You are on page 1of 20

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
Karapatang Pantao
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 2: Karapatang Pantao Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juanito L. Lumibao, Jr.


Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso
Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin

Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Gerwin L. Cortez

Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez


Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego

Tagaguhit: Emmanuel DG. Castro

Tagapaglapat: Marvie C. Delos Santos

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD


Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD

Salome P. Manuel, PhD

Rubilita L. San Pedro


Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
Karapatang Pantao

ii
Aralin

1 Karapatang Pantao

Balikan

Ngayong alam mo na ang mga isyu at hamon ukol sa aktibong pagkamamamayan,


dadako naman tayo sa isa sa mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating
lipunan nitong mga nagdaang taon. Suriing mabuti ang sumusunod na larawan.
Pagkatapos ay tukuyin kung anong katangian ng isang aktibong mamamayan ang
ipinakikita at hindi ipinakikita ng mga ito. Isulat ang sagot sa papel.

1
Tuklasin

Mahalaga bilang isang aktibong mamamayang Pilipino na malaman


mo ang iyong mga karapatan. Kinikilala ng daigdig ang kahalagahan
ng “katutubong karangalan at sa pantay at hindi makakait na mga karapatan ng
lahat ng nabibilang sa angkan ng tao” bilang “saligan ng kalayaan, katarungan at
kapayapaan sa daigdig”. Ang mga karapatang pantao ay may malaking maitutulong
upang mabigyan ka ng proteksiyon laban sa mga tao o grupo ng taong nais mang-
api at magsamantala.
Bakit mahalagang isulong at pangalagaan ang mga karapatang pantao sa harap ng
mga isyu at hamong panlipunan?

Panata sa mga Karapatang Pantao


Ng Komisyon sa Karapatang Pantao

Ako ay Pilipino.

Kikilalanin ko, igagalang, ipagtatanggol at isasakatuparan


ang dignidad at karapatan ng bawat tao
nang walang pagtatangi sa kasarian, lipi, pananampalataya
at katayuan sa buhay.

Igagalang ko ang iyong mga karapatan


maging sino ka man.
Maging magkasalungat man tayo
ay paninindigan ko ang mga karapatan mo.

Diringgin ko ang tinig ng kabataan,


kababaihan, nakatatanda, katutubo
at mga may kapansanan
nang may paggalang at pagkilala sa kanilang kakayahan.

Titiyakin ko na ang bawat bata


ay hindi salat sa pagkalinga,
at may matiwasay na lipunang ginagalawan.

Tututulan ko ang anumang pagmamalabis sa kapangyarihan,


katiwalian, at pagyurak sa karapatan
ng mga manggagawa, mga mahihirap,
at mga sektor na higit na nangangailangan.

2
Babantayan ko
na gagampanan ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin
na igalang, ipagtanggol at isakatuparan
ang mga karapatang pantao ng lahat.

Paninindigan ko ang aking pananagutan sa aking kapwa.


Kung mayroon mang Karapatang Pantao
na ipinagkakait o ‘di-binibigyang halaga,
ako ay MANININDIGAN.

Sisigaw ako. Kikilos ako.


Gagamitin ko ang aking mga karapatan
para MANINDIGAN
sa mga Karapatan ng aking kapwa tao.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga pangakong inilahad sa panata?

2. Bakit mahalagang gawin ng isang batang katulad mo ang mga tungkulin at


pananagutang iyong nabasa?

3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa pagsusulong


at pangangalaga ng mga karapatang pantao sa kasalukuyang panahon?

Suriin
Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.


Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay nang may dignidad bilang tao.
Ang mga karapatang pantao ay yaong mga karapatan na kinakailangan para sa
ating buhay bilang tao. Kung wala tayong karapatang pantao, hindi natin
lubusang magagamit at mapauunlad ang ating mga katangian, ang ating talino,
talento at espiritwalidad. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na
tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga
pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang

3
pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang
karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang
kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang
pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na
kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa Estado sapagkat likas na
itong bahagi ng tao.

