You are on page 1of 7

Edukasyon sa Pagpapakato Reviewer

Module 9 - KATARUNGANG PANLIPUNAN


Kung kawalang katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan.
Kung kawalang katarungan ang pang-aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa pagmamay ari.
Kung kawalang katarungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at paggalang sa dignidad ng tao.

Ang katarungan ay umiikot sa dalawang libel.


1. Pagkilala sa tao bilang tao- ito ay tungkol sa taong tumatayo bilang isang indibidwal na may
sariling pagka-siya.
2. Pagkilala sa karapatan ng tao- ito ay tungkol sa ginagalawang ugnayan ng tao sa kapwa at
lipunan.

Katarungan sa sarili- ito ang paglalagay sa ayos ng sarili. Ang wastong pagpili ang
pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili.

Katarungang panlipunan- ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa,


makabuo at makalikha.

Katarungan- ito ay dapat makita ng bawat isa na isang pagpapahalagang kailangang


pagsikapang panatilihin sa bawat sandali.

Upang makamit ang Katarungang Panlipunan, kailangan ang,___.


1. Batas- upang maingatan ang mga karapatan ng tao.
2. Pamahalaan- upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa.
3. Pulis/Awtoridad- upang magbantay sa kalayaan ng tao.

Halimbawa ng Katarungan:
1. Tumawid sa tamang tawiran
2. Maging malinis sa itinitindang pagkain.
3.Magbayad ng buwis.
4. Pagsunod sa batas trapiko.
5. Maging tapat sa pagsusulit.
6.Aminin sa sarili ang totoo.
Module 10 - KAGALINGAN SA PAGGAWA
Panimula
 Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat
na kasanayan at kahusayan.
 May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa.
Kabutihan ng Paggawa
• Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili,
kapwa at sa Diyos. • Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya
upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa. (Laborem Exercens)
Katangian ng Kagalingang Paggawa
1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
2. Nagtataglay ng kakailanging kasanayan
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
• Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng mga dekalidad
na produkto o serbisyo:
1. Kasipagan 2. Tiyaga 3. Masigasig 4. Malikhain 5. Disiplina sa Sarili
Nagtataglay ng kakailanging kasanayan
• Siya ay bukas at handang matutuo upang lalong mapabuti ang kagalingan sa paggawa.
1. Pagkatuto Bago ang Paggawa
2. Pagkatuto Habang Ginagawa
3. Pagkatuto Pagkatapos ng Gawain
Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
• Ang kagalingan ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at
pasasalamat sa Kanya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala
mula sa Diyos.
Module 11 - KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID, AT
WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK

Panimula
• Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin, kailangan natin ang kasipagan. •
Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos.
Ano ang kasipagan?
• Ito ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain ng may kalidad. • Ang kasipagan ang
tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao.
Palatandaanng Kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
• Hindi nagmamadali sa ginagawa.
• Sinisiguro na maayos ang kalalabasan
• Hindi nagpapabaya sa gawain
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
• Binibigay niya ang kanyang puso sa ginagawa.
• Sinisiguro niyang may kalidad ang kanyang gawain.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
• Hindi na niya kailangang utusan upang gawin ang isang gawain.
• Hindi naghihintay ng anumang kapalit sa Gawain
Ano ang katamaran?
• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan.
• Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain.
• Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
• Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang tao.
• Sa kabila ng mga balakid ay hindi siya dapat panghinaan ng loob at kinakailangan niyang
magpatuloy at maging matatag.
Ano ang pagtitipid?
• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi upang
higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung
ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapagipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang
huwag itong mawala.
Kahalagahanng pag-iimpok?
• Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao.
Mahalaga na may emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula
dito.
• Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay ay bahagi ng ating kaganapan
sa buhay.
Kahalagahanng pag-iimpok?
• Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay
kakayanin mo pa ang magtrabaho.
Kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. -Francisco Colayco
Module 12 - PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Panimula
• “Time is gold” sabi nila. Ano ang oras para sa iyo? Ano ang pananaw mo sa
paggamit ng oras? Bakit kaya nasabi ng karamihan na time is gold?
Pamamahalasa Pag gamit ng Oras
• Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala sa tao. Tayo ay ginawang katiwala ng Diyos sa
maraming bagay isa na rito ang oras.
• Bilang katiwala, may tungkulin tayo na gamitin ang oras na may pananagutan sapagkat ito ay
HINDI na maibabalik kailanman.
Ang oras ay di tulad ng salapi na maaring ipunin.
• Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito sa
paggawa. Ito ang pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang tiyak na gawain.
• Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang produktibidad, pagkamabisa at
kagalingan sa paggawa.
Pagtatakdang Tunguhin sa Paggawa
SPECIFIC MEASURABLE ATTAINABLE REALISTIC TIME BOUND
1. Specific (Tiyak). Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais
na mangyari sa iyong paggawa.
2. Measurable (Nasusukat). Dapat pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga
kakayahan sapagkat kung hindi ay HINDI mo rin ito maisasakatuparan.
3. Attainable (Naaabot). Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.
4. Realistic (Makatotohanan). Mahalagang tignan ang kaangkupan ng iyong gawain sa
pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin kung ito ay higit na makakabuti.
5. Time Bound (Nasusukat ng Panahon). Kailangan na magbigay ng takdang panahon kung
kailan mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin.
Pangangasiwao Pamamahalang Oras
• Pagsisimula sa Tamang Oras – ang bawat gawain ay kailangang simulan sa itinakdang oras.
• Pamamahala sa Pagpapabukas (Mañana habit) – ang mañana habit ay ang puwang mula sa
oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng paggawa. Makabubuting
alamin ang mga sirkumstansiya at mga dahilan ng iyong pagpapabukas nang sa gayun ay
mapamahalaan mo ito.
• Prayoritasyon – ito ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat gawin at tapusin sa
takdang oras. Sa pamamagitan nito, mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at matupad
ang iyong mga tunguhin.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras
• Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng direksiyon sa nais mong matupad. Magplano para
sa iyong buhay.
• Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na gawain.
• Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na gawain. Ang
pagsisimula sa pinakapayak at madaling gawain ay makapagdudulot ng kasiyahan o sense of
achievement.
• Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng pagkilos upang matapos nang maayos.
Magtakda ng araw kung kailan tatapusin ang gawain. Iwasang malihis sa ibang gawain. Mag-
focus.
• Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang sarili sa tuwing may natatapos na gawain.
• Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging matiyaga at kapaki-pakinabang.Huwag
susuko.
Pamamahinga at Paglilibang
• Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga at paglilibang pagkatapos ng iyong paggawa ay
magbibigay balanse sa iyong buhay.
Pagbubuod:
Ang pagsasapuso mo sa kahalagahan ng pamamahala sa paggamit ng iyong oras ay nakaaapekto
sa iyong sariling pag-unlad, sa iyong kapwa, sa lipunan at sa iyong ugnayan sa Diyos na Siyang
nagkaloob ng lahat ng bagay kabilang na ng oras.

You might also like