You are on page 1of 8

PANUNURING PAMPANITIKAN

ARALIN 5. C:
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA KRITIKO
LAYUNIN

Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?

1. nakikilala ang iba’t ibang kritikong Pilipino sa larangan ng panunuri sa panitikan.

2. natutukoy ang iba’t ibang pamamaraan ng panunuri ng mga kritiko.

3. nakababahagi ng kaalaman sa iba; at

4. masiglang nakikilahok sa lahat ng gawain o pagsasanay na inihanda.

PANIMULA

Ang araling ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagkatuto patungkol sa

Panunuring Pampanitikan dito matututunan nila kung ano ang simulain ng panitikan.

Sa aralin ding ito masusukat o susukatin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-iisip

kung ano ang iba’t ibang panitikan ang umusbong sa Pilipinas maging kung paano

nadiskubre at umunlad ang nasabing panitikan.

Kaya, bilang mag-aaral sa tersyarya, sa pamamagitan nito, mamamalas mo ang

kagandahan ng aralin na maaari ring maibahagi sa iba.

Sa modyul na ito matututunan mo ang mga sumusunod:

ARALIN 5. C:
1. Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko

2. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Rebyu

3. Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Panumuri


PANUNURING PAMPANITIKAN
YUGTO NG PAGKATUTO

Narito ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,

mapahalagahan at masuri ang mga kaalaman patungkol sa asignatura na Panunuring

Pampanitikan. Malalaman mo rin dito ang kaugalian at tradisyon na namana natin mula sa

kanila.

Sa araling ito mahalagang malaman ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong

pag-aaralan. Magiging batayan ito kung paano ka matutulungan na mas lalong mapagyaman

ang iyong kaalaman. Kaya gamit ang mga aktibidad at gawain na inihanda susubukin natin ang

iyong kakayahan.

Gawain 1: Umunawa

Panuto: Sagutin ang mga katanungan

Sino ka bilang isang


manunuri?
Ano una mong titingnan bilang
Ako bilang isang manunuri ay isang kritiko?
matapat sa gawain. Tamang Ang una ko titingan bilang isng

pag gamit ng mga salita sa kritiko ay ang akdang ginawa.

sinuring akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

ANALISIS

Gawain 2: Masasabi mo?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa sariling pagkaunawa.

Limitahan ang sagot mula tatlo hanggang limang pangungusap.

TANONG SAGOT
1. Anong masasabi mo sa sarili Ang masasabi ko bilang isng kritiko ay matapat sa sariling itinuring

mo bilang isang kritiko? ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining

2. Kung ikaw ang manunuri, Mga dapat tandaan sa Panumuri ay

ano-ano ang mga Dapat na liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang

mahahalagang bagay na dapat sinusuri.Dapat basahin o panoorin ito nang masinsin at

Tandaan sa Panumuri igawa iyon lagom,mabigyang halaga ang istilo ng

pagkakasulat ng akda at kinakailangn na may ukol ng

karampatang pag papakahulugan sa nasuring akda.


PANUNURING PAMPANITIKAN

ABSTRAKSYON

Aralin 5. C
PAGLILINANG

Sa bahaging ito, mahalagang malaman at maunawaan mong lubusan ang mga

talakayan patungkol sa usapin kung ano ang mga dapat isaalang-alang upang

matutunan ang Panitikan. Gayundin upang masuri ang simulain nito. Ang ilan sa

mga mababasa o makukuhang impormasyon ay batay sa hanguang Elektroniko.

ARALIN 5. C: KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA KRITIKO

1. Malawak ang kaalaman sa paksa sa genre na kaniyang sinusuri at sa paksa niyon.

2. Matapat sa sariling itinuring ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang

sining.

3. Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri

ng lipunan, manunulat, mambabasa o idelohiya.

4. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

5. Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina.

6. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o

konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin o batas.

7. Kailangan ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na

kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.

8. May kakayahang ipakita ang pagkakaiba ng isang obra sa iba pang likhang sining.

9. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala

10. Pagkakaroon ng likas na kuru-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang impluwensyang

may kinikilingan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

REBYU
 Isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang sining.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU

 Masaklaw

o Sinusuri ang lahat ng sangkap o element ng genre na kinabibilangan ng akdang

sinusuri.

 Kritikal

o Kailangang masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kritiko hindi sa pananaw ng

isang karaniwang mambabasa o tagapanood.

 Napapanahon

o Pumapaksa sa isang akdang napapanahon

 Walang Pagkiling

o Obhetibo ang isang mahusay na kritiko.

 Mapananaligan

o Mga impormasyon na maaaring mapanaligan.

 Orihinal

o Ang isang mahusay na rebuy ay hindi pag sasama-sama ng sinabi ng ibang kritiko.

 Makatwiran

o Ang isang mahusay na kritiko ay makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri.

 Nagtatangi

o Nag tatangi ng mabuti sa hindi, sa mahusay at sa hindi mahusay, ng mataas sa

mababang kalidad.
PANUNURING PAMPANITIKAN
MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUMURI

o Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri.

o Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa iyon lagom

o Bigyang halaga ang istilo ng pagkakasulat ng akda.

o Mag-ukol ng karampatang pag papakahulugan.

o Lakipan ng siping makapagbibigay-kabuluhan sa ginagawang panunuri.

o Iwasan ang pagbibigay ng kapasyahan ng walang lakip na batayan o patunay.

o Kailangan nababatay din ang ano mang pagpapasya sa mga takdang pamantayan.

o Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa.

o Iwasang makulayan ang rebuy ng palagay at kuro ng mga propesyonal na

mamumuna.

o Pag-ukulan ng pansin ang istilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman

APLIKASYON:
Gawain 3: ALAMIN AT GAWIN
Panuto: Magbigay ng sariling mga katangian na sa tingin mo ay dapat taglayin ng isang kritiko.

 Mapanuri

 Katapatanan

 Matalas ang Kaalaman

 May Paninindigan

 Sariling Gawa

 Natatangi

 Malaman

 Napapanahon

 Makatwiran
PANUNURING PAMPANITIKAN

REPLEKSYON
Panuto: Magbahagi ng mga pananaw/kaalamang natutunan sa talakayan.

Natutunan ko sa buong aralin na…


Ang isang mahusay na kritiko ay nagtataglay ng malawak na kaalaman
sa paksa sa genre na kaniyang sinusuri at sa paksa niyon.
Matapat sa sariling itinuring ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining tungo sa isang mahusay na kritiko.Natutunan ko rin
ng mga katangian ng Rebyu.

Natuklasan ko na…
May mga mahalagang bagay na dapat tandaaan sa panamuri. Mga katangian na dapat
taglayin ng isang kritiko.

Masasabi ko na…
Bilang isang kritiko nararapat alam niya ang mga dapat isa-alang alang at mg katangian
nito sa pagiging mahusay n kritiko sa akdang kanyang sinuri
PANUNURING PAMPANITIKAN

*Para sa iyong ebalwasyon, susukatin ang kabuuang kaalaman patungkol sa talakayan.

Panapos na Pahayag!

Mahusay Binibini/Ginoo! Binabati kita sa pagtatapos mo sa aralin ng asignaturang ito. Binabati


rin kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain inihain sa unahan ng araling ito. Inaasahan ko
na marami kang natutunan sa ginawa nating pag-aaral. Nawa ang iyong natutuhan ay makatulong
sa pag-unawa mo sa susunod na aralin kaya, pag-ibayuhin pa ang pag-aaral para mas maging
handa sa panibagong lakbayin.

You might also like