Mahalagang malaman ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan bilang tao. Sinumang umagaw sa ating
pangangailangan o kumitil sa ating buhay nang walang dahilan ay lumalabag sa
ating karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling
nahahadlangan ang ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nagsasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan
ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating
buhay sa lipunang Pilipino.

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas


sa Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang
pagsilang ay may karapatang dapat na matamasa na, nakasisiguro tayo kung ito ay
nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan kung sakaling hindi natin
natatamasa ang ating mga karapatan.

4
1. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)

Nagtakda ang United Nations ng isang pangkalahatang pamantayan ng


karapatang pantao para sa lahat ng bansa noong 1948, nang itinatag nito ang
Universal Declaration of Human Rights (UDHR). Sa pamamagitan ng
deklarasyong ito, kinikilala ng pamahalaan ang kanilang obligasyon na
siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula
sa anumang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay. Kabilang sa mga ito
ang karapatang:

• Sibil-ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.


• Politikal-ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan.
• Ekonomiko (pangkabuhayan)-ang mga karapatan ukol sa pagsusulong ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.
• Sosyal (panlipunan)-ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang
lipunan at isulong ang kanyang kapakanan.
• Kultural-ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

Ang mga probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:

1. malaya at pantay-pantay (free and equal);


2. kalayaan mula sa diskriminasyon (freedom from discrimination);
3. karapatan sa buhay (right to life);
4. kalayaan mula sa pang-aalipin (freedom from slavery);
5. kalayaan mula sa pagpapahirap (freedom from torture);
6. karapatang kilalanin sa harap ng batas (right to recognition before the
law);
7. karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (right to
equality before the law);
8. karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang
pambansa (access to justice);
9. kalayaan mula sa ‘di-makatwirang pagdakip (freedom from arbitrary
detention);
10. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis (right to a fair
trial);
11. karapatang ituring na walang-sala hanggang ‘di napatutunayang
nagkasala alinsunod sa batas (presumption of innocence);
12. karapatan sa ‘di-makatwirang panghihimasok (right to privacy);

5
13. kalayaan sa pagkilos at paninirahan (freedom of movement);
14. karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng
pagpapakupkop laban sa pag-uusig (right to asylum);
15. karapatan sa isang pagkamamamayan (right to nationality);
16. karapatang mag-asawa at magpamilya (right to marriage and to found
a family);
17. karapatang mag-angkin ng ari-arian (right to own property)
18. kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of religion or belief);
19. kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom of expression);
20. kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan (freedom of
assembly);
21. karapatang makilahok sa pamahalaan (right to partake in public
affairs);
22. karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to social security);
23. karapatan sa paggawa (right to work);
24. karapatan sa pamamahinga at paglilibang (right to leisure and rest);
25. karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat (right to
adequate standard of living);
26. karapatan sa edukasyon (right to education);
27. karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan, sining
at siyensiya (right to cultural, artistic and scientific life);
28. karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig (right to a free and
fair world);
29. tungkulin sa pamayanan (duty to your community); at
30. hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa pahayag na ito (rights
are inalienable).

Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa


bawat aspekto ng buhay ng tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga
karapatang ito, magiging higit na kasiya-siya ang manirahan sa daigdig na
maituturing na isang lugar na may paggalang sa bawat tao at tunay na
kapayapaan para sa lahat.

2. Katipunan ng mga Karapatan, Saligang Batas ng 1987


Ang pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga bansang nagbigay ng mataas
na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatang pantao. Bilang patunay,
malinaw na inilalahad sa Artikulo II, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987 ang
pagpapahalaga ng Estado sa karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan nito
ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.

