser at director sa panlilinlang sa mga
walang kawawaan, puro kabalbalan, at walang katuturang mga pelikula.

Ang mga Elementong Kailangan para Makabuo ng Pelikula ayon pa rin kina
Baquiran., et., al.

1. AKTOR

Ang laging inaabangan ng mga manonood sa isang pelikula bukod sa kuwento nito
ay ang mga aktor na gumaganap sa nasabing pelikula. Kung minsan nga, ang artistang
gumaganap ang pinakahabol lamang ng ilang manonood. Kapag pelikula ang pinag –
uusapan, maraming mga aktor at aktres ang pumatok na sa takilya tulad nina Nora Aunor,
Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Richard Gomez, Fernando
Poe Jr., at marami pang iba. Iba – iba ang naging mga istilo ng mga aktor na ito at malaki
rin ang naging pagkakaiba ng mga papel na ginampanan nila sa kanilang larang.
Napakahalagang epektibo ang pagganap sa papel ng bawat tauhan, mapabida man o
kontrabida nang sa gayon ay kapani – paniwala ang maging daloy ng kuwento. Kapag
nangyari ito, sila ang mga artistang may tatak at latak sa kamalayan ng manonood sa
mahabang panahon.

Tulad ng ibang akdang pampanitikan, maaari ding makita sa pelikula ang mga uri
ng tauhang maaari nating maklasipika bilang bilog at tauhang lapad, o hindi naman kaya’y
protagonist, antagonista, at anti – hero. Isa – isahin natin ang mga ito gamit ang iba’t
ibang pelikulang tumatak sa masa.

Una rito ang tauhang bilog. Alam nating ang tauhang bilog ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng puso ng tauhan sa kuwento dahil nagbabago ang kaniyang katangian
depende sa sitwasyong kaniyang kinalalagyan. Ito ang mga bidang realistiko sapagkat
pantao at makatao ang karaktiresasyon. Halimbawa, nakita natin ang pagbabagong
naganap sa pagkatao ni Bobbie sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding” na
ginampanan ni Bea Alonzo na mula sa pagiging pusong - bato ay naging pusong – mamon
siya sa kaniyang mga kapatid. Nakita kung paano siya naintindihan ng mga ito.

Pangalawa naman ay ang tauhang lapad na tumutukoy sa pananatili ng


katangian ng isang tauhan mula umpisa hanggang katapusan ng kuwento. Madalas na
isteryotipo ang katangiang ito ng tauhan. Tila baga nakakahon na siya at hindi na
maaaring magbago o madestrungka. Halimbawa nito ay ang papel ni Lorna Tolentino sa
pelikulang “Crazy Beautiful You” bilang si Dra. Leah Serrano na ina ni Jackie sa pelikula.
Nanatili siyang kalmado at hindi nagbago ang kaniyang pagmamahal sa anak kahit na
may sama ng loob ito sa kaniya.
Sunod naman ay ang protagonista o ang bida sa pelikula. Ang bida naman ang
nagpapadaloy ng pelikula at siya ang nagtataglay ng pangunahin at malubhang suliraning
kailangang lutasin o kabakahin. Sila ang mga naghahanap ng solusyon sa suliranin. Ang

39
mga halimbawa naman nito ay sina Tess na ginanapan ni Diana Zubiri sa pelikulang
“Silip,” Elsa naman na ginanapan ni Nora Aunor sa pelikulang “Himala,” at si Seth na
ginanapan ni Vilma Santos sa pelikulang “The Healing.”

Ang kabaligtaran ng nauna ay ang antagonista na siyang nagbibigay – buhay sa


kuwento dahil siya ang sumusubok sa kakayahan ng mga bida sa kuwento. Siya ang
nagbibigay ng sumpa at parusa sa bida. Siya ang balakid na kailangang labanan at
lagpasan. Malalampasan kaya nila ang kasamaan ng kontrabida? Mapapatunayan kaya
nilang hindi nananalo ang kasamaan? Ang pinakatangyag na kontrabida sa pelikulang
Filipino ay sina Pacquito Diaz at Eddie Garcia na madalas na makikita sa mga pelikula ni
FPJ.

At paano naman kung ang katangian ng tauhan ay pangkontrabida subalit bida sa


kuwento? Tulad ni Ruby? Ang tawag naman sa ganiyang tauhan ay Anti – Hero. Ibig
sabihin, ang pagpapakikilala talaga sa kaniya ay masama o kontrabida sa buhay ng iba
ngunit ang totoo, may dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang inasal tulad na lamang
ng mga tauhan sa “Suicide Squad” o sa “Joker,”

2. ISKRIP AT DIYALOGO
“May relasyon ba kayo ng asawa ko?”
“Relasyon?”
“Relasyon. Querida, kabit, number two, mistress, relasyon!”
“Terry”
“Huwag mo akong ma – Terry Terry! Ang tanong ko ang sagutin mo! Are you
fucking my husband?”

