You are on page 1of 17

Aralin 11

KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID,


AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
Balik-aral:
• Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng
produkto ay nangangailangan ng sapat na
kasanayan at kahusayan.
• Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat
naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa
sarili, kapwa at sa Diyos.
• Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang
nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng
kagalingan sa paggawa.
Panimula
• Kahit anong bagay at
anumang larangan ang
ating gagawin, kailangan
natin ang kasipagan.
• Kung walang sipag ang
isang tao, wala siyang
matatapos.
Ano ang kasipagan?
• Ito ang pagsisikap na gawin
at tapusin ang isang
gawain ng may kalidad.
• Ang kasipagan ang
tumutulong sa isang tao
upang mapaunlad niya ang
kanyang pagkatao.
Palatandaan ng Kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
– Hindi nagmamadali sa ginagawa.
– Sinisiguro na maayos ang kalalabasan
– Hindi nagpapabaya sa gawain
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
– Binibigay niya ang kanyang puso sa ginagawa.
– Sinisiguro niyang may kalidad ang kanyang
gawain.
Palatandaan ng Kasipagan
3.Hindi umiiwas sa anumang
gawain.
–Hindi na niya kailangang utusan
upang gawin ang isang gawain.
–Hindi naghihintay ng anumang
kapalit sa gawain.
Ano ang katamaran?
• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan.
• Ang isang taong tamad ay ayaw
tumanggap ng gawain.
• Ang katamaran ang pumapatay sa isang
gawain, hanapbuhay o trabaho.
• Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong
layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng
may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang
tao.
• Sa kabila ng mga balakid ay hindi siya dapat
panghinaan ng loob at kinakailangan niyang
magpatuloy at maging matatag.
Ano ang pagtitipid?
• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang
saysay.
• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na
hindi lamang mamuhay nang masagana kundi
upang higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging
mapagkumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka. Ito ang
pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapag-ipon
ng salapi na siyang magagamit sa
ating pangangailangan sa takdang
panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran upang
kitain ito. Kaya kailangan na
gastusin ito sa tama upang huwag
itong mawala.
Kahalagahan ng pag-iimpok?
• Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi
inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng
tao. Mahalaga na may emergency fund
sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang
makabangon mula dito.
• Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa
hangarin sa buhay ay bahagi ng ating
kaganapan sa buhay.
Kahalagahan ng pag-iimpok?
• Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa
pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay
kakayanin mo pa ang magtrabaho.
Kailangan na tratuhin
ang pag-iimpok na isang
obligasyon at hindi
opsiyonal.
-Francisco Colayco
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA
• Ano-ano ang mga indikasyon ng
taong nagtataglay ng kasipagan,
pagpupunyagi, pagiging matipid
at wastong pinamamahalaan ang
naimpok?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://www.pinterest.com/explore/hard-work-
quotes/
• https://school.discoveryeducation.com/clipart/
clip/success-boy.html
• http://www.supercoloring.com/coloring-pages/
labor-day-salute-to-you-the-american-worker
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO
ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

1. Ang pagsisikap na gawin at tapusin ang


isang gawain ng may kalidad.
2. Ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
3. Ang pagtitiyaga na maabot o makuha
ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO
ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

4. Ito ang hindi paggasta ng pera nang


walang saysay.
5. Paraan upang makapag-ipon ng
salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang
panahon.
SAGOT:

1.kasipagan
2.katamaran
3.pagpupunyagi
4.pagtitipid
5.pag-iimpok

You might also like