You are on page 1of 9

SMILE

(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet

Pangalan _______________________________________ Seksyon __________________

Ang Konsepto ng Demand

AP
APKasanayang Pampagkatuto
mula sa MELCs

Kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at salik na nakakaapekto


sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Tiyak na layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng Demand,
2. Nasusuri ang ugnayan ng presyo at demand ayon sa batas ng demand; at
3. Naipapakita ang ugnayan ng presyo at dami ng gustong bilhin o quantity demanded
gamit ang tatlong pamamaraan: demand schedule, demand curve at demand function.

Overview/
Pangkalahatang Ideya

Naranasan mo na bang mamili sa mga


Tiangge. Hassle di ba? Siksikan, mainit, at
maingay lalo na kung may okasyon tulad ng
Christmas, New Year at iba pa. Pero kahit
hindi komportableng mamili sa mga tiangge, dinadagsa
pa rin ito ng maraming mamimili. Higit kasing mura ang
presyo ng mga bilihin dito kaysa mga mall. Kaya nga
hindi mo ba napapansin, wala namang okasyon pero
hindi nawawalan ng sale sa mga mall. Epektibong pang-
akit kasi ito ng mamimili. Madalas, kahit wala namang Karaniwang eksena sa mga tiangge
planong bumili, naeengganyo ang magulang o kapatid Pinagkunan: https://tinyurl.comyxjhpdzk
mo na mamili dahil 50% off o kaya ay ‘buy 1 take 1”.
Samakatuwid, ang pangunahing salik na
nakakaapekto sa ating mga konsyumer ay ang
presyo. Ngayong ikalawang markahan, ipapakilala
saiyo ang dalawang mahalagang konsepto sa
ekonomiks, ang demand at supply. Sa pag-aaral ng
demand, mauunawaan mo bilang isang mamimili kung Pinagkunan:
paano maipapakita ang kagustuhan at kakayahang https://tinyurl.com/y5nudha7
bumili ng mga produkto at serbisyo bilang tugon sa
iyong mga pangangailangan at kagustuhan. Eksena sa mga mall kapag may sale
Pinagkunan: https://tinyurl.com/ydgxjvnq

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
1
Mga Gawain

Sagutan ang talahanayan sa ibaba. Unang lagyan ng tsek (/) ang mga bagay o
serbisyo na gusto mong bilhin. Pagkatapos ay isunod ang mga bagay na kaya
mong bilhin.
Ilan ba sa mga nakalista ang gusto Gustong Kayang
mong bilhin? Halos lahat diba? Pero Produkto/Serbisyo
bilhin? bilhin?
ang tanong lahat bang ito ay kaya mo
ring bilhin? Japanese cake
Sa Ekonomiks, hindi sapat na gusto Mango Tango
mo ang isang produkto o serbisyo.
Para matawag itong Demand dapat Sports car
meron ka ring kakayahan na bilhin Bananaque
ito. Bagama’t halos lahat tayo 5G Phone
umaasam na magkaroon ng Sports
BTS concert ticket
car o kaya Gaming Laptop, iilan lang
sa atin ang merong kakayahan na Face mask
bumili dahil sa napakamahal na Gaming Laptop
presyo nito.
Kaya’t iilan din lang sa atin ang may maituturing na demand para dito. Ikaw, alin ba sa mga
produktong nakalista ang meron kang demand? Ok lang yun, balang araw magkakaroon ka
rin ng Demand para sa mga bagay na pinakaaasam-asam mo.

DEMAND

Dami ng Produkto
Batay sa gawain
sa itaas, ibigay ang
tatlong mahahalagang
konsepto o salitang 1. 2.
kakabit ng . .
Demand.
3.
.

Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at


kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Sa pamamagitan ng demand, naipapakita ang ating kilos at gawi kung paano
natin tinutugunan ang ating mga pangangailangan upang mabuhay.

UGNAYAN NG PRESYO AT DEMAND


Ayon sa batas ng demand, kung hindi magbabago ang iba pang salik (ceteris paribus)
mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa dami ng produkto na gusto at
kaya nating bilhin o quantity demanded. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, bababa
ang demand natin para dito at kapag bumaba naman ang presyo, tataas naman ang ating
demand. Ang magkasalungat na ugnayang ito ng presyo at demand ay dahil sa tinatawag na
Substitution effect at Income effect. Suriin ang ilustrasyon sa kabilang pahina upang
maunawaan ito.