Isa ito sa sagutang Maricel Soriano at Zsa Zsa Pdilla sa pelikulang “Minsan Lang
Kita Iibigin” at tumatak sa madla dahil sa init, alab, at tinding nasabing eksena. Sa
halimbawang ito, makikita natin ang galling ng diyalogo at iskrip sa pelikula – ang
dalawang sangkap na magbibigay – katuturan at kabuluhan sa kuwento.

Ang iskrip ayon sa Center for New Cinema ay “isang mapang naglalaman ng mga
element sa pelikula at ang kuwentong bumubuo sa pamamagitan ng aksiyong ginagawa
ng tauhan.” Kung wala ang iskrip, malamang ay wala ring magiging diyalogo ang mga
tauhan sa kuwento. At bilang aktor, kailangang tandaang ang nasa iskrip, tulad ng sinabi
sa naunang talata ay isang mapa lamang. Ibig sabihin, ang kailangan ay pag – nternalize
sa papel na ginagampanan at pag – familiarize sa kontekstong nagaganap sa eksena.
Hindi kailangang maging pilit na imememorya ang buong iskrip. Ang kailangan ditto ay
maging suwak ang pag – arte mo sa eksena. Ang iskrip ay hindi laging nakasulat. May
mga pelikulang walang nakasulat na verbatim na iskrip gaya kapag gumagawa ng
plelikula si Brilliante Mendoza. Tinatawag na dulang pampelikula ang iskrip.

Napakahalaga rin sa pagsulat ng iskrip ang pagkakaroon ng mga tatatak na linya


sa mga manonood. Halimbawa na lamang nito ay ang pelikulang “Himala” ni Nora Aunor.

40
“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat!
Tayo ang gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at mga Diyos,
walang himala!”

Ang nasabing pelikula ay ipnalabas pa noong 1982 ngunit, kung tatanungin mo


ang madla, kahit ang kabataan ngayon, ay alam kung sino ang nagsabi ng linyang iyan.
Isa itong patunay na mahalaga rin ang mahusay na pagsulat ng iskrip para makabuo ng
isang mahusay na pelikula. Nagiging immoral o walang kamatayan ang isang pelikula at
artista dahil sa binitiwan niyang linya mula sa dulang pampelikula.

Napakahalaga rin ng napakahusay at napaka – intense na eksena sa pagsulat ng


iskrip na siya ring maaalala ng mga manonood. Kung ilalagay naman natin sa modernong
konteksto, masasabi ring may “say” o may sinabi rin ang eksena sa “Four Sisters and a
Wedding” na kinaladkad ni Alex Salazar na ginampanan ni Angel Locsin si Mocha na
number two ng kaniyang boyfriend sa pelikula na si Chad at ginampanan naman ni
Bernard Palanca. Hanggang ngayon ay binabalik – balikan pa rin ito ng mga tao sa
pamamagitan ng paggawa ng mga meme tungkol ditto. Ibig sabihin, nanging mandating
anng pelikula dahil sa eksena at dahil na rin sa mga ginamit na artista.

Hindi rin dapat mawala ang pagsasaalang – alang ng kultura sa pagbubuo ng


iskrip. Ayon muli sa Center for New Cinema, ang kultura ang sumasalamin sa ating
katauhan at katangian – mabuti man o masama. Pinapatunayan lamang nitong kaya
tinatangkilik ng mga manonood ang mga pelikula dahil may nakikita silang mga bahagi
nitong maaari nilang mailagay ang kanilang sarili o kaya ay naiuugnay nila ang sariling
karanasan, sitwasyon at / konteksto. Halimbawa maaari nilang makita ang kanilang sarili
bilang si Joker na kontrabida man sa mata na karamihan ay may tinatago rin palang
pighati. Maaari nilang makitaang ibang taong malapit sa kanila sa mga tauhan ng pelikula
o hindi naman kaya’y maaari nilang maiugnay ang sarili sa mismong kuwento at naratibo
ng pelikula.

3. SINEMATOGRAPIYA

Ang sinematograpiya sa pelikula ay ang paggamit ng kamera at lahat na makukuha


ng paningin ng manonood na makakapaglarawan sa kuwento. Dito papasok ang wastong
paggamit ng unang dalawang sangkap ng pelikula – ang ilaw at kamera. Sa
sinematograpiya makikita kung gaano kamalikhain ang pagkakaedit ng isang pelikula.
Madalas, ito ang tinitingnan ng madla at nagiging pamantayan nila ng magandang
pelikula sunod sa kuwento nito.

Sa sining ng sinematograpiya, makikita ang mahusay n apaggalaw ng kamera at


pagbibiga lamang ng sapat na ilaw depende sa kung ano ang hinihingi ng eksena.
Halimbawa s apelikulang “The Conjuring 2,” makikitang binibigyan lamang ng pansin si
Valak o ang nakakatakot na madre sa pelikula kaya nasa kaniya lamang nakatutok ang

41
ilaw. Alamin natin ang malaking pagkakaiba ng dalawa ayon sa gamit at papel na
ginagampanan nila sa sinematograpiya.

