Professional Documents
Culture Documents
Kilala ang Komisyon ng mga Karapatang Pantao sa mga adbokasiya nitong paglaban ang
karapatang pantao sa panahon ng kagipitan. May iba’t ibang halimbawa ang karapatang
pantao, gaya na lamang ng karapatang mamuhay, kalayaan sa pagsasalita pagkakapantay-
pantay sa harap ng batas, mga panlipunang karapatan, mga pangkalinangang karapatan,
mga pangkabuhayang karapatan, ang karapatang makilahok sa kultura, ang karapatan sa
edukasyon at marami pang iba. Ilan lamang ito sa mga karapatang pantao na dapat
tinatamasa ng bawat isa sa atin.
Ang karapatang pantao ay isang genre ng panitikan na tumutukoy sa mga isyu ng lipunan,
samakatuwid ito rin ay nagpapaunlad ng kahalagahan ng karapatang pantao. Ang layunin ng
karapatang pantao ay ang pagsamahin ang pagpapalago ng panitikan kaakibat ng paggawa
ng aksyon tungkol sa mga isyu, kung saan ito ay pangunahin at kinakailangang elemento ng
pakikipaglaban sa karapatang pantao. Ang genre ng panitikang ito ay hinango sa konsepto ng
“Engaged Literature” ng manunulat at pilosopong si Jean-Paul Sartre.
Ang karapatang pantao ay nakapokus sa lipunan at naniniwala na ang bawat isa ay may
tungkuling moral, at magkaroon ng kakayahang magpabago sa lipunan. Ito ay hango sa
paniniwalang ang panitikan ay may malawak na kapangyarihan na makapagpabago, at
tungkulin ng isang manunulat sa mga mambabasa ay makapag-impluwesyasa aspetong di
lamang sosyal kundi rin sa sining.
Uri ng Karapatan
Natural Rights – ito ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng
Estado.
Constitutional Rights – ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
Estado.
Statutory Rights – ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin
sa pamamagitan ng panibagong batas.
Ito ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae na magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan at mga pangyayari sa
buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada noong 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang
isang mag-anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan
upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa
Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong
pagdakip sa mga bilanggong pampolitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos.
Si Julian, ang asawa ni Amanda, ay kakampi ng anak nilang lalaki sa mga gawain nitong kumakalaban sa pamahalaan habang
kasabayan namang tumatangging unawain ang kagustuhan ni Amanda na makahanap ng hanapbuhay. Isang sundalong pandagat ng
Estados Unidos ang pangalawang anak na lalaki ni Amanda. Ang ikatlo naman niyang anak na lalaki ay nagsusulat naman ng mga
ipinagbabawal na mga sulating pampolitika na nagsisiwalat ng mga katiwalian. Ang ikaapat ay naging biktima ng isang tiwaling
kagawaran ng pulisya, habang isa pa lamang paslit na bunsong lalaki ang ikalima.
Napagmasdan ng isang babae sa katauhan na si Amanda Bartolome ang mga pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng
limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang
mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina
at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa
isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pag unlad ng
mga tauhan nito na kumakatawan sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang
mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan
ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
Ito ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista at isina pelikula noong 2002 na pinangasiwaan ni Chito Rono na
kinabituwinan ng mga artistang sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Piolo Pascual, Marvin Agustin, Kris Aquino, Ana Capri,
Dimples Romana, Jhong Hilario, Carlos Agassi, Danilo Barrios, Carlo Muñoz, Tirso Cruz III, Orestes Ojeda, John Wayne Sace,
Marianne de la Riva, Manjo del Mundo, at Cacai Bautista.
Tumanggap ang Dekada ’70 ng 11 gantimpala at 12 banggit ng pagkahalal. Ito ang opisyal na lahok ng Pilipinas sa ika-76 na taunang
Academy Awards para sa kategoryang pelikulang nasa ibang wika.
Tapos na