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
2
Juice lang Picture no. 1
muna Ipaliwanag ang naging
Sulit!
bibilhin reaksiyon ng konsyumer nang
ko tumaas ang presyo ng paborito
niyang cola? _______________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/y6cguzta

Bili ako ng 6 Picture no. 2


bagong sahod 4 na lang bibilhin Ipaliwanag kung paano nagbago
naman… ko, masisira ang demand ng konsyumer
ang budget nang tumaas ang presyo ng
namin gatas na madalas niyang
binibili?
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y6cguzta

Likas sa ating mga konsyumer na maghanap ng murang produkto. Sa picture no.


1, nang tumaas ang presyo ng Cola, napilitan ang lalaki na maghanap ng murang
pamalit dito tulad ng litro pack juice. Dahil dito, bumaba ang kanyang demand sa
Cola at tumaas naman sa juice na kahalintulad na produkto ng cola. Tinatawag itong
Substitution effect. Diba minsan mo ng narinig ang magulang mong nagsabi,
“gulay muna ulam natin ngayon ha, sobrang mahal ng isda at karne ngayon”. Kapag
nangyari ito, ang dati niyong mataas na demand sa karne at isda ay bababa habang tatataas
naman sa gulay.

Sa picture no. 2, hindi man naghanap ng pamalit pero binawasan ng konsyumer ang
gatas na kanyang binili. Sa pagtaas kasi ng presyo ng gatas, lumiliit ang halaga ng kanyang
pera lalo’t hindi naman nadagdagan ang kanyang kita o sahod. Tinatawag naman itong
Income effect. Kung ilalapat ito sa sitwasyon ng iyong pamilya, maaaring bumili pa rin ng
karne bilang ulam ang magulang mo pero hindi na kasingdami tulad ng dati. Malamang ang
magiging dialogue na nila, “tig-iisang piraso lang ha, mahal ang karne ngayon”.

Gawain 1.
Maging madiskarte!
s
Suriin ang dalawang sitwasyon sa kabilang pahina. Ipagpalagay na naharap ka sa
mga sitwasyong ito. Ilahad ang iyong maaaring gawin nang may pag-uugnay sa
substitution at income effect na tinalakay natin.

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
3
Sitwasyon blg 1.

Inutusan ka ng Nanay mo na mamalengke para sa tanghalian. Mga sangkap para sa


Chopsuey at pritong isda ang bibilhin mo. Una mong pinuntahan ang meat section para
sana bumili ng karneng pansahog sa chopsuey, pero napansin mong sobrang mahal ng
presyo nito. Kapag pinilit mong bumili ng karne, maaaring hindi mo na mabili ang iba pang
sangkap na kailangan mo. Ano ang gagawin mo? Ilahad ang iyong maaaring gawin batay
sa konsepto ng Substitution effect. ___________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sitwasyon blg. 2

Nagtaas ang singil ng kuryente bunsod ng sobrang init ng panahon. Nangangamba ang
magulang niyo na baka madoble ang babayaran niyong bill lalo pa’t inaabot kayong
magkakapatid ng madaling araw sa panonood ng TV at paglalaro ng online game sa
computer. Idagdag pa ang electric fan na halos buong araw na nakatutok sainyo. Ano ang
maaari mong gawin ukol dito? Ilahad ang iyong pwedeng gawin batay sa konsepto ng
Income effect. ___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 2. I-lapat Mo!


?
Higit pa nating mauunawaan ang ugnayan ng presyo at demand sa pamamagitan ng
tatlong pamamaraang ito: Demand Schedule, Demand Curve at Demand
Function. Ang Demand schedule ay talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at
gustong bilihin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo. Ang grapikong pagpapakita ng
ugnayan ng presyo at quantity demanded ay tinatawag na Demand Curve
samantalang Demand Equation naman kung sa pamamaraang matematiko ang pagpapakita
ng ugnayan.

Basahin ang kunwaring sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga gawain ukol dito.