Pinakamahalaga at pinakahindi mawawalang batayang kagamitan sa


sinematograpiya ay ang ilaw dahil ito ang nagbibigay – lente sa kamera at pinoproseso
sa isang emulsion. Ang emulsion ayon sa Longman Dictionary ay isang bahagi ng film na
sensitibo sa ilaw. Samakatuwid, kung wala ang ilaw, wala ring mabubuong larawan sa
pelikula. Walang pelikula kung pulos dilim lamang ang makikita mulang umpisa hanggang
dulo nito. O maging ng kabaligtaran, walang pelikulang pulos ilaw lamang at wala ni isang
dilim na bahagi nito. Isa pang dahilan kung bakit ito ang pinakamahalaga dahil ang
imaheng binubuo rito ang magbibigay – kabuluhan sa pelikula.

Maaaring may mabuong usapan o diyalogo ngunit ang nagbibigay – tangi sa


pelikula sa iba pang akdang pampanitikan ay ang pagpapakita nito ng mga hulwagang
nagbibigay – interaksiyon sa akda / kuwento at mga manononood. Ayon nga sa Physics,
hindi naman gagana ang mata kung walang ilaw. Kaya napakahalagang sangkap na ito
dahil ito ang magsisilbing gabay para makakita ng imahen ang mga manonood.

Sunod na pinakamahalagang batayang kagamitan sa sinematograpiya ay ang


kamera. Kailangan ang kamera upang makita ang iba’ t ibang anggulo ng nasabing
pelikula, nagsisilbi itong mata na nakakarekord ng mga imahen ayon kin aBaquiran, et.
al., at sa kamera din makikita ang iba’t ibang anggulo ng kinuhaan ng kamera man na
makakatulong pagdating sa pag edit ng pelikula. Ang mga anggulo ring ito ang may
ibinibigay na implikasyon at effects na magpapaanggulo pa s akuwento ng pelikula.

4. EDITING

Isa pang inaabangan sa pelikula ay nag mahusay na editing nito. kapag sinabi
nating editing o pag – edit, ang pag – aalis ng mga hindi mahahalagang eksena sa pelikula
o pagdaragdag ng mga bagay o elementong makakapagpabuhay sa nasabing pelikula.
Maaaring pagtanggap ng pagkakamali at ilalagay na lamang sa blooper o hindi naman
kaya ay pagdaragdag ng mga background para magmukhang lumilipad ang bida sa
pelikula. Tandaang ang editing sa pelikula ay nangyayari sa pagsusunod – sunod ng putol
na shots. Ibig sabihin, sa isang totoong pelikula, lahat ng isang eksena sa isang particular
na lugar at lahat ng kasamang karakter ay kukuhaan na ng video. Hindi ito ang tipo ng
syuting sa klase na paputol – putol ang pag – video batay sa iskrip kaya papalit – palit,
paulit – ulit at palipat – lipat ng lugar. Ito ang mahika ng editing, ang putol – putol, hiwa
– hiwalay at magkakaibang shots ay gagawing holistiko na tila sunod – sunod na isahan
lamang naganap.

Isa sa pinakamahusay na editing ay ang mga pelikula tungkol sa mga superhero


tulad ng “Avengers,” “Wonder Woman,” “X Men,” o hindi naman kaya ay ang mga
pelikulang animated tulad ng “Frozen,” “Detective Pikachu,” at iba pa. kinakailangan dito
ng mahusay na editing upang maging suwak ang kuwento at sinematograpiya.

42
Tandaang ang editing ay ginagawa lamang pagkatapos ng aktuwal na shooting sa
pelikula. Wala namang maaaring maedit kung wala pang eksenang naisasagawa. Ito rin
ang madalas na nakakapagpatagal at nakapagpapabagal sa pagbubuo at pagpapalabas
ng pelikula dahil mabusisi itong ginagawa o tinatrabaho. Kaya naman ang madalas nating
naririnig kapag nasa interbyu ang mga artista kapag malapit nag maipalabas ang ipo –
promote nilang pelikula ay “nasa process of editing nalang po.” Kaya naman implikasyon
itong ang editing ang huling proseso sa pagbubuo nito.

Mga Karaniwang Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing/Long Shot

Sa ibang Temino ay tinatawag na “scene setting”. Mula sa malayo ay may


kinukuhanan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa
magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

Halimbawa nito ay ang introduksiyon sa mga


pelikulang ipapakita madalas kung saan nakatira o
ano ang pamumuhay ng pangunahing tauhan o ang
konteksto ng istorya.

2. Medium Shot

Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula


baywang paitaas. Karaniwan ito sa mga senaryong
may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-
uusap o sa isang paaksyong detalye.

