You are on page 1of 66

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan

DIVISION OF ANGELES CITY


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 1: Ang Karapatan at Tungkulin sa Lipunan
Pangalan: _______________________________________Q2W1
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Marahil naririnig mo ang mga indibidwal o maging mga
pangkat ang nanawagan sa kalye sa kanilang karapatan bilang
mamamayan. Sa nakaraang aralin napag-aralan mo na may
mga ang ibat-ibang mga pangkat na bahagi ng kanilang
adbokasiya ay ang mapangalagaan ang karapatan ng bawat
indibidwal. Ang tanong, ano nga ba ang karapatan? Bakit ito mahalaga, at sino ang
pinagkalooban nito?
Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at
angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Ito ay moral dahil
hindi ito napupuwersa sa tao kundi kusa itong ibinibigay o ito ay dati na niyang taglay. Kaakibat
ng bawat karapatan ng tao ay ang obligasyon niyang igalang ang karapatan din ng kaniyang
kapuwa. Susi ito sa pagkakaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan at payapang relasyon sa
kapuwa. Lahat ng tao ay may karapatan, at ang karapatang ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
Mayroon tayong mga iba’t-ibang uri ng karapatan. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino
may mga karapatang hindi maiaalis(inealienable) sa tao. Ang mga ito ay ang:
1. Karapatan sa Buhay- ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan, dahil kung
wala ito hindi mapapakinabangan ang mmga iba pang karapatang pantao.
2. Karapatan sa Pribadong ari-arian- ito ang iyong karapatan na magkaroon ng iyong
ari-arian dahil kung wala ang karapatan na ito hindi magiging maayos ang
pamumuhay ng tao. Ito din ang isang dahilan kung bakit nagiging masipag at
produktibo ang isang tao.
3. Karapatang Magpakasal- ito ay ang iyong karapatan upang magpakasal at bumuo
ng iyong sariling pamilya.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar- kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong
karapatan na lumipat ng tirahan kung saan may oportunidad na magkaroon ng
trabaho at komportableng buhay.

1
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya- ito ay ang iyong
karapatan na pumili ng iyong relihiyon na makakatulong sa iyong pagunlad.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay- may obligasyon ang pamahalaan na
magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay upang matamasa ng tao ang
karapatan na ito.

Ayon sa encyclical na ““Kapayapaan sa katotohanan” o Pacem in Terri ang


sumusunod ay itinuturing na karapatang pang-indibidwal.
1. Karapatan mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan edukasyon pagkalingang pangkalusugan,
tulong sa walang trabaho at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opiniyon at impomasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunos sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas sa mga paglabag ng mga karapatang
pantao.
Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay isang
obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Moral ang obligasyong
ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Ang mga sumusunod ay mga
kaakibat na tungkulin sa bawat karapatan.
1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang
kaniyang kalusugan at kaniyang sarili sa kahit ano mang panganib. Parte ng
tungkulin na ito ay ang tungkulin mong paunlarin ang iyong talent at kakayahan.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian- tungkulin mong pangalagaan at palaguin ang
anumang ari-arian na mayroon ka. Tungkulin mo din na gamitin ang mga upang
matulungan ang iyong kapuwa.
3. Sa karapatang magpakasal- ang kaakibat na tungkulin nito ay pangalagaan ang
iyong pamilya, suportahan at gabayan ang iyong mga anak upang sila ay maging
mabuting tao.
4. Sa karapatang pumunta sa iba’t-ibang lugar- tungkulin mong igalang ang mga
pribadong boundary. Kailangan mong kilalanin ang mga limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.

2
Ating tandaan na ang bawat tungkulin na mayroon tayo ay hindi lamang obligasyon na
ating kailangan gampanan para sa ating sarili ngunit ito ay para sa ating pamilya, kaibigan at
sa kahat ng miyembro ng ating lipunan.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao; at
2. nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.
(EsP9TT-IIb-5.1- EsP9TT-IIb-5.2)

Subukin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Karapatang magpakasal Karapatan sa buhay


Karapatan Tungkulin
Pamahalaan Tao

1. Ito ang pinaka mataas na uri ng karapatan.


2. Ito ang tawag sa obligasyong moral ng isang tao.
3. Ito ang karapatan na may naka-angklang tungkulin na pangalagaan ang pamilya.
4. Ito ay natutukoy bilang isang kapangyarihang moral ng tao.
5. Ito ang tanging binigyan ng pagkakataon na makatamo ng karapatan?

Balikan
Sa nakaraang aralin pinag-aralan mo ang mga iba’t-ibang uri ng lipunang sibil
na may kani-kaniyang adhikain na ipinaglalaban. Mga isyu at mga bagay na alam nilang
malaki ang tulong sa bawat mamamayan na dapat bigyan ng pansin at agarang solusyon. Sa
tulong ng araling ito, matutukoy mo kung ano-anong mga karapatan ang basehan ng mga
pangkat na ito kung bakit sila nag-oorganisa ng mga gawain at pagkilos.
Gawing kasiya-siya ang pagbabasa at pagsasagawa sa mga gawaing nakapaloob sa
modyul na ito.

3
Tuklasin

Panuto: Itala sa ibaba ang mga paglabag sa bawat karapatan na mayroon ang isang tao. Itala
kung saan ito nakita, naobserbahan o maaaring naranasan at sagutin ang mga gabay na
tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.

Itala kung saan ito


Mga Karapatan Mga paglabag sa nakita/naranasan
bawat karapatan (Pamilya, Lipunan,
Social media,
Sarili)
1. karapatang mabuhay at kalayaan sa Hal. Pag kakaroon ng
iyong sariling pangangatawan aborsiyon, paggamit ng
tao sa mga ipinag
babawal na gamot.
2. karapatang magpahayag ng iyong mga
sariling opinion gamit ang iyong social
media (facebook, twitter, Instagram)
3. karapatan sa malayang pagpili ng
iyong relihiyon at pagpapahayag ng
iyong paniniwala
4. Karapatan sa pagpili ng iyong
propesyon at maaring maging trabaho.
5. Karapatan sa malayang pagpili ng
iyong magiging tirahan sa ibang bansa.
6. Karapatan sa patas na proteksiyon ng
batas sa mga paglabag ng mga
karapatang pantao.

Mga Gabay na Tanong:


1. Sa iyong mga isinulat, alin sa mga ito ang iyong naranasan?
2. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang mga paglabag na ito?
3. Bakit mahalagang alamin ang iyong mga tungkulin sa bawat karapatan na mayroon ka?
4. Ano ang kahihinatnan ng lipunan kung ang bawat mamamayan ay gagawin ang kanilang
tungkulin bilang pagsasabuhay ng kanilang mga karapatan?

Suriin

Panuto: Mula sa mga larawan sa susunod na pahina, alamin kung anong mga klase ng
karapatan at tungkulin ang nais ipahiwatig ng ito at sagutin ang mga gabay na tanong
pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel.

4
1. ______________________________ 2. ______________________________

3. ______________________________ 4. ______________________________

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin sa mga larawan ang pumukaw ng iyong damdamin? Bakit?
2. Ano-anong mga karapatan ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
3. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang maprotektahan ang mga
karapatang isinasaad ng mga larawan na nasa itaas?
4. Paano nalalabag ang mga karapatan na nasa mga larawan? Ipaliwanag?
5. Bakit mahalaga na iyong malaman ang iyong tungkulin sa iyong pamayanan?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Bumuo ng isang Advocacy Campaign kung saan mamimili ka ng isang


karapatan na iyong pinaka-ninanais at gustong pangalagaan o palaganapin. Gumawa ng
simbolo na nagpapakita ng klarong mensahe ng karapatan na ito. Mula sa simbolong
iyong ginawa, ipaunawa sa iyong mga mambabasa kung ano ang kahulugan nito para sa
iyo at kung bakit ito naging mahalaga. Gawin ito sa isang oslo paper o bond paper

Halimbawa ng Advocacy Campaign symbol:

5
Ilagay sa ilalim ang iyong mga mensahe tungkol sa iyong iginuhit na simbolo. Ibatay
ito sa nakatala na panuto.

Rubrik sa Paggawa ng Advocacy Campaign


Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Nilalaman at Lubhang Naging Hindi gaanong Hindi naging
Presentasyon malinaw ang malinaw ang malinaw ang malinaw
mensahe ng mensahe ng mensahe ng mensahe ng
simbolo simbolo simbolo simbolo
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang simbolo gaanong detalye at di-
simbolo malinaw ang malinaw ang
simbolo simbolo
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang simbolo sa angkop ang ang simbolo sa
simbolo sa paksang simbolo sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
natalakay natalakay
Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa sagutang papel.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies,Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

ALGEN T. CORTEZ
Teacher I, Dr. Clemente N. Dayrit Sr. Memorial High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Ang Kabuluhan ng ating Karapatan at Pagtuwid sa mga
Paglabag nito

Pangalan: _______________________________________Q2W2
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Iba’t-ibang klase nang karapatan ang iyong
natatamasa bilang bahagi ng lipunan. Marami sa mga ito ay
iyong napag-aralan sa naunang aralin. Ang tanong, lubos
mo bang nagagampanan ang iyong mga tungkulin sa
pagsasabuhay ng iyong mga karapatan? Ito ba ay tugma sa
tunay na kahulugan ng karapatan at tungkuin? Ito ba ang
inaasahan ng lipunan mula sa isang indibidwal na tulad mo?
Kung ating babalikan, ang karapatan ay isang moral na kapangyarihan na hindi pinipilit
kundi kusa itong binibigay. Ang tungkulin naman ng tao ay isang moral na obligasyon dahil
alam niya kung ano ang kaniyang mga limitasyon sa pagtamasa ng kaniyang mga karapatan.
Ang bawat tao ay binigyan ng pantay-pantay na karapatan dahil nilikha ang tao ng pantay-
pantay. Maaaring sa ating lipunan may mga bagay na naghihiwalay sa atin tulad ng ating
estado sa buhay, mga paniniwala, relihiyon, kinalakihan, kulay at marami pang iba. Ngunit,
hindi ito ang basehan upang hindi natin igalang ang karapatan ng bawat isa.
Dahil sa mga pagkakaiba na ito lamang mas mauunawaan ang kahalagahan ng pag
galang sa bawat karapatan ng ating kapuwa. Ang paggalang sa kaniyang karapatan ay
nagpapatunay na pinahahalagahan mo ang dignidad ng bawat isa. Gayunpaman, may mga
iilan sa ating kapuwa ang hindi nakakaunawa sa limitasyon ng kanilang karapatan. Ang
pagkakaroon ng biyayang ito ay maaring maabuso at makasakit sa iyong kapuwa.
Tulad na lamang ng pag-aabuso sa iyong pisikal na pangatatawan, marami sa mga
kabataan ngayon ang hindi kumakain ng tama o kaya naman ay hindi natutulog sa tamang
oras. Ito ay mga simpleng paglabag ng iyong karapatan na hindi natin napapansin.