6
Inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ang Katipunan
ng mga Karapatan (Bill of Rights) ang pinagsama-samang karapatan ng bawat
tao mula sa mga dating Saligang-Batas at karagdagang karapatan ng mga
indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon et al. (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ang
bawat mamamayan.
Mga Uri ng Karapatan

1. Natural-mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng


Estado
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng
ariarian

2. Constitutional-mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng


Estado
• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng mamamayan na makilahok,
tuwiran man o hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng
pamahalaan.
• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa mga pribadong
indibiduwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa
paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa
katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal.
• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na magbibigay proteksiyon
sa indibiduwal na inaakusahan sa anumang krimen.

3. Statutory-mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa


pamamagitan ng panibagong batas.
Halimbawa: karapatang makatanggap ng minimum wage

Makikita sa ibaba ang nilalaman ng mga karapatang pantao na kinikilala ng


Estado ayon sa Saligang Batas ng 1987.
1. karapatan sa buhay, kalayaan, o ari-arian (right to life, liberty, and
property);
2. karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsasamsam (right against unreasonable searches and seizures);
3. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya
(privacy of communication);
4. kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa
karapatan sa mapayapang magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan (freedom of speech; right to a free press; freedom of
assembly; the right of petition);
5. kalayaan sa relihiyon (freedom of religion);

7
6. kalayaan sa paninirahan at karapatan sa paglalakbay (liberty of
abode and the right to travel);
7. karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan
(right to information);
8. karapatan na magtatag ng mga asosasyon, unyon o mga kapisanan
(right to form associations);
9. karapatan sa wastong kabayaran (right to just compensation);
10. hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata
(non-impairment clause);
11. malayang pagdulog sa mga hukuman (free access to court);
12. karapatan ng taong sinisiyasat (right of person under custodial
investigation);
13. karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right to bail and against
excessive bail);
14. mga karapatan ng nasasakdal (rights of the accused);
15. pribilehiyo ng writ of the habeas corpus;
16. karapatang sa madaliang paglutas ng mga usapin sa mga
kalupunang panghukuman (right to a speedy disposition of the
cases);
17. karapatang hindi tumestigo laban sa kanyang sarili (right against
self-incrimination)
18. karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika (right to political
beliefs and aspirations);
19. karapatan laban sa malupit, imbi at di-makataong parusa
(prohibition against cruel, degrading human punishment);
20. ‘di-pagkakabilanggo nang dahil sa pagkakautang (non-imprisonment
for debts);
21. karapatan laban sa makalawang masapanganib ng kaparusahan sa
iisang paglabag (right against double jeopardy); at

22. ‘di pagpapatibay ng batas ex post facto o bill of attainder sa isang


demokratikong bansa.

Mayroong dalawang partidong sangkot sa realisasyon at katuparan ng mga


karapatang pantao.

1. Rights Holders. Ito ang lahat ng mamamayan, anuman ang edad, lahi,
kasarian, at relihiyon. Lahat ng tao ay rights holders. Bilang mga
indibiduwal, may kaakibat itong pananagutang ALAMIN, ANGKININ at
IPAGTANGGOL ang kanilang mga karapatang pantao.

Mayroong espesyal na pagtutok at pagtatanggol sa mga indibiduwal na


vulnerable, mga mas madalas maging biktima ng pang-aabuso (disadvantaged),

8
at mga taong nasa laylayan ng lipunan (marginalized). Kabilang dito ang mga
kabataan, kababaihan, mga katutubo, mga manggagawa, mahihirap, mga may
kapansanan, matatanda, mga nakapiit sa kulungan, mga taong naipit sa
armadong labanan, mga indibiduwal na may iba’t ibang oryentasyong sekswal
at ekspresyong pangkasarian, at iba pa.

2. Duty Bearers. Ito ang mga taong may responsibilidad at pananagutang


ipagtanggol, isulong at isakatuparan ang karapatang pantao ng mga
mamamayan.