Ang halimbawa naman nito ay ang


nangyayaring usapan o alitan ng dalawang tauhan
kapag nagsasagutan sila.

43
3. Closed-up Shot
Ang pokus ay nasa isang particular na
bagay lamang. Hindi binibigyang-diin ang
nasa paligid. Maaaring bigyang – pansin ang
ekspresyon, mismong aktor, buong bahay, at
iba pa.

Halimbawa nito ay pagpokus sa


ekspresyon ng mukha ng tauhan at nais
bigyang – pansin ang pag – iyak nito.

4. Exteme Close up

Ito ay nagbibigay – pokus naman sa


espisipikong bagay ngunit madalas ay ginagawa
para bigyang – pansin ang isang bahagi ng
katawan bilang implikasyon.

Halimbawa, bibigyan lamang ng pokus


ang mata sa halip na buong mukha. Maaari
namang maging halimbawa rito ang pagbibigay
– pansin sa singsing para maging implikasyong
kasal o ikakasal na ang tauhan sa pelikula sa
halip na ang mismong tauhan ang bigyang –
pokus.

5. High Angle Shot

Ang kamera ay nasa bahaging itaas,


kaya ang anggulo o pukos ay nagmumula sa
mataas na bahagi tungo sa ilalim.

Halimbawa nito ay ang ginagawa kapag


may mga aktor na nahuhulog sa bilding o may
mga aktor na gagawa ng stunts na tatalon siya.

44
6. Low Angle Shot

Ang kamera ay nasa bahaging ibaba,


kaya ang anggulo o pukos ay nagmumula sa
ibabang bahagi patungo sa itaas.

Halimbawa ginagamit naman ito


kapag bibigyang – diin ang paglakad ng
aktor, kapag gustong ipakita ang galaw ng
aktor mula paa patungo sa itaas.

7. Birds Eyeview

Maari ring maging isang “aerial shot” na


anggulo na nagmumula sa napakataas na
bahagi.

Halimbawa nito ay ang senaryo ng


buong karagatan at kabundukan na ang
manonood at tila isang ibon na lumilipad sa
himpapawid. Ang madalas na ginagamit
para magawa ito ay tinatawag na Drone.

8. Panning Shot

Isang mabilis na pagkuha ng


anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan.

Halimbawa nito ay ang kuha sa


isang tumatakbong sasakyan o isang
taong kumakaripas ng takbo.

45
Aralin 3: Pelikulang Panlipunan

PELIKULANG PANLIPUNAN

Ano ang pelikula? Paano nag – uugnay ang pelikula at lipunan? Tungkol saan ang
pelikulang panlipunan? Lahat ba ng pelikula ay maituturing na panlipunan? At ang lahat
ban g nasa loob ng isang lipunan ay maisasapelikula?

Ano ngayon sa iyo kung may mga taong illegal na ikinukulong nang daig pa ang
mga hayop para pagkaperahan ng mga pulis? Ano kung may mga kabataang tulad ni
Kian na basta pinapaslang? Ano kung may mga batang tulad ni Jomari na naglalakad
nang yapak sa dilim ng siyudad subalit mas mulat sa iyo? Basta ang mahalaga, tingin
mo, ligtas ka, hindi ba? Tingin mo, ligtas ka, pero ang totoo, nakapikit ka. Hindi ka
nagbubulag – bulagan. Nakapikit ka, tulad kapag nanonood ka ng katatakutan. Kapag
may marahas na nangyayari sa pinapanood mo, hindi ka lang basta pumipikit, nagtatakip
ka pa ng mukha mo, dahil para sa iyo, marahas lang ang karahasan habang nakikita mo.
Kapag nakikita mo. Pero mali ka, syempre. Totoo ang karahasan, nakikita mo man o
hindi. Totoo ang kamatayan. May mga buhay na hindi na mababawi. May kinabukasan
na hindi na makakamit. May kabataan na tulad ng sa iyo na may laying pumikit kung
gusto dahil may ilusyon ka na ligtas ka, na malaya ka, at s aiyo, iyon lang ang mahalaga.

Mula kay FB ni Edgar Calabia Samar, 2020

Ang pahayag sa itaas ay isang promo para s apelikulang “Aswang” ni Alyx Ayn
Arumpac.

(https://.www.aswangmovie.com/?fbclid=IwAR1_hFmWMuOOU6QVd2jxsW0kWy
hbFKvOTVIN98RgKwwA-OBBpI7RxwcZFF1Y)

Lantad na lantad ang ilang isyung panlipunang isinawalat sa promong ito.

Bakit mahalaga ang mga isyung panlipunan sa mga pelikulang dapat pinapanood
ng bawat Filipino? Paano ang presentasyon at representasyon ng lipunang Filipino na
ibinabadya at ipinapakita sa mga pelikula? Gaano kahalaga ang mga isyung panlipunan
sa mga pelikula upang gisingin, gelatin, at uriratin ang kamalayan at kamulatan ng
sambayanan?