7
Sa ating lipunan may mga paglabag na
nagkakaroon ng malaking epekto sa mga taong
naghihirap. Kung ang mga opisyal ng gobyerno ay
tumutupad sa kanilang tungkulin na pagsilbihan lamang
ang kaniyang nasasakupan maaaring mababawasan ang
mga naghihirap nating kababayan. Ngunit, isa sa mga
paglabag na ito ay ang korupsyon sa gobyerno at ang
madalas na pag-abuso sa kanilang kapangyarihan. Marami pang mga ganitong uri ng
paglabag ang mayroon sa lipunan, na kadalasan ang ilan sa mga ito ay hindi na lingid sa iyo
dahil ang mga ito ay araw-araw mong nakikita sa social media at maging sa mga balita sa
telebisyon.
Maiiwasan lamang ang mga ganitong pangyayari kung ang bawat tao ay
pinahahalagahan ang dignidad ng bawat isa. Bilang isang mag-aaral maaari mo itong simulan
sa iyong sarili, kung iyong pangangalagaan ang iyong dignidad, mauunawaan mo kung bakit
mahalagang igalang ang karapatan at dignidad ng iyong kapuwa. Maraming paraan upang
maipakita ang paggalang na ito, tulad sa iyong pamilya, kamag-
aral o mga kasapi sa lipunan. Ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan ay magandang simula ng iyong paggalang sa kanilang
kaparatan. Karagdagan dito, mayroon tayong tinatawag na
golden rule, pamilyar ka na ba dito? Ang nais ipahiwatig ng
golden rule ay, “huwag mong gawin sa iba ang kung anomang
ayaw mong gawin sa iyo”, kung ating babaligtarin ang mensahe nito ay “gawin mo sa iba kung
ano ang nais mong gawin nila saiyo”. Kung ito ay iyong uunawain at isasapuso, pawang
kabutihan lamang ang iyong gagawin sa iyong kapuwa at kailanman walang anomang
paglabag sa kaniyang karapatan ang iyong maisasagawa.
Kung ang bawat miyembro ay handang gampanan, unawain at isapuso ang kanilang
tungkulin, magiging tunay na makabuluhan ang ating bawat karapatan. Wala sa itsura, estado
o kulay ang basehan ng paggalang sa kaniyang karapatan kundi sa kaniyang dignidad bilang
isang tao.
Upang mas lalo mong mapaunlad ang iyong mga tungkulin at karapatan, narito ang
mga gawain upang matulungan kang makamit ang iyong hinahangad.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang

8
katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao; at
2. naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o
lipunan/bansa.
(EsP9TT-IIb-5.3- EsP9TT-IIb-5.4)

Subukin

Panuto: Gamit ang Concept map na ito, alamin kung anong mga klase ng karapatan at
tungkulin ang kaakibat nito. Gumawa ng mga aksiyon na makakatulong upang mahubog ang
mga karapatang at maiwasan ang paglabag sa mga ito, sagutin ang mga gabay na tanong
pagkatapos. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga Uri ng Karapatan at


kahalagahan nito

Mga Uri ng Karapatan Mga Uri ng Karapatan


Mga Uri ng Karapatan
at kahalagahan nito at kahalagahan nito
at kahalagahan nito

Mga tungkulin na kaakibat ng


mga karapatan na napili

Mga klase ng aksiyon na


maaring makaiwas sa paglabag
ng mga karapatan na ito

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mahalaga na alam mo ang iyong tungkulin sa pagsasabuhay ng iyong mga
karapatan?
2. Paano nahuhubog ng iyong tungkulin ang bawat karapatan mayroon ka?
3. Ano ang magiging bunga nito sa pakikipag ugnayan sa iyong kapuwa?

9
Balikan
Sa nakaraang aralin natukoy mo ang iyong mga karapatan at mga tungkulin. Ang
kahulugan at kahalagahan ng mga ito ay nabigyan din ng pansin sa mga gawaing iyong
isinakatuparan. Ang mga kaalamang at pang-unawang iyong natutunan sa nakalipas ay
malaking tulong upang magpatuloy sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito, na sa huli
ikaw at iyong kapuwa mamamayan ang makikinabang. Ang mga angkop na kilos na iyong
isasabuhay ay susi sa minimithing kabutihang panlahat.

Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa isang malinis na papel ang
maaaring sanhi ng mga sitwasyong ito. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba sa
pagsasagawa nito. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos.
Ang iyong gagawin o Mga sanhi kung bakit
Sitwasyon mararamdaman ukol may ganitong mga
ditto sitwasyon sa lipunan
Maraming mga bata ang nagugutom
at kadalasan ang marami ditto ay
biktima ng pang-aabusong sekswal at
pisikal.
Hindi lahat nabigyan ng tulong ng
pamahalaan ang mga mahihirap na
pamilya dahil sa kawalan nito ng
pondo. Maramin ang mga
nagrereklamo na ang mga nabibigyan
ay miyembro daw ng pamilya ng mga
nanunungkulan.
Dumarami ang biktima ng COVID 19
sa bansa dahil sa maraming mga tao
ang hindi sumusunod sa mga
panukala ng pamahalaan para
maiwasan ang sakit na ito.
Marami ang bumabatikos sa
proyekto ng pamahalaan nag awing

10
malinis at maganda ang Manila Bay.
Ang mga tsuper ay nasa daan
namamalimos dahil nagugutom na
ang kanilang pamilya. Hindi sila
kumikita dahil sa kasalukuyang
sitwasyong kinakaharap ng bansa.

Mga Gabay ng Tanong:


1. Naging maganda ba ang iyong mga naging reaksyon sa mga sitwasyon?
2. Ano ang iyong naramdaman habang ito ay binabasa?
3. Bakit may mga ganitong sitwasyon kaya sa ating lipunan?
4. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyong ito sa Karapatan at Tungkulin?

Suriin

Panuto: Tukuyin kung ano ang mga klase ng karapatan ang nilabag sa bawat pangyayari na
nakatala sa ibaba. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Ang ating lipunan ngayon ay dumadaan sa isang pandemiya na sadyang nagpapahirap
sa ating mamamayan. Gayunpaman mayroong mga opisyales sa barangay ang hindi
nagbibigay ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan, na nagdudulot ng pagka-gutom at
pagkakaroon ng sakit ng ating mga kababayan.
2. Sa bahay nila Alice, ang kaniyang magulang ay laging nag-aaway ng dahil sa pera at
kawalan ng suporta ng kaniyang ama. Pinababayaan din ng kaniyang ina ang mga
ganitong pangyayari sapagkat nalulong din siya sa sugal at pag-shopping. Nang dahil
dito, sina Alice at mga kapatid niya ay hindi na makakain.
3. Nagkaroon ng lockdown ang ating siyudad ng dahil sa COVID-19, ng dahil dito marami
sa mga kabataan ang nalulong sa social media at kung anu-ano ang kanilang mga pino-
post sa kanilang mga accounts. Dumating sa punto na dahil malaya silang mag-post ay
nakakasira na ito sa kanilang mga reputasyon.

4. May mga ibang miyembro ng ating mga taga silbi sa pamahalaan ang lumabag sa tamang
pag huli sa mga taong hindi nagsusuot ng facemask. Dumating sila sa punto na sila ay
pumasok sa mga pribadong ari-arian ng mga mamamayan upang magbigay ng tiket sa
“hindi nila pagsuot ng face mask o faceshield” na nagresulta sa pagbabayad ng multa.

11
5. Nagsimulang mag away si Jacob at Kenneth dahil hindi sila pareho ng pananaw tungkol
sa relihiyon mayroon sila. Si Jacob ay nagsimulang magsabi ng mga hindi kagandahang
salita tungkol sa relihiyon ni Kenneth.
Mga Gabay na Tanong:
1. Anong mga klase ng karapatan ang nalabag sa bawat sitwasyon?
2. Sa tingin mo, bakit may mga taong lumalalabag sa kaparatan ng kapwa tao?
3. Ano ang maaari mong gawin sa bawat sitwasyon upang ito ay maisayos?
4. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang tungkulin sa pagsasabuhay ng karapatan?
5. Gaano kahalaga ang paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal? Ipaliwanag

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gamit ang social media, telebisyon dyaryo o pag-oobserba sa iyong


kapalagiran, Tukuyin ang mga ibat’ ibang klase ng paglabag na maaari mong bigyan ng
solusyon. Bumuo ng iyong sariling isang recipe o talaan kung saan maipapakita mo ang
mga nais mong gawin bilang isang miyembro ng lipunan sa pagsasagawa ng angkop na
kilos upang maituwid ang mga paglabag na iyong naobserbahan sa lipunan. Gawin ito
sa sagutang papel.

Halimbawa ng iyong Own Recipe:

Paglabag: Nabubully ang aking kaibigan at nilalabag nito ang kaniyang karapatan upang
mamuhay ng mapayapa at paunlarin ang kaniyang kakayahan.

Mga sankap sa gagawing pagtutuwid:


• Pagiging mabuting tao
• Kooperasyon ng bawat miyembro ng lipunan
• Pag galang sa karapatan ng bawat kapwa
Pamamaraan:
• Alamin kung ano ang mga karapatan mo at ng ibang tao
• Alamin ang limitasyon bilang isang miyembro ng lipunan.

Kalalabasan:
Magkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa bawat miyembro ng lipunan.

Rubrik sa Paggawa ng Advocacy Campaign


Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Nilalaman at Lubhang Naging Hindi gaanong Hindi naging
Presentasyon malinaw ang malinaw ang malinaw ang malinaw

12
mensahe ng mensahe ng mensahe ng mensahe ng
recipe recipe recipe recipe
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang recipe gaanong detalye at di-
recipe malinaw ang malinaw ang
recipe recipe
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang recipe sa recipe ang ang recipe sa
recipe sa paksang simbolo sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
natalakay natalakay
Pagiging Lubnang May pag ka Hindi gaanong Hindi nagging
malikhain sa malikhain ang malikhain ang malikhain ang malikhain ang
paggawa pag kagawa ng kaniyang kaniyang kaniyang
kaniyang ginawang nagawang ginawang
konsepto ng konsepto para konsepto para konsepto sa
isang reciper sa kaniyang sa sariling kaniyang
recipe recipe recipe
Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa sagutang papel.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:


ALGEN T. CORTEZ EDGARDO S. NUNAG
Teacher I, Dr. Clemente N. Dayrit Sr. MHS EPSvr 1: EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 1:


Subukin

5. Tao 3. Karapatang magpakasal 4. Karapatan 2. Tungkulin 1. Karapatan sa buhay

13
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Batas Ayon sa Likas Batas Moral

Pangalan: _______________________________________Q2W3

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip

Panimula (Batayang Konsepto)

Isang nakatutuwang tula ni Robert Fulghum ang nagsasabi na natutuhan na natin ang
lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa lamang (All I Really Need to
Know I Learned in Kindergarten). Huwag mandaya. Huwag manakit ng kapwa. Maghugas ng
kamay bago kumain, magpahinga, mag-ingat sa pagtawid at marami pang iba. Ang mga
nabanggit kung susuriin ay mga tagubilin o alituntunin na madalas mong naririnig sa iyong
mga magulang o maging sa ibang nakatatanda sa iyo. Ito ay mga paalalang laging sinasabi
para sa iyong kabutihan. Mula sa mga payak na tagubilin hanggang sa mga kumplikadong
paalala. Kung susuriin, malawak ang saklaw ng mga paalala, ang mga ito ay tumutugon sa
pangangailangan mo na mabuhay ng maayos sa lipunang iyong
kinabibilangan. Ito ang gustong mangyari ng likas batas moral bilang
basehan ng mga paalalang ito.