• Obligasyon ng Estado na I-RESPETO ang karapatang


pantao. Ibig sabihin, hindi nito hahadlangan ang
pagtamasa ng mga mamamayan sa kanilang mga
karapatan. Dapat din itong umaksyon sa mga
panahong di kayang tuparin ng mga mamamayan ang
kanilang mga karapatan. Halimbawa ng paghadlang sa
karapatang pantao ay paglimita sa access sa pagkain,
tubig, tirahan, edukasyon, serbisyong pangkalusugan
at censorship.

• Obligasyon ng Estado na PROTEKSIYUNAN ang mga


mamamayan mula sa pang-aabuso sa karapatang
pantao. Dapat tulungan ng Estado ang mga tao sa
anumang posibleng paglabag at/o pag-abuso sa
kanilang mga karapatan. Kabilang dito ang paggawa ng
mga batas na magcriminalize sa mga paglabag at pag-
abuso sa karapatang pantao at magtitiyak ng
proteksiyon ng kanilang mga karapatan.
Nangangahulugan din na dapat wasto ang
pagpapatupad ng mga batas na ito.

• Obligasyon ng Estado na TUPARIN ang karapatang


pantao ng mga mamamayan. Nangangahulugan ito na
aktibong magsisikap ang pamahalaan tungo sa
katuparan ng karapatan ng lahat. Dapat gumawa ang
Estado ng mga positibong aksyon at hakbang tungo sa
pagtatamasa ng mga mamamayan ng kanilang mga
pangunahing karapatan. Kabilang sa obligasyong ito
ang libreng pampublikong edukasyon, feeding
programs, medicine drives at marami pang iba.

Lahat ng tao ay may mga karapatang pantao na may garantiya sa batas. Ito
ay pagkilala na bilang tao, lahat ay may halaga at dignidad. Sa Pilipinas, ang
Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na
pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Nilikha ito ng
Saligang Batas ng 1987 alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII. Ang CHR
ay itinatag bilang tugon sa laganap na pang-aabuso sa karapatang pantao
noong panahon ng Martial Law.

9
Bilang National Human Rights Institution (NHRI), ito ay may
tungkulin na tiyakin na itinataguyod at hindi nilalabag ng
pamahalaan ang karapatan ng bawat indibiduwal. Batay sa
Saligang Batas, ang CHR ay may mandato na imbestigahan
lahat ng kaso o uri ng human right violations. Kaakibat sa
tungkulin nito ay ang layuning palakasin ang kapasidad ng
lahat ng nanunungkulan sa pamahalaan at pribadong sektor
upang mas magampanan ng Estado ang obligasyon nitong
igalang, isakatuparan, at proteksiyunan ang karapatan ng lahat

Kanino ka magrereklamo kapag may mga paglabag sa iyong mga


karapatan?
• Kapag bahagi ng gobyerno (pulis, militar, korte,
at iba pa) ang nagabuso ng tao, ito ay isang
human rights violation. Maari itong i-report sa
CHR.
• Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-rape,
pumatay at iba pa, ito ay krimen. Sa pulis ka
dapat pumunta.
• Kapag ang biktima ay kabilang sa marginalized,
disadvantaged o vulnerable sector, ito ay isang
krimen at human rights violation. Sa pulis ka
pumunta at sa CHR ka dapat mag-report

Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan Hindi sapat na


batid mo lamang ang iyong mga karapatan. Hindi dapat ito nagwawakas o
tumitigil sa ating pagtukoy lamang sa mga ito. Tungkulin at responsibilidad
natin bilang mga mamamayang Pilipino na isulong at pangalagaan ang mga
karapatang pantao. Ang ating pag-alam, pag-aangkin, at pagtatanggol sa
mga karapatang ito ang mga tunay na manipestasyon ng isang aktibong
mamamayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga karapatang ito nang may
pananagutan upang aktibo tayong makiisa at makialam sa mga isyu at
hamong panlipunan na ating kinakaharap.

10
Pagyamanin
A. Kahon-Lugan
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa iyong papel, buoin
ang hinihinging salita ng kahon gamit ang pakahulugan sa bawat bilang.
1. Ako ang mga karapatan na kinakailangan mo para sa iyong buhay bilang tao.