Bahagi na ng lipunan natin ang panonood ng pelikula. Panahon pa ng Alericano


buhat nang ipakilala ito sa madla. Nagdaan na ito sa samot – saring anyo, mukha midyum

46
at paraan upang makita at matunghayan ng balana. Isa ito sa kinahihiligan ng
marami.masaya raw kasi ang manood, pampa – goodvibes ‘ika nga. Nakakalibang
diumano ang panonood lalo na sa loob ng sinehan upang kahit paano ay makatakas
pansamantala sa problemang hated ng mapait na realidad. Sa kontemporaneong danas,
ang dami nang pelikula ang pumatok o kumita sa tangkilik ng sarili nitong mga
mamamayan. May mga nagsasabi ngang makikita mo ang yaman o luho ng isang bansa
dahil sa panonood ng isang pelikula. Ang panonood sa mga pelikula ay maaaring magdala
ng limpak – limpak nap era sa unang araw pa lamang sa mga sinehan. At may mga
pelikulang inaabot ng halos lagpas isang buwan sa mga sinehan sapagkat pinipilahan,
pinagkakaguluhan, at pinag – uusapan ng bayan. Isa ito sa halina at mahika ng pelikula
sa mga taong magiliw na tagatangkilik nito.

Sinasabi ring pinakapopular na anyo ng sining ang pelikula sapagkat ito ang
pinakamadaling tangkilikin at bigyan ng oras na makakaramdam ka ng gang, relaks, at
saya. Hindi gaya ng panitikang (tula, dula, nobela, maikling kuwento) dapat ay binabasa
at / o itinatanghal, sa pelikula ay uupo ka sa presko at madilim na lugar habang kumakain
ng popcorn at umiinom ng softdrinks.hindi gaya sa pintura, arkitektura, at eskulturang
kailangan mo lamang pasadahan, tingnan o titigan, madalian lamang ang prosesong ito
kompara sa pelikulang relaks na relaks ka sa loob halos nang dalawang oras na
panonood. Hindi tulad ng musikang aabutin lamang ng ilang minute at halos ang
nagagamit lamang ay pakikinig, ang pelikula ay patok sa dalawang pandama ng tao, may
pakikinig na, may paningin pa. hindi tulad ng sayaw na para lamang sa iilang may talent
nito, ang pelikula ay kombinasyon ng musika, sayaw, pintura, eskultura, arkitektura at
halos lahat - lahat na. kaya masasabing sa lahat ng pitong anyo ng tradisyonal na sining,
lutang, angat, at bida ang pelikula.

Sa kasagsagan ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino s akolehiyo, ay may mga


panibagong disiplina o espisipikong larang ng pag – aaral ang inihandog ng Tanggol Wika
para maging kurso sa Filipino. Isa na rito ang “Sinesosyedad o Pelikulang Panlipunan.”
Makapangyarihang puwersa ang hatid ng pelikula sa isang mulat at malay na
lipunan. Mas nasasabi nang malinaw, malalim at malikhain ang maraming isyung
panlipunan gamit ang makrong kasanayang panonood. Kaya sa kursong ito ay
pagtitibayin at itatampok ang pelikula bilang impukan – hanguan – kuhaan ng mga
impormasyong may kinalaman sa pagpapamulat at pagpapalakas ng mga isyung dapat
ay pinag – uusapan sa akademya upang makatulong ng anumang adbokasiya at labanan
ang anumang uri ng opresyon. Sa pagpapatupad ng programang K – 12, ang mga araling
pangkolehiyo na nasa antas ng General Education (GEC) ay ibinaba tungo sa Senior High
School. Bunga nito ay ang pagkakaroon ng panibagong aralin sa literature na nakapokus
sa pagpapahalaga at paglinang ng sariling kultura at mga kakayahang makita at matukoy
ang mga isyu at problema ng sariling lipunan gamit ang pelikula. Ang pagsusuri at pag –
unawa ng sariling panitikan sa midyum ng panonood ay daan upang makita ang realidad
ng buhay. Ginamit ang pelikula sa kursong ito upang maiugnay ang kultura, maka –
Filipinong pananaw, sariling damdamin na nagtataglay ng samot – saring karanasan ng
tao na hinubog sa makabuluhang paraan.

47
Batay sa deskripsyon ng Tanggol Wika, ang SINESOS ay kurso sa panitikang
nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panood at komparatibong pagsusuri
ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Filipinas. Sa pamamagitan ng dulog na
tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag –
unawa ng kontemporaneong lipunang lokal, nasyonal, at internasyonal, alinsunod sa
pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong puwersa.

Kung gayon, malinaw na ang Pelikulang Panlipunan ay proseso ng panonood,


pagbasa at pagsusuri sa mga pelikulang Filipino na may pagtatampok sa mga isyung
panlipunan gaya ng kahirapan, prostitusyon, edukasyon, korupsyon, kalikasan,
ekonomiya, politika, relihiyon, showbiz, diaspora, kalusugan, teknolohiya, pangkat –
minorya, wika, kasaysayan, sining, kultura, sector – manggagawa, transportasyon at
marami pang isyu ng bayan.