Ang likas batas moral ay galing sa Diyos, ang layunin nito ay


kabutihan, kaya dapat ang kilos at gawi ay laging nakaukol sa kaniyang
layunin. Lahat dapat nakasusunod at lahat dapat nakikinabang, ngunit ang tanong bakit may
mga paglabag parin at bakit hindi pa rin ito nasusunod?

Ayon sa paniniwala ni Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may kakayahang mag-
isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabuthan. Ang pag-alam sa kabutihan
ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
Ninanasa ng tao ang mabuti, hindi ang masama. Walang sinoman ang magnananis na
mapasama, kaya dapat tama at mabuti ang laging nasa isip ng tao. Kapag ito ang laging nasa
isip ng tao, walang mag-aaway, walang maaapi, walang matatalo, ang lahat ay panalo dahil
ang mabuti ay pare-pareho sa tao. Ito ang kaisa-isang batas na kailangang igalang ng tao at

1
sundin. Ang likas na makatao (panig lagi sa tao), kapag nilabag ito ng tao, nilabag na niya
ang kaniyang kalikasan bilang tao.

Dito nakaangkla ang Pandaigdigang Pagpapahayag ng mga


Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga
Nagkakaisang Bansa (United Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o
pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang pakinggan
na kunwari may dignidad ang tao! Talagang nakikita nila, mula sa iba't
ibang mukha ng mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo, na
mahalagang ingatan ang dangal ng tao. Matinding kinokondena ng
pahayag ang anumang uri ng paniniil at paglalapastangan sa tao. Naniniwala silang ang pag-
unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan.
Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga pagnanais nila ang siyang
makapagpapatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at kapayapaan.

Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang


mga kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa
kanilang konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang
paggarantiya ng estado na bigyang proteksyon ang mga karapatang ito.
Ang mga batas naman na nililikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at
pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas laban sa pananakit at pang-
aabuso sa mga bata dahil tao ang mga bata. Kaya may batas na
magbibigay ng budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog ang pag-iisip at karakter ng
mga tao. Kaya may batas na magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksiyon) dahil mahalaga
ang boses ng lahat ng tao sa pagpapatakbo ng kolektibong kasaysayan. Ang lahat ng batas
ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral; at
2. nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa
pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral.
(EsP9TT-IIc- 6.1, EsP9TT-IIc-6.2)

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga batas sa lipunan ay nilikha upang:
A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. Ingatan ang interes ng marami
C. Itaguyod ang karapatang-pantao
D. Pigilan ang masasamang tao

2. Angl likas na batas moral ay:


A. Nilikha ni Tomas de Aquino C. Inimbento ng mga pilosopo
B. Nauunawaan ng tao D. Galing sa Diyos

3. Ang mabuti ay:


A. Paggawa ng tama C. Pagbuo ng sarili
B. Pagsunod sa batas D. Pagsunod sa Diyos

4. Ang mabuti ay:


A. Laging tama C. Minsan tama
B. Iba-iba sa tao D. Pare-pareho sa tao

5. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas batas na moral:


A. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa
B. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor
C. Pangungulit sa bata na maligo.
D. Pagpilit sa mga tao na magsimba.

Balikan

Ang karapatan at tungkulin ng tao ang gagabay sa kaniya upang sundin ang batas,
batas na nilkha para sa kaniyang ikabubuti. Ang pagsasabuhay sa kaniyang mga
pananagutan bilang isang indibidwal na may pagpapahalaga sa kaniyang mga karapatan ang
magiging katuwang niya upang lalong munawaan ang batas na nilikha para sa kaniya, na
kaniyang susundin upang ang kabutihang panglahat na minimithi sa lipunan ay
maisakatuparan. Ang iyong babasahin at mga gawaing isasagawa sa modyul na ito ay

3
malaking tulong upang ang pagkaunawa na inaasahan sa iyo ay lalong mapadali. Gawing
kasiya-siya ang pagbabasa at pagsagot sa mga katanungan at gawain.

Tuklasin

Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba. Ibigay ang hinihingi ng bawat kahon, at
sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

Ano ang batas?

Bakit may batas? Ano ang kailangang basehan sa


Ano ang layunin ng pagkakalikha nito? paglikha ng mga batas?

Ano-anong mga batas ang mayroon sa lipunan


na tugma sa likas batas moral?

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mahalaga na alam mo na may batas o ang batas?
2. Paano nakatutulong sa isang mag-aaral na tulad moa ng pagkakaroon ng kaalaman
sa mga batas? Ipaliwanag.
3. Ano-anong mga batas ang alam mong nilikha para sa kapakanan ng kabataang tulad
mo? Paano mo ito sinusunod kung mayroon man?

Suriin

Panuto: Pag-aaralan ang mga sitwasyon na nasa susunod na pahina. Ano ang iyong
isasagawa o gagawin upang ikaw ay makatutulong sa pagtupad ng mga batas. Sagutin ang
mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.
1. Nakita mo ang iyong kamag-aral na nagtapon ng basura sa kung saan lamang at hindi sa
tamang basurahan.
2. Nahuli mo ang iyong kapatid na kumukuha ng pera sa wallet ng iyong nanay ng walang
paalam.
3. Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglibot, kahit alam ninyong bawal lumabas ang
mga katulad ninyong mga kabataan sa panahon ngayon.
4. Tumawid ang isang ginang sa hindi tamang tawiran o ‘pedestrian lane.”

4
5. Nagsisilabasan ang mga tao kahit walang suot na mga “Face mask.”

Mga Gabay naTanong:


1. Naging madali o mahirap ba ang pagtugon sa mga sitwasyon na hinihingi ang iyong
kaalaman at pakikilahok sa pagtupad ng mga batas? Ipaliwanag.
2. Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang tugunan o bigyan ng solusyon?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman mo sa mga batas?
4. Sa mga sitwasyon sa itaas ali sa mga ito ang tugma at iyong nagawa, ngunit ito ay
iyong nabago dahil sa kaalaman mo sa batas? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Sa pagkakataong ito magbigay/magsulat ka ng mga halimbawa ng mga batas na


alam mo, itala ito sa mga sumusunod na larawan, sagutin ang mga gabay na tanong
pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel.

PAARALAN TAHANAN DAAN

1. ___________________ 1. ___________________ 1. ___________________


2. ___________________ 2. ___________________ 2. ___________________
3. ___________________ 3. ___________________ 3. ___________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Naging madali o mahirap ba ang pagtugon sa mga pagbibigay mo ng mga


halimbawa ng mga batas? Ipaliwanag.
2. Alin sa mga ito ang nilikha, na ang makikinabang ay mga kabataang tulad mo? Sa
papaanong paraan? Ipaliwanag
3. Nasusunod mo ba ang lahat ng mga naitala mo? Alin sa mga ito ang iyong nasusunod
at hindi nasusunod?

5
4. Anong papel ang maaari mong gampanan upang ang mga batas na nilikha ay sundin
at laging isaalang-alang ng mga kabataang tulad mo?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil
magandang pakinggan na kunwari may dignidad ang tao.
B. Universal Declaration of Human Justice C. Universal Declaration of Human Law
C. Universal Declaration of Human Rights D. Universal Declaration of Human
Norms
2. Ang mga batas sa lipunan para sa kabutihang panlahat kailangang ________.
A. Makakalikasan C. Makatao
B. Makabansa D. Makalipunan
3. Ayon sa kaniya lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at ay may kakayahang
makaunawa sa kabuthan.
A. Max Scheler C. Emmanuel Dy
B. Sto. Tomas De Aquino D. Robert Fulghum
4. Nilikha nito ang mga batas upang maging mekanismo at pamamaraan upang
isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao.
A. Diyos C. Lipunan
B. Tao D. Pamahalaan
5. Ito ay nilikha upang sundin ng tao, na ang balik ay sa para tao at hindi ang
kabaligtaran.
A. Karapatan C. Tungkulin
B. Batas D. Pananagutan

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, ESP – Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

ANA MARIE M. PEREZ EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Angeles City National Trade School EPSvr 1: EsP

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Tama at Mabuti Para sa Lipunang Para sa Lahat

Pangalan: _______________________________________Q2W4

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip

Panimula (Batayang Konsepto)

Paniwala ng ni Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may


kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang
makaunawa sa kabutihan. Para sa pilosopong si Max Scheler, ang
pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan
ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao
ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais na
mapasama siya. Napapasama ang tao dahil mali ang paraan ng
kaniyang pag-iisip, tama ang pinili pero hindi mabuti.
Upang mapangalagaan at patuloy na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga batas na
nilikha para sa tao dapat mabuti ang laging pakay at layon nito. Ang isip at puso ang gabay
para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang
at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Ang mabuti ay ang mga
bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. Samantalang ang tama ay
ang pagpili ng mabuti batay sa panahon kasaysayan, konteksto at
sitwasyon. Tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng
gagawa ng pagpili. Pero sa pagpili dapat lagi parin mabuti, upang ang
dignidad ng tao ay laging naisasaalang-alang, ito ang laging ibubulong
sa iyo ng iyong konsensiya. Na laging nagpaparamdam sa iyo sa
tuwing ikaw ay nasa sitwasyon na kailangan mong pumili. Tama na
tumulong pero kung ang itutulong ay galing sa masama hindi ito
angkop sa dignidad ng pagkakalikha ng tao, taliwas din ito sa batas at tamang katwiran. Tama
na parusahan ang tao pero ang patayin ito dahil sa kaniyang pagkakasala hindi ito mabuti, at
katanggap-tanggap dahil ito ay taliwas sa kung ano ang basehan ng pagkakalikha ng batas
ang likas batas moral.

7
Kung isasa-alang ang lahat at ang kabutihan ng isang kilos o gawi, laging panalo ang
tao dahil siya ay nilikhang likas na mabuti. Ang lumikha sa kaniya ay mabuti. Magkaiba man
ang tao sa kanilang salita, kulay, paraan ng pamumuhay at sa maraming bagay pero hindi
maaaring magkaiba sila sa dapat sundin na batas na siyang kakalinga sa kanilang dignidad.
Ang igalang ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng
batas na makatao. Ang pagpili niya sa tama at mabuti
ang gagarantiya sa kaniya upang matugon ang
kaniyang pangangailangan sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Lipunang may pagpapahalaga sa batas
at pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Lipunang para sa
lahat.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural


Law), gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng
tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang
kabutihang panlahat; at
2. naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon
nito sa kabutihang panlahat.
(EsP9TT-IId-6.3, EsP9TT-IId-6.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat bilang. Isulat ang letra ng mga sagot sa sagutang papel.
1. Paano natututunan ang likas na batas moral?
A. binubulong ng anghel. C. tinuturo ng magulang.
B. basta alam mo lang. D. sinisigaw ng konsensya.
2. Alin sa mga sumusunod ang may tamang panukala?
A. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
B. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
C. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
D. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.