Upang may pagkaabalahan noong panahon ng


lockdown, naisipan ng magulang ni Angelie na gumawa
ng cloth face mask. Dahil aktibo sa social media,
ibinenta ito ni Angelie online sa kanyang mga kaibigan.
Una itong inialok ni Angelie sa presyong Php50 bawat
isa at agad siyang nakabenta ng 10 piraso. Inisip ng
magulang ni Angelie na baka mataas ang presyong
Php50, kaya’t ginawa nila itong Php40. Sa bagong
https://tinyurl.com/57uwzd presyong ito, nakabenta si Angelie ng 20 piraso.
np
Dahil marami na rin ang nagbebenta ng face mask online, binabaan pa lalo
ni Angelie ang presyo nito sa Php30 at muli siyang nakabenta ng 30 piraso.
Napansin ni Angelie na habang binabaan niya ang presyo ng kanyang face
mask dumarami ang bumibili nito. Sa presyong Php20, 40 ang nabili at sa
presyong Php10, 50 ang bumili.

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
4
Demand Schedule para sa Face Mask
Batay sa binasang
Quantity
sitwasyon sa Punto Presyo bawat piraso
Demanded (Qd)
nakaraang pahina,
Ilista sa demand A 50 ?
schedule sa kanan B 40 ?
ang dami ng facemask na
C 30 ?
nabili o quantity demanded
ng face mask ni Angelie sa D 20 ?
iba’t-ibang presyo. E 10 ?
F 0 60

Ngayon naman, ilapat ang nilalaman ng Demand schedule sa blangkong graph sa


ibaba upang mabuo ang Demand curve para sa face mask ni Angelie. Lagyan muna
ng dot bawat punto bago iguhit ang linya ng demand. Tingnan ang punto B bilang
halimbawa. Kapag nailagay na lahat ng punto, ikonek ito ng linya para mabuo ang
Demand curve.

Demand Curve para sa face mask ni Angelie


50
Presyo ng face mask

40
B
30

20

10

0 10 20 30 40 50 60
Dami ng face mask

Ipinapakita ng demand schedule at demand curve na iyong nabuo ang iba’t-


ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded para sa face mask
ni Angelie. Halimbawa sa punto A na ang presyo ay Php50, sampu (10) ang
dami ng face mask na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang
presyo ay Php40, dalawampu (20) ang dami ng face mask na gusto at
handang bilhin ng mamimili.

Pamprosesong tanong:
1. Kung tutuntunin ang mga punto mula A hanggang F, anong kurba ang mabubuo,
pababa (downward sloping curve) o pataas (upward sloping curve)? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
2. Ang paggalawa sa kurba mula punto B hanggang punto E ay magreresulta sa ilang
pagbabago sa presyo at Quantity demanded?

Pagbabago sa presyo: ________ Pagbabago sa quantity demanded: ________

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
5
Gawain 3.
Mag-compute tayo

Ang ikatlong pamamaraan ay nangangailangan ng kaunting kasanayan sa Math. Ito


ay ang demand function. Gumagamit ang pamamaraang ito ng mathematical
equation upang tumpak na matukoy kung ilan ang magiging quantitiy demanded sa
tuwing may pagbabago sa presyo. Maaaring ipakita ang demand function sa
equation na:

Qd = a - bP
Kung saan: Qd = quantity demanded
P = Presyo
a = bilang ng Qd kung ang presyo ay 0
b = bilang ng pagbabago sa Quantity demanded (∆Qd)
bilang ng pagbabago sa presyo (∆P)

Sa equation na ito, ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable at


ang presyo o P naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakakapagpabago sa dami ng handa at kayang bilhin
ng mga mamimili.

Demand schedule para sa face


Kung gagawa tayo ng demand
mask
function equation para sa demand
Presyo bawat Quantiy
schedule ng face mask, ang magiging
piraso Demanded (Qd)
value ng:
50 10
a = 60 (ito ang Qd sa presyong 0) 40 20
30 30
(ang pagbabago sa Qd ay 10)
b=1
(pagbabago sa presyo ay 10) 20 40
10 50
Kaya, ang demand function equation
para sa face mask ay Qd = 60 – 1P 0 60

Gamit ang nabuong equation, maaari nang makuha ang dami ng quantity demanded kung
may given na presyo. I-substitute lang ang presyo sa variable na P at i-multiply ito sa value
ng b. Ang makukuhang sagot ay isu-subtract naman sa value ng a.