Aralin 4: Panunuring Pampelikula

PANUNURING PAMPELIKULA

Ilang beses ka nang nakapanood ng mga pelikula? May nakikita ka bang kalakasan
at / o pagkukulang sa kabuoan mismo ng pelikula? Ano ba ang kritika? Paano ba maging
isang kritiko? O sa madaling sabi, paano nagaganap o ano ang hinahanap sa isang
pagsusuring pampelikula?

Ang panunuri ay isang uri ng paglalahad na nagtitimbang, nagpapahalaga,


nagpapasiya, at kumikilatis ng mga bagay o sa ano mang ibig malaman, maunawaan, o
matuklasan. Isinasagawa ang panunuri sa panitikan tulad ng sanaysay, maikling kuwento,
nobela, dula, mga palatuntunang panradyo, palabas na pantelebisyon, pantanghalan at
pelikula, mga konsiyerto, at iba pang uri ng tugtuging pangmadla.

Sa kabuoan, ang panunuring pampelikula ay pagsasagawa ng pagsusuri at / o


kritisimo sa isang pelikulang napanood batay sa isang particular na mga elemento o
maaari namang holistikong pagtingin ditto. Kabilang ito sa kasanayang pagsulat,
pagsusuring – basa, sulating pananaliksik, at pamanahong papel. Ibig sabihin, ang mga
nabanggit sa unahan ay maaaring ang kongkretong mukha ay panunuring pampelikula
mismo. Masasabing naratibo o pasalaysay ang punong kaisipan ng isang pelikula kung
naroon ang lahat ng sangkap ng kuwento tulad ng simula, pagpapakilala ng tauhan at

48
tagpuan, pagtukoy sa suliranin, tunggalian, kasukdulan at wakas. Tandaang ang isang
pelikula ay may organikong kabuoan nito.

Samantalang ang K to 12 Basic Education Curriculum ay bagong kurikulum na


ipinatupad n gating pamhalaan particular ng Kagawaran ng Edukasyon upang makasabay
ang mga batang mag – aaral sa pag – unlad na nagaganap sa iba’ ibang bahagi ng
mundo. Naglalayon itong hubugin ang mga mag – aaral sa holistikong paraan upang sila
ay maging laging handa, maagap, at matalino sa pagharap sa buhay at maging kapaki –
pakinabang na mamamayang may ganap na literasi o ang kakayahan sa salalayang
kaalamn sa pagbabasa, pagsuuslat, at pagkakalkula.
Ayon kay Britts (2005) sa pamamagitan ng paggamit ng radio, telebisyon, at
internet ay mas malawak ang paksa at isyung nasasakop ng aralin tulad ng tungkol sa
kalikasan, kapaligiran, waste management, pag – aayos ng basura, mga bagay na may
kinalaman sa populasyon, at ang epekto nito sa kalusugan hindi lamang sa tao kundi
maging mga hayop at halaman din. Ang panonood ng pelikula ay isa sa mga
pagbabagong naganap sa kurikulum ng edukasyon sa Pilipinas. Kung dati – rati ay may
apat na makrong kasanayanng pangwika gaya ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at
pagsusulat, ngayon ay idinagdag na ang panonood. At s adanas ng panonood ay mayroon
itong ibat’t ibang layunin. Ang ilan ditto ay ang pagkuha ng impormasyon, pagbuo ng
opinyon, pag – unawa sa mga impormasyon, libangan, at pagpuri.

Makatarungan ang isang mabuting panunuri. Hindi lamang ito basta pumipintas o
pumupuri kundi tinitimbang ang magkabilang panig. Hindi lamang ito basta pumupintas
o pumupuri kundi tinitimbang ang magkabilang panig. Kinakailangang lubos na pinag –
iisipan ng manunuri ang gawaing ito, may matapat na layunin, walang personal na
pagkiling o negatibong damdamin, at higit sa lahat makatwiran batay sa ilalatag na mga
patunay o ebidensiya. Sa isang mabuting panunuri, kailangan maingat, paulit – ulit, at
ganap na pagkaunawa sa mismong sinusuri particular ang kalikasan nito. Dapat alamin
ang layunin ng may – akda at / o director kung s apelikula at ang tagumapy niya sa
pagtatamo ng kaniyang layunin.

PAGKAKAIBA NG PANUNURI AT KRITISISMO

PANUNURI KRITISIMO
Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kung ano ang Naghahanap ng kulang
pwede
Nagtatanong upang maliwanagan Nagbibigay agad ng hatol sa hindi
niya maunawaan
Nakalahad ang mabuti, matapat, at Nakalahad sa malupit at mapanuyang
obhetibong tinig tinig

49
Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
Positibo Negatibo
Nagpapatawa rin Seryoso at hindi marunong
magpatawa
Tumitingin lamang sa kung ano ang Naghahanap ng pagkukulang sa
nasa pahina o mismong pelikula manunulat at sa akda

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang


tunay na halagang bagay, puso lamang ang nakadarama.” - Aral mula sa Ang
Munting Prinsipe.