8
3. Kailan tama ay pagsunod sa mabuti?
A. sa lahat ng panahon at pagkakataon
B. ayon sa sariling tantya.
C. angkop sa pangangailangan at kakayahan
D. nang walang pasubali.
4. Kailan tama ang isang bagay?
A. ito ay ayon sa mabuti. C. makapagpapabuti sa tao.
B. walang nasasaktan. D. magdudulot ito ng kasiyahan.
5. Ano ang pagiging makatao?
A. ang pagsaklolo sa iba. C. pagpanig sa tao.
B. ang pagiging matulungin sa kapwa. D. pagsunod sa utos ng Diyos.

Balikan
Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit.
Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang
pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan ang tao. Na iba-iba man ang
pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang
tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat
upang ingatan at payabungin ang tao.

Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga


Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga
Nagkakaisang Bansa (United Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o
pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang pakinggan na
kunwari may dignidad ang tao! Talagang nakikita nila, mula sa iba't ibang
mukha ng mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo, na mahalagang ingatan
ang dangal ng tao.

Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos
kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang Makita
ang halaga ng tao. Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang
simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti—tiyak na hahakbang tayo papalapit sa
mabuti. Malaki ang maitutulong sa iyo ng iyong babasashin at isasagawang mga gawain sa
modyul na ito. Gawing kasiya-siya ang oportudidad na muling matuto.

9
Tuklasin

Panuto: Gawin at sundin ang mga hinihingi ng bawat panuto. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Isulat ang lahat ng mga mahahalagang konsepto na iyong natutuhan mula sa mga
gawain at sa babasahin.
2. Gumawa ng isang concept web upang mapag-ugnay-ugnay ang mga konseptong
naisulat.
3. Matapos gawin ito ay subuking sumulat ng isang malaking konsepto mula sa mga maliliit
na konsepto.
4. Makatutulong sa iyo ang gabay na tanong na: Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas
na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
5. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?
6. Maaring gamiting gabay ang diagram sa ibaba. Huwag limitahan ang konseptong
isusulat sa bilang ng bilog na nasa halimbawa. Maaaring sumulat ng kahit gaano
karaming konseptong iyong nais.

Ano ang kabuuang konseptong natutuhan?

Suriin

Panuto: Gawin at sundin ang mga hinihingi ng bawat bilang. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa kasalukuyan.


2. Pumili ng dalawang (2) batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong
nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Pumili rin ng dalawang (2) batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong hindi
nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.

10
4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang
banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa Likas na
Batas Moral.
5. Gamitin ang katulad na pormat na nasa ibaba:

Mga Probisyong Labag


Mga Batas Mga Dahilan Mungkahing
sa Likas na Batas
Rebisyon
Moral
Ang Aking Sinasang-ayunan

1.

2.

Ang Aking Tinututulan

1.

2.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Gawin ito sa sagutang papel.
1. “Likas sa tao ang hangarin ang mabuti.” Ano ang ibig sabihin ng pangungusap.
Ipaliwanag ang sagot.
2. Magbigay ng dalawang (2) halimbawa na iyong naranasan, napanood o narinig na
tumutukoy sa nasabing pangungusap.
3. Magbigay ng ilang mga pagkakataon sa iyong buhay kung saan nakita ang
pagtutunggalian ng mabuti at tama. Ano ang iyong ginawa? Bakit ganito ang napiling
gawin?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat bilang. Isulat ang letra ng mga sagot sa sagutang papel.
1. Ayon sa kaniya ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan
ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
A. Max Scheler C. Sto. Tomas De Aquino
B. Emmanuel Dy D. Pope John Paul II
2. Tumutukoy ito sa mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili ng isang indibidwal.

11
A. Tama C. Batas
B. Mabuti D. Konsensiya
3. Ito ang gabay para kilatisin kung ano ang mabuti.
A. Batas C. Puso at Isip
B. Karapatan at Tungkulin D. Konsensiya
4. Ito ang pagpili ng mabuti batay sa panahon kasaysayan, konteksto at siwasyon.
A. Tama C. Batas
B. Mabuti D. Konsensiya
5. Sino ang makikibang kung isasa-alang ang kabutihan ng isang kilos o gawi?
A. Lipunan C. Pamilya
B. Batas D. Tao

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, ESP – Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017

EsP DepEd, Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

IVY AMABELLE G. GONZALES


Teacher I, Angeles City National Trade School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 3

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 4:


Subukin

12
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Aralin 5: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad
ng Tao

Pangalan: _______________________________________Q2W5

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip

Panimula (Batayang Konsepto)

Paglaki mo, ano ang gusto mong maging? Pamilyar ka marahil sa tanong na ito.
Tanong na ang kadalasang ang sagot ay may kasamang: upang makatulong, o kaya upang
makagawa ng isang bagay na karaniwang ginagawa ng ibang tao na nakita mong binigyan
ng kahusayan at kagalingan.
Kung itatanong muli ang tanong na ito sa iyo, ano kaya ang iyong magiging sagot?
Ilan kaya sa kabataang tulad mo ang may ganitong motibasyon sa pagpili ng uri ng trabaho o
gawain sa hinaharap?
Sa anomang gawaing itinakda mong gawin, isinasaalang-alang mo ba ang kabutihang
maidudulot nito sa iba – pamilya, paaralan, komunidad? Ano ba ang paggawa? Bakit nga ba
mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa iyong pagkatao?
Bilang Bilang kabataan, nagsisimula na marahil nabuo sa iyo ang pananaw sa
paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi matatakasan at kailngang harapin
sa bawat araw ninoman. Sa pagdaan ng panahon, mauunawaan mo kung bakit mahalagang
kilalanin ang paggawa bilang bhagi ng iyong pag-iral bilang tao.
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay isang
aktibidad ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong
nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto at iba
pa. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapuwa.
Ang paggawa ay gawaing nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi ay dapat nagbubunga ng
pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa
ay nakapagbibigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-
pakinabang para sa tao.

2
Ayon sa Laborem Exrcens ni Pope John Paul II ang paggawa ay anomang gawaing
pangkaisipan na maaaring manwal o hindi, maging anoman ang kaniyang kalikasan o
kalagayan dapat ito ay makatao o nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. Sa lahat ng
mga nilikhang may buhay, tanging ang tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan
ng talino. Hindi katulad ng hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inaatasan ng
tao o maaaring gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Samakatuwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa
kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang
isang pag-iral ng ng tao, ang pagiging bahagi ng komunidad, ang gumawa hindi lamang para
sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sap ag-unlad nito.

Mga Layunin ng Paggawa


1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
mga pangunahinh pangangailangan. Ngunit kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo
dapat magpaalipin sa paggawa at maging materyalismo.
2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
Pinagkalooban ng Diyos ang tao upang gamitin ito sap ag-unlad niya at ng
pamayanan.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. Ang paggawa
ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan ng
tao para sap ag-angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.
4. Upang tulungan ang mga nangangailangan. Ang paggawa ay isang obligasyon, isang
tungkulin ng isang tao, ito ay moral na obligasyon para sa kapuwa, sa pamilya, sa
lipunang kinabibilangan at sa bansa.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao. Ang buhay na walang
patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.

Ang paggawa ay higit pa sa pagkita ng salapi; sa pamamagitan nito napapagyaman


ng tao ang kaniyang dignidad tungo sa pinakamataas na layunin ng paggawa ito ang pagkamit
ng kaganapan ng tao.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. naipapaliwanag ang kahalagan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad
ng tao at paglilingkod; at
2. nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan o

3
barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
(EsP9TT-IIe7.1, EsP9TT-IIe7.2)

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat ang titik ng sagot sa iyong kuwaderno o sa
isang malinis na papel.

1. Ang pagtulong ng isang kabataan sa mga gawaing bahay ay nagpapakita ng:


a. Pagiging alila
b. Pagtupad ng tungkulin bilang miyembro ng pamilya
c. Pagpapakitang tao para masabing tumutulong siya
d. Pagtulong dahil may hinihintay na kapalit mula sa magulang
2. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit
ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gumagamit ng produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
3. Sinasabing unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya sa paggawa sa
kadahilanang:
a. Nagiging mahal na ang presyo ng mga makina
b. Nagiging pabigat na ito sa kanilang gawain
c. Nahihirapan silang buhatin ang mga makinarya
d. Nawawalan na ng kontribusyon ang tao sa paggawa at di na nahahasa ang
kanyang pagkamalikhain
4. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. sa proseso ng pinagdadaanan bago magawa ang produkto
b. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. sa katotohanan na ang gumawa ng produkto ay tao
5. Ayon sa kanya, ang paggawa ay anomang gawaing pangkaisipan man o manwal,
anoman man ang kanyang kalikasan ito ay dapat nararapat sa tao bilang anak ng
Diyos.
a. Pope John Paul II
b. Pope Francis VI

4
c. John F. Kennedy
d. Mahatma Gandhi

Tuklasin

Panuto: Magsagawa ng isang maliit na survey sa iyong pamilya. Maaaring tanungin ang
magulang o kamag-anak na may magkakaibang uri ng trabaho. Gamit ang “semantic
webbing” itala sa loob ng mga bilog ang kanilang mga naging sagot. Pagkatapos ay ibigay
ang tanong na Bakit kailangang maghanapbuhay ng tao? Sagutin mo ang mga gabay na
tanong pagkatapos. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Bakit kailangang
maghanapbuhay
ng tao?

Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong opinyon ukol sa lumabas na dahilan na ibinigay ng mga taong iyong
tinanong?
2. Batay sa mga kasagutan ano ang pinakapangunahing dahilan bakit kailangang
magtrabaho ng isang tao?

Suriin

Panuto: Magsagawa ng sariling Home Immersion. Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba.
Subuking gampanan ang mga gawaing ito sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos ay sagutin
ang mga gabay na tanong. Maaaring sagutin ang mga tanong sa isang blog (kung may
kakayahang gawin o kagamitang magagamit para dito) o kaya naman ay isulat sa isang
malinis na papel.