2. Ako ang pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao para sa lahat ng bansa


mula pa man noong 1948.

3. Ako ang talaan ng pinagsama-samang karapatan ng bawat tao na inisa-isa ng Estado


sa Artikulo III ng Saligang-Batas ng 1987.

4. Ako ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng
mga Pilipino.

5. Ako ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

B. Modified Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap, at kung hindi isulat ang salita
o kataga na maaaring magwasto rito. Isulat ang sagot sa papel.
______1. Karapatan ng bawat tao na mabuhay nang may dignidad.
______2. Ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao ay kinakailangan pang
kilalanin ng pamahalaan sa Estado.
______3. Lahat ng karapatang pantao ay pantay-pantay na pagmamay-ari ng
bawat tao anuman ang kanyang kasarian, sexual orientation, gender identity,
edad, katayuang pinansyal, etnisidad, relihiyon, atbp.
______4. Pare-pareho at pantay-pantay ang karapatan ng bawat tao.
______5. Ang mga karapatang pantao ay maaaring mawala lalo na at gumawa
ng isang karumal-dumal na krimen ang isang tao.
C. Mapa ng Karapatan

Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa Pandaigdigang Deklarasyon


ng Karapatang Pantao, ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng graphic organizer sa
ibaba. Magbigay ng hindi bababa sa limang kasagutan bawat hanay. Isulat ang sagot sa
papel.

Karapatang
Ekonomiko, Sosyal at
Karapatang Sibil Karapatang Politikal Kultural

• ____________
• ____________ • ____________
• ____________ •
• ____________ •
• ____________ ____________ •
____________ •
• ____________ ____________
____________
• ____________ • ____________
• ____________
• ____________

D. Fill Me Up
Panuto: Gamit ang mga tala ukol sa UDHR at Katipunan ng mga Karapatan sa Saligang
Batas ng 1987, punan ang mga impormasyong kinakailangan ng talahanayan sa ibaba.
Sa papel, isulat sa unang hanay ang mga karapatang tanging sa Saligang Batas ng 1987
lamang makikita. Sa ikalawanag hanay, isulat ang mga karapatang tanging sa UDHR
matatagpuan. Sa ikatlong hanay, ilahad ang mga karapatang parehong matatagpuan sa
parehong dokumento. Panghuli, ilahad sa ikaapat na hanay ang mga karapatang sa tingin
mo ay nararapat na ingatan na hindi matatagpuan sa parehong talaan.

Katipunan ng mga Pandaigdigang Parehong Wala sa


Karapatan, Saligang Deklarasyon ng Dokumento Parehong
Batas ng 1987 Karapatang Pantao Dokumento
E. Apply Your Rights!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos ay
tukuyin kung anong karapatan ang nalabag sa mga sitwasyon. Isulat at ipaliwanag ang
iyong sagot sa isang papel.

1. Ayaw kang pag-aralin ng iyong ina dahil walang mag-aalaga sa iyong bunsong
kapatid.

2. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na nang ibinigay sa iyo.

3. Maaaring magtayo ng tirahan sa alinmang bakanteng lupa o sa pook na maibigan


ng tao.

4. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan.

5. Napagbintangan si Mang Ludring na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad siyang hinuli


at ikinulong.

F. The Clash!
Panuto: Punan at suriing mabuti ang hinihingi ng graphic organizer sa ibaba. Isulat ang
sagot sa papel.

__________ __________

__________ __________

Human rights
__________ __________
obligations

Obligasyon ng mga Duty Pananagutan ng mga Rights


Bearers Holders
Isaisip
Kumpletuhin ang talata ng mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Hindi na kinakailangan pang kilalanin
ng Estado ang mga (1) _______________ sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Ang
Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao at ang Katipunan ng mga Karapatan,
Saligang-Batas ng 1987 ang mga legal na (2) _______________ na nagpapatibay rito.
Pananagutan natin bilang mga Pilipino ang (3) _______________ at (4) _______________ rito
upang makapamuhay tayo sa isang maunlad at mapayapang bansa. Bilang mga aktibong
kabataan, inaasahang gagamitin mo ang mga karapatang ito nang may pananagutan
upang aktibo kang makiisa at makialam sa mga kinakaharap nating mga isyu at (5)
_______________ .