Mahalaga ang pagsasagawa ng panunuri pagkatapos ng panonood dahil sa


maraming dapat isaalang – alang ditto gaya ng manonood, layunin, at mensahe. Kapag
pinapatagal ang gagawing pagsusuri sa isang napanood na pelikula ay maaaring
makalimot sa mismong mga detalye o kaya ay mawalan ng pokus ang ginagawa. O kaya
naman ay mawalan na ito ng saysay sapagkat hindi ka na nakapagbigay ng patnubay o
tips kung dapat o hindi dapat panoorin pa ang isang pelikula.

Sa pamamagitan din ng panunuri, mapapahusay pa ng director ang mga susunod


pa nilang proyekto sa mga negatibong aspektong makikita sa kanilang ginawang pelikula
at ang mga rekomendasyong maaaring sabihin o ilarawan ng isang matalinong manonood
at manunuri. Sa pamamagitan ng ilang negatibong aspektong ito (dahil wala namang
perpektong pelikula) at rekomendasyon, maaaring tatanggapin o isaalang – alang nila
(director at iba pang mga bumubuo mg pelikula) ang mga ito bilang hamon upang lalo
pang mapahusay ang mga susunod pa nilang obra.

Sa isang pelikula, kailangang makita ang mga elementong bumubuo nito.

MGA ELEMENTO NG PELIKULA

1. SEQUENCE SCRIPT

Ito ay pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari s aisang kuwento sa pelikula.


Ipinapamals nito ang tunay na layunin ng buong pelikula.

Ito ang ginagampanan o isinasabuhay ng mga artista sa tulong ng director.


Epektibo ang pagganap kung matagumpay na nagawa ng artistang mapaniwala ang
mga manonood sa taunhang kaniyang inilalarawan, malinaw ang mga motibong
nagpapakilos sa tauhan, at nauunawaan ang mga ugnayang personal at sosyal ng
tauhan.

50
2. SINEMATOGRAPIYA

Ito ay pagkuha sa wastong anggulo ng kamera sa mga eksena o mismong lugar


upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lent eng kamera.

Ang sinematograpiya ay epektibo kung matagumpay na naisalarawan ang


nilalaman sa pamamagitan ng angkop na pag – iilaw, komposiyon, galaw, at iba pang
kaugnay na teknik ng kamera.

3. TUNOG AT MUSIKA

Ito ay pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood sa
pamamagitan ng tunog at musika. Tandaang ang kawalan ng tunog ay tunog din
mismo.

Ang tunog sa pelikula ay epektibo kung naisalin itong buhay na buhay ang
diyalogo, musika, epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito ay naisaayos sa
malikhain at pinag – iisipang paraan.

Epektibo ang musika ng pelikula kung pinapalitaw nito ang kahulugan,


pinapatingkad ang kapaligiran at damdamin, nakakatulong sa pagtiyak sa katayuan,
at inaanyuan ang ritmo at daloy ng buong pelikula.

4. PANANALIKSIK O RISERTS

Ito ay isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil


sa pammagitan nito ay naihaharap nang mahusay, mabusisi, at makatotohanan ang
mga detalye ng palabas.

Makikita sa sinop ng mga mananaliksik ang pagiging natural at realistiko ng mga


palabas na dokumentaryo. Kitang – kitang sasablay ang mga eksenang hindi dumaan
sa kritikal at matiyagang pag – aaral, pagmamasid, at pagsasakatuparan kung ito ay
sa paraang dokumentaryo.

5. DISENYONG PAMPRODUKSIYON

Ito ay pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamkt at sitwasyon


para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Ito ay ang biswal na
presentasyon at representasyon ng buong pelikulang pinagugugulan ng malaking
gastos.

51
Ang disenyong pamproduksyon ay epektibo kapag naisakatuparan sa paraang
malikhain ang pook, tagpuan, make – up, kasuotan ng mga kagamitan na
nagpapalitaw sa panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ang realidad sa dulang
pampelikula.

6. PAGDIDIRIHE

Ito ay mga pamaraan at deskarte ng director kung paano patatakbuhin ang


kuwento sa telebisyon o pelikula. Ito ang interpretasyon ng director sa nakasulat na
iskrip;

Ito ay epektibo kung matagumpay ang director sa pagbibigay – tuon sa detalye sa


dulang pampelikula at nagawa niyang ipabatid ang kaniyang pagkakaunawa sa
material sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang element ng
pelikula.