5
Mga Gawaing Dapat Gampanan:
1. Mag-alaga ng nakababatang kapatid
2. Tumulong sa paglilinis ng bahay o paghahalaman
3. Tumulong sa pagtuturo sa mga kapatid
4. Tumulong sa magulang sa mabibigat na gawaing bahay
Mga Gabay na Tanong:
1.Naging masaya ka ba o hindi sa naging gawain? Bakit?
2. Ano ang pinakamahirap mong naranasan sa pagtupad ng mga gawain?
3. Ano ang natutunan mo mula sa pagsasagawa ng mga gawain?
4. Ano ang nagbago sa iyong pananaw sa paggawa?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang poster gamit ang temang “Ang paggawa ay paggawa para sa
kapwa at kasama ang kapwa”. Gawin ito sa bond paper o oslo paper. Gumamit ng iba’t-ibang
pangkulay at iba pang materyales na magpapaganda sa iyong gawa.
Rubriks sa Paggawa ng Poster

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos


Pagkamalikha Lubos na Naging Hindi gaanong Hindi naging
in nagpakita ng malikhain sa naging malikhain sa
pagkamalikhai paggawa malikhain sa paggawa
n sa paggawa paggawa
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at at may sapat may kaisahan, ang
kumpleto ang na detalye at kulang sa pagkakabuo,
detalye at mensahe detalye at hindi kulang ang
mensahe gaanong detalye at di-
malinaw ang malinaw ang
mensahe mensahe
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang poster sa angkop ang ang poster sa
poster sa paksang poster sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
natalakay natalakay
Kabuuang Puntos

6
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na
sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Natatanging nilikha ng Diyos na may karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo.

Tao Obheto ng Paggawa Laborem Excerns


Paggawa Teknolohiya Work: The Channel of Values

2. Itinuturing na “kaaway” ng tao sa paggawa.


3. Ayon sa aklat na ito, ang paggawa ay isang aktibidad ng tao na maaring nasa larangan
ng ideya at manu-mano.
4. Ito ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit
ng tao upang maklikha ng produkto.
5. Ito ay isang aktibidad ng tao o resulta ng pagkilos ng tao.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, ESP – Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017EsP-DepEd
Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

LUCIA L. MANGUNE EDGARDO S. NUNAG


Teacher III, Bonifacio V. Romero High School EPSvr 1 - EsP

7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Aralin 6: Ang Paggawa Bilang Kaganapan ng Pagkatao

Pangalan: _______________________________________Q2W6
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang paggawa ay aktibidad ng tao. Sa pamamagitan nito
natutugunan niya ang kaniyang pangangailangan at ng kaniyang kapuwa.
Sa lahat na nilikha ng Diyos, tanging tao lamang ang pinagkalooban ng
mga gawaing ginagamitan ng talino at kaisipan.
Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao at naipapamalas niya ang sumusunod
na kakayahan at pagpapahalaga:
1. Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangilangan. Sa pamamagitan
ng kaniyang kita, naibibigay niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at ang mga
bagay na gusto niya. Sa pamamagitan nito lalong nalilinang sa kaniya ang pagpupunyagi
at kasipagan.
2. Napagyayaman ang kaniyang pagiging malikhain. Dahil sa paggawa patuloy na
naghahanap ng paraan ang tao upang lalong mapayabong ang kaniyang pagiging
malikhain at patuloy na makagawa ng bagong produkto na tatangkilikin ng tao.
3. Napatataas ang tiwala sa sarili. Patuloy na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili at
kakayahan sa patuloy niyang pagsasabuhay sa mga responsibilidad na ibinigay sa
kaniya bilang bahagi ng kaniyang pagiging manggagawa.
4. Nagkakaroon ng pagkakataon na makasalamuha at makasama ang kaniyang kapuwa at
patuloy na mapaglingkuran ang mga ito. Sa patuloy na pakikibahagi ng tao sa mundo ng
paggawa, dumarami ang taong kaniyang nakikilala na sa katagalan ay nagiging kaibigan
at bahagi ng ng pamilya. Natututo ang tao sa tamang pakikisama at pakikihalubilo sa
pamamagitan ng paggawa.
5. Nagkakaroon siya ng pagkakataon isabuhay ang tunay na kahulugan ng pagbibigay at
paglilingkod. Marahil may nakikita o naranasan mo na sa tuwing may nangyayari sa
pamilya may mga pagkakataon na laging andiyan ang mga kasama sa trabaho upang
dumamay at magbigay ng tulong-pinansyal, emosyunal at iba pa. May mga indibidwal na
sa pamamgitan ng kita nila, tumutulong sila sa mga nangangailangan. May mga iilan pa

8
nga ang nagtatayo ng pangkat o foundation upang maipaabot ang tulong na kailangan
ng mahihirap na tao.
6. Nabibigyan ng dangal ang kaniyang pagkatao. Nakikilala ang tao sa kung ano at sino
siya sa kaniyang pagsasabuhay sa kaniyang tungkulin bilang isang magaling na guro,
inhenyero, arkitekto, karpintero, at iba pa bilang isang huwarang manggagawa.
7. Nabibigyan ng pagkakataon na ipagpapatuloy ang bokasyon na minsan ng ikinintal sa
isipan. Sa paggawa, nabibigyan ng kaganapan ang uri ng buhay na gusto sa hinaharap,
sa pamamagitan nito nabibigyan ng tagumpay ang pangarap ng lahat.
8. Naiaangat ang kultura at moralidad. Ang paggawa ay nakatutulong sa patuloy na
pakikibaka ng tao na ipakilala ang sarili bilang siya at kung ano ang mayroon siya bilang
isang indibidwal na may mayamang kultura na kailangang igalang at magpatuloy. Ang
pagkaka
9. Nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos. Ang pagsasabuhay sa tungkulin
bilang manggagawa ay paraan ng pagsasabuhay sa tungkulin na mayroon ang tao sa
Diyos. Kung maayos at mabuti niyang nagagampanan ang kaniyang gawain bilang
manggagawa ng walang anomang uri ng kasamaan at makasariling pagnanasa ito ay
gawaing kalulugdan ng Panginooon, sa pamamgitan nito nagiging kamanggagawa siya
ng Diyos.

Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa, bahagi ito ng kaniyang pag-iral
bilang tao. Sa pamamagitan ng paggawa nabibigyan ng kahulugan at kulay ang kaniyang
buhay bilang nilalang. Nararamdaman niya na siya ay kabahagi at kamanggagawa ng iba,
nabubuo siya sa tulong nila at nabubuo sila sa tulong niya.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga
pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang
paglilingkod ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya nag kaganapan ng
kanyang pagkatao; at
2. nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang
panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyunal.
(EsP9TT-llf-7.3, EsP9TT-llf7.4)

9
Subukin

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang gawa o paggawa ay paglilingkod sa kapwa.
2. Ang gawa o paggawa ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
3. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa bunsod ng kawalan ng trabaho dito sa ating bansa
o mababa ang sahod at hind makakatugon sa pangangailangan ng buong pamilya.
4. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay patunay na paglabag sa karapatan ng mga
manggagawa na magkaroon ng matuwasay na pamumuhay sa sariling bansa.
5. Ang pagtatarabaho sa iabng bansa ang nagbigay sa ating mga kababayan nag
kaginhawahan, kasiyahan, katiwasayan at kaganapan ng pagkatao.

Balikan
Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo na ang kahalagahan ng paggawa
bilang tagapagtaguyod sa dignidad ng tao at paglilingkod. Ngayon sa ating pagpapatuloy ay
tutuklasin natin muli ang iba pang mamahalagang konsepto tungkol sa paggawa.

Tuklasin

Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan at tukuyin kung ano ang layunin ng mga ito sa
kanilang ginagawa at sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at tao sa kanilang layunin sa
kanilang ginagawa? Ipaliwanag
2. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng
paggawa?
3. Bakit mahalaga ang paggawa sa tao?
4. Ano ang kabuluhan ng paggawa sa lipunan?

10
Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang maaaring
maging bunga ng mga gawaing isinasagawa at anong mga pagpapahalaga ang isinasabuhay
sa bawat sitwasyon Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang
papel.
Mga
Sitwasyon Bunga Pagpapahalagang
ng kilos isinasabuhay
1. Nagsusumikap na matapos ni Ben ang kaniyang
proyekto upang maipasa ito ng maaga sa kanilang guro.
May plano kasi siyang tulungan ang kaniyang Lolo sa
ginagawang kulungan ng mga alagang hayop.
2. Nasa ibang bansa ang magulang ni Edythe, kaya
pagkatapos ng kanilang klase at mga gawain sa mga
pangkat mayroon siya sa paaralan ay diretso agad ang
uwi nito upang maihanda ang mga pangangailangan ng
kaniyang mga kapatid at upang matulungan ang
kaniyang Tita sa mga gawaing bahay.
3. Ngayong panahon ng pandemya naisipan ni Rendon na
mag-bake ng mga iba’t ibang uri ng tinapay at ibinenta
niya ito online. Ang kita at sobrang mga tinapay ay
ibinabahagi niya sa mga frontliners at mga pamilyang
nangangailangan ng tulong.
4. Si Belinda ay isang Ayta, hindi niya ito ikinahihiya.
Patuloy lang siya sa kaniyang mga gawain bilang isang
iskolar sa isang paaralan at bilang manggagawa sa
mga araw na wala siyang pasok sa pabrikang malapit
sa kanilang paaralan. Maliban sa pag-aaral kailangan
niyang tulungan ang kaniyang pamilya upang buhayin
ang iba pa niyang mga kapatid. Masaya at taos puso
niya itong isinasagawa.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-anong mga katangian ang mayroon ang mga karaketer sa mga sitwasyon na

11
iyong binasa?
2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, kaya mo bang gampan ang mga gawaing isinasagawa
ng mga ito? Ipaliwanag
3. Ano ang kaugnayan ng mga sitwasyon sa kahulugan at kahalagahan ng paggawa?
4. Anong kabutihan ang maaaring idulot ng paggawa sa tao?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto:
Unang Bahagi: Sa bahaging ito ay magakakaroon kayo ng pakikipanayam o interview sa
sumusunod na mga manggagawa. Ang pakikipanayam ay gagawin lamang sa pamamagitan
ng text, call o chat.
A. Tricycle Driver B. Guro C. Magulang/Tagapagalaga
Mga gabay na tanong para sa panayam/interview:
1. Ano ang iyong nararamdaman sa pagtupad mo sa iyong tungkulin?
2. Ano ang nagtutulak sa iyo upang gawin o gampanan ang napili mong trabaho?
3. Ano ang kabutihang naidudulot ng iyong trabaho?

Ikalawang Bahagi:
Mula sa mga kasagutan na iyong nakuha sa iyong panayam, bumuo ng isang
kaisipan sa kahalagahan/kabutihang naidudulot ng paggawa. Gawin ito sa sagutang
papel.

Tayahin

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Samakatuwid, sa ibang bansa pa napatunayan ng ating mga kababayan ang kanilang
dignidad.
2. Ang maliit na sahod o ang hindi tamang pagpapsahod ay paglabag sa karapatan ng
tao na makamit ang nararapat para sa kanya.
3. Ang pisikal na katibayan ng pagkilala sa karapatang pantao ay nakikita o
naoobserbahan sa anyo ng tao. (ngiti ng mukha, gana sa pagtatrabaho, sigla ng kilos
atbp.).
4. Ang epekto ng hindi pagkilala o paggalang sa karapatang pantao ay poot, galit,
kalungkutan, pang-aapi, atbp.