Halimbawa: Kung ang P = 40, ilan ang Qd = ? Kung ang P = 20, ilan ang Qd = ?
Qd = 60 – 1P Qd = 60 – 1P
Qd = 60 – 1(40) Qd = 60 – 1(20)
Qd = 60 – 40 Qd = 60 – 20

Qd = 20 Qd = 40

Pansinin na pareho ang naging sagot sa nilalaman ng Demand schedule sa itaas.


Samakatwid, tumpak ang ating nabuong Demand Function equation. Gets na? Subukan natin
sa pamamagitan ng gawain sa susunod na pahina.

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
6
Qd=60 – 4P Qd = 300 – 20P
Presyo Quantity Demanded Presyo Quantity Demanded
6 36 1 280
8 28 5 200
10 20 6 180
12 12 10 100
14 4 15 0
15 0

Rubrik sa
Pagpupuntos
Gabay sa pagpupuntos para sa Paunang gawain, gawain 1 at 2.

1 2 3 4 5
Blangko o walang Ang ibinigay na Hindi tumpak ang Tumpak ang Tumpak at
ibinigay na sagot sagot ay walang sagot subali’t sagot bagama’t maayos ang
kaugnayan sa maayos na hindi maayos ang pagkakalahad ng
hinihingi ng naipaliwanag ang pagkakalahad at sagot at
aytem o tanong sinasaloob ukol pagpapaliwanag nagpapahiwatig
sa paksa ukol dito ng malalim na
pagkaunawa sa
paksa

Susi sa Pagwawasto
(Para sa guro)
Gawain 1. Sitwasyon 1. Walang eksaktong sagot. Sa halip, pansinin ang pagiging malikhain
ng mag-aaral sa pagbibigay ng mas murang alternatibo sa karne bilang pansahog
sa chopsuey tulad ng tokwa at mga processed food tulad ng longganisa, sliced ham
at fishball. Maaari din sa halip na chopsuey, pinakbet na lamang ang kanyang lutuin
upang makabili pa rin ng karne.
Sitwasyon 2. Anumang naisip na pamamaraan upang makatulong sa pagtitipid ng
bayarin sa kuryente tulad ng paglilimita sa oras ng paglalaro at panonood ng TV at
regular na paglinis sa electric fan upang maging energy efficient ito.

Gawain 2.
Demand Schedule para sa Face
Mask
Presyo Quantiy
Punto bawat Demanded
piraso (Qd)
A 50 ? (10)
B 40 ? (20)
C 30 ? (30)
D 20 ? (40)
E 10 ? (50)
F 0 60

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
7
Pamprosesong tanong:
1. Downward sloping curve. Dahil pinapakita nito ang salungat na ugnayan ng presyo at
demand na habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand para sa isang
produkto.
2. Pagbabago sa presyo = 30 Pagbabago sa quantity demanded = 30

Gawain 3.

SANGGUNIAN:

Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward DJ. Garcia, Apollo D. De Guzman,


Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group Inc.
https://tinyurl.comyxjhpdzk

https://tinyurl.com/ydgxjvnq
https://tinyurl.com/y6cguzta
https://tinyurl.com/57uwzdnp

Inihanda ni:

JUNROY Z. VOLANTE
MT I, Camarines Sur National High School

Validator:

JARME D. TAUMATORGO
EPS I - Araling Panlipunan, SDO Naga

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
8
NOTE: ito lang ang ipapasa sa itinakdang araw ng pasahan)

ANSWER
SHEET
ARALING PANLIPUNAN 9
Ikalawang Markahan – Learner’s Packet 1
ANG KONSEPTO NG DEMAND

Pangalan: _______________________________ Seksiyon____________

Iskor
GAWAIN 1. Maging madiskarte!
Sitwasyon blg 1. ______________________________________________________

Sitwasyon blg 1. ______________________________________________________

GAWAIN 2. I-lapat mo!

Pamprosesong tanong:
1. Kung tutuntunin ang mga punto mula A hanggang F, anong kurba ang mabubuo,
pababa (downward sloping curve) o pataas (upward sloping curve)? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________

2. Pagbabago sa presyo: _________ Pagbabago sa quantity demanded: _________

GAWAIN 3. Mag-compute tayo!

RO_AP_Grade 9_Q2_LP1
9

You might also like