7. PAG – EEDIT

Ito ay pagpuputol, pagdurugtong – durugtong muli ng mga negatibo mula sa mga


eksenang nakunan na, at pagtanggal sa mga eksenang hindi kailangan sa pelikula.
Ditto ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat
isama ngunit hindi makaapekto sa kabuoang istorya ng pelikula dahil may laang oras
at panahon nga ito.

Ang editing ay epektibo kung malikhaing pinakitid ng oras, kalawakan at galaw


upang mapalutang ang anumang nais ipahayag ng director. Ibig sabihin, hindi
mapupuna ng manonood maging kaliit – liitang pagkakamali at tila halos perpekto ang
pagkakaakda ng buong pelikula.

Wika nga sa isang pakikipanayam kay Brillante Mendoza, “para sa isang director,
kailangan ay alam niyang gawin ang lahat ng elementong nabanggit sa itaas.
Samakatwid, ang director ay parang Captain of the Ship, kailngan alam niya kung
paano papaandarin ang barko dahil kung hindi ay malulunod ang mga nakasakay sa
barko.” Mahusay na maituturing ang nilalaman ng isang pelikula kung naglalarawan
ito sa kalagayan ng tao mula sa pananaw ng manonood at kung ito ay tumatalakay sa
makahulugang karanasan, na higit pa sa karanasan ng mga manonood. Maituturing
na masining ang pamamaraan ng isang pelikula kung nagamit ng director at nagsanib
nang malikhain ang iba’t ibang elemento isang pelikula kung nagamit ng director at
nagsanib nang malikhain ang iba’t ibang element ng isang ganap at buong pelikula.

Pagsusuri ng Pelikula batay sa Aspeto o Dimensyon

1. Panlipunan/Sosyolohikal
Pagsusuri sa dinanas ng tauhan sa lugar na kinabibilangan at sa

52
nakasasalamuha na sumasalamin sa tunay na pangyayari sa lipunan.
2. Pangkaisipan/Sikolohikal
Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o mensahe hango sa tunay na pangyayari
sa buhay.

3. Kalagayang pang-ekonomiya
Pagsusuri sa kalagayan at kabuhayan ng tauhan sa pelikula.

4. Pansarili/Personalisasyon
Pagsusuri sa napanuod batay sa kaugnayan nito sa sarili o personal na
karanasan at kalagayan sa buhay.

5. Pangkasaysayan/Historikal
Pagsusuri sa kaugnayan sa nakalipas na pangyayari o sa kasaysayan.

PROSESO SA PAGSUSURI NG PELIKULA

1. Magsimual sa isang malinaw na panimula kaugnay sa mahahalagang


impormasyon tungkol sa pelikula. Kabilang sa mga impormasyong ito ang
pamagat ng pelikula, ang mga nagsisiganap, director, prodyuser at taon ng
pagkakalabas, at marami pang iba.

2. Sa panunuri, ihambing ang pelikula sa totoong buhay upang makita ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Magbanggit ng mga tiyak na na
halimbawa upang mas lalong maging makatwiran ang panunuri. Makikita bas a
totoong buhay ang mga tauhan sa pelikula? Naging makatotohanan ba ang
kanilang pagganap sa panahon na kanilang isinasabuhay? Kung animation o
likhang – isip ang pelikula, may higit bang katotohanan ang ipinapakita at
inilalarawan nito kaysa sa mismong realidad? Kaugnay ba talaga ito ng karanasang
pantao?

3. Sumulat ng lima hanggang anim na pangungusap tungkol sa banghay


ng pelikula. Ito ang magsisilbing buod o buod ng pelikula. Mababasa ng iba kung
tungkol saan ang kabuoan ang kanilang papanoorin. Mahalaga ito sapagkat ito
ang nagsisilbing pasilip o patikim upang tangkilikin ang isang pelikula. Mahalaga
ang sinasabing “word of mouth” sa tagumpay ng isang palabas sa takilya.

4. Talakayin din ang mga lugar na pinagganapan ng mga eksena. Naging


makatotohanan ba ang lugar na ito? Naging akma ba ang mga ito sa panahong
ipinapakita sa kuwento ng pelikula? Ang materyales bang ginamit tulad ng upuan,
plato, baso, aparador, damit ay umaangkop sa lokasyon?

53
5. Gumawa ng ebalwayon ng pelikula batay sa panunuri. Makakatulong ito
upang magkaroon ng ideya ang mga tagapanood tungkol sa pelikula. Magiging
gabay rin nila ito sa pagsasagawa ng deisyon kung panonoorin o hindi ang pelikula.
Hindi sapat na sabihing “Maganda ang pelikula o hindi maganda ang pelikula.”
Kinakailangang talakayin ang kalakasan at kahinaang nakita sa bawat elementong
sinuri gamit ang mga tiyak na o espisipikong patotoo o pruweba.

Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonist
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
f. Mga Ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
VIII. Kabuuang Dating sa Sarili ng Pelikula
IX. Rekomendasyon

54

You might also like