12
5. Ang paggawa o trabaho ay may aspekto ng paglilingkod kung sinusunod ng
gumagawa ng bukal sa kalooban ang kagustuhan ng nagpapagawa.

Sanggunian:

EsP MELCs 2020

EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Busilak Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Evaluation Copy 2019

Inihanda nina: Isinumite kay:

LEONILA S. DIMATULAC EDGARDO S. NUNAG


Teacher III – BVRHS EPSvr 1: EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 5:

Subukin

Tayahin

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 6:

SUBUKIN TAYAHIN
1. T 1. M
2. T 2. T
3. T 3. T
4. M 4. T
5. M 5. T

13
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Pakikilahok at Boluntersimo

Pangalan: _______________________________________Q2W7

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Naranasan mo na bang makilahok at maging isang volunteer? Marami na ang

nagdaang kalamidad, krisis at pagsubok na ating naranasan sa ating bansa katulad ng

pagsabog ng bulkan, mga bagyo at lalong lalo na ang pandemiyang nararanasan natin sa

kasalukuyan. At sa tuwing dumarating ang ganitong mga pagsubok sa ating bansa marahil

nasasabi mo sa iyong sarili ang mga katagang “nakakaawa naman sila,” ” papaano na kaya

sila,” “sana may tumulong sa kanila”. Ang mga ganitong kataga ang madalas na nasasambit

ng karaminahang kabataang katulad mo o ang iilan ay walang pakiaalam ukol dito.

Nakakalungkot di ba? Hindi maiibsan ang kalungkutan at paghihirap ng mga taong naging

biktima nito kung walang tutulong o dadamay sa kanila.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na

kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan. Sa

lipunan sumasakasaysayan ang tao. Ang ibig sabihin, nagkakaroon ng saysay ang buhay

kung ito ay ginagamit nang makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kaniyang sarili sa

kapuwa, sa lipunan dahil bilang tao at likha ng Diyos, ang tao ay may pananagutan na

magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay

hindi mo isinasagawa may mawawala sa iyo. Nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang

pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang

tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang obligasyong ito ay likas dahil sa taglay na

2
dignidad ng tao. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kaniyang

pananagutan. Mula dito ay makakamit ang kabutihang panlahat.

Dahil sa kaganapang hindi inaasahan katulad ng pandemiya na kilala sa tawag na

COVID 19, marami sa atin ang nawalan ng buhay at hanapbuhay. Bumagsak ang ekonomiya

at maraming tao ang naghihirap hanggang sa kasalukuyan. Mabuti nalang at maraming tao

ang handang magbigay ng tulong o ayuda sa mga tao mula sa iba’t ibang panig ng ating

bansa. Mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa kataas-taasang sangay ng ating

lipunan ay tumulong sa mga nangangailangan. Ganun pa man, may mga iilang mga tao at

lupon ng mga tao na di man tanyag sa lipunan ay handang tumulong at maglaan ng kanilang

oras, salapi at iba pang mga bagay na maaring mapakinabangan ng nakakarami. Ayon sa

mga taong ito nagdudulot ng kasiyahan sa kanila ang makibahagi o pakilahok sa mga

kaganapan at ito ay kusa na may bolunterismo. Ang adhikain nilang makatulong at

adbokasiyang gusting isulong ay susi sa minimithing kabutihang panlahat.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan


at ng lipunan; at
2. nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong nilaan ang malaking bahagi ng kanilang
buhay para sa bolunterismo.
(EsP9TT-IIg-8.1, EsPTTL-IIg-8.2)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
a. Pag-unlad c. Kabutihang Panlahat
b. Pagkakaisa d. Pagtataguyod ng Pananagutan

3
2. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Dignidad c.Karapatan
b. Tungkulin d.Pananagutan
3. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang
ng kaniyang kapuwa?
a. Dignidad c.Pananagutan
b. Pakikilahok d.Bolunterismo
4. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili
b. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon sa pagpapabuti ng lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba
5. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba
na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring
makaaapekto sa iyo
c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka
tumutugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling iyon
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin.Ito ay dapat
manggaling sa puso

Balikan

Napatunayan mo sa nakaraang aralin na sa pamamagitan ng paggawa na bunga ng


paglilingkod, uunlad ang lipunan dahil instrumento ito sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao
ng mga mamamayan. Inaasahang sa aralin na ito, ang tumay na diwa at kabuluhan ng
paglilingkod sa kapuwa ay lalo pang mapapalalim sa iyong puso. Magkakaroon ng higit na
kabuluhan ang iyong buhay kung iyo ay patuloy mong ibabahagi sa iyong kapuwa. Dito mo
makikilala ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo na iyong maiuugnay sa pag-unlad
ng lipunan. Hahamunin ka ng kuwento ng mga taoang naglaan ng kanilang buhay sa
pagtugon sa pangangailangan ng iba. Mula dito, ay masasagot ang mahalagang tanong na:
Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?

4
Tuklasin

Panuto: Isulat mo sa loob ng kahon ang salita o mga salita na nagbibigay-kahulugan para

sa iyo sa salitang pakikilahok. Gamiting pormat ang nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang

papel.
Tungkulin ng tao na dapat gawin

Pakikilahok

Matapos kang makapagbigay ng iyong sariling kahulugan sa salitang


Pakikilahok, ibigay mo naman ngayon ang kahulugan para sa iyo ng salitang
Boluterismo. Isulat mo ito sa loob ng bilo-haba sa ibaba. Gawin din ito sa iyong
kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Bolunterismo

Suriin
Panuto: Mula sa iyong mga isinulat na kahulugan, tingnan natin at suriin ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga tanong:
1. Batay sa mga kahulugang ibinahagi, ano ang mabubuo mong kongklusyon
tungkol sa pakikilahok? Sa Bolunterismo?
2. May kaugnayan ba ang pakikilahok sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan? Ang
bolunterismo? Pangatuwiran.

5
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Batay sa mga natutuhan mo sa mga naging gawain, bumuo ng Batayang Konsepto
gamit ang graphic organizer. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang ________at ng ______________ sa mga gawaing


______________
____________

batay sa kaniyang ________________________

ay makatutulong sa pagkamit ng

Tayahin

Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Obligasyon Pagtulong Paggawa Aspekto


Pananagutan Bolunterismo Kapuwa Pakikilahok
Pagmamahal Likas Dignidad Tungkulin

Batayang Konsepto

Bilang obligasyon ______________sa ______________ ng tao, ang __________ay


nakakamit sa __________________ o ___________________sa mga aspekto kunf
saan mayroon siyang _______________ na _________________________.

Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda ni: Isinumite Kay:

ROBERTO G. IGNACIO EDGARDO S. NUNAG


Teacher III, Bonifacio V. Romero High School EPSvr 1: EsP

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Pakikilahok at Bolunterismo Bilang Personal na Pananagutan

Pangalan: _______________________________________Q2W8

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Taon-taon ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang
kalamidad, krisis at pagsubok. May mga pagkakataong naaawa
ka sa mga nakararanas nito at naitatanong mo sa iyong sarili
kung paano ka makatutulong sa panahong marami ang
nangangailangan ng tulong. Ang pagtulong at pakikibahagi sa
mga gawaing panlipunan gaya ng pagtulong sa mga
nangangailangan ay isang uri ng pakikilahok at bolunterismo.
Sa pamamagitan ng pakikilahok at bolunterismo ang tao ay nagiging mapanagutan
hindi lamang sa kaniyang sarili kundi sa kaniyang kapuwa. Sa kaniyang pakikilahok sa
lipunan nalilinang niya ang damdamin at kaisipang kasali siya sa pagpapayabong at
pagpapanatili ng kabutihang panlahat.
Ang pakikilahok at bolunterismo ay hindi namimili ng edad,
antas at estado ng buhay sa lipunan at hindi sa lahat ng panahon
at pagkakataon ang maaaring itulong ng tao ay pera o bagay na
kailangan niyang bilhin o gawin.
Maraming mga kabataan ang bumibisita sa mga shelter na
pambata at pangmatanda sa mga araw na walang pasok. May mga
musikero na nasa parke at tumutugtog ng walang bayad, bukod pa sa pagtuturo sa mga
gustong matuto ng kanilang mga instrumento. Maraming mga nanay ang hindi madamot sa
kanilang gatas at kusa nila itong ibinibigay sa mga nanay na walang kakayahang magbigay
nito sa kanilang mga anak. May mga indibidwal na suki ng bloodletting projects upang
makasalba ng buhay ng ibang tao. May mga samahan na ang kanilang ginagawang
pampalipas oras ay paglilinis ng ilog at mga kanal.
Ang mga gawaing ito ay isinasagawa ng walang kapalit, ito
ay kusa at bukal sa puso. Ang tanging benepisyo mayroon siya ay
naiaangat niya ang kaniyang pagkatao at naipapakita niya ang
kalikasan ng kaniyang dignidad-ang kaniyang buhay kasama ang

7
iba.Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng kaganapan ang kaniyang pagkatao na siyang susi
sa minimithing kabutihang panlahat.

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. napatutunayan na:
a. ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing
pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kaniyang talento,
kakayahan, at papel sa lipunan ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat;
b. bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa
pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na
papanagutan; at
2. nakakalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sector na may
partikular na pangangailangan.
(EsP9TT-IIh-8.3, EsP9TT-IIh-8.4)

Subukin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, itala ang mga kahalagahan ng pakikilahok at kabutihang
naidudulot ng bolunterismo ayon sa nabasa. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos,
gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel. na tanong. Gawin ito sa sagutang
papel.

MGA KAHALAGAHAN NG PAKIKILAHOK


1.
2.
3.
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG BOLUNTERISMO
1.
2.
3.
4.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang maaaring makuha ng tao sa kaniyang pakikilahok at pagiging-volunteer
sa mga gawaing panlipunan?

8
2. Bakit bahagi ng pananagutan ng tao ang tumulong sa kapuwa at sa lipunang
kaniyang kinabibilangan?
3. Paano ang tamang pagtulong at pakikilahok? Kailan ito dapat isagawa?
Ipaliwanag

Tuklasin

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na larawang. Tukuyin kung sino o ano ang mga ito at
paano sila maiuugnay sa salitang Pakikilahok at Bolunterismo, sagutin ang mga gabay na
tanong pagkatapos. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano napapakinabangan ng tao ang mga kilos o mga gawaing isinakatuparan
ng mga nabanggit sa itaas?
2. Sino-sino ang mga naging katuwang ng mga ito upang maisagawa ang gawain
ng pagtulong?
3. Paano magiging kabahagi ang isang tulad mo sa pagsasagawa ng mga mithiing
panlipunan?
4. Ano ang pakikilahok at bolunterismo para sa iyo?