Isagawa
Tula Marathon!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong sa ibaba.
NANLABAN
Ni Margarett Manalastas

Lumaban ka ulit sa susunod.


Lumigan ka nang paulit-ulit.
Lumaban ka.
Manlaban ka,
Pagkat hindi masama ang umalma sa karahasan; sa kalabisan.

‘Di ba’t mas magandang ikuwento ang isang


engkuwentrong ikaw ang nanalo?

Kaya’t manlaban ka para sa buhay mo, pagkat


karapat-dapat kang mabuhay
dito sa mundong binibiktima ang mga walang malay, pilit
pinatatahimik ang mga sumisigaw.

Kailangan ng bansa ang iyong mga kagaya


Dahil nararapat na tayong lumaya mula sa mararaya.

Kaya’t sumigaw ka.


Lumaban ka.
Tumakbo ka nang mabilis.
Manlaban ka.
Huwag kang pahuhuli.
Manlaban ka sa mga mapang-abuso, dahil
dapat.

Lumaban ka ulit sa susunod.


Duguan ka man ngayon, sawi,
Hindi krimeng maituturing ang paglaban para sa pantay na karapatan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?
2. Ano-anong mga karapatan ang nalabag sa tula? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita sa tula, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit? Bakit hindi?

4. Bilang isang kabataan, paano mo maisusulong at mapangangalagaan ang


pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan?

Kulungang Walang Katarungan


Ni Margarett Manalastas

Sampung taon.
Sampung taon nang nakapiit sa seldang napakaliit
na walang maski manipis na sinag ng pag-asa ang makapuslit.
Isang dekada nang nagdurusa ngunit ano ang dapat pagdusahan?

Bilanggo ng pagkakataon, ako ang


tunay na nawalan ng karapatan
sa bintang na pawang kasinungalingan; mga
paratang na gawa-gawa lamang.
Hindi ako ang nagnakaw. Ako ang
ninakawan.

Sampung taon na akong naririto,


mapait ang nakaraan,
blangko ang kasalukuyan
‘di sigurado kung may bukas pang
madaratnan sa labas,
‘di alam kung muli pang makaaalpas mula
sa rehas ngunit narito man ang katawan
malaya pa rin ang konsiyensiya.
Malaya ka man,
konsiyensiya mo’y bilanggo rin sa mas
madilim na selda.
Kalayaan kong sampung taon nang ninakaw sana’y
maibalik pa.
Araw-araw akong naghihintay subalit araw-araw
ring bigo sa paghihintay.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang mga hinaing ng tauhan sa
tula?
2. Makatarungan ba ang kanyang pagkakapiit sa loob ng isang dekada? Bakit?
Bakit hindi?
3. Kung ikaw ang nasa kanyang katayuan, ano ang iyong mararamdaman? Ano ang
iyong gagawin?
4. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong sa pag-iingat at pagtatanggol sa
mga karapatang pantao? Pagtibayin.

Karagdagang Gawain
Bakit Nga Ba?
Panuto: Pumili ng dalawa hanggang tatlong napapanahong isyu at hamong panlipunan
na may kaugnayan sa mga karapatang pantao. Gamit ang pagtatanong ng limang (5)
bakit, suriin ang pinakaugat na dahilan ng nasabing isyung panlipunan. Gawing gabay
ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
1. Bakit nagpoprotesta ang taumbayan tungkol sa Anti-Terrorism Law?
Kasi ayaw nila sa bill.
2. Bakit ayaw nila sa bill?
Kasi baka mapagkamalan silang terorista.

You might also like