You are on page 1of 3

PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Introduksyon
Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.
Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad
ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring
mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon
tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi
na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa
estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang
mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag sa ating
karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling
nahahadlanganang ating karapatan.
Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang
pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay
sa lipunang Pilipino.

Pangkalahatang Layunin
1. Maipaliliwanag ang katuturan, mga uri ng karapatan at mga dokumentong
karapatang pantao.

Introduksyon
Simula nang isilang tayo sa daigdig bilang tao, kasama na ring isinilang ang ating
mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi ng lipunan at
magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo.
Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay nang tahimik o
payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang kaayusan at
kapayapaan saanmang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa kapahamakan ang
bawat isa at makaiwas sa kriminalidad.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa karapatang
pantao;
2. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol sa karapatang pantao;
3. Nailalahad ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan tungkol sa
karapatang pantao;
4. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa mga akdang
pampanitikan tungkol sa karapatang pantao;
5. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng
isang akdang pampanitikang hinggil sa karapatang pantao;
6. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu
ukol sa karapatang pantao;
7. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng
Panitikan

Ang karapatang pantao ay ginagamit ng mga tao kapag sila ay naaabuso o kaya
naman kapag ipinaglalaban nila ang kanilang nais.
Mga Uri ng Karapatan
1. Natural - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkakaloob ng
estado.
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian.
2. Constitutional rights - Mga karapatang ipagkakaloob at pinangangalagaan ng
Estado.
Halimbawa: Karapatang political, Sibil, Sosyo Ekonomiks at karapatan ng
akusado.
3. Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
Dalawang Karapatang Pantao
1. Indibidwal o personal na karapatan - Karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao
para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
Karapatang sibil- ito ang mga karapatan ng mga tao upang mabuhay
na Malaya at mapayapa.
Karapatang pulitikal- ito ang karapatang na makisali sa mga proseso
pagdesissyon ng pamayanan.
Karapatang panlipunan- ito ang karapatang mabuhay ang tao sa isang
lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
Karapatang pangkabuhayan- ito ay mga karapatang ukol sa
pagsusulong ng kabuhayan ng disenteng pamumuhay.
Karapatang kultural- karapatan ng mga taong lumahok sa buhay
kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng
Pamayanan.

– Nakasaad dito na hindi maaaring kitilin ang buhay, kalayaan, o ari-arian ng

sinuman nang hindi nabibigyan ng 'due process'. Ibig sabihin, dapat

dumaan sa tamang proseso ang sinumang nanganganib matanggalan ng

mga proteksiyong ito. Kasama diyan ang mabigyan siya ng pagkakataong

idepensa ang kaniyang sarili.

•Declaration of the rights of man and of the citizen - karapatan ng mga

mamamayan.

– Isang pundamental na dokumento ng Rebolusyong Pranses, na binibigyan

kahulugan ang indibiduwal at kolektibong mga karapatan ng lahat ng pag-

aari ng lupain bilang pangkalahatan. Naimpluwensiya ng doktrina ng likas

na karapatan, pangkalahatan ang mga karapatan ng Tao: may bisa sa

lahat ng oras at sa kahit saang lugar, tumutukoy sa kalikasan ng tao

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala rin sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng bawat tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan
ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating
buhay sa lipunang Pilipino.

You might also like