Suriin

Panuto: Manood ng balita sa telebisyon tungkol sa


nagaganap sa paligid ngayong panahon ng pandemya
(COVID 19). Suriin at isulat ang mga mabubuting naidulot ng
pakikilahok at bolunterismo ng mga mamamayan ngayong panahon ng pandemya. Magtala
ng paraan at suhestiyon upang mas lalong mapaigting ang pakikilahok at bolunterismo sa
inyong pamayanan. Gawing gabay ang tsart. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang

9
malinis na papel.
Pangalan ng palabas Mga mabuting Paraan upang mas Suhestiyon para
at channel kung saan naidulot ng lalong mapaigting mapaigting ang
napanood pakikilahok at ang pakikilahok at pakikilahok at
bolunterismo ng mga bolunterismo batay sa bolunterismo sa
mamamayan napanood inyong pamayanan

Rubrik para sa Pagpupuntos:


10 puntos – kung naitala ng lubos ang mga mabuting naidulot ng pakikilahok at
bolunterismo ng mga mamamayan.
7 – 9 puntos – kung naitala halos ang mga mabuting naidulot ng pakikilahok at
bolunterismo ng mga mamamayan.
4 – 6 puntos – kung naitala ng bahagya ang mga mabuting naidulot ng pakikilahok
at bolunterismo ng mga mamamayan.
1 – 3 puntos – kung hindi naitala ng maayos ang mga mabuting naidulot ng
pakikilahok at bolunterismo ng mga mamamayan.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Batay sa mga napanood sa telebisyon na iyong ginawa sa itaas, maglahad o


gumawa ng mga makabuluhang hakbang o paraan kung paano mo maipakikita ang
pakikilahok at bolunterismo sa iyong pamilya sa kalagitnaan ng COVID 19. Gawin ito sa
sagutang papel.

Tayahin

Panuto: Gamit ang mga batayang konsepto sa panimulang bahagi ng modyul, Tukuyin kung
tama o mali ang kaisipang nakapaloob sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang paglilingkod at bolunterismo ay hindi namimili ng edad, antas at estado sa buhay.

10
2. Malaki ang papel na gagampanan ng pera sa pagtulong, kung wala nito, hindi
kailanman maisakatuparan ang pakikilahok at bolunterismo.
3. Ang pagtulong ay bahagi ng pag-iral ng tao tungo sa kaniyang kaganapan.
4. Ang pagtulong sa pamamagitan ng pakikilahok ay hindi sa lahat ng panahon at
pagkakataon.
5. Sa pamamagitan ng pakikilahok at bolunterismo ang tao ay nagkakaroon ng
pananagutan sa kapuwa at hindi sa sarili.

Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda nina: Isinumite kay:

ROBERTO G. IGNACIO EDGARDO S. NUNAG


Teacher III, Bonifacio V. Romero High School EPSvr 1 - EsP

ALVEEN A. MALLARI
Teacher III, Claro M. Recto ICT High School

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 7: Subukin


5. C 4. B 3. A 2.B 1.A
Subukin

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 8:

5. Mali 4. Tama 3. Tama 2. Mali 1.Tama


Tayahin

ang kaniyang sarili


4. Nagkakaroon ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na
3. Nagkakaroon ng pgkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba
2. Nakapagbibigay ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
1. Nagkakaroon ng personal na pag-unlad
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG BOLUNTERISMO

panglahat
3. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
2. Magampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
pangangailangan ng lipunan
1. Maisasakatuparan ang isang Gawain na makatutulong sa pagtugon sa
MGA KAHALAGAHAN NG PAKIKILAHOK
Subukin

11
KAGAWARAN NG EDUKASYON
9
REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center,
Brgy. Maimpis, City of San Fernando, 2000 Pampanga

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo
Modyul 1: Ang Kabuluhan ng ating
Karapatan at Pagtuwid sa mga Paglabag nito
EsP9TT-IIb-5.3- EsP9TT-IIb-5.4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Kabuluhan ng ating Karapatan at
Pagtuwid sa mga Paglabag nito
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang


paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsulat
Manunulat: Algen T. Cortez
Tagaguhit: Russyl R. Guiwa
Tagalapat: Jaime M. Bulanadi Jr.
Taga Disensyo ng Pabalat:
Editor: Marlu P. Wells
Tagasuri: Ralph S. Gegante

Tagapamahala: EDGARDO S. NUNAG EPSvr 1 – EsP


EMILY F. SARMIENTO, PhD, Division EPS In-charge of LRMS

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III – Learning Resource Management Section


(DepEd Region III-LRMS)
Office Address:
Fatima M. Punongbayan
9

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo
Modyul 1: Ang Kabuluhan ng ating
Karapatan at Pagtuwid sa mga Paglabag nito
EsP9TT-IIb-5.3- EsP9TT-IIb-5.4
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyong pagkatuto at makatulong upang


maunawaan ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapatao 9.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin


ng tao sa lipunan;

2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


paaralan, baranggay/pamayanan o, lipunan/bansa.

3. Nakakagawa ng mga paraan upang maiwasan ang mga paglabag sa


karapatang pantao upang mapahalagahan ang dignidad ng bawat isa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong kwaderno
ang iyong mga sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagiging batayan sa pagkakapantay


pantay ng tao?
a. Karapatan
b. Kilos-loob
c. Dignidad
d. Kayamanan
2. Alin sa mga sumususunod ang nagpapakita ng karapatang mabuhay?
a. Napakasaya ng magkasintahang si Alice at Marco dahil sa
kanilang bagong tirahan sa Pampanga.
b. Kabilang ang mga kabataan na lumahok sa isang rally tungkol
sa masamang pag gamit ng droga.
c. Pinagbubuntis pa lamang si Ben ng kaniyang ina ay inaalagaan
na ito sa pamamagitan ng pagkain ng tama at pag inom ng mga
bitamina.
d. Nais magpakasal ni Anna sa kaniyang minamahal, ngunit
marami sa kaniyang pamilya ang humahadlang dito.
3. Aling Karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy nap ag aaral
upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?

a. Karapatan sa buhay

1
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang magkaroon ng relihiyon
4. Ang Karapatan ay isang kapangyarihang moral. Alin sa mga
sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapakita ng kahulugan
nito.
a. Hindi ito maaring puwersahin ng tao sa kaniyang kapuwa
sapagkat ito ay kusang ibinibigay.
b. Hindi nito naapektuhan ang buhay ng bawat isa.
c. Kaakibat ng Karapatan ay pagkakaroon ng tungkulin sa bawat
isa.
d. Ito ay napapakinabangan ng bawat miyembro ng lipunan dahil
ito lamang ang makakagawa ng moral na kilos.
5. Aling Karapatan ang tumutukoy sa paghahanap ng trabaho upang
makabili ng mga bagay na kailangan sa pamumuhay.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatang pumunta sa ibang lugar
c. Karapatang magpakasal
d. Karapatang maghanapbuhay

Mga Tala para sa Guro

Sa araling ito, talakayin ang mga Karapatan ng tao at mga tungkulin


upang mapahalagahan ang dignidad ng bawat isa.

Modyul
Ang Kabuluhan ng ating
1 Karapatan at Pagtuwid sa
mga Paglabag nito
Kung iyong babalikan ang mga dating napag-aralan nung ikaw ay nasa Baitang 7
maaring nauunawaan mo na, ang bawat tao ay may pantay na karapatan. Ngunit
paano nga ba ito magiging makabuluhan at ano ang nagiging batayan sa
pagkakaroon ng pantay na karapatan ang bawat tao? Alamin natin!

2
Balikan

Sa nakaraang aralin pinag-aralan mo ang mga iba’t-ibang uri ng lipunang


sibil na may kani-kaniyang adhikain na ipinaglalaban. Mga isyu at mga bagay na
alam nilang malaki ang tulong sa bawat mamamayan na dapat bigyan ng pansin at
agarang solusyon. Sa tulong ng araling ito, matutukoy mo kung ano-anong mga
karapatan ang basehan ng mga pangkat na ito kung bakit sila nag-oorganisa ng
mga gawain at pagkilos.
Gawing kasiya-siya ang pagbabasa at pagsasagawa sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito.

Tuklasin

Panuto: Itala sa ibaba ang mga sa tingin mo ay uri ng paglabag sa bawat


karapatan. Gamit ang iyong sariling pagkaunawa sa bawat karapatan, magbigay
ng mga halimbawa na iyong naobserbahan o naranasan na maaring maging labag
sa bawat karapatang pantao, sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin
ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel

Itala kung saan


Mga Karapatan Mga paglabag sa ito
bawat karapatan nakita/naranasan
(Pamilya,
Lipunan, Social
media, Sarili)
1. karapatang mabuhay at kalayaan Hal. Pag kakaroon
sa iyong sariling pangangatawan ng aborsiyon,
paggamit ng tao sa
mga ipinag babawal
na gamut.
2. karapatang magpahayag ng iyong
mga sariling opinion gamit ang
iyong social media (facebook,
twitter, Instagram)
3. karapatan sa malayang pagpili ng

3
iyong relihiyon at pagpapahayag
ng iyong paniniwala
4. Karapatan sa pagpili ng iyong
propesyon at maaring maging
trabaho.
5. Karapatan sa malayang pagpili ng
iyong magiging tirahan sa ibang
bansa.
6. Karapatan sa patas na proteksiyon
ng batas sa mga paglabag ng mga
karapatang pantao.
Nagustuhan mo ba ang gawain? Ating sagutin ang sumusunod na
katanungan sa sagutang papel.

1. Nakaranas ka na ba ng mga paglabag na iyong naisulat? Ano ang iyong


naramdaman kapag may lumalabag sa iyong karapatan
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang alamin ang iyong mga tungkulin sa bawat karapatan na


mayroon ka
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Ano ang magiging mabuting bunga kung ang bawat mamamayan ay


gagawin ang kanilang tungkulin upang maprotektahan ang karapatan
ng bawat isa?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Napakahusay!

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,


pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado
sa buhay. Ito ay nagging moral dahil, hindi ito napupuwersa sa tao kundi kusa itong
binibigay o ito ay ating taglay. Kaakibat ng bawat karapatan ng tao ay ang obligasyon
nyang igalang ang karapatan din ng kaniyang kapuwa. Nakaangkla ditto ang
pagkakaroon nga maayos na pakikipag-ugnayan at payapang relasyon sa kaniyang
kapuwa.

4
Mayroon tayong mga iba’t-ibang uri ng karapatan. Ayon kay Sto. Tomas de
Aquino mayroon tayong mga karapatan na hindi maiaalis(inealienable). Ang mga ito
ay ang:
Karapatan sa Buhay- ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan, dahil
kung wala ito hindi mapapakinabangan ang mmga iba pang karapatang pantao.
Karapatan sa Pribadong ari-arian- ito ang iyong karapatan na magkaroon ng
iyong ari-arian dahil kung wala ang karapatan na ito hindi magiging maayos ang
pamumuhay ng tao. Ito din ang isang dahilan kung bakit nagiging masipag at
produktibo ang isang tao.
Karapatang Magpakasal- ito ay ang iyong karapatan upang magpakasal at
bumuo ng iyong sariling pamilya.
Karapatang pumunta sa ibang lugar- kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong
karapatan na lumipat ng tirahan kung saan may oportunidad na magkaroon ng
trabaho at komportableng buhay.
Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya- ito ay ang iyong
karapatan na pumili ng iyong relihiyon na makakatulong sa iyong pagunlad.
Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay- may obligasyon ang pamahalaan
nan a magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay upang matamasa ng tao ang
karapatan na ito.

Suriin
Nalaman na natin ang mga iba’t- ibang karapatan na mayroon ang bawat tao,
ating palalimin pa ang ating kaalaman tungkol sa ating tungkulin at karapatan.
Tara!
Ang bawat nilalang sa ating lipunan ay mayroong Karapatan, ito ay isang
biyaya na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Mayroon din tayong iba’t-ibang uri ng
Karapatan na iyong natatamasa simula ng ikaw ay ipinanganak dito sa mundo at sa
bawat Karapatan na iyong natatamasa ay mag kaakibat
itong tungkulin upang maging kabuluhan ang mga ito.
Sa lipunang iyong kinabibilangan, maaring marami
kang nakikitang mga klase ng paglabag o nababalitaang
paglabag sa mga Karapatan ng tao. Ngunit bakit nga ba
nagkakaroon ng paglabag sa ating mga karapatan?

Ating balikan ang kahulugan ng Karapatan, ito


ay isang moral na kapangyarihan na hindi pinipilit
kundi kusa itong binibigay. Karagdagan dito, ang
tungkulin naman ng tao ay isang moral na obligasyon dahil alam niya kung ano ang
kaniyang mga limitasyon sa pagtamasa na kaniyang mga karapatan. Ang bawat
nilalang ay binigyan ng pantay-pantay na Karapatan. Maaring sa ating lipunan may
mga bagay na nag hihiwalay sa atin tulad ng ating estado sa buhay, mga paniniwala,

5
relihiyon, kinalakihan, kulay at marami pang iba. Ngunit, hindi ito ang magiging
basehan upang hindi natin igalang ang karapatan ng bawat isa.

Ang pagkakaiba na ito ang mag bibigay sa atin ng paraan upang mas
maunawaan ang kahalagahan ng paggalang sa Karapatan ng bawat isa. Sa
paggalang sa Karapatan ng iyong kapwa, naipapakita mo ang pagpapahalaga sa
kaniyang dignidad. Ngunit, may mga iilan sa ating kapuwa ang hindi nakakaunawa
nito at hindi inaalam ang limitasyon ng kanilang Karapatan. Ang pagkakaroon ng
biyayang ito ay maaring maabuso at makasakit sa iyong kapuwa.

Tulad na lamang ng pag-aabuso sa iyong pisikal na pangatatawan,


marami sa mga kabataan ngayon ang hindi kumakain ng tama o kaya naman ay
hindi natutulog sa tamang oras. Ito ay mga simpleng paglabag ng iyong karapatan
na hindi natin napapansin. Sa ating lipunan may paglabag na nagkakaroon ng
malakas na epekto sa mga taong naghihirap. Kung ang
mga opisyal ng gobyerno ay tumutupad sa kanilang
sinumpaan na pagsilbihan lamang ang kaniyang
nasasakupan maaring mababawasan ang mg ang
naghihirap nating kababayan. Ngunit, isa sa mga
paglabag na ito ay ang korupsyon sa gobyerno at hindi
pag abuso ng kanilang mga kapangyarihan. Maaring
marami ka pang nabasa na may mga ganitong
pangyayari sa iyong social media o sa mga balita sa
telebisyon.

Maiiwasan lamang ang mga ganitong pangyayari kung ang bawat tao ay
pinahahalagahan ang dignidad ng bawat isa. Bilang isang mag-aaral maaari mo
itong simulan sa iyong sarili, kung iyong pangangalagaan ang iyong dignidad,
mauunawaan mo kung bakit mahalagang igalang ang karapatan at dignidad ng
iyong kapuwa. Maraming paraan upang maipakita ang paggalang na ito, tulad sa
iyong pamilya, kamag-aral o mga kasapi sa lipunan. Ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan ay magandang simula ng iyong paggalang sa kanilang kaparatan.
Karagdagan dito, mayroon tayong tinatawag na golden rule, pamilyar ka na ba dito?
Ang nais ipahiwatig ng golden rule ay, “huwag mong gawin sa iba ang kung anomang
ayaw mong gawin sa iyo”, kung ating babaligtarin ang mensahe nito ay “gawin mo
sa iba kung ano ang nais mong gawin nila saiyo”. Kung ito ay iyong uunawain at
isasapuso, pawang kabutihan lamang ang iyong gagawin sa iyong kapuwa.

Kung ang bawat miyembro ay handang gampanan, unawain at isapuso ang kanilang
tungkulin, magiging tunay na makabuluhan ang ating bawat karapatan. Wala sa
itsura, estado o kulay ang basehan ng paggalang sa kaniyang karapatan kundi sa
kaniyang dignidad bilang isang tao.

Upang mas lalo mong mapaunlad ang iyong mga tungkulin at karapatan,
narito ang mga gawain upang matulungan kang makamit ang iyong hinahangad

6
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Gamit ang Concept map na ito, alamin kung anong mga klase ng karapatan
at tungkulin ang kaakibat nito. Gumawa ng mga aksiyon na makakatulong upang
mahubog ang mga karapatang at maiwasan ang paglabag sa mga ito, sagutin ang
mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis
na papel.

Mga Uri ng Karapatan at


kahalagahan nito

Mga Uri ng Mga Uri ng Mga Uri ng


Karapatan at Karapatan at Karapatan at
kahalagahan nito kahalagahan nito kahalagahan nito

Mga tungkulin na kaakibat


ng mga karapatan na napili

Gawain 2

Mga klase ng aksiyon na


maaring makaiwas sa
paglabag ng mga karapatan
na ito

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mahalaga na alam moa ng iyong tungkulin?
2. Paano nahuhubog ng iyong tungkulin ang bawat karapatan ng tao?
3. Ano ang magiging bunga nito sa ating pakikipag ugnayan sa ating kapuwa?

7
Isaisip

Iyong napagtagumpayan ang Pagyamanin, mahusay! Muli mo pang ipamalas


ang iyong naging kaalaman sa ating aralin. Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.
Isulat sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel ang iyong ang iyong sagot sa
bawat sitwasyon? Gawin gabay ang talahanayan sa ibaba sa pagsasagawa nito.

Bakit sa palagay mo Bilang isang kabataan


Mga larawan nangyayari ang paano mo
ganitong sitwasyon? masosolusyonan ang
ganitong sitwasyon?

P
8
Isagawa

Tunay ngang nabusog ka sa ating aralin. Tumungo naman tayo sa isa pang
gawain.

Panuto: Gamit ang social media, telebisyon dyaryo o pag-oobserba sa iyong


kapalagiran, Tukuyin ang mga ibat’ ibang klase ng paglabag na maaari mong
bigyan ng solusyon. Bumuo ng iyong sariling isang recipe o talaan kung saan
maipapakita mo ang mga nais mong gawin bilang isang miyembro ng lipunan sa
pagsasagawa ng angkop na kilos upang maituwid ang mga paglabag na iyong
naobserbahan sa lipunan.
Halimbawa ng iyong Own Recipe:

Paglabag: Nabubully ang aking kaibigan at nilalabag nito ang kaniyang karapatan
upang mamuhay ng mapayapa at paunlarin ang kaniyang kakayahan.

Mga sankap sa gagawing pagtutuwid:

• Pagiging mabuting tao

• Kooperasyon ng bawat miyembro ng lipunan

• Pag galang sa karapatan ng bawat kapwa

Pamamaraan:

• Alamin kung ano ang mga karapatan mo at ng ibang tao

• Alamin ang limitasyon bilang isang miyembro ng lipunan.

Kalalabasan: Magkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa bawat miyembro ng


lipunan.

9
10
Rubriks sa Paggawa ng Advocacy Campaign

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos

Nilalaman at Lubhang Naging Hindi Hindi naging


Presentasyo malinaw ang malinaw ang gaanong malinaw
n mensahe ng mensahe ng malinaw ang mensahe ng
simbolo simbolo mensahe ng simbolo
simbolo

Organisasyo Buo ang May Konsistent, Hindi ganap


n kaisipan kaisahan at may ang
konsistent, at may sapat na kaisahan, pagkakabuo,
kumpleto ang detalye at kulang sa kulang ang
detalye ang malinaw ang detalye at detalye at di-
simbolo simbolo hindi malinaw ang
gaanong k simbolo
malinaw ang
simbolo

Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop


sa Paksa angkop ang simbolo sa gaanong ang simbolo
simbolo sa paksang angkop ang sa paksang
paksang natalakay simbolo sa natalakay
natalakay paksang
natalakay

Kabuuang Puntos

11
Tayahin

Panuto: Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3)


bagay na mas lalo mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang
dalawang (2) kaalaman o leksyon na iyong napulot na maaring magamit sa personal
na buhay. At isang (1) katanungan na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin
ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Pakibox na lang din po hehe

Karagdagang Gawain

Naisakatuparan mo ang pagsasagot sa Tayahin, magaling! Mahilig ka ba sa


mga awitin?

Paki box na lang po mam hehe


Freddie Aguilar - Kapayapaan, Kalayaan Lyrics
Artist: Freddie Aguilar

Album: Greatest Hits

Kapayapaan ang hihihiling sana ay pakinggan


Kalayaan ang nais sa lupang sinilangan
Kay tagal na rin nating naghahanap
Ng pag-asa ngayon na ang tamang oras
Tayo ay gumising

Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo


Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako,tayong lahat
Sana ay magkasundo
SA halip na tayo ay magkagulo

12
Diyos ko, palinawin ang isipan ko
Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Iligtas mo po itong aming lupang minamahal


Kami’ po’y akuin niyo sa hirap na dinaranas
Ibigay mo po sa amin pag-asang hinahanap
Ang dalangin po naming sana ay pakinggan

Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo


Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako, tayong lahat
Sana ay magkaisa
Sa halip n atayo ay magkagulo

Diyos ko, palinawin ang isipan ko


Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Mga gabay na tanong:


Ano ang iyong nararamdaman tungkol sa awiting ito?

13
Sanggunian
http://www.songlyrics.com/freddie-aguilar/kapayapaan-kalayaan-lyrics/

Modyul ng Mag-aaral; Edukasyon sa Pagpapakato 9 DepEd-Bureau of Secondary


Education Curriculum Department Division

Most Essential Learning Competencies (MELCS) per SUBJECT (SY 2020 – 2021).
Accessed June 30, 2020. https://depedlps.club/most-essential-learning-
competencies-melcs-per-subject-sy-2020-2021/

Para sa katanungan o karagdagang puna,


maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

14